LWTPB 32
"I know, I know. But you tell me, pano mo nalaman lahat?" Huminga naman ako ng malalim at sumandal din sa Hilux niya.
"Inamin mismo ni Blake sakin. I know iniisip mo kung paano namin nagawang makapag-usap ni Blake samantalang halos di na kami mapaghiwalay ng isa mo pang kuya. But yes, we've talk. Inamin niya lahat sakin cause for all we know, he's Blake. Hindi niya alam kung paano ang gagawin niya. He thinks that child was a mistake. Nangyare daw yun nung nag Tribe kayo and sakto celebration party nila Miguella yon dahil kakatapos lang ng isang TVC nila and boom it happened."
"And they think sasaluhin ko yung kagaguhan nila? That's bullshit." Iritadong sabi ni Claye.
"Kilala si Miguella, Blake is well, he's Blake. Malaki ang kompanya niyo kaya that's a disgrace. Miguella's father wants you to marry his daughter since ayaw panagutan ni Blake that's why isang Oxrin din dapat ang managot non. Lame, I know."
"Have you talk to kuya about this?"
"Hindi pa alam ni Blake na alam mo na--"
"My other brother, Saf. Aidan." Agad naman akong napatitig sa kanya. Wala pang alam si Aidan dito. Madami silang prinoproblema ngayon bukod sa business nila sa Davao na may problema ay, iniisip din ni Aidan ang field study nila. I don't want to add extra baggage into his plate.
"He doesn't know about this. Busy siya at isa pa dagdag problema lang kung pati to malalaman niya." Tumango-tango lang siya at tinitigan ako. Para siyang nahihirapan na hindi ko maintindihan.
"So what's the next plan, Saf?"
"Si Blake lang naman ang makakatapos neto. Kailangan niyang panagutan si Miguella whether he likes it or not in fact he has no choice. How about you? Kailan mo popormahan ang pinsan ko or kayo na ba?" Tumawa naman siya at tinitigan ako as if malaking pang-asar ang sinabi ko.
"We're not together. Tangina Safara, karma ko ata yung pinsan mo." Umiiling niyang sabi habang pinatunog ang sasakyan niya at pumasok. Tumatawa din naman akong sumunod sa kanya at inirapan niya lang ako.
"Yan ang napapala ng playboy, Claye. Have to say kahit we're not in good terms ni Reema, pinsan ko pa din siya and she deserves the best." I told him habang tinapik ang balikat niya. Ini-start niya ang kotse niya at tahimik na nag drive.
"Drop me sa Sherwood magkikita kami ni Venice." I told him at tumango lang siya. Tinigil naman niya sa tapat ng entrance ng Sherwood ang sasakyan niya at mabilis akong hinalikan sa pisngi. I know masyadong maaga para sa bar pero tahimik kasi since alas-kwatro pa lang ng hapon. Eto yung bar na si Parker Suarez ang may-ari. Madalas kami dito dahil kakilala ko si Parker at yung iba pa niyang barkada. Alam ko kasosyo niya yung dalawang bigatin din niyang kaibigan.
"Thanks, Saf. Big help." Nginitian ko lang siya at akmang baba na pero nagulat ako ng nagsalita siya.
"This is the reason why Reema and I ain't together. Nalaman niyang ipapakasal ako kay Migs and I keep on denying it to her. You know, I won't marry someone I don't love. Kahit sabihing gago at kinakarma na ko, no. I won't marry Migs at lalong hindi ko aakuin yung responsibilidad na hindi naman para sakin." Sabi niya and I know, nahihirapan siya. Wala akong alam sa kung anong relasyong meron sila ni Reema but I must admit, it's deep. Hindi ko pa nakitang ganito kabaliw si Claye. Knowing him, papalit-palit siya ng babae kaya naman maging ako ay nagulat din nung nalaman ko ang tungkol sa kanilang dalawa.
"Talk to Reema. Tell her everything and I know she'll understand." Nginitian lang naman niya ko at tuluyan na kong bumaba habang pinanuod ko ang pag-alis ng sasakyan niya. Pumasok naman ako sa entrance ng Sherwood at nakita si Venice na nakaupo sa isang sofa habang naka-wayfarer at nagbabasa ng magazine.
"Henares!" Tawag ko sa kanya habang napatayo naman siya at mabilis na tumakbo palapit sakin at niyakap ako.
"I missed you!" Sabi niya at nakipag beso sakin.
"Pwede ba Ven? More like 4 days lang ata tayong hindi nagkita!"
"Fine. So, kamusta?" Kwinento ko naman lahat sa kanya habang pumasok kami sa mismong loob. Tahimik at tanging yung kantang "I've Got You Under My Skin" lang ang tumutugtog. Wala pang tao dahil 9pm talaga ang mismong open dito. Kakilala lang talaga namin si Parker kaya naman ay pag may problema, dito kami dumi-diretso ni Ven.
"Broken-hearted ba ang mag bestfriend?" Agad naman kaming napalingon ni Ven kay Parker na lumakad palapit sa counter at inayos ang ilang mga alak na naka-display doon. Agad namang lumapit si Venice sa kanya at yinakap siya. Close silang dalawa dahil parehas sila ng school mula Elem hanggang High School. Lumapit lang ako sa counter at niyakap din ako ni Parker.
"Long time no see but no, hindi kami broken-hearted." Sagot ni Venice habang umupo din siya sa isa sa mga high chair. Tumango lang si Parker at tinitigan kaming mabuti ni Ven.
"Drinks?" Alok niya pero tinanggihan ko lang habang humingi naman si Ven ng juice. Matagal ko ng kakilala si Parker and knowing him, tahimik siyang tao.
"So, how's Kriella?" Bungad ko at agad naman siyang napalingon samin. Tatawa-tawa lang si Ven dahil sa lahat ng kaibigan ni Parker, si Venice lang talaga ang halos nakakaalam ng lahat.
"Same old same. Patay na patay pa din siya sakin." Naka-ngising sagot ni Parker habang nilapag niya sa harap ni Ven yung juice. "How about you and Aidan? Nasa Davao siya diba?"
"Yup and we're good. Kauuwi ko lang kanina galing doon." Tumango lang naman siya habang biglang nag ring ang phone niya at mabilis din niya itong sinagot.
"What? Outside?" Medyo iritado ang tono ng boses niya at medyo lumayo samin. Nagkibit-balikat lang si Ven at busy sa juice niya. Halatang may hangover ang gaga dahil nalaman kong nag Cent sila kagabi. Agad naman akong napalingon ng may marinig akong boses ng babae na kausap ni Parker. Naka-ngiti siya ng makita niya kami at dire-diretsong lumapit samin.
"I didn't know you have visitors here..." Napa-tingin na din si Ven sa kanya at umirap lang. Naka-suot siya ng puting tube dress at black pumps and just by looking at her, I know, she had all the wealth in life. Halatang alagang-alaga siya and I can sense her black aura.
"Morgan, let's go. Safara, Venice, iwan ko muna kayo. Nandiyan si Brixx if may kailangan kayo." Sabi niya at hinigit si Morgan palabas. What was that?
"Sino yon?" Tanong ko kay Venice dahil curious ako. Umirap lang siya at sumimsim ulit ng juice niya.
"Morgan Oxrin."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com