CHAPTER 19
CHAPTER 19
SINUKLAY KO ang mahaba kong buhok habang nasa harap ng salamin. Linggo ngayon kaya balak kong bumisita sa bahay. Kahapon kasi naisipan ko lang na magpahinga rito dahil pagod ang aking katawan.
Bibisita lang ako saglit sa bahay at pagkatapos no'n ay aalis lang din.
Anna:
Aalis na ako. Bye!
Toffy:
Take care. Text me when you get there.
Anna:
Yes po. Uuwi lang din naman ako.
Toffy:
Okay:) I love you!
Hindi ko mapigilan ang paglawak ng aking ngiti dahil sa reply nito. Nagsimula akong mag type sa keyboard ng aking phone para reply-yan ito.
Anna:
I love you more.
Pinasok ko na sa loob ng bag ang phone ko at lumabas na ng kwarto. Ang totoo niyan ay wala sila Kristoff dito. Umalis sila at sa pagkakarinig ko sa usapan nila ay pupunta sila patungo sa cuidad. Si Kuya Toryo ang nagdrive sakanila papunta ro'n at uuwi lang din agad pagka-gabi.
Nagpaalam muna ako kay manang bago magcommute pauwi sa bahay. Nang makarating ako sa bahay ay sarado ang pintuan pero ang tindahan sa gilid ay bukas. Gumilid ako saglit at kinuha ang cellphone sa bag para itext si Kristoff.
Anna:
Nandito na ako.
Toffy:
Okay! Thanks for the update. Ingat ka pagpauwi kana sa Monsietta.
Anna:
You too:)
Bahagya pa akong sumilip doon para tignan kung sino nagbabantay.
"Ma, si Annie po?" tanong ko agad ng makita siyang nagbabantay.
Umangat ang kanyang ulo at nagulat pa kaonti ng makita ako.
"Oh, nandito kana pala. Buti naisipan mong bisitahin pamilyang naiwan mo rito. Nandoon sa loob ng bahay nagpapahinga," mabilis niya lang akong sinulyapan at bumaba na ang tingin sa hawak nitong cellphone.
Napabuntong hininga ako at hindi na sumagot. Salamat nalang dahil hanggang ngayon ay mukhang napalalago naman nila ang grocery store na iniwan ko rito. Pumasok na ako sa loob ng bahay at binuksan ang gate.
"Anna."
Natigilan ako sa paglakad at hindi lumingon ng may narinig na pamilyar na boses.
"Marcus," sambit ko ng nilingon ko ito.
May dala siyang mga groceries. Ang iba ay nasa gilid nito mga naka box pa. Hindi ko maiwasang hindi taasan ng isang kilay ito habang sinusuri ang mga bitbit niya.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. "Pinalayas kana namin dito bakit ka pa bumabalik?"
"Para kay Annie 'to," sagot nito. "I'm sorry, Anna. May narealize ako. I'm sorry kasi mahal papala kita. Pasensya kana kung may nangyari sa amin ni Annie at nabuntis ko siya. P'wede naman kaming mag co-parenting dalawa para sa magiging anak namin—"
"Teka nga," pagpigil ko sa sinabi nito. "Nahihibang kana sa sinasabi mo?" halos hindi ko makapaniwalang saad.
Mukhang hindi siya nagbibiro dahil seryoso ang mukha nito.
"Mahal parin kita, Anna. Sorry sa lahat lahat. Ako na nagpapakumbaba sa'yo ngayon. Magbalikan na tayo," nagmamakaawa nitong wika sa akin. "Magbabago na ako. May nahanap na rin akong trabaho at kapag aalis o magdadate tayo sagot ko na lahat."
Hinawakan niya pa ang isa kong kamay pero iniwas ko 'yon na para bang nandidiri. Natigilan siya dahil sa ginawa ko.
"Itigil mo 'to, Marcus. Mahal na mahal ka ni Annie kung alam mo."
"Mahal kita, Anna," nagmamakaawa nitong sa akin. "Hindi na kita pipilitin makipag-sex sa akin babaguhin ko na ugali ko basta bumalik kana sa akin—"
"Hinding hindi na ako babalik sa'yo, Marcus," mariin kong wika sa kanya. "Si Annie ang balikan mo at hindi ako. Nakakaintindi ka ba?"
"Paano ako babalik eh pinagtabuyan niyo ako!" sigaw nito sa akin.
Matalim ko siyang tinignan at dinuro. "Wala kang karapatan na sigawan ako," iritable kong saad. "Paanong hindi ka ipagtatabuyan sa ginawa mo, Marcus. Napaka-iresponsable mong tao."
Muli ko siyang tinalikuran at iniwan na nakabukas ang gate dahil alam kong ipapasok niya rin naman ang mga pinamili nito sa bahay.
"Dahil ba sa kanya?" tanong nito.
"Anong sa kanya?" naguguluhan kong tanong ng lingunin ko ulit siya.
"Akala mo hindi ko alam, Anna? Kaya ka ba hindi ka nakipagbalikan dahil sa alaga mo na ngayon nobyo mo?" pagak itong tumawa at halatang hindi makapaniwala. "Nakita ko kayo nung isang araw sa hospital pasakay kayo ng van akala mo hindi nakaligtas sa akin yung paghalik mo sa pisngi niya?"
Humalukipkip ako. Hindi ko maintindihan kung bakit apektado pa siya sa mga nangyayari sa buhay ko eh hiwalay naman na kami.
"Wala kana ro'n, Marcus. Hiwalay na tayo hindi ba? Bakit nangingielam ka pa?" naiinis kong sambit. "Wala kang karapatan na pakielaman yung mga nangyayari sa buhay ko dahil wala na tayo."
Nakita ko ang pagtawa nito. Humahalakhak talaga siya sa aking harapan. Kumunot ang aking noo at unti unting naiinis sa kanya. Matalim ko itong tinignan dahil sa naging reaksyon nito.
"Tama nga? Nobyo mo nga yung alaga mo. Hindi mo naman sinabi sa akin na gusto mo pala yung mga taong baldado e'di sana pinilayan ko nalang sarili ko—"
Hindi ko na mapigilan ang aking sarili na sampalin ito. Malakas ang tunog ng aking palad ng masampal ko siya. Napabaling pa ang sa kaliwa ang kanyang mukha dahil sa ginawa ko.
"Wala kang karapatan para pagsalitaan siya ng ganyan, Marcus. Hindi mo siya pinapalamon at wala kang ambag sa buhay niya kaya itikom mo 'yang bibig mo," nagngangalaiting wika ko. "Ni isang sentimo wala kang ambag sa buhay ni Kristoff kaya manahimik ka. Ayaw na ayaw ko sa lahat ang pagsasalitaan ng hindi maganda ang mga mahal ko sa buhay."
Matalim na titig ang binigay ko sa kanya bago talikuran. Mabilis ang aking lakad hanggang sa pintuan. Wala na akong balak makipagtalo sa kanya dahil pagod na rin ako ngayon para ngang binibugbog katawan ko hindi ko alam kung bakit. Nahawakan ko na ang doorknob at akmang pipihitin ng may humiklat sa aking braso.
"Ano ba!" singhal ko ng ipaharap niya ako sa kanya. Masakit 'yon at paniguradong magiiwan 'yon ng marka. Mahigpit ang pagkakahawak niya at napapadaing pa ako. "Bitawan mo 'ko, Marcus! Masakit!"
"Bakit ba gustong gusto mo 'yon!? May nangyari na ba sainyo kaya hindi kana bumalik sa akin?" tumawa siya habang ang mata nito ay namumula. Hindi ko alam pero kinakabahan ako dahil do'n.
"P'wede palang mangyari 'yon? Kaya hindi mo siya maiwan iwan kasi may nangyari na sa inyo!? Bakit kapag ako pahirapan pero siya ang bilis mo lang ibigay sarili mo sa kanya—"
"Bakit ganyan ka mag-isip!?" sigaw ko. "Lumayas kana!" pagtataboy ko pero hindi siya nakinig.
Napaigik ako ng mas lalong niyang hinigpitan ang hawak sa aking braso. Kahit anong pilit kong pag tanggal sa kamay nito ay hindi ko maialis.
"Hindi ko tanggap, Anna," naiiyak niyang wika sa akin. "Iwan mo na 'yang baldado mong nobyo. Bumalik kana sa akin please. Hindi ka mahihirapan sa akin. Habang buhay mong alagain 'yon."
"Mas mainam pa 'yon kesa bumalik sa'yo, Marcus! Mabait siya at may respeto sa akin kahit ganoon ang sitwasyon ni Kristoff! Bakit kita pipiliin? Normal ka nga pero yung ugali mo hindi maganda. Mas pipiliin ko pa si Kristoff kesa sa'yo!" galit kong wika.
Napasulyap ako sa gilid ng makita ang maliit na kutsilyo sa taas ng paso. Ginagamit kasi ni mama iyon pang bungkal ng lupa sa mga pananim nito. Pinulot ko 'yon at tinutok sa kanya.
"Hindi ka aalis? Isasaksak ko 'to sa'yo!" pananakot ko. "Umalis ka! alis!"
Napaatras siya at nabitawan ang aking braso. Umalis siya na para bang walang ginawa sa akin. Mahina akong napadaing at hinimas himas ang braso ko na hawak niya kanina. Ang mga pinamili nito ay naiwan lang sa gate kaya kinuha ko nalang din 'yon at pinasok sa sala.
Tahimik at walang tao. Siguradong nasa kwarto lang sila. Nang maiplastar ko ang pinamili ni Marcus sa sala ay umakyat ako patungo sa kwarto ni Annie.
"Annie?" mahina kong wika habang kumatok.
Kakatok ulit sana ako ng bumukas ito. Bumungad sa akin ang bagong ligo kong kapatid. Naka sout ito ng maluwag na dress pero bakat parin doon ang kanyang bilugang tyan.
"Kumusta kana?" tanong ko habang nakangiti sa kanya.
Umiwas siya ng tingin at binuksan ng tuluyan ang pintuan. Sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Nakabukas ang aircon niya ngayon.
"Okay lang bakit?" tugon nito.
Sinundan ko siya ng maglakad ito papunta sa kanyang kama at naupo. Namayani ang katahimikan sa buong kwarto nito.
"Ano palang gender niya? Malapit na rin pala kabuwanan mo," ani ko.
Nang lingunin ko ito nakababa ang tingin niya sa kanyang tyan at hinihimas 'yon.
"Babae," tipid niyang tugon.
Tumango tango ako sa sinabi nito. Nahihiya pa rin siya sa akin pero ayos lang. Ang importante ay paunti unti kaming nag uusap hindi katulad dati na walang kibuan.
"May pinadala pala si Marcus nandoon na sa sala pinasok ko na."
Napatingin siya sa akin. "Sinabi niya na rin sa akin na may ipapadala siya sa bata. Pinipilit niya na mag co-parenting daw para kahit papaano ay makita niya yung anak namin pero ayaw ko."
Napabuntong hininga nalang ako sa naging tugon nito. Wala akong balak na pakielaman sila dahil problema na nila 'yon. Nagusap usap pa kami hanggang sa magpaalam ako na bibisitahin ko si Anton.
Kumatok ako ng ilang beses sa kwarto ni Anton umabot pa yata ng limang beses bago ako pagbuksan nito.
"Ate..." sambit ni Anton at mukhang nagulat pa.
"Kumusta kana?" tanong ko. "Grabe naman ang eyebags mo Anton. Natutulog ka pa ba?" nagaalala kong tanong sa kanya.
Napakamot siya sa kanyang ulo at pinapasok ako.
"Natutulog naman po," tugon nito at naupo sa upuan para ipagpatuloy ang ginagawa sa study table nito. "Medyo marami lang pong ginagawa finals na po kasi namin."
"Ganoon ba," iyon nalang ang naging sagot ko. "Kung may problema ka Anton huwag kang mahihiyang sabihin sa akin, ah? Magtext ka lang sa akin at magrereply ako sa 'yo. Baka mamaya kasi iniipon mo lang mga problema mo alam mo bang nakakasira rin ng ulo ang ganyan?"
Hindi niya ako sinagot sa halip ay natigilan ito sa pag dadrawing. Nagaasikaso kasi siya ng plates niya ngayon. Kita ko ang pag higpit ng hawak niya sa kanyang lapis bago pinagpatuloy ang ginagawa nito.
"Opo, ate," tugon nito at parang nagaalanganin pa.
Gusto ko pa sanang makipagusap sakanya ang kaso busy ito. Nagaalala lang talaga ako dahil ang laki na ng pinayag ni Anton. Nanlalalim ang ilalim ng mata nito ay naningingitim pa. Nagpaalam na ako kay mama pagkagabi at nagiwan ng pera para may pang gastos sila rito.
Nagpahabol pa ito ng isang libo dahil gusto niya raw magpa spa kaya binigyan ko nalang din para walang away.
Hanggang makabalik sa Monsietta ay hindi maalis sa isip ko si Anton. Hindi ko alam bakit ako kinakabahan ng ganito.
Siguro dahil nagaalala ako bilang ate nito.
HINDI KO MAIWASANG HINDI matawa habang nakaangkla ang aking braso sa balikat ni Kristoff. Nakaupo ako sa hita nito habang pinapaandar ang kanyang wheelchair sa hallway nitong hacienda nila. Naisipan namin na maglibot libot sa bahay nila dahil wala naman kaming ibang ginagawa.
"Mabigat ako," natatawa kong ani.
Mabilis niyang hinalikan ang aking pisngi. "It's okay. Kaya ko naman," tugon nito.
Humaba lang ang aking nguso. Napadpad kami sa isang hallway na may mga painting sa bawat gilid no'n. Napako ang aking tingin sa isang malaking painting sa dulo ng hallway.
"Lola mo?" tanong ko.
"Yes, her name is Gianna. She's my mom's mother," pagpapakilala nito sa akin.
Tipid itong nakangiti sa painting. Para siyang matandang version ng mama ni Kristoff. Naka lugay nga lang ang buhok nito. Kulay itim ang dress at naka sout ng perlas na kwintas.
"Is she..." nagaalanganin kong wika.
Mukhang nagets niya naman ang ibig kong sabihin. "We didn't know. Actually she's missing. Ilang tao na siyang hinahanap namin eventually sumuko na si mom at tinanggap nalang na wala na siya."
Malungkot na tinignan ko ito. "Condolences, Toffy."
Tipid niya lang akong ningitian. Lumiko na kami at pinaandar na ang wheelchair nito sa ibang bahagi ng hacienda nila. Bago pa kami makaikot para bumalik na sa kwarto nito ay muli kong sinulyapan ang painting ng lola ni Kristoff.
"May therapy session ulit ako next week," umaandar parin ang wheelchair nito. Papunta naman kami sa dining area para mag meryenda hapon na kasi ngayon.
"Nasabi na rin sa akin ni Ma'am Marina," ani ko. "Huwag ka mag-alala alam ko schedule mo sa therapy mo. Atsaka sasamahan kita palagi," nakangiti kong tugon sa kanya.
Tumigil ang wheelchair nito at tinignan ako. Kitang kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi kaya hindi ko maiwasang hindi pisilin iyon.
"Thank you," he whispered.
Umangat ang kanyang kamay at hinaplos ang aking mukha. Hinawakan ko naman ang kamay nito at mahinang tinapik.
"You're always welcome."
Mabilis kong hinalikan ang kanyang pisngi pero nasundan pa ulit 'yon ng hawakan niya ang aking batok at hinalikan ang aking labi. Napapikit nalang ako at tinugon iyon.
"Ehem."
Nanlaki ang aking mata at napatayo ng marinig ang tikhim sa aming harapan. Kahit hindi ako maputi ay pakiramdam ko namumula ang aking pisngi dahil sa nangyari.
"K-kuya Toryo, nandito na pala kayo," pagbati ko habang alanganin na tumawa.
"Nandyan na sila Mom and Dad?" tanong ni Kristoff.
Sumenyas siya na nandoon na sila sa sala. Ramdam ko ang mahinang pagtapik ni Kristoff sa aking hita senyales na dumiretso na kami ro'n. Nauna siya kaya nasa likuran niya lang ako.
Naglakad na ako patungo sa sala. Habang naglalakad ay biglang tumunog ang notification ng cellphone ko ibig sabihin ay may nag chat. Napansin din ni Kristoff na hindi ako naglakad kaya tinignan niya ako.
"Mauna kana titignan ko lang kung sino 'to," ani ko.
"Okay. I'll wait for you there," tugon nito.
Mahina akong natawa at napailing nalang. Akala mo ay mawawala ako ng ilang taon. Kinuha ko na ang phone ko at tinignan kung sino 'yon. Kumunot ang aking noo ng makitang si Anton 'yon.
Anton:
Ate p'wede ka bang makausap?
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com