LWTPB 39
LWTPB 39
"Saf, okay na ba?" Tanong ni Eises sakin habang inaayos ko ang mga gamit ko dahil pupunta ko ng Tagaytay dahil doon gaganapin ang first ramp.
"All is well. Are you sure na okay lang sayong samahan ako? I can manage isa pa nandoon naman si Tita." Giit ko dahil baka nakakaabala ako sa kanya.
"Ayos lang tutal tapos naman na ang term nakapag enrol na din ako. Pati si Claye yung pinaiwanan muna sa kompanya." And yes, graduate na ako. Apat na buwan na din ang nakalipas. Tumango lang ako at sumakay na sa Ferr ko pero si Eises ang nag presentang mag drive.
"Kelan pala balik mo dito sa Manila?" Tanong niya habang nakatingin lang sa daan. Litaw na litaw talaga sa mukha nila ang dugo ng mga Oxrin. Halos pare-parehas silang may perpektong hubog ng mukha.
"Siguro ay mga 2 weeks lang ako sa Tagaytay sandaling bakasyon na rin pagtapos ng ramp. Pagtapos ay mag tratrabaho na din ako sa kompanya. Ikaw?" Sabi ko at pinilig ang ulo sa bintana.
"Hindi ko pa alam. Siguro ay doon muna ko mag sstay habang di pa naman mabigat ang ginagawa sa kompanya." Si Claye ang naatasan ng Papa nila na mag take over muna ng kompanyang naka base dito sa Manila. Naayos na din ang gusot nila kay Miguella ngunit hindi pa rin sila masyadong maayos ni Reema. Wala na din akong masyadong balita dahil naging abala ako sa lahat.
"Uuwi na pala sila Aidan sa susunod na linggo. Alam mo ba?" Diin niya sa isang baritonong boses. Sa loob ng apat na buwan, wala akong naging balita sa kanya ni wala kaming communications o ano. Pinutol ko ang lahat ng samin dahil ayokong makasagabal at kaya nga pinagbigyan ko siya para narin makapag isip-isip siya. Because I dont think Aidan is whole pag nasa tabi niya ko. Padalos-dalos ang mga desisyon niya pagkasama niya ko at ayoko ng ganon. Gusto ko ay buo siyang magdedesisyon hindi para sakin kundi para sa sarili niya.
"Ganon ba? Sila Delta at Blake, kasama?"
"Oo. Natauhan ata si Blake. Haharapin na daw niya si Miguella. Hindi naman kasi pwedeng takbuhan niya lang yon pati tapos naman na ang Field Study nila sa Davao." Sabi ni Eises at humalakhak kaya naman napatingin ako sa kanya. Ganyan na ganyan din siya pag tumatawa...
Alas dos ng tanghali ng makarating kami sa hotel para sa mga models. Sandaling nagpaalam si Eises dahil may pupuntahan daw siya. Agad naman akong sinalubong ni Tita na naka-ngiti habang tinatanaw ko ang iba mga modelo na isa-isa ng dumadating.
"Good to see you, hija. Kumain ka na ba?" Tanong ni Tita pagtapos niya kong yakapin.
"Busog pa po ako. Nasan po si Versace?"
"Nandun sa room niyo. Bale lima kayo don at yung ibang mga models ay nasa kabilang kwarto naman." Agad gumapang ang kaba sa dibdib ko ang tagal naming hindi nagkita ni Versace at hindi ko alam kung nakapag-usap na ba sila ni Aidan at lalong hindi ko alam kung may ideya na ba siya sa lahat. Huminga ako ng malalim at nagpaalam kay Tita na aayusin ko na ang mga gamit ko. Pagtapat ko sa kwarto namin ay kinabahan agad ako ngunit binalewala ko ang lahat. Nakita ko agad si Versace na nakaupo sa kama. Napatingin siya sakin at umiwas. Maybe she knows everything by now.
"Can we talk?" Bungad niya at ginapang nanaman ako ng kakaibang kaba. After all these time, ngayon na lang ulit mapag-uusapan. Hinanda ko ang sarili ko at tumango bago lumapit sa kanya. Humugot siya ng malalim na hininga at tanaw sa mukha niya ang pamumula ng kanyang mga mata.
"Akala ko may babalikan ako. I go back here hoping na maaayos lahat. Pero wala na pala akong babalikan." Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Nakayuko lamang ako at nakikinig. Gusto kong magalit ngunit hindi ko alam kung kanino.
"Kinausap ako ni Aidan. I-I never thought na may girlfriend na siya. Wala siyang sinabi. I want him back pero hindi pala pwede. He's a mess nung nagkita kami. I was so happy that time kasi finally I get to see him after all these time but I was too late. Too late for the love I thought na maibabalik ko too late for the love na akala ko para sakin pala and too late for the man whom I thought will be mine." Hindi na niya napigilan ang sarili niya at bumuhos na ang luha sa mata niya. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko dahil parang punyal ang mga salita niya na tumatagos sa puso ko ngayon.
"Pero nalaman kong iniwan mo siya. You left him because of what Safara?! Yung gustong-gusto kong balikan, iniwanan mo lang!" Sigaw niya. Pinunasan ko ang mga luhang kumawala at tinitigan siya. Yung tatagos sa kaluluwa niya para malaman niyang nasasaktan ako.
"No. I didn't leave him just because of that. Iniwan ko siya dahil sirang-sira siya kahit hindi niya sabihin sakin nararamdaman ko pa din! Sirang-sira siya dahil alam ko, alam kong mahal ka pa din niya!" Halatang nabigla siya sa sinabi ko.
"Kung mahal niya ko Safara, hindi niya ko ipagtatabuyan! You should have seen him so messed up! Pero ano? Iniwan mo siya! Binitiwan mo siya para saan?! Mahal na mahal ko si Aidan and im willing to set him free dahil alam kong hindi na ako! Dahil alam kong ikaw lang!"
"Iniwan ko siya dahil ayokong guluhin ang isip niya ngayong bumalik ka na. Gusto kong mag isip siya ng wala ako. Mahal ko si Aidan, Versace. Sobrang mahal na handa ko siyang iwan para lang mabuo siya ulit—"
"You're the one who's making him whole. Yung buong-buo. Pero iniwan mo siya just because I came? Think again, Safara. Baka ikaw ang kailangang mag isip-isip." She spat at iniwan na ko. Napaupo na lang ako sa kama na gulong-gulo. Mali ba ang desisyon ko? Mali ba na iniwan ko siya? Sa apat na buwan na pagkakahiwalay namin ni Aidan, natutunan kong life is not all about love. Mahal na mahal ko si Aidan ngunit pakiramdam ko'y may malaking pader pa din sa gitna naming dalawa. Handa ko siyang tanggapin kung ako pa rin pero handa rin ako pag pinili niyang he's better off without me.
Kinalma ko ang sarili ko at lumabas na dahil kailangan ng mag-ayos. Alas singko magsisimula ang ramp ayon sa sinabi ni Tita sakin. Nagkakagulo na ang ibang mga model para lumabas dahil sa resort netong Hotel gaganapin ang ramp. Pagkalabas ko ay nakita ko agad ang mga nakahilerang modelo na inaayusan na. Kinawayan ako ni Tita at itinuro kay Margo na siyang nag aayos ng wardrobe at siya ding mag-aayos sa akin.
"Safara, faster! Aayusan ka na at may final rehearsal pa kayo." Sigaw ng isang bakla kaya naman dali-dali akong lumapit kay Margo na naka-ngiti. Nadaanan ko pa si Versace na nakapikit dahil inaayos ang make up niya.
"Maganda ka naman na kaya siguro hindi na kailangan ng bonggang make-up. I-highlight ko na lang siguro yang mata mo para mas maging expressive!" Natutuwang sambit niya habang inayos niya ang mga gamit na kailangan. Nagtagal ng halos isang oras sa pag-aayos sakin. Umaalon lamang ang kulot kong buhok sa aking likuran. Ginapang na agad ako ng kaba ng nagtatawag na si Tita para sa final rehearsal. Tumayo na ko para pumunta sa likod at sinuot ko ang champagne color na gown. Kitang-kita ang kabuuan ng likod ko habang niyayakap neto ang buong katawan ko. Pumwesto ako sa likod ng stage at nakitang naka-kulay itim na long gown din si Versace. Tumingin lang ako sa harap at nakitang nag aayos na sila natanaw ko din si Eises na nakaupo sa harapan! Akala ko'y hindi na siya babalik.
"Naku, ang ganda mo talaga! Bagay sayo yang gown mo, Safara! Diba Brixx?" Sambit ni Lara na isang modelo din. At oo, kasama si Brixx na nag momodel dito ang kaibahan lang ay full time at bigtime talaga siya. Tumango lamang ito at tinitigan ako. Iniwas ko naman ang tingin ko at iginala lang sa ibang mga lalake na dumadating na din at lumalapit samin.
Sumigaw si Tita biglang hudyat na umpisa na ng rehearsal. Isa-isa ng lumakad ang mga modelo at kinain nanaman ako ng kaba. Hindi ko ito first time dahil nagkaron na din kami ng ramp at iba pang pictorial ngunit mas nakakakaba ngayon dahil tatlong malaking kompanya ng clothing line ang manunuod samin. Umusad ang rehearsal hanggang sa ako na ang susunod na rarampa. Nang tumayo na ko sa harapan ay agad akong napako sa kinatatayuan ko. Shit! Shit! Baket siya nandito?! Bukas pa ang dating niya at hindi dapat dito sa Tagaytay!
Binalewala ko ang kaba at lahat kahit na bakas na sa mukha ko ang sobrang kaba at parang bibigay na din ang mga paa ko dahil sa mabibigat niyang titig sakin. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at nag pose ng kaonti at tumalikod na din para bumalik sa likod. Agad akong nilapitan ni Tita na naka-ngiti.
"Wonderful! Sinasabi ko na nga ba na bagay ka talaga dito, Safara." Giit niya at mabilis akong niyakap.
"Tita, baket nandito sila Aidan?" Diretsa kong tanong dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Imposible namang dahil sa negosyo dahil napakalayo ng clothing line para sa vineventure nila!
"Ahh about that, hindi ko rin alam. Basta't sinabi lang niya sakin nung nakaraan na pupunta ka akala ko naman ay alam mo at okay na kayo." Malumanay na sabi ni Tita. Alam niya ang nangyare samin ni Aidan.
"Safara hija, hindi sa nakikialam ako but I think you should talk to Aidan. Settle things between the two of you. Nakikita ko sa mga mata niyo na meron pa. Take a risk, Safara. Walang perfect timing because everyday is a perfect time, Saf. Baka mamaya mahuli ka. Sayang."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com