PROLOGUE
PROLOGUE
-------
Napasinghap ako sa narinig kong balita. Nanalo ako! Tinanghal akong nagwagi sa patimpalak ng paaralan!
"Sarina dalian mo na, baka magbago pa ang desisyon ng mga hurado! " tinulak na ako ng mga malalapit kong kaibigan. Hindi pa rin ako makapaniwala.
Isa lang naman ako sa mga estudyanteng nangarap na magkaroon ng scholarship sa special class ng school at ang tanging paraan lang upang makapasok sa seksyon na iyon ay ang manalo sa Battle Of Talents. Halos lahat ng estudyante ay nakipag-tagisan ng talento kaya hindi ko inaasahang ako ang naging outstanding sa lahat.
Pigil luha akong lumapit sa may intablado. Hawak ko pa rin ang ginamit kong gitara kanina.
Gosh, this is reallu happenig to me. If this is a dream, I do not want to wake up! Hinawakan ako sa braso ng advisery teacher namin na si Ms. Asuscion binati niya ako ng isang ngiti na malugod ko namang tinugunan ng isang ngiti rin.
Ginabayan niya ako papunta sa aming punong-guro nasa kanyang 60's na ngunit mapagkakamalan mo pa ring nasa edad na 42.
"Congratulations Ms. Analo! " bati niya. Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang tropiya at sa isa nama'y ang gitara ko'y kinuha ni Ma'am Asuscion.
Inilahad sa akin ang sertipiko na tanda ng aking pagkapanalo maging ang kasulatan na nagsasaad ng aking scholarship.
Humarap ako sa mga tao, I sincerely smiled at them. Napukaw ng aking mga mata ang aking mga kaibigang magkukumahog sa tilian.
Alam nilang gustong-gusto ko ang scholarship na ito, lahat ng gruma-duate mula sa espesyal na seksyon na iyon ay may-kaya na ngayon. 100% ang garantiyang makakapasok ka sa isang sikat na unibersidad kung saka-sakaling magtapos ka na nasa seksyon na 'yon.
At ngayon, I'm one step away from success! I can't wait to start my next school year at that section! Sana maging mabait ang mga bago kong kamag-aral.
Go Sarina Analo! Fighting!
-------
"All in all, I have 7 assignments, 3 group projects and 5 quizzes this week. " ani ko sa sarili. Unang linggo palang hectic na ang mga pinag-aaralan. Mahahasa ka talaga.
Hindi natatapos ang klase nang hindi ka natatawag ng guro, now I know kung bakit sa Clash of Talents ang ginawa nilang kwalipikasyon upang makapasok sa seksyon na ito.
Lahat ng mga kaklase ko ay naturally gifted in music, we all are aiming for Arts, Showbiz Industry etc. Ang may-ari pala ng school ay isang sikat na artista sa kapanahunan niya kaya marami siyang sponsor, sa katunayan pa nga ay nakita ko na ito sa personal.
'Yun nga lang saglit lang, male-late na kasi ako sa ikalawang klase namin nun. Pero ang ganda niya! Mukhang 30 years old nga lang eh.
"Ano, Sarina kaya pa?" tanong sa akin mi Eula. Senior student siya samantalang ako ay junior pa lang pero magkla-klase kami sa elective classes namin sa Music.
Sa mga Academics lang hindi. "Ah.. Wala po. Naninibago lang."
"Sa umpisa lang 'yan, alam mo nakikita ko ang sarili ko sa'yo; ganyan rin kaso ako tulad mo noon pero as the time goes by nasanay na rin ako. " kuwento niya.
"Talaga po? " di ko mapaniwalang sambit. Para kasing from the start ay mentally and physically stable siya, 'yung alam mo 'yon? Natural na talented, pursigido, matalino at sikat pa!
"Oo naman, oh nandito na pala si Aevon eh. " may tinawag siya saglit.
Nilingon ko yong tinawag niya. Nangunot ang noo ko nang makita ang isang lalaking nakaupo sa isa sa table ng canteen.
Naka-black t-shirt which is according to the school's rules and regulations ay bawal, may kulay rin ang buhok niya na violet, naka-earphone pa ito ng puti.
Nakaupo ng parang siya ang hari, naaamoy ko agad ang kagaspangan ng ugali ng lalaking ito. I judge people, hindi naman mawawala 'yon.
Natural na sa aking mahusgahan at maghusga. Its natural in our world especially, to us. Humans.
"Hmmp! Di na naman namansin!" maktol ni ate.
"Ate sino pa siya?" intriga ko. Napatigil siya saglit, nanlalaki ang mga matang tumitig sa akin.
"Ay oo nga pala, di mo siya kilala "
"Oo nga po," napakagat siya ng labi.
"Siya si Aeron Jandiego, sikat 'yan sa special section. May perfect pitch siya sabi nila, magaling sa musika! At alam mo ba, ayaw siyang pakawalan ng may-ari ng eskwelahan! Binibigyan pa siya ng allowance, ag trato sa kanya rito parang prinsipe e hindi naman siya kaano-ano ng may-ari. Ni minsan ay hindi pa siya narinig tumugtog simula nung Grade 7 pero kapag narinig mo raw siyang magtugtog mahihipnotismo ka raw ng kanyang awitin, marami na ngang music companies na nag-o-offer sa kanya ng projects kapag napakinggan nila ang tugtog niya. " dahan-dahang in-absorb ng aking sistema ang ibinigay na impormasyon ni ate Eula.
"Eh bakit tinawag mo lang siyang Aeron kanina?" tanong ko rito.
Natigilan muli siya. "Gusto ko kasi siya, ka-batch ko siyang magtatapos this year; naisipan kong magpa-pansin sa kanya. Alam mo ba yung scene na napupukaw ang atensyon ni boy kapag may babaeng lumabas na kakaiba ang trato sa kanya di tulad ng iba? Gusto kong maging ang babaeng iyon! Kakilig~" napasimangot ako.
Mahilig ako sa pocketbook kaya naiintindihan ko ang nais iparating ni ate Eula. Pero, alam naman niyang malabong mangyari ang bagay na iyon sa totoong buhay. Dahil sa libro naaayon sa may-akda ang progreso, ang ugali ng mga tauhan.
Hindi tulad ng sa orihinal na mundo may kanya-kanya tayong ugali at nararamdaman na kahit sino ay hindi kayang manipulahin ito. Dahil ikaw ay ikaw lamang, ikaw lamang ang kanyang manipulahin ang iyong nararamdaman.
Siguro kinain na ng pag-ibig na 'yan si ate Eula kaya nawala sa tamang katinuan.
Mapangahas talaga ang pag-ibig. Sana hindi ako ahasin nito ng maaga. Hayss.
----
Author's Note:
This is a short story which only contains 1-15 chapters but can end by its 10 chapters. My limit is by its 15 chapters if I decided to add more scenes than there really are.
This story is only available in Wattpad nothing else.
Plagiarism is prohibited.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com