Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 28

CHAPTER 28

A MONTHS LATER, naka ilang therapy na rin ang ginagawa para kay kristoff. Minsan naman ay sinusubukan niyang tumayo at maglakad lakad sa hallway. Paunti unti hanggang sa masanay. Ang bigat ng katawan ko, nilalabanan ko ang sarili na huwag magpahinga dahil aasikasuhin ko pa si Kristoff.

Ang bigat ng dibdib ko at kahit ilang beses akong tanungin ni Kristoff ay hindi ko masabi sa kanya. Heto yung pangit sa akin, ang lakas ng loob ko magsabi na kapag may problema mas maganda na may mapagsasabihan ka kasi sobrang bigat sa dibdib kung maiipon 'yon. Pero hindi ko man lang maiapply sa sarili ko ang bagay na 'yon.

Na para bang nasanay na ako na sinasarili itong nararamdaman o problema ko. Ayaw ko ng may nakakaalam, ayaw ko na may madadamay o maging dagdag pa sa problema nila dahil alam kong lahat ng tao ay may personal problem.

Naputol ang aking pagiisip ng marinig na parang may kumalabog. Napagtanto ko na nasa hallway pala ako kasama ang aking nobyo na ngayon ay inaalalayan ko para makapag lakad ng dahan-dahan.

"Kristoff!" natataranta kong tawag sa kanyang ngalan.

Tinulungan ko siyang makatayo dahil sumalampak na pala ito sa tiles dahil nakalimutan ko ang pag-alalay sa kanya dahil sa mga iniisip ko.

"I'm sorry. I'm sorry, Toffy," hinawakan ko ang kanyang braso para maitayo siya.

"It's okay, Hon," mahina niyang wika.

Parehas na kaming hinihingal dahil ang bigat niya. Kapansin pansin din kasi ang mabilis na pagbaba ng aking timbang. Halatang halata na ang laki ng aking pinayat. Sa kalaunan ay naupo nalang kami sa gilid ng hallway habang naka sandal ang likod sa pader.

"Are we still good?" he whispered.

I unconsiously looked at him. "Yes, of course. Why would you say that?"

"Nothing," he answered.

Muling namayani ang katahimikan sa aming pwesto. Ang kanyang kamay ay unti unting pinatong sa aking kamay at pinagsiklop iyon. Nanatili lang akong nakatulala sa kawalan, maramdaman ko lang ang presensya ni Kristoff ay ayos na sa akin. Kahit saglit man lang ay lahat ng nagkanda buhol-buhol na problema na nasa iniisip ko ay natatanggal, naaalis dahil sa kanya.

"I know you're not okay," tumingin siya sa akin. "Bakit hindi mo sinasabi sa akin?" he asked.

Nang makasalubong ang aming tingin ay doon ko nakita ang kanyang mata na asul. Malungkot ang kanyang mata habang nakatingin sa akin. Parehas lang kami, parehas na nilalabanan ang mga problema sa aming isipan. Malungkot ang mga mata at pagod na.

"I'm okay, Toffy," nakangiti kong saad. "Kaya ko. Kaya ko pa, promise," pinisil ko ang kanyang palad habang nakatingin sa kanya.

"Isn't it unfair, Hon?" mababang boses nitong tanong.

Doon bumilis ang tibok ng aking puso.

"I always share my problems with you. But when it comes to your problem, you always stay silent. You didn't share it with me," malungkot ang tono ng kanyang boses kaya sumikip ang aking dibdib, nasasaktan ako.

Umiwas ako ng tingin dahil hindi ako nakakatagal sa paraan nito kung paano tumingin sa akin. Konting konti nalang ay parang may tumutulak sa akin na sabihin ko na sa kanya na hindi ako ayos.

"Nandito naman ako. Handa akong makinig," mukhang nagmamakaawa na siya sa akin na sabihin sa akin ang problema ko. "Kaya please lang sabihin mo na sa akin kung anong nasa isip mo, ano yung mga problema na tumatakbo sa isip mo kasi kahit gaano pa yan karami makikinig ako. Kahit abutan tayo ng madaling araw okay lang sa 'kin. Makikinig ako, Hon. Kasi mahal kita," seryoso siya habang nakatingin sa akin.

Hindi na ako makasagot sa mga sinabi nito. Napalunok nalang ako at muling siyang sinulyapan. Mahinang singhap ang kumawala sa aking labi ng makita ang kanyang mata na namumula at nagbabadyang tumulo ang kanyang luha.

"Toffy..." I whispered.

Umusog ako papalapit sa kanya at niyakap siya.

"It feels like I never fulfilled my role for being a boyfriend to you, Hon. pakiramdam ko wala akong ambag sa relasyon na 'to. Alam ko naman na hindi ako nakakalakad ang daming sagabal sa relasyon natin. Nagagawa naman natin lahat pero parang may malaking pader parin na nakaharang dahil sa kundisyon ko."

"I'm sorry if I hurt your feelings," paghingi ko ng tawad. Nanginit ang gilid ng aking mata. "Please don't say that to yourself, Toffy. Hindi ko iniisip na gano'n ka kaya sana huwag mong sabihan sarili mo ng ganyan."

"Please tell me your problem, Hon. kahit 'yon lang at least masasabi ko sa sarili ko na may nagagawa akong tama sa relasyon natin."

Hindi ko na napigilan na umiyak habang yakap yakap siya.

"Hindi ka sagabal, Toffy. Masaya nga ako dahil nagagawan mo parin ng paraan na makaroon tayo ng quality time o magdate tayong dalawa kahit dito lang sa loob ng bahay o sa bakuran niyo. 'Yong mga ginagawa mo sobra sobra pa sa lahat. Ang effort mo sa lahat ng bagay kahit ganyan ka," pagpapagaan ko sa kanyang loob. Hinarap ko siya at kinulong sa aking palad ang pisngi nito. "Kaya naaappreciate kita. Kung iniisip mo na wala kang ambag nagkakamali ka. Sobra sobra pa sa lahat ang ambag mo," lumuluha kong wika.

Mabilis kong hinalikan ang kanyang labi at pinagdikit ang noo naming dalawa.

"Thank you kasi pinaranas mo sa 'kin lahat ng ito. Salamat sa 'yo," mahina kong wika habang umiiyak na nakatingin sa mga asul nitong mata na ngayon ay lumuluha na rin. "I'm really okay, I promise."

"Are you sure?" tanong nito.

I nodded. "Yes," I answered. "Dito ka lang sa tabi ko at huwag mo 'kong iwan, Toffy. Please don't get tired of me. Just stay by my side and don't leave. I'm begging you," I whispered while crying.

Naramdaman ko ang pagpulupot ng kanyang braso sa aking katawan. Huminga ito ng malalim. Ang daliri nito ay sinusuklay niya sa mahaba kong buhok at isang malambot ng bagay ang naramdaman ko sa aking noo, hinalikan niya pala ako ro'n.

"I'll never leave you, I promise," seryoso nitong sambit.

MUNTIK NA AKONG matumba kakamadali para magtungo sa banyo ng maramdamang parang babaliktad ang aking sikmura. Huminga ako ng malalim at nagmumog ng matapos ako sa pagsusuka.

Dahil ilang araw na akong hindi makakakain ng maayos at sinusubukan kong ibalik sa dati ang tamang oras ng aking pagkain ay nasusuka ako. Parang hindi tinatanggap ng aking sikmura ang mga kinakain ko dahil nasanay 'yon ng walang laman.

Uminom nalang ako ng tubig at lumabas na ng kwarto para magtungo sa labas ng bahay nila Kristoff. Tatlong linggo na ang nakalipas at heto another session na naman sa therapy ni Kristoff. Sasamahan namin siya ni Kuya Toryo sa GCH.

"Goodluck, Toffy. Kaya mo 'yan," pagpapagaan ko sa kanyang loob.

Tumango lang si Kristoff at sumunod nalang sa mag-aassist sa kanya hanggang sa makapasok sa therapy room. Kami nalang ni Kuya Toryo ang natira rito sa labas at hihintayin nalang ang aking nobyo hanggang sa matapos.

"Ang laki ng pinayat mo."

Napatingin ako kay Kuya Toryo ng magsalita ito.

"Uso po raw kasi 'yon," tugon ko at tinawanan nalang siya.

"Huwag mong kakalimutan na maraming nagmamahal sa'yo, hija. Kahit na hindi ka namin kadugo nag-aalala parin kami sa'yo. Lalo na si Ma'am Marina," seryoso nitong wika sa akin.

Mukhang hindi nakalusot ang joke ko ah. Napabuntong hininga nalang ako at bumaba ang tingin sa hawak kong cellphone ng mag vibrate 'yon.

Mama:
Ilang buwan ka ng hindi nakakabigay, Anna. baka nakakalimutan mo na yung pamilyang naiwan mo rito. Alangan naman na magutom kami ng kapatid at pamangkin mo? Si Ashley wala ng gatas tsaka pampers.

Napakurap ako sa sinabi nito. Kumunot ang aking noo, alam kong nakapagbigay na ako, ah. Napapikit ako at hinilot ang aking sintido ng kumirot 'yon.

Anna:
Nakabigay na po ako, 'ma. 'Di ba last month?

Mama:
Kung nasa harapan lang kita baka dinukdok ko ng kaldero ulo mo para makalog utak mo. Tanga! Manghihingi ba ako kung may natanggap ako!? Isend mo kay Annie yung pera kailangan na namin 'yon ngayon. Malapit na rin due date ng tubig at kuryente. Wala na rin pambili ng mga stocks sa tindahan.

Napabuntong hininga na lang ako at nagsend nalang sa online bank ni Annie ang pera na hinihingi ni mama. Ayaw ko na makipagtalo dahil lumalala yung sakit ng aking ulo. Simula ng mamatay si Anton ay lagi ng naka do not disturb ang aking cellphone kung hindi naman ay naka vibrate lang ang notif.

Hanggang matapos ang theraphy session ni Kristoff ay tulog ako. Nagising nalang dahil sa kalabit ni Kuya Toryo.

Tumayo na ako at nilapitan si Kristoff. Pawisan ito kaya pinunasan ko ang kanyang pawis gamit ang aking panyo. Halatang wala ito sa mood kaya nilingon ko ang kasama nito sa therapy.

"Ano pong nangyari?" tanong ko.

Umiwas sa akin si Kristoff kaya si Kuya Toryo ang umalalay sa kanya. Lumayo na sila sa amin kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung susundan ko ba sila o mamaya nalang dahil mukhang may gustong sabihin ang kasama ng aking nobyo sa therapy room.

"Mukhang wala po yata sa mood ngayon si Mr. McQuiod, ma'am. Ilang beses na po kasi siyang natutumba ngayon kumpara sa naunang session. Akala ko nga po magiging maayos na paunti unti yung paglalakad niya kasi okay pa naman po siya nung nakaraang session."

"Baka nagkataon lang po," tugon ko.

"Baka nga po. Suggest ko po na pahinga muna si Mr. McQuiod. Huwag po muna maglakad lakad sa bahay nila. Kapag napansin niyo po na medyo okay okay na po si sir p'wede niyo na po ulit siya alalayan sa paglalakad."

Tumango ako. "Noted po. Thank you po."

Ngumiti ang lalake sa akin. "You're welcome po, ma'am."

Lakad takbo ang aking ginawa ng matapos ang usapan namin. Nasa loob na ng van si Kristoff, nakabukas ang pintuan no'n kaya tanaw ko siya sa malayo. Nakapagpalit na pala ito ng damit at malinis na.

"Tara na po, Kuya Toryo," wika ko ng makapasok sa loob.

Sinunod niya naman ang aking sinabi kaya pinaandar na niya ang sasakyan pauwi sa Monsietta.

Hindi ko alam kung paano simulan ang paguusap namin ni Kristoff dahil nakatanaw lang ito sa labas ng bintana at pinapanood ang mga bahay na nadadaanan namin. Kahit hindi niya sabihin sa akin nararamdaman ko na ayaw nito ng may kausap. Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinagsiklop ang aming palad pero hindi ko naramdaman na ginawa niya 'yon pabalik sa akin.

Naiintindihan ko siya pero bakit ang sakit sa dibdib.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com