LWTPB 24
Nagtatawanan lang kaming tatlo nila Kent habang palabas kami ng room dahil sa ginawa nitong si Borromeo kay Kim. Reason why, nag walk-out tuloy.
"Sa lahat ng banat mo Borromeo, doon mo lang ako napa-bilib!" Natatawang sabi ni Ven na may kasama pang hampas sa braso ni Kent. If I know, chansing lang siya sa biceps nitong si Borromeo eh.
"Sus baka naman mabalitaan ko na basted na si Steven dahil ako na type mo! Hahaha." Kent said kaya naman nakatikim nanaman siya ng sapak kay Ven.
"Excuse me lang pero mas yummy si Steven kesa sayo!"
"Excuse me lang din pero mas gwapo ako don."
"Excuse me lang din pero kukunin ko muna girlfriend ko sa inyo." Seryosong sabi ni Aidan na lumabas out of nowhere na pati ako hindi namalayan na nasa likod na pala namin siya at nakahawak nanaman siya sa bewang ko. Kasama niya si Eises na sobrang na-miss ko. Hindi na kami nakakapag bonding ng mga kumags na'to. Masyado akong busy at madalas na wala sila sa bahay kaya naman wala talagang panahon para magkasama kami.
"Omaygad. Hi, Aidan. Hi, Eises." Kinikilig na bati ni Ven sa kanilang dalawa. Matagal ng trip ni Ven si Eises pero never naman siyang pinansin. Natandaan ko pa one time, pinagsama ko silang dalawa pero it turned out bad. Hindi siya trip ni Eises dahil may iba siyang gusto. Poor Ven but mas okay na yon dahil atleast may Steven na siya.
"Kunin ko na girlfriend ko." Sabi ulit ni Aidan at inilayo na ko kay Kent at Ven habang nakasunod samin si Eises na mabilis na umakbay sakin at hinalikan ako sa buhok.
"Namiss kitang suplada ka ha." Sabi niya at mas lalo pa kong siniksik sa kanya habang tinignan lang siya ng masama ni Aidan.
"Tama na yan. Wala kang karapatang dikitan ng ganyan girlfriend ko." Sabi ni Aidan sabay hampas kay Eises na humalakhak lang at inakbayan ulit ako habang nasa bewang ko naman yung kamay ni Aidan. I don't know if ako ba ang swerte o mas swerte sila dahil ang ganda ng kasama nila? Hay, life.
"San tayo pupunta? May klase pa kayo diba?" Pag-iiba ko ng usapan dahil alas-sais pa lang ng gabi at 7:30 pa ang tapos ng klase nila.
"Early dismissal sa lahat, Saf. May meeting ang mga prof." Pagpapaliwanag ni Eises habang dire-diretso lang kaming naglalakad.
"Okay... So, san nga tayo pupunta?"
"Caf. Nandun sila Claye." Sagot ni Aidan sabay halik sa buhok ko.
"Pre, magpigil ka muna. Mahiya ka naman sa presensya ko." Epal ni Eises habang sinamaan lang siya ng tingin ni Aidan.
"Ano bang meron? Mamamatay na ba si Claye?"
"Sira." Sabi ni Aidan sabay pitik sa noo ko. "Hindi ko rin alam kung ano meron." Sabi niya at naglakad na kami papunta ng caf. Nagkalat ang mga studyante sa buong quad dahil nga sa early dismissal na yan kaya naman pagdating namin ng caf, ang dami ding tao hanggang sa lumapit kami kay Claye at Delta na nakaupo. May kulang. Si Blake. Ang tagal ko ng hindi nakikita yon. I don't know pero syempre, namimiss ko din naman siya. May pinagsamahan din kami afterall.
"Ano bang meron? Bilisan niyo na mag d-date pa kami ni Safara." Sabi ni Aidan habang naupo kami sa tapat ni Delta at Claye.
"Seriously, anong agenda natin at may meeting tayo ng ganito?" Pagtatanong ko cause i'm clueless as hell sa mga nangyayare.
"I need you, Saf." Sabi ni Claye and one second I thought he was cracking a joke pero seryoso pa din yung itsura niya kaya naman hinagisan siya ni Aidan ng tissue sa mukha.
"Gago! Anong I need you, Saf? Baka gusto mong matuluyan na talaga?" Iritadong sabi ni Aidan habang binatukan pa niya.
"Bro, totoo nga! I need Safara---"
"Eh kung sinapak kita?!"
"Patapusin mo nga muna ko! I need Safara na magpanggap na fiancee ko---"
"G-AGO!" Sabi ni Aidan at binatukan na talaga ng ubod ng lakas si Claye habang tatawa-tawa lang si Delta at Eises.
"Chill nga. Ganito kasi yan Aidan. May nangyare kay Claye at Miguella last night at nahuli sila nung daddy ni Miguella kaya ang gusto panagutan ni Claye yung anak nila. Ang lupet pre! Sumugod dito sa school kanina dahil di pumayag si Claye!" Natatawang sabi ni Delta. Hindi pa rin mag sink-in sakin lahat ng sinasabi nila. Ako? Magpapanggap na fiancee ni Claye? Wth.
"Problema mo yan, wag mong idamay girlfriend ko. Kung yan lang pala sasabihin niyo, aalis na kami." Seryoso pero galit na sabi ni Aidan at hinawakan ako sa kamay.
"Don't be so fucking selfish, Aidan!" Sigaw ni Claye at parang automatic naman na natahimik ang buong caf. Tinignan lang siya ni Aidan habang humigpit yung hawak niya sa kamay ko.
"It's not about being selfish. It's about protecting what is mine and mine alone."
"Tol, panggap lang naman. Para na din tumigil na yung tatay ni Miguella. Isa pa, sandali lang naman tsaka sayo naman si Safara. Kaya nga panggap diba?" Sabi pa ni Eises. I know, concern lang sila kay Claye gusto ko man pumayag pero syempre, iisipin ko din muna si Aidan. Alam ko naman na kahit panggap lang yon, iba si Aidan.
"Edi sana kasi, inisip mo muna yang ginawa mo hindi yung ptngina hihiramin mo yung girlfriend ko para lang malusutan mo yang kagaguhan mo!" Sigaw ni Aidan kay Claye at hinila niya ko paalis sa mga kapatid niya. Sobrang tahimik pa rin ng caf habang naglalakad kami. Halos madapa na din ako sa sobrang bilis maglakad ni Aidan. Ramdam na ramdam ko yung inis niya. I know, kahit panggap lang yon, hindi niya kaya. Yung makita nga lang niya kong may kasamang iba, hindi na niya kaya yun pa kayang magpapanggap na fiancee ng kapatid niya? Yes, I wanna help Claye pero ayokong magkasira kami ni Aidan dahil lang don.
"Shit." Mahinang utas ni Aidan habang nakarating kami dito sa isang bakanteng room. Nakatalikod pa rin siya sakin habang hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin.
"Aidan.." Tawag ko sa kanya at mabilis siyang lumapit sakin at mahigpit akong niyakap.
"Sorry. Hindi ko kasi kaya yung ganon. Ang selfish ko ba?" Mahina niyang sabi sakin at hindi ko maiwasang mapa-ngiti. Masyado kasi akong na o-overwhelm sa sobrang pagmamahal ni Aidan to the point na mapapatahimik na lang ako bigla-bigla.
"No, you're not." Sagot ko sa kanya at hinalikan siya.
"Alam ko namang panggap lang yung gagawin niyo pero shit talaga hindi ko kasi maisip na may ibang lalake na magsasabing fiancee ka niya kahit panggap lang, kahit kapatid ko pa yon hindi ko kasi kaya. Wag naman ganon.."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com