Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1

Red Butterflies,  Act Like a Bride

Sarina's POV

-----

                 Napabuntong-hininga ako,  gabi na pero nandito pa rin ako sa school. Tapos na ang klase ng ibang seksyon pero patuloy pa rin ang aming klase.  Nilingon ko ang wall clock ng classroom,  it's already 6 in the evening.  Forty minutes pa bago magtapos ang klase. 

Muli kong itinuon ang atensyon sa guro namin,  it is our elective class.  Theater Arts. 

Nag-aaral kaming um-acting ng tama,  'yung kapani-paniwala.  Dapat maantig ang damdamin ng mga manonood. 

Ngayon,  tinatalakay ni ma'am kung paano umiyak ng basta-basta. 

Mukha siyang baliw sa harap habang pinipilit na umiyak sa kaliwang mata,  ang mga mata niya nababalot ng damdamin na 'di ko mawari kung ano. 

Nangunot ang mga noo ko,  mukha na siyang ewan pero sige pa rin! 

Ayaw kong umarte na ganyan ang itsura. 

"Psst. " napalingon ako.  Nakatingin sa akin si Eula habang may hawak na papel. 

Naningkit ang mga mata ko habang sinusubukang basahin ang nakasulat rito. 

Cr tayo? 

Tumango siya sa direksyon ko habang nakangiti.  Wala sa wisyo ako na tumango rin.  Inaantok na ako sa totoo lang,  gusto ko nang sugurin ang malambot kong kama at ikulog ito sa aking bisig pero nandyan ang villainess na si Mrs.  Esguitta na pilit na humahadlang sa aking nais. 

Baka kapag binasa ko ng tubig ang mukha ko magising muli ang aking sistema. 

Nag-paalam saglit si Eula kay Ma'am bago niya ako sinyesan na tumayo na.  Una siyang lumabas sa classroom samantalang ako ay nakabuntot sa kanya. 

Madilim ang pasilyo papuntang restroom,  tanging ang tunog lamang ng mga sapatos namin naririnig.  Nakakapanibago,  tahimik si ate Eula. 

Hinabol ko ang bilis ng lakad niya,  tumingin ako sa mukha niya.  Nakangiti ito ng parang baliw.  Wala namang nakakatuwa upang ngumiti siya ng ganyan,  baka sinapian na siya. 

Pagkapasok namin sa restroom,  halos magkabingi-bingi na ako ng bigla siyang tumili.  Niyakap niya ako ng pagka-higpit-higpit sabay tumalon-talon pa. 

Muntik na nga ako ma-off balance. 

"O-oy!  " saway ko rito. 

Binitiwan niya ako pero bigla niya akong sinampal sa magkabilang pisngi ko,  buong lakas niya ito nginurot.  Napadaing ako sa sakit pero di niya pa rin ito binitawan. 

"Balak mo po ba ako patayin?! " nahihirapan kong tanong. 

Umiling siya,  medyo lumayo na siya sa akin.  Pero hindi pa rin mawala ang ngiti sa kanyang mga labi.  Sinasabi ko nga ba,  baliw na 'to. 

"Alam na niya! Alam na niya! " paulit-ulit niyang sinabi sa akin. 

Nangunot ang noo ko habang hinihimas- himas ang kawawa kong pisngi. 

"Nino? " untag ko. 

"Ni Aevon!  Nung nagtapat ako tumingin lang siya sa akin 'tas ngumiti!  Namula pa ako 'non,  tapos 'nung tinanong ko kung gano'n rin ang nararamdaman niya sa akin ang sabi niya.. 

Hell won't froze if I do. "

"Oh? " iyun pala ang ibig niyang sabihin.  Akala ko naman kung ano na. 

Isang simpleng love confession. 

"Tapos alam mo ba... " nagpatuloy pa ang kwento slash tili niyang salaysay. 

Buti na lang hindi sensitive 'tong taenga ko kung 'di lagot na.  Kawawa naman ears ko. 


------


Pagbalik namin sa classroom,  nagsisiguluhan na ang mga classmate namin sa room.  Napabaling agad ang tingin ko sa teacher's desk.  Kaya pala,  wala si ma'am. 

"Nasaan si Ma'am? " tanong ko sa seat mate ko. 

Tumingin siya sa akin.  "Kinausap ng principal,  " tugon nito. 

Muli nitong itinuon ang atensyon sa MP3 niya. 

Umupo na lang ako,  muli ko na namang tiningnan ang wallclock.  25 minutes pa.  Que bagal naman ng oras! Gusto ko nang umuwi. 

Binuklat ko ang likuran ng notebook ko.  I stared at my unfinished sketch.

Kahit hindi naman ako gano'n kagalong sa pagguhit eh naging hobby ko na ito. Sa tuwing nag-dro-drawing kasi ako animo'y bumibilis ang oras. Kaya kapag nakakaantok ang teacher o ang tinuturo nito ay gumuguhit na lang ako.

'Di naman kasi halata. Parang nag-te-take notes lang ako, pero malas ko lang kung bigla akong tinanong.

Sinimulan ko nang ayusin ang lining ng mga mata ng drawing ko. Nakangiti ito ng matamis, mahirap i-sketch ang mata nitong puno ng saya.

Kapag kasi gumuguhit ako ang gusto ko kapag tinitigan ko ay nahahawa ako damdamin. Nasubukan ko ng mag-drawing ng umiiyak na babae nung minsang bumagsak ako sa quiz namin no'n sa Math.

At kapag nakikita ko ito, nababad-trip ako at the same time pinapaalala sa akin nito na mag-aral ng mabuti para hindi ka bumagsak. Mahirap talaga kapag naging kampante ka. 

Bumukas ang sliding door ng classroom,  nagsi-balikan ang mga classmates ko sa kanya-kanyang upuan.  Natigil ako sa pagguhit,  pumukaw sa pansin ko ang isang lalaking nakatayo ngayon sa aming harapan. 

He has black hair and somewhat grayish eyes,  maputi at mukhang matipono.  Nakangiti siya pero pilit. 

"I am Yuan Lui Quazion,  and I will be your new teacher. " nagsimulang mag-ingay ang mga kaklase ko.  Nagtinginan sila. 

"I am 22 years old,  graduated at the age of 17; I prefer to be called Mr.  Lui nothing else, " introduksyon nito. 

"For the last 10 minutes of our class hour can you please introduce yourselves? " sinimulan ito ng aming class president sumunod ang Vice and so on. 

'Nung ako na magpapakilala biglang tumunog ang school bell,  hudyat na uwian na.  Napangiti ang mga lalaki sa likuran ko dahil hindi sila naabutan ang mga babae naman ay mukhang ayaw pang umuwi. 

"Class adjourn, " anunsiyo ni Sir Lui. 

Agad akong tumayo sa upuan ko para ibalik ang mga nagkalat kong mga gamit sa bag. 

Hindi kasi ako organized na tao,  exception na lang sa mga mahahalagang bagay tulad ng Week Schedule. 

"Ah..  Sir, " napukaw ng pansin ko kaklase kong lumapit sa guro namin.  Nakangiti ito sa estudyante niya. 

Mas lumawak ang ngiti nito nang mapakinggan ang sinabi ng kaklase ko,  mukhang pabulong lang pagsabi nito dahil hindi ko narinig.  Binawi ko na ang atensyon ko sa kanila,  agad komg isinakbit ang bag kong maroon sa likod ko bago umalis. 

'Di ko alam kung guni-guni ko lang pero may naramdaman akong mga pares ng mga matang nakatingin sa akin. 

At sa direksyon ito ng bago naming guro.



-----




"Yow Rina! " bati sa akin ni Krass sa may sala. 

Nakatalikod siya sa akin dahil nakaharap siya sa tv,  dalawa lang kami ngayon sa bahay.  Wala kasi si mama at papa si kuya Ruiz naman nasa kolehiyo na. 

"Ate Krass.. " bati ko naman rito. 

"Tinawagan mo na ba si Satina? " tanong niya sa akin.  Nilingon ako nito.  Kumunot ang noo ko,  para saan? "Hmm? 'Wag mong sabihin 'di mo pa alam?  "

"Eh hindi po, "

"Ganito kasi 'yon,  kilala so Elisa-b'tch diba? "

Napa-nod ako rito.  Kumuha ako ng apple mula sa fruit basket namin,  pasalampak akong tumabi sa kanya sa couch.  "Oh tapos? " intriga ko pa. 

Nagpatuloy siya sa pagkwento,  hindi ko maiwasang mapa-ngiwi.  Usapang pag-ibig na naman,  alam naman ni ate na ayaw ko iyang klaseng usapan.  Nawawalan ako ng gana,  nakakawalang interest naman.  Maraming mga bagay na dapat nating problemahin pero pinipili ng karamihan na problemahin ang pag-ibig. 

Tapos mag-re-reklamo pa kapag nasaktan. Eh gan'on talaga,  pinili mong magmahal.  Kaakibat nitong masaktan ka 'yung iba hindi matanggap ang sakit na idinulot ng sinisinta,  hayun nagpakamatay. 

Kawawa naman ang buhay na ipinagkaloob sa iyo,  sinayang mo lang dahil sa pesteng pag-ibig na 'yan. 

"Hoy! " napa-atras ako sa isang tabi.  Si ate kasi,  kinurot ang pisngi ko!  Hindi pa nga ito nakaka-recover kanina ina-take uli.

"Ano ba 'te?! " iritang ani ko.  "Nawalan ka na naman ng interes, ano ba yan Sarina! Babae ka ba talaga? Simula nang umalis ka papuntang San Cruz naging ganyan ka na," pagbabalik-tanaw ni ate. 

Napalunok ako.

San Cruz,  ang bayang pinamumugaran ng mga katulad ko. 










--------



Wews! 







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com