CHAPTER 30
CHAPTER 30
After three years...
MALALIM NA BUNTONG hininga ang aking pinakawalan at naupo sa bakanteng monoblock ng makitang nakapagpahinga na ang binabantayan ko. Maingat na hinaplos ko ang buhok nito habang tinitignan na mahimbing itong natutulog.
"Anna?"
Napatayo ako at naglakad papunta sa nakabukas na pintuan. Dumungaw doon si Maris—ang ka workmate ko.
"Bakit?" Tanong ko at nilapitan siya.
"Muhkang tulog naman ang binbantayan mo, tara sa hall tayo. May charity kasi magaganap dito kailangan tayo doon para i-welcome kahit paano yung pupunta na mga tao rito," tugon nito.
Tipid ko siyang ningitian at tumango na lang. Sinilip ko sa huling pagkakataon ang binabantayan ko bago isarado ang pintuan. Sinundan ko nalang si Maris at hindi na nagsalita.
"Nagdonate rin sila ng mga p'wedeng magamit natin dito kaya hindi na tayo masyado mahihirapan o mag aagawan sa mga gamit," wika ni Maris sa akin.
Community Carers—yan ang pangalan ng pinagtatrabahuan ko. Kami ni Maris ay isang caregiver dito. Ngayon ay masasabi kong sobrang busy talaga dahil ang mga ibang staff namin ay abala sa paglalagay ng mga upuan sa hall.
"Mabuti naman kung gano'n," tipid kong tugon.
Nilingon niya ako at ang kanyang mata ay nangungusap sa akin. Hinawakan ko lang ang kanyang kamay at ningitian.
"I'm fine, Maris. Don't worry."
Umiling ito. "Hindi ako naniniwala na okay ka, Anna. May nangyari ba?" tanong nito.
I shook my head. "No."
Hinayaan niya nalang ako at hindi na namilit tanungin ulit kung okay ba ako o hindi. Naupo na kami sa monoblock na nakahilera sa tapat ng mini stage ng hall namin at hinintay na mapuno ng mga tao dito.
Nanahimik at pinagmamasdan ko ang mga taong unti unting nagsisipasukan sa hall. Mga caregivers din na katulad ko at ang iba ay kasama ang kanilang mga binabantayan.
Muntik pa akong mapatalon sa gulat ng nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko 'yon at tinignan kung sino.
09*********
Hanggang kailan mo ba kami hindi kikibuin, Anna? Wala ka man lang ba awa sa pamilya mo?
Napalunok ako at nilagay nalang ulit sa pabalik sa bulsa ang phone ko. Hindi rin nagtagal ay padami na rin nang padami ang mga tao rito sa loob.
Ilang taon na rin ang nakalilipas at hanggang ngayon ay hindi ko parin kinikibo ang magulang ko. Bumukod na rin ako at wala ng balak magpakita sa kanila. Wala naman akong choice dahil si mama naman ang nagpalayas sa akin.
Nabalik ako sa aking ulirat ng bigla akong kalabitin ni Maris.
"Okay ka lang ba talaga? Muhkang kulang ka sa tulog, eh. Mag half day ka nalang kaya muna ngayon," nagaalalang wika sa akin ni Maris.
"Okay lang ako baliw ka," tugon ko at tinawanan siya.
"Muhkang hindi at ikaw ang baliw," tinuro niya ang eye bags kong nangingitim na. "Ang dami mong OT ngayon, Anna. Kahit isang beses lang mag half day ka at magpahinga sa apartment mo. Hindi ka naman nila pagbabawalan kasi ikaw na ang kilala nila sa suking suki mag OT dito."
Hindi ko siya tinugon at ningitian nalang. Binaling ko ang aking pansin sa mini stage.
"Alam kong may problema ka, Anna. I understand if you are not ready to talk about it at okay lang din kung wala kang balak pagusapan 'yon."
Nilingon ko ito. Hindi siya nakatingin sa akin habang nagsalita. Naramdaman ko ang pag hawak niya sa aking kamay at pinisil 'yon.
"Since we are all here. I would like to welcome......"
Sabay sabay kaming nakinig sa nagsalita sa mini stage. Sobrang lutang ang utak ko ngayon kaya ang mga sinasabi nila sa akin ay hindi pumapasok sa aking utak. Kaya ang nangyari ay tulala lang ako sa stage.
Kumunot ang noo ko ng maramdamang parang may tumulo sa aking hita. Namantsahan ang sout kong pastel violet na scrubsuit at bahagyang nanlaki ang mata ng makitang kulay dugo 'yon. Kasabay ng muling pagtulo ng dugo sa aking uniform napahawak ako sa aking ilong.
"Mauuna na muna ako, Maris," pagtawag ko sa kanyang pangalan.
"Bakit—shit! Okay kalang ba talaga?"
Kumuha siya ng tissue sa bulsa at binigay sa akin. Tinanggap ko 'yon at pinunas ang dugo sa aking ilong. Tumayo na ako at nagsenyas na aalis na ako. Lakad takbo ang aking ginawa sa restroom at naghilamos.
Muhkang mag hahalf day nalang talaga ako, ah. Inayos ko ang aking sarili bago ulit lumabas dahil pupuntahan ko ulit ang aking bantay. Minsan kasi ay naalimpungatan iyon.
Nang makarating sa kwarto niya ay dahan dahan kong binuksan 'yon at dumungaw. Awtomatik akong napangiti ng makita siya.
"Lola Gigi, gising na po pala kayo," nakangiti kong wika.
Nilingon niya ako at kumaway sa akin.
"Rina, anak nandito kana pala."
Ningitian ko lang siya at tuluyan ng pumasok sa loob ng kwarto. Rina ang tawag niya sa akin... iyon ay ang anak niyang namatay dahil sa sakit na dengue. May dementia itong alaga ko kaya kailangan ng mahaba habang pasensya.
"Gusto niyo po bang maglaro?" tanong ko rito.
"May nag coconcert sa labas, Rina. Ang ingay naman," reklamo nito sa akin.
Mahina akong natawa. "Dito nalang po tayo sa loob muhkang ayaw mo lumabas."
"Talaga! Sino ba ang nagpauso niyan? nakakainis, ang sakit sa tenga," reklamo niya at nahiga ulit sa kama habang yakap yakap ang maliit ng stuff toys.
"Rina... nauuhaw ako," mahina niyang wika.
"Sige po kuha lang ako ng tubig sa labas," tugon ko at kinuha ang tubigan niya para lagyan na rin 'yon.
"Nasaan na ang boyfriend mo, Anna? Ang tagal ko ng hindi nakikita boyfriend mo. Lagi mong kinwento 'yon sa akin ah."
Natigilan ako sa sinabi nito at naramdaman ang pagsikip ng aking dibdib. Lagi kong kinikwento sa kanya ang last relationship ko.
"Ang gwapong lalake..." mahina nitong wika. "Maganda pa ang lahi."
Mahina akong natawa at lumabas na. Yakap yakap ko ang tubigan niya at ganoon din sa akin. On the way ako papunta sa cafeteria ng biglang may lumabas sa unang kanto ng nilakaran ko.
As usual dahil maliit lang naman ang body frame ko para akong tumalsik sa sobrang lakas ng pagkakabangga sa akin.
"Shit!"
"Aray..." mahina kong daing at dahan dahang naupo sa pagkakahiga. Gumapang pa ako kaonti ng biglang gumulong ang dala kong tubigan.
Parang namanhid ang pwetan ko dahil doon. Hindi ko maramdaman dahil sa pagkakabagsak ko.
"I'm really sorry, Miss."
Tinignan ko ang nakabangga sa akin. May bitbit itong mga box na magkakapatong at natatakpan non ang kanyang muhka. Malalim ang kanyang boses at parang pamilyar pa. Pinag sa walang bahala ko ang unang taong pumasok sa aking isipan ng marinig ng boses no'n.
Malaki ang kanyang katawan at mapapansin mo talaga na alaga sa pag ggym kahit nakasout ito ng tshirt na medyo maluwag sa kanya at itim na pants.
"I'm kinda lost here. Uhm... Can you tell me where's the hall?"
Binaba nito ang dala niyang box at tinignan ako. Parehas kaming nagulat ng makita ang isa't isa. Masasabi ko na gumaling na ito dahil nakakalakad na siya ng maayos. Nakakabuhat na nga siya ng mga mabibigat na bagay eh. Ang ginto nitong buhok na palagi kong sinusuklay gamit ang aking daliri ay mahaba na at naka bun ito. Bakas na bakas sa mala dagat niyang mata ang gulat ng magkrus ang aming landas.
"Toffy..." I accidentally whispered my favorite nickname to him.
I can tell by looking into his eyes that he missed me. But why? Why did Kristoff miss me?
Wala ni isa sa amin ang nakapagsalita dahil sa pagkabigla. Sa loob ng tatlong taon na lumipas ngayon lang kami nagkita na hindi sinasadya. Napalunok ako at tinuro ang dinaanan ko kanina.
"Diretso ka lang po at unang kanto liliko ka tapos nando'n makikita mo na 'yung hall," tugon ko.
Hindi ko na hinintay ang pagpapasalamat nito dahil umalis na agad ako. Lakad takbo ang aking ginawa hanggang sa makapunta ako sa pagrerefill-lan ko ng dala kong tumbler.
Bakit nga pala siya nandito!?Kinakabahan tuloy ako sa hindi malamang dahilan.
Hanggang sa makabalik sa kwarto ni Lola Gigi ay lutang ako dahil sa nangyari kanina. Mapait akong ngumiti nang maramdaman ang aking luha na nangingilid. Nakakalakad na siya. . . nakakalakad na si Kristoff. 'Yon naman ang mahalaga ngayon dahil matagal na niyang gustong makalakad.
Mukhang nakabawi bawi na rin siya sa loob ng tatlong taon dahil bukod nga sa nakakalakad na ito lalong gumanda ang kanyang katawan. Lalong lumapad ang kanyang dibdib na palagi kong sinasandalan sa tuwing naglalambingan kami.
"Anna, bakit ka umiiyak?"
Napalingon ako sa gilid ng makitang nakatingin na sa akin si Lola Gigi. Anna naman ngayon ang tawag niya sa akin. Umiling ako at nilapitan siya.
"Wala lang po," natatawa kong tugon.
"Miss mo na ba ang nobyo mo?" tanong niya.
Hindi ako nagsalita sa sinabi nito. Ningitian ko nalang siya at kumuha ng suklay para suklayin ang buhok nitong maikli.
"Hindi ka ba pinapansin ng nobyo mo, Anna? Bakit? Nag-away ba kayo?" sunod sunod nitong tanong.
"Hindi po," magalang kong tugon.
Wala na akong narinig na tanong ulit sa kanya kaya nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman kung gano'n. Ngayong aksidente kaming nagkita kinakabahan ako dahil malaki ang posibilidad na baka magkita ulit kami.
Maliit lang ang mundo kaya ano pa nga ba ang maaasahan ko?
Sa cuidad ako ngayon nagtatrabaho malayo kila mama at Annie. Tama naman siguro ang ginawa ko. Ang malayo sa kanila pero hindi ko parin maiwasan na hindi masaktan kapag naaalala ko na ang parehas kong mahal ay pinagtabuyan ako.
"Annie, half day ka lang ba raw?"
Nagkibit balikat ako at sinubo ang sandwhich. Pananghalian ko ito ngayon dahil kumain naman ako ng kanin kaninang almusal.
"Hindi," sagot ko. "Sayang sahod baka may kaltas."
Sumimangot si Maris. "Anong hindi! Mag half day ka nalang kasi para makapag-pahinga ka. Nagbreak lang saglit yung event kasi lunch time. Babalik nalang daw do'n maya maya kasi may pa raffle na magaganap."
Napakamot ako sa noo ko. "Hindi ko alam kung makakabalik ako masyadong sensitibo si Lola Gigi sa mga malalakas ng tugtog," atsaka makikita ko na naman si Kristoff.
"Ay oo nga pala 'no. Kahit sumilip ka nalang do'n para makita mo. Sayang naman minsan lang mangyari 'to kaya lubusin mo na," pangungumbinsi nito sa akin.
"Sige susubukan ko," tugon ko.
Susubukan ko pero hindi naman talaga ako pumunta. Hinayaan ko lang ang aking sarili na makulong kasama itong si Lola Gigi sa kanyang kwarto. Ayaw ko rin iwanan ito ng gising dahil baka kung anong mangyari sa kanya.
Ang paghahalf day rin ay hindi natuloy dahil ayaw ko. Hindi ako sanay na mag half day sa trabaho dahil kaya ko naman, eh. Hindi pa naman yata ako mamatay sa nosebleed. Siguro ang pag OT muna ngayon ang hindi ko gagawin dahil parang naubos ang enerhiya ko ngayong araw.
Napabaling ang aking tingin ng marinig ang vibration ng cellphone ko sa ibabaw ng lamesa. Kinuha ko 'yon at sinagot.
"Hello."
"Bakit?" tanong ko agad ng mabosesan kung sino ang tumawag, si Maris lang pala.
"Raffle na ayaw mo talaga?" pangungulit nito sa akin.
Wala sa sariling tinignan ko si Lola Gigi na abala sa ginagawa nito.
"Hindi talaga ako pupunta, Maris. Gising si Lola Gigi ngayon kaya hindi ko p'wedeng maiwan iwan," pagtanggi ko.
Narinig ko ang paghinga ng malalim nito. "Dalhin mo nalang saglit lang naman 'to. Last na 'to kasi katatapos lang ng pa games nila. Humabol pa talaga sila ng ganyan."
"Hindi talaga, Maris. Sorry. Kapag pinipilit ko si Lola Gigi minsan nag tatantrums 'to kaya huwag nalang."
"Sige. Pero babalitaan kita kapag nanalo ka, ah," sagot nito.
Hindi ko maiwasan na matawa.
"Ay ang oa naman ako agad mananalo?" tanong ko habang natatawa.
"Sus ang negative nito mag-isip. Swerte mo kasi puro appliances p'wedeng mapanalunan dito. Electric fan, washing machine, may dryer pa."
Napailing nalang ako sa sinabi nito. Umoo nalang ako at binaba na ang tawag. Tumingin ako sa wrist watch ko at nag-asikaso na agad ng makitang malapit na ang aking out.
Lumabas ako saglit para pumunta sa kakilala ko para sabihin na mag-oout na ako. Kung wala pa ang kapalitan ko ay hihintayin ko 'yon at kapag okay na ay p'wede na akong makaalis.
"Ay oo kanina pa nandito. Dumaan lang saglit sa hall kasi yung paraffle hindi pa natatapos, eh," wika nito.
"Ahh, gano'n ba. Sige gising si Lola Gigi sa kwarto niya ngayon pakisabihan nalang siya na dumiretso na ro'n kasi baka anong mangyari sa kanya."
Tumango ang babae at mabilis akong tinignan bago ibalik ang paningin sa monitor nito.
"Sige, Anna. No problem."
Nakahinga naman ako ng maluwag kaya dumiretso ako sa locker room at nagpalit ng damit. Ang kaninang sout kong scrubsuit ay napalitan na ng simpleng white high neck sleeveless blouse at sa pang ibaba ay slacks na itim. Iniwan ko nalang sa locker ang sout kong crocs na white at nagsout ng white flat sandals.
Nang dumaan ako saglit sa salamin na nakadikit sa gilid ng pader nitong locker room at sinuklay ko ang maikli kong buhok. Short layered bob 'yon at bago na rin ang haircolor ko. Ang dating itim na itim kong buhok ay ngayon light brown na. Pinakulayan ko 'yon kasabay ng aking pagupit.
Lumabas na ako sa aking pinagtatrabahuhan at naglakad patungo sa kalsada ng may narinig akong tumatawag sa aking pangalan.
"Anna!"
Awtomatik na tumalikod ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na tumawag sa aking pangalan. Kumunot ang noo ko ng makita kung sino 'yon.
Bakit tinatawag ako ni Kristoff?
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com