LWTPB 18
The good thing about having a family company is wala ka ng pro-problemahin sa future place of work mo. All you have to do is mag-aral, mag-aral, mag-aral, at maghintay. It's like everything is automatically serve for you. Yes, right in front of you. Hindi ka na mahihirapan maghanap ng company na pag a-applyan mo. Hindi mo na kailangang ng job interviews and such. Hindi ka makakadanas ng famous line ng mga kompanya na, "We will just call you." Hindi mo na kailangang pumila ng sobrang haba para lang sa pag a-apply. And the bad thing is, too much expectation is serve on your platter. Hindi pwedeng tatanga-tanga ka cause you'll be running a company wherein your family is in the center.
"Maam Safara, sabi po ng lolo niyo, pwede na daw po kayong mag start tomorrow."
"Why not now?" Taas kilay kong tanong sa secretary ni Lolo.
"Para daw po maayos yung work place niyo, maam." Tumango lang ako at umalis na sa harap niya para puntahan si Lolo sa opisina niya. Yes, nandito ako sa Mori Airlines Inc. dahil dito ko planong mag trabaho. Why settle in other companies kung meron naman kami? Ayokong maging alila sa ibang kompanya when in fact I can run this Airlines of ours.
"Lo,"
"Oh, nandiyan ka pa pala. Hindi ba sinabi sayo na--"
"Baket bukas pa ko mag i-start? Pwede namang ngayon na."
"Pinapa-ayos ko pa ang magiging opisina mo. Isa pa, pasalamat ka nga at pumayag na kong magsimula ka kahit hindi ka pa graduate talaga."
"Pero lo!"
"No, Safara. Isa pa, you should be thankful at hindi mo nararanasan ang job interview."
"Fine." Sabi ko at lumabas na ng opisina niya. Finals na lang ang iniintindi ko at ang mga requirements na nakaka-stress. May dalawa pa kong report na kailangang tapusin which is due the day after tomorrow pero ni-isa wala pa kong nauumpisahan. Napaka-unproductive lagi ng araw ko. Lumabas na ko ng Mori Airlines ng makita ko si Aidan na nakasandal sa Z3 niya habang pinaglalaruan niya yung susi ng kotse niya. Naka-ngiti lang siya na parang tanga at hindi pa niya ko nakikita. Ang gwapo talaga ng manyak na'to. Hindi ko alam kung paano niya napagsasabay ang pagiging fcking hot at fcking gorgeous. Nakakainis kasi ang gwapo niya. Napatingin naman siya sakin at ngumisi ng nakakaloko sabay humalakhak kaya inirapan ko siya. Ayokong nahahalata niyang pinagnanasaan ko siya.
"Hey," Sabi niya pagkalapit niya sakin. As usual, nakapalupot nanaman yung kamay niya sa bewang ko sabay halik sa noo ko. Napapapikit na lang tuloy ako. Tss.
"What are you doing here?"
"Sinusundo ka."
"Wala ka bang pasok?"
"Meron." Cool na cool niyang sagot. Kahit kailan talaga feeling niya siya ang hari ng lahat. Yung tipong hindi dapat siya ang maghintay kundi siya dapat ang hintayin. Feeling niya titigil ang mundo pag sinabi niya. Kumag talaga.
"Pumasok ka. I don't want you ditching your class just for me, Aidan. Isa pa, malapit na ang graduation. Where do you plan na mag trabaho?"
"I'll ditch my class just for you, Safara. I will. Nag submit na ko ng papers sa kompanya namin. After graduation ko pa planong mag umpisa since nag intern naman na ko dun."
"Okay. Now, pumasok ka na. I can manage. Uuwi na lang ako satin." Mahinahon na sabi ko sa kanya dahil alam kong pag nagmaldita ako, walang pupuntahan 'tong usapan namin. Nag buntong-hininga lang siya at inirapan ako.
"Fine. Pero hahatid kita sa sakayan." Sasagot pa sana ko pero lumakad na siya palayo. Alam kong nagtatampo yan gusto lang niyan na lambingin siya. Binilisan ko na yung paglalakad ko para maabutan siya. Napatingin lang siya sakin at umirap nanaman hindi ko na lang siya pinansin hanggang makarating kami sa hintayan ng mga sasakyan. Agad siyang nagpara ng taxi at binuksan yung pinto.
"Sigurado kang mag co-commute ka?"
"Oo. Sige na go you still have your class, Aidan."
"Kung ihatid na lang talaga kita?" Pagpupumilit niya kaya ako naman ang napa-irap.
"Di na ko bata. Sige na." Sabi ko at akmang papasok na sa loob ng taxi pero hinila niya ko sabay halik sa noo ko.
"You take care." Sabi niya at tinitigan si manong driver ng masama. Binitawan na rin niya ko kaya pumasok na ko sa loob ng taxi. Sinabi ko lang kay manong kung saan niya ko ihahatid. Pagkarating sa bahay naabutan ko lang si Claye na nanunuod ng tv. Feeling donya ang itsura.
"Aga ha." Sabi niya pagka-upo ko sa tabi niya.
"Obvious ba? Duh. Baket ikaw, nandito ka?"
"Tinamad na kong pumasok."
"Kelan ka ba sinipag?" Inirapan lang niya ko at pinitik sa ilong.
"Anyway, kamusta kayo ni Miguella?" Si Miguella yung ka-date niya noon na isang model. I'm still wondering kung paano sila nagkakilala.
"Wala na kami, Saf." I knew it.
"Why?"
"I'm Claye Oxrin. Flavor of the day lang naman yun." Cool na cool niyang sagot. Yung mga ganyang lalake, yan yung tipong mahirap seryosohin lalo na't alam mong magaling lang silang makipaglaro. Tipong walang seseryosohin. Tumayo na ko at iniwan siya doon. Umakyat ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Agad namang nag ring yung phone ko at nakitang tumatawag si Aidan. Tss.
"O baket?" Sabi ko pagkasagot ko sa tawag niya.
"Nasa bahay ka na ba?"
"Kanina pa. You?"
"Dito sa room."
"Mag-aral ka wag mo kong landiin. Sige bye--"
"I love you." Hirit niya sabay halakhak. Napairap na lang ako. Naisip ko naman si Claye. Magkatulad kaya sila? Yung tipong pag nakuha yung gusto, magsasawa na agad? If he's Aidan Oxrin, i'm Safara Mori. Mess up with me and he'll be seeing hell kaya subukan lang ng Aidan na'to, malilintikan talaga siya sakin.
"Oo na. Sige na. Bye." Sabi ko pero hindi ko pa naman pinuputol ang linya. Nagbuntong hininga lang siya.
"I'm serious Safara. I love you."
"Oo na nga sabi. Wala ka bang prof?" Pag-iiba ko sa topic. Naeewan kasi ako na ano. I'm not use to stuff like this. Hindi ako sweet na babae o ano.
"Meron." Sabi niya sabay halakhak nanaman "Sige na bye. Uuwi ako ng maaga. I love you." Pahabol niya at naputol na yung linya.
xxxx
A/N: Hindi makapag-update daily cause i'm spending my time with my family. Have a great christmas and new year, guise! :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com