Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

**68** DiaRinong Panget xD

**68**

<DJ's point of view>

Anong irereply ko???

Ano ba yan???!!!

To: My Crush

Magkita tayo sa basketball court ng BADTRIP.

*end of text*

Pagkatext ko sa kanya nun, agad agad na akong sumakay ng jeep para pumunta sa tagpuan namin. Hindi ko alam pero gustung-gusto ko na rin siyang makita...

Pag-ibig na kaya? Pareho ang nadarama???

Hahaha, kanta yun eh...

Pero pramis mga dre. Pag-ibig na talaga ang nadarama ko...

Pagdating ko sa basketball court ng BADTRIP, andun na siya nakaupo sa bench. Akala ko ako lang yung excited eh mas excited pala toh.

Nung nakita niya ako... Tumakbo siya papalapit sakin at niyakap ako...

"DJ, please..." bulong niya sa'kin

"Hah???" ako

Lumuhod siya bigla at sinabing...

"Will you be my girlfriend? Wala akong pakelam kung sabihin mo sa sarili mo na hindi tayo bagay. DJ, ang mahalaga mahal kita. DJ, I love you... Just the way you are. Ikaw DJ, do you love me too???" sabi niya sabay smile

*boom tboom lalalalala boom tboom lalalalala TBOOMMM!!!* <--- heart beat ko (-,-)

"Ahm..." kamot ulo "Kasi..." kamot ilong "Alam mo..." kamot braso

"DJ, malamok ba? Sasagot ka lang naman ng yes or no eh." supladong sabi sakin ni Katarino, kainis (-,-)

"Yes..." bigla na lang yang napalabas sa bibig kong bakla

Napatalon siya at niyakap ako...

"For now on, you're my girlfriend and I'm your boyfriend. I will be your only Romeo and you will be my only Juliet. Understand???!!!" siya

Tumango lang ako... Pero deep inside kumakawala na ang mga paru-paro at ang kakirihan kong matagal na nagtago kaya nayakap ko din siya...

"Katarino..."

"Hhhmmmm???"

"Wag mo akong iiwan ah."

Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya pero alam ko naman talaga na hindi niya ako iiwan eh atsaka masaya na ako ngayon na yakap yakap niya ako...

Sana pang habang buhay na ito...

.......

Sa bahay...

Hinatid ako ni Katarino at hindi matanggal sa labi ko ang aking napakatamis na ngiti...

Sinalubong ako ng mga baliw kong kuya...

"Congrats ah! Kayo na pala!" sabi ni Kuya Jasper na may nakakalokong ngiti

"Oo nga. Pasopas na yan!!!" sabi naman ni Kuya Dick na may mas nakakalokong ngiti

Walanjong Katarino ka!!! Na-ichismis agad ah! (-,-)

Nagdirediretso na agad ako sa kwarto ko...

Pagbukas ko ng pinto andun si Nova...

"Congrats Ateng!!! Yey!!! Sa wakas kayo na! I-push nyo yan ah! Wag nyong pansinin yung lola niyang ubod ng taray!" buong sigla niyang sabi

"Sino pa ba sa bahay ang di nakakaalam nito?" masungit kong sabi

"Sungit ah! Di nakakaalam? Wala! Alam nilang lahat! (*-*)v "

"Pati si Lola Juliana???!!!"

"Oo naman! Masaya nga siya para sayo eh. Wag kang mag-alala kasi di naman siya katulad nung si Lola Dona pero ibinilin sakin ni lola na mag-ingat ka daw ah!"

"Hah? Ah, o-oo n-naman!" pati ako kinakabahan eh

Katarino, wag mo naman sana akong isusuko...

"Oh tama na ang drama ateng! Tulog na! Tomorrow is another day! Ipapakita na ang results!!! Good night DJ!"

"Hahaha, oh sige. Good night din Nova."

.........

Kinabukasan...

"Ayaw mo ba talagang sumama sa bulletine board?" si Nova

"Oo na kayo na lang muna ni Edok ang tumingin! Kinakabahan ako eh!" ako

"Oh sige, ikaw ang bahala." si Edok

Pumunta na sila dun sa bulletine board para tignan ng results ng exam. Kung nakapasa ba ako o hinde.

Kasama ko ngayon sina Nova, Edok at Kuya Dick. Si Kuya Dick asan? Hahaha! Iniwan namin kay Ate Gracia para makapag-usap sila ng maayos. Pano ko siya napapayag? Sinabi kong pag hindi siya nakipag-usap kay Ate Gracia, sasabihin ko kay lola na wag siyang bibigyan ng allowance ng isang taon. Wahahahaha!!! Kaya ayun pumayag.

Bumalik na sina Edok at Nova...

Malulungkot ang mukha nila...

Nahawa ako at napalungkot na din ang mukha ko...

"Oh bakit? Bad news ba?" malungot kong sabi

"DJ... :( " si Nova

"Wag kang magugulat ah. Alam naman naming pinaghirapan mo yun eh." si Edok

Di ko alam kung anong gagawin ko kaya napaluha na lang ako...

"Ahehe, g-ginawa ko naman ang lahat ah. Bakit di pa rin ako nag-success?" umiiyak na ako

"Ha? Shunga ka ba?" si Nova

"Hah???!!! Bakit naman?" ako

"DJ, wag kang magdrama. Pasa ka naman eh. Mag-eenroll na nga kaya tayo eh. Tara!" si Edok

"Anooooooo???!!! Pasa ako???!!!" ako

"Oo!" silang dalwa

"EH PINAGLOLOLOKO NIYO AKO EH. BAKIT ANG LULUNGKOT NG MGA PAGMUMUKHA NIYO KANINA???!!!"

"Wahahaha!!! DJ, wag highblood. Tinignan lang namin ni Nova expression mo at wahahaha!!! Grabe nakakatawa!" Edok

"Hali nga kayo!" tinanggal ko ang sapatos ko at inamba na ibabato ko sa kanila

Tumakbo naman silang dalwa... Wahaha... Lagot kayo sakin! >:D

Sa paghahabulan namin, nakasalubong namin si Maldy at Henry.

"Hi DJ!" si Maldy

"Ahm... Hello!" ako

Napatingin ako kay Henry na nakaakbay na kay Maldy... Di ko alam pero bakit wala na akong nararamdaman sa kanya... Siguro dahil mahal ko na nga si Katarino... :"]

"Ahm, kami na nga pala ni Henry... FOR REAL!!! Hahaha..." masayang sabi ni Maldy

"Wow, congrats ah!" masayang tugon ko

"Congrats din DJ! Ayyyiiieee!!! Sila na ni Kuya Rino!" si Maldy

"Ahehehe... Oo nga eh."

"May sinabi ba si Kuya about sa pag-alis---" naputol ang pagsasalita ni Maldy dahil sa biglang pagdating ni Katarino

"Hi Loves ko!!! Tara, kain tayo. Libre ko kayo." sabi ni Katarino samin nina Maldy, Henry, Nova at Edok

"Loves mo mukha mo! :P " ako

"Asusss!!! Kilig ka naman. Tara na!" si Katarino

Ayun umalis na kami. Nasa likod namin si Maldy sa paglalakad, lumingon ai Katarino kay Maldy na para bang naiinis ito. Si Maldy naman ay mukhang malungkot ang mukha. Ano kayang nangyari?

Wala siguro yun! Baka away magkapatid lang! (*-*)

.......

Nagpunta kaming walo sa SM. Oo anim kami... Ako, sina Katarino, Maldy, Henry, Edok, Nova, Kuya Dick at Ate Gracia...

Sabi ni Katarino. Quadruple date daw ito kaya naging awkward sina Nova at Edok sa isa't isa kasi niloloko namin sila na bagay silang dalwa. Tapos sina Kuya Dick at Ate Gracia naman ay napansin kong bati na. Ang sweet nila eh :"] . Sina Maldy at Henry naman, for real na talaga ang relasyon nila kasi napapansin ko na tunay din ang mga ekspresyon nila sa isa't isa. Kami ni Katarinio. Hahaha, ganun pa den. Kulitan lang (-.-)

Nauso din sa araw na ito ang tawag nila samin na DiaRino... Love team daw (-,-)

Tapos bigla namang nagjoke si Edok...

"DiaRino? Di ba movie yun? DiaRinong Panget???"

Ayun napagsasapak siya ng mga kasama namin...

Dahil nabanggit na din niya ang Diary ng Panget, nanood na din kami :)

Masasabi ko na napakasaya ng araw na ito dahil kasama ko silang lahat.

**End of 68**

Sorry po kasi napaka-late ng update. Shempre ineenjoy ako ang bakasyon eh! xD

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com