**66** Nang dahil sa first love
**66**
<DJ's point of view>
Nasa bahay na kami ngayon... At bakas pa rin sa mga namin ang lungkot, galit, panghihinayang, at inis...
Sa kwarto ni Lola Juliana...
"Are you okay DJ?" tanong sakin ni Lola
"Opo naman po. Kayo po ba?" ako
"Yes. I'm alright. Thanks for always being strong DJ."
"Wala po yun lola. Kaya ko po lahat gawin para sa pamilya ko."
"Thanks DJ." ni-hug ako ni lola. Kaming dalwa lang dito sa kwarto niya. Yung iba nasa baba. Nag-aayos ata. Si Edok naman dito rin tutulog sa bahay.
"Inaway ka po niya dahil lang sa business, ano kayang klaseng tao siya." di ko na natiis na di sabihin eh
"Haha, apo relax! Ang alam ko hindi lang dahil sa business ang minamaktol ni Dona eh." si Lola
"Ah? Eh ano naman po iyon?"
"Noong college kami, iisang boarding school ang pinasukan namin at parehas din na Arts and Designs ang kinuha naming course. Magkaibigan kami nun, actually, we are bestfriends."
"Huh? Eh pano po niya kayo nagawang bastusin kanina?"
"It's because of love. Haha, nakakatuwang isipin na parehas kami ng first love." nangingiti-ngiti pa si Lola
Naghihintay lang ako sa sasabihin niya...
"Parehas kaming nagmahal sa iisang tao, parehas din kaming nasaktan. Iniwan ako ni Dona, ang bestfriend ko para lang sa pag-ibig."
Woah? Parang kami lang ni Maldy ah? Pero salamat na lang at ngayon ay maayos na kami...
"Ano pong sunod na nangyari lola?" ako
"Ikinasal kami ng Lolo Dante mo. Yung first love ko. Lalong tumindi ang galit sa akin ni Dona. She even cursed me. Pero sabi ni Dante wag na lang daw naming pansinin kaya nagpatayo kami ng business. Yung Yellow Stone Company. Nung simula, kami lang dalwa ng lolo mo ang naggagawa ng designs hanggang sa sumikat ang kumpanya at lumawak ito hanggang sa yumaman na kami ng lolo mo. Dahil sa may ikakabuhay na kami, naisipan naming magka-baby at yun ang mommy mo DJ. Si Jolina. Siya ang kaisa-isa kong anak." hawak hawak ni lola ng picture ni lolo... patay na kasi si lolo eh. sayang di ko siya nakita at nakausap ng personal
"Ang swerte naman po pala ni mama."
"Tama ka jan. Nagkagusto ang mama mo sa anak ni Dona pero hinadlangan yun ni Dona at nagtayo na din siya ng kumpanya, ang Red River. Wala siyang pakelam sa pagmahalan nina Jolina at Koy."
"Lola, ibigsabihin hindi po pala si tatay Dino ang first love ni mama?"
"Oo DJ, pero ang tatay mo ang pinakamabait na lalaki na nakilala ko dahil siya ang dumamay sa mama mo sa kalungkutan hanggang sa magmahalan sila. Pero yun nga lang nagkasakit si Jolina at kailangan niyang lumayo sa inyo para sa ikakabuti. Pasensya na apo ha. Masyadong naging duwag yung mama mo."
"Haha, lola naman. Ayos na po yun. Pero asan na po yung first love ni mama? Yung si Koy?"
"Pinadala siya ni Dona sa ibang bansa dahil nga ayaw niyang magkatuluyan ang anak ko at ang anak niya. Kaya itong si Koy dun na nag-asawa sa ibang bansa. At yun nga nagkaroon siya ng anak, sina Katarino at Maldy..."
Wwwhhhaaattt???
"Ah?! So nakita ko na pala po siya. Nung graduation po kasi ni Katarino, nagpunta po ako kaya nakita ko po ang mga magulang niya."
"Hahaha, oo si Koy nga yung daddy ng bestfriend mo at nung future boyfriend mo. Am I right?" haha, si lola nang-aasar
"Lola naman iihhh!" namumula na tuloy ako
"Hahaha, I'm just joking."
"Salamat po lola ah. Ang dami ko pong nalaman... Geh, lola. Good night bukas na lang po ulit!" binigyan ko si lola ng good night kiss
.....
Lumabas na ako ng kwarto at nakapag-isip-isip.
'Magawa din kaya ni Lola Dona ang nagawa niyang paghihiwalay niya noon kay Mama at kay Tito Koy sa amin ngayon ni Katarino?' naisip ko
"Hayyy!!! DJ, wag mong isipin yan OK?!" sigaw ko
"Hah? Anong wag mong iisipin?"
"AY! BAKLA!" ako
"Hanggang kelan mo ba akong aasarin na bakla?" si Edok
"Nakakagulat ka ei! Oh, san ka tutulog?" ako
"Sa kwarto mo din. Tabi tayo." nakangising sabi ni Edok
"Ano?! Upakan kita jan eh!!!" ako
"Hahaha! Joke lang! Sa guest room ako. Geh, goodnight na babe."
"Ok, goodnight. Babe mo mukha mo!" tumakbo na ako papuntang kwarto ko
"Oi, good night kiss ko!"
Hahaha! Manigas ka jan!
Bakit ganun? Lagi na lang nanjan si Edok pag malungkot ako? Dahil nga utol ko siya. Yun lang... (*-*)
........
Good Morning to me!!! Isang bagong umaga na naman...
At ngayon ay... (*-*)
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
EXAM KO NA???!!!
(T____________________T)
Nakakakaba naman... (-,-)
........
Nasa YOU na kami! Ambilis ng mga pangyayari ano?! XD
Ang kasama ko lang ngayon ay sina Nova, Edok at Kuya Dick :)))
"Oi, tol good luck! Ay, kuya goodluck din sa pag-a-apply mo." sabi ni Edok samin ni Kuya
"Salamat pre! Na-miss kita ah!" tinapik ni Kuya Dick ang balikat ni Edok
"Hahaha, geh sa food court na lang namin kayo hihintayin ni Nova. Atsaka DJ, mabisita mo sana si Ate Gracia ah!" si Edok
"Haha, oo naman. Miss na nga rin siya ni Kuya Dick eh!" sinamaan lang ako ng tingin ni kuya
"Geh, una na kami. Pagdasal nyo kami ah." si Kuya
"Okie! May dala kaming kandila at rosaryo dito." si Nova
"Sigurado ka???!!!" ako, si Kuya at si Edok
"Haha, eto oh." pinakita niya samin yung kandila at rosaryo "OA, nyo ah?!"
"Geh, una na kami ah!" ako
.......
Fast Forwarrd »»»
Tapos na ang exam...
"6 hours akong nag-isip... 6 hours akong naghirap... 6 hours akong nag piga ng utak... 6 hours ng pag-asa..." bulong ko sa sarili habang papalabas ng exam room
"Yeeessss!!! Natapos ko ang exam na yun ng buhay at buo pa ang body parts!!!!!" naisigaw ko yan paglabas ng exam room
Pinagtatawanan tuloy ako... (-,-)
Nakakahiya pero wala akong pakels! :P
Pupunta na akong food court!
......
Sa Tummylicious...
Tahimik lang sila na magkakaharap... Sina Kuya Dick kaharap ni Ate Gracia na mukhang nag-away. Tapos sina Edok at Nova na nakatingin lang sa dalwa. Sarap nilang picturan...
"Hellu! Wazzap guys?!" ako na feel na feel ang bawat moment kasi tapos na anh exam pero wala pang results XD
"DJ, uwi na ako. Tanggap nga pala ako sa trabaho. Geh maiwan ko na kayo jan." ayun umalis na nga si Kuya Dick
"Anung nangyari dun? Bat badtrip?" ako sabay upo sa upuang inalisan ni kuya
"Hay naku. Wag mo ng intindihin yang kuya mo. DJ, na-miss kita!!! Ganda ganda mo ngayon ah! Infairness!!!" si Ate Gracia
"Ako nga din Ate eh. Ano nga munang nangyari?" nanonood lang sina Edok at Nova samin ni Ate Gracia
"Hay, ewan?! Kain ka oh. Inihanda ko talaga sayo yan nuh! Biruin mo 7 am to 1 pm ka kaya nag-exam! Di ba nakakagutom yun?!" si Ate Gracia
"Ah eh? Okey!!! Gutom na gutom na talaa ako eh!" ako
Napangiti naman si Ate Gracia...
"Mamaya na lang ako magtatanong kung anong nangyari... *evil smile*"
Napasimangot naman si Ate Gracia...
"Hahaha! Akala mo makakalusot ka noh! Di kaya! Edok, Nova, mamaya magkukwentuhan tayo ah!" natatawang sabi ko
"Oo ba! Basta tungkol sa LQ!" si Edok
"Hahaha! Naku, marami akong chikarets!" si Nova
Napasimangot pa lalo si Ate Gracia. At tawanan kaming tatlo dahil sa kanya XD
Pagkatapos kong chumibog...
"Oh, ano ngang nangyari... Abeeerrr???!!!" ako habang nagpupunas ng tissue sa bibig ko
"Eh kasi nung nagkita yung kuya mo at si Ate Gracia ay may war na naganap... Eto i-flashback nateyn! Shempre si author ang mag-f-flashback! Di ba?" si Nova
<Author's Note: Oo na... Ikaw na ang boss (-,-) >
<pretty author's point of view>
*flashback*
<A\N: As requested... (-,-) Nakakahiya eh...>
Kumakain lang sina Edok at Nova sa Tummylicious...
"Ano may order pa ba kayo?" si Ate Gracia
"Yes!!! Ang charap-charap naman dito!" si Nova
"Ok. Basta babayaran nyo ah!" Ate Gracia
"Ate Gracia, anjan na nga pala yung prince charming mo" si Edok
Nakita ni Gracia na papalapit sa kanya si Dick at nagslow motion ang lahat!
Napangiti siya ng hindi sinasadya tapos...
"Pssshhh... Nova, Edok? Bakit kayo nakikisama sa mga baduy?" mayabang na sabi ni Dick at umupo sa upuan
Na-break into so many pieces ang heart ni Ate Gracia...
"Ouch! Ate ayos ka lang?" si Edok
Nakahawak kasi si Ate Gracia sa puso niya at parang hihimatayin...
"Oh ano? Lalabanan mo na naman ako?" sabi ni Dick kay Gracia
"Ano bang problema mo!" nilapitan ni Gracia si Dick
"Ikaw! Bakit kasi la---" Dick
"Ako na naman? Di mo ba alam na gustung-gusto kita simula pa lang! Nagawa ko ngang baguhin ang sarili ko eh pero sabi ni DJ di ko kelangang magbago. Kung para tayo sa isa't isa, tatanggapin mo talaga ako!" Gracia
Natahimik lahat sila na nasa table. Napahigop na lang ng juice sina Edok at Nova...
At dumating na si DJ...
*end of flashback*
<DJ's point of view>
"Ah! So yun pala ang nangyari!" ako
"Oo! Ang intense nga ng pangyayari kanina eh. Para kang naonood ng movie ng harap-harapan." si Nova
"Dapat pala nai-video ko! Pang-youtube!" si Edok
"Hahaha, tigil na nga! Inis na inis na si Ate oh!" hinawakan ko ang kamay ni Ate Gracia "Hayaan mo ate, kakausapin ko si Kuya. Lilinawin ko kung ano ba ang problema niya..." ngumiti ako
"Thanks DJ... Oh kelan ba ang results ng exam?" si Ate Gracia
"Bukas na nga eh. Nakakakaba nga!" ako
"Sana pasa ka DJ para sabay-sabay na tayong mag-eenroll bukas tapos babalitaan natin si Katari--- Ahm... Sorry..." si Nova
"Ahehehe... De ok lang. Ate Gracia bukas na lang uli ah. Uwi na kami. Thanks!" ako
"Ok! Ipag-p-pray ko na sana OK ang results!" Ate Gracia
"Thanks! Teka nagrosaryo ba kayo kanina?" tanong ko kay Nova
"Ha? Oo naman. Sayang naman ang pagdala ko nun kung di ko gagamitin at saka nagtirik din kami ng kandila noh!" si Nova
"Ah! Thanks ah! Kaya pala ang gaan ng pakiramdam ko kanina..." ako
"Basta para sayo!" sabay pa sina Nova at Edok
Swerte ako na may mga kaibigan ako na ganito... (*-*)
**End of 66**
Sensya na po kung na-late ang update!!! Nag-gi-guitar lesson kasi ako!!! Hihihi...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com