Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LWTPB 04

BLAKE'S POV

Nakita ko naman na nagsisigawan si Claye at Safara. Hanga din ako sa babae na yon eh. hanep kung tumira sa banat. Mapapa-tahimik ka na lang.

Nung nakita kong naka-alis na si Safara lumabas agad ako. Pinagbilin kasi siya ng Lolo niya samin. Kailangan niyang matuto. Isa pa, kailangan ko siyang samahan dahil baka san sumuot yon.




"Safara!" Sigaw ko sa kanya. Agad naman siyang humarap sakin. Naka-taas nanaman yung kaliwang kilay niya idagdag pa yung naka-pamewang siya. Sayang tong babae na to she got those curves and the face kaso palpak sa ugali.

"Are you following me? Wag mo ng subukan baka makakita ka ng lumilipad na kumag!"

"Tss. Pasalamat ka nga may sumusunod na gwapo sayo eh. San ka pupunta?"

"Not your bizz." Sabi niya at nagdire-diretso na ulit sa paglalakad. Sumunod naman ako sa kanya at inakbayan siya.



"Don't you dare touch me." Sabi niya sabay pilit na tinatanggal yung kamay ko.



"Arte. Tara na. San ka ba kasi pupunta?"


"My home."


"At baket ka pupunta dun?"





"Kukunin ko si baby ferr ko." Baby ferr? Anak niya? May anak na siya?




"Anak mo? What the?"



"You know what gwapo ka sana kung hindi ka lang tanga. That's my car you dumb ass."


"Sorry na agad. Gwapo lang." Lakad lang kami ng lakad. Mukhang hindi naman niya alam kung san kami pupunta.



"Yung totoo Safara? Alam mo ba kung pano umuwi sa inyo?" Agad naman siyang huminto at tumingin sakin na may kasamang irap pa.



"Fine. Hindi." Sabi niya sabay upo dun sa malaking bato sa gilid ng daan. Lumapit naman ako at tumayo lang sa harap niya.



"Tss. Intayin mo ko dito. Kukunin ko yung ano ko." Sabi ko sa kanya. Agad naman akong tumalikod na. Akala siguro niya sa kotse ko siya isasakay. Two can play at a time, Saf.


Pagkarating ko sa garahe ng bahay namin, kinuha ko yung motor ko at pinaharurot na pabalik dun kay Safara. May kotse ko pero ayokong yun ang gamitin. Gusto ko lang talagang pagtripan si Safara. Atleast, maeexperience niyang sumakay sa motor.




"Omg. D-don't tell me.." sabi niya sabay tayo at lapit sakin.



"Yup. Dito tayo sasakay. Angkas na."

"Never. Asa ka na mapapasakay mo ko dyan. No way!" Sabi niya sabay lakad na. Sus. Di naman alam kung saan ang daan, nagmamatigas pa.



"BAHALA KA MAY RAPIST DYAN!" Agad naman siyang napahinto at bumalik sa tapat ko.



"Ugh! Nakakainis talaga! Of all people baket sa mga katulad niyo pa ko bumagsak?!" Inis na sabi niya habang umaangkas sa likod ko.



"Wag ng maarte. Oh hawak na." Ayaw pa niya nung una kaya naman kinuha ko yung dalawa niyang kamay at nilagay sa bewang ko. Aba swerte niya mahahawakan niya yung abs ko.




"Oh Safara, hinay-hinay sa abs ko."



"Letche! Wala kang abs!" Sabi niya sabay hampas pa nung helmet sakin bago niya isuot. Brutal talaga 'tong babae na'to. Pina-andar ko na ulit yung motor ko.



"San ba bahay mo?"

"Sa Lee-Vee Subdivision. Pag nakita mo yung mansion dun, yun na." Sabi niya na halatang na-eexcite pa. Spoiled brat nga.



SAFARA'S POV

Nakarating na din naman ako sa mansion ko. Omg. Na-miss ko talaga 'to.



"Oh sige na kumag, pwede ka ng umuwi." Sabi ko kay Blake na sitting pretty pa.



"Try harder, Saf. Uuwi ako na kasama ka." Sabi pa sabay balandra ng smug look niya.

"Umasa ka. Dito muna ko. Ayokong makita yung mga kapatid mo. Kung ikaw nga hindi ko na ma-take sila pa kaya?" Sabi ko sabay upo sa kaharap niyang couch.



"Maria!" Sigaw ko sa katulong namin.



"Baket po maam?"

"Nagugutom ako! Ihanda ako ng pagkain. Madali!" sabi ko sabay kuha ng magazine.



"Grabe maka-utos. Hanep." Rinig kong bulong ni kumag.

"Inggit ka? Gaya ka. Libre yan pagbibigyan kita. Go."

"Tss." Dumating naman na si Maria at kumain lang ako. Kaya nga ako umuwi dito eh dahil alam kong di ako papakainin sa bahay ng mga pervert.



"Oh tinitingin-tingin mo dyan? Gusto mo?" tanong ko kay Blake kumag.



"Thanks but no thanks. Bilisan mo na lang dyan at uuwi na tayo." Sabi niya sabay labas ng mansion ko. Kainis.



Hindi ko na tinapos yung kinakain ko. Lumabas na din ako at pumunta sa garahe. kinuha ko si baby ferr ko na miss na miss ko na.



"HOY KUMAG! TARA NA."

"Go back here Saf. Bilin ng Lolo mo, no car for you."

"Pwes, nag kokotse na ko ngayon. Can't you see? Bulag ka?" Mukha naman siyang asar na asar na.


"Safara, baba." Kalmado niyang sabi pero bakas ang awtoridad sa boses niya. Syempre hindi ako nagpatinag. Asa naman siya dun.



"Says who?" pang-asar ko pa sa kanya. Bigla naman siyang lumapit sa baby ferr ko at binuksan yung pinto sabay hitak at buhat sakin.



"HOY KUMAG KA! PUT ME DOWN! UGH! I SAID PUT ME D—"

"Tama nga si Claye. Wala kang puwet."

"Gago. Anong tawag mo dyan? Shunga ka? Ibaba mo na ko! Ugh! Ang bastos mo talaga!"

"Pano pag ayaw kitang ibaba?"

"Papatayin kita. Makikita mong kumag ka."



"Matatakot na ba ko dyan, Safara?"

"Oo at simulan mo ng matakot ngayon. Letche." Tinawanan lang niya ko at bigla-bigla akong binaba.

"Bwisit ka talagang kumag ka. Pasala—" Shit.



"Oh natulala na Safara? Hahaha. Tara na baka mainlove ka pa sakin."

"HOY KUMAG KA! BAKET MO KO HINALIKAN?!"

"Papalag pa? Sus. Ang gwapo ng humalik sayo oh." Sabi niya sabay angkas na ulit sa motor niya. Sumunod na rin ako at naiwan na talaga si baby ferr. Halik lang yan ng isang kumag Safara! Umayos ka.



Umangkas na rin ako at pina-andar na niya yung motor. Na-drain ata lahat ng kamalditahan ko. Ilang minuto lang nakarating na din kami sa bahay ng mga kumags.



"San kayo galing?" Tanong ng isang kumag na bulok.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com