CHAPTER 34
CHAPTER 34
KAHIT AKO AY HINDI nakasalita sa sinabi nito. Dahan dahan siyang naglakad patungo kay Lola Gigi na ngayon ay mukhang excited hindi dahil sa apo niya ito kundi dahil nandito na raw ang nobyo ko.
"Sabi ko na nga at magbabati rin kayo, eh!" masaya wika nito.
"Grandma," he whispered. Pinanood ko itong naupo sa bakanteng upuan sa gilid ng higaan ni Lola Gigi. "It's me Kristoff. Do you remember me?"
"Akala ko ba patay na lola mo, Kristoff?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
Umiling ito at ng lumingon siya sa akin ay kita ko ang pamamasa ng kanyang pisngi. Namumula ang mala dagat nitong mata pati na rin ang tungki ng kanyang ilong.
"I thought she's dead too," mahinahon niyang wika. Walang nagawa si Lola Gigi ng bigla siyang yakapin ni Kristoff.
Nakita ko agad ang pagbabago ng expresyon sa mukha ni Lola Gigi kaya hinawakan ko ang balikat ni Kristoff para ilayo siya roon.
"Kristoff, masyado mong nabigla si Lola Gigi—"
"No," tahimik itong lumuluha sa balikat ni Lola Gigi.
"P'wedeng mamaya na. Baka mamaya mag tantrums si Lola Gigi pag pinipilit mo siya," saway ko ng makitang gustong umalis ni Lola Gigi sa bisig ni Kristoff.
"Anna, anong meron? Bakit ako niyayakap ng nobyo mo?" tanong sa akin ni Kristoff.
Malambing akong ngumiti sa kanya at naupo sa tabi ni Kristoff. Hinawakan ko ang kamay ni Lola Gigi habang nakatingin sa kanyang mukha.
"Apo mo raw siya, 'la," sagot ko.
"Matagal ka na naming hinahanap," pag-singit ni Kristoff.
"Si Rina, Anna? Kailangan kong bisitahin ang anak ko. Magtatampo 'yon kung hindi ko bibisitahin ang puntod niya."
Ngayon ko nalang din napagtanto na Rina ay maikling pangalan ng Marina. Nang lingunin ko si Kristoff ay umiiyak parin ito.
"She's alive. Buhay po si mommy," naiiyak na sambit ni Kristoff.
Confused na confused parin si Lola hanggang ngayon kaya pinagpahinga ko muna. Nakatulog naman din agad 'yon kaya kaming dalawa na ni Kristoff ang nag-uusap. Hindi ko na siya pinaalis dahil sa nangyari.
"My grandma is alive, Anna. Akala namin patay na siya," halos hindi makapaniwalang sambit nito sa akin.
"Gianna... Gigi," mahina kong wika.
he nodded. "That's her nickname," tugon nito.
Mahina akong napadaing ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Kulong na kulong ako sa bisig nito. Ngayon nalang din ako nakasandal ng matagal sa malapad nitong dibdib.
"Thank you, Anna." he whispered. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha nito sa aking balikat. "Thank you for taking care of my grandma."
Mahina akong tumikhim at wala sa sariling hinagod ang likod nito para tumahan na.
"It's my job to take care of my patient, Kristoff. Ginagawa ko lang ang trabaho ko," tugon ko.
Sinubukan kong umalis sa bisig nito pero mas lalo lang humigpit ang yakap niya kaya wala na akong nagawa kundi hayaan nalang ito.
"Thank you pa din," wika nito. "We're so lucky to have you, Anna. Paano mo naging pasyente si Lola? Can you tell me the story?" tanong nito.
Inayos ko ang aking upo ng makalas ang pagyayakap namin. Mabilis kong sinulyapan si Lola na mahimbing na natutulog.
Nagkibit balikat ako. "Siya yung unang pasyente ko ng magtrabaho ako rito. Pang umaga kasi ako pero may kapalitan ako tuwing gabi. Hindi naman mahirap alagaan si lola lapag gabi kasi natutulong lang ito. Kapag umaga lang talaga kailangan ng assistance kaya ako ang napili atsaka napalapit na rin ang loob ni lola sa akin," pagkukwento ko.
"Siya ang pinaka matandang pasyente rito sa community carers. Ilang caregivers na rin ang nag handle sa kanya pero walang nagtagal. Kaya yung ibang tao rito bilib sa akin na buti nakayanan ko. Kilala ko na kasi ang mga ayaw at gusto niya atsaka nagiging close na rin kami," pagtutuloy ko.
"Sinong nagdala sa kanya rito?" tanong ni Kristoff.
"I don't know. Nabasa ko sa history niya patay na rin daw naghatid sa kanya rito kasi nagkasakit. Hinanap din nila yung kamaganak ni Lola pero mukhang nahirapan kaya tumigil na rin kaya heto siya ngayon nasa community carers."
Nakita ko ang pagtango nito. Habang seryosong nakatingin sa kanya ay nasilayan ko ang pag ngiti nito sa akin. Ang ngiti na 'yon ay parang pagpapasalamat na sa wakas ay nahanap na ang kanyang lola at ang maganda pa roon ay nasa mabuting kamay ang nag-aalaga sa kanya.
"Thank you, Anna," pag-uulit nito.
Sinundan ko ito ng tingin ng tumayo. Niyakap niya ako habang nakatayo at kumunot pa ang aking noo ng maramdaman na may malambot na bagay na dumampi sa aking ulo.
Hinalikan niya ako roon!
"Lalabas lang ako saglit. I need to tell this to mom and dad. Wait lang," pag-papaalam nito sa akin.
tumango ako at ninguso ang pintuan para sabihin na lumabas na.
"Yeah sure. She really deserve to know this," I answered. "Matagal na niyang hinahanap si Lola, eh."
Hindi agad ako nakareklamo ng bigla niyang ginulo ang aking buhok at lakad takbong lumabas sa kwarto ni Lola Gigi.
Tumayo ako para tignan ang kalagayan ng matanda. Mahimbing parin itong natutulog. Inayos ko nalang ang nagulong kumot nito at nagpahinga kaonti.
Dahil mamaya ay alam kong susugod na rito si Tita Marina para bisitahin ang matagal nitong nawawalang ina.
TAHIMIK KO LANG NA pinagmamasdan ang pamilya ni Kristoff na ngayon ay masayang lumuluha dahil nakita na rin nila ang nawawalang miyembro ng kanilang pamilya.
"Mama," umiiyak na sambit ni Tita Marina. "I thought you're dead na. I'm so very happy you're alive. I'm sorry kung tumigil kami sa paghahanap sa 'yo kasi akala ko wala kana. Pero thank god you're alive. I missed you so much, mama," lumuluhang sambit ni Tita Marina.
Mahina akong natawa ng marinig ang pagiging conyo nito.
Alam kong naguguluhan parin hanggang ngayon si Lola Gigi pero sinabihan ko na siya sa lahat ng bagay sa pamilyang naiwan nito. Mukhang naiintindihan niya naman 'yon kaya paunti unti na siyang nag aadjust agad.
"Rina, akala ko patay kana. Bakit ka buhay ngayon?"
kahit lumuluha ay natawa nalang si Tita Marina. "No. Gumaling ako, mama. Hindi ba na survive ko yung sakit ko sa dengue kahit nag 50/50 ako," nakangiting sagot nito.
"Rina," mahinang wika ni Lola.
Muli silang nagyakapan. May kung anong kirot ang naramdaman ko sa aking dibdib habang tinitignan sila. Naiingit ako. Naiinggit ako dahil bakit hindi ko man lang maranasan ang ganitong klaseng pamilya.
Hindi naman mahirap ibigay 'yon 'di ba?
"Anna! Thank you very much for taking care of my mother," pag-papasalamat ni Tita Marina.
Ang kaninang iyakan na nangyari ay natapos na rin. Nandito kami ngayong dalawa ni Tita Marina sa bandang gilid kung nasaan nakapwesto ang upuan at lamesa. Ang asawa nito at si Kristoff ay nandoon parin kay Lola Gigi at nakikipagkwentuhan.
"Wala lang po 'yon, Tita. Ginagawa ko lang po ang trabaho ko," tugon ko.
Napabuga siya ng hangin at hinawakan ang aking kamay.
"You what, dear. Simula ng umalis ka sa bahay hindi ko alam kung ano nagpapush sa akin na mag karoon ng charity or mag donate sa lahat ng mga hospital na may caregivers na nagtatrabaho. Alam kong mahirap ang trabaho mo kaya kahit simpleng charity event lang ang maitulong ko o makapagdonate man lang sainyo ay ayos na," malambing nitong wika.
"Salamat po kung ganoon, Tita," nakangiti kong tugon.
"Long time no see rin. It's been three years, right?"
"Yes po," sagot ko. "Mabuti nga po at nakakalakad na si Kristoff, Tita. Masaya po ako para sa kanya."
Mabilis niyang nilingon ang kanyang anak. "Me too. We're really happy that he can walk now," aniya at biglang naging malungkot ang tono ng kanyang boses.
Ang hinlalaki nito sa aking palad ay dahan dahan niyang inikot ikot 'yon.
"Mas masaya kami kung nandoon ka, dear," bulong nito.
Napalunok nalang ako. Pinagsawalang bahala ang paninikip at pagkirot ng aking dibdib. Ningitian ko nalang ito kahit nasasaktan.
"Okay lang po, Tita. Ang mahalaga nakalakad na siya atsaka wala rin po tayong magagawa dahil nangyari na rin po 'yon," pagpapaliwanag ko sa kanya.
Humaba ang nguso nito sa akin. "You're still the one I like to be my daughter-in-law, dear."
Muntik pa 'ko masamid sa sarili kong laway dahil sa sinabi nito.
"P-po?" nauutal kong tanong.
Humalukipkip siya. "Nag-usap na ba kayo ng anak ko? I said to him that if you're not getting back together—"
"Mom."
naputol ang usapan namin ng pumagitna si Kristoff sa usapan. Umangat ang tingin ko sa kanya. Seryoso ang kanyang mukha habang naka tingin sa kanyang ina.
"What?" inosenteng tanong ng ina nito. "Don't stare at me like that, Kristoff," naiinis na sambit ni Tita.
"Tawag ka ni Dad."
"Fine."
Wala ng nagawa si Tita Marina at nagtungo na sa asawa nito na ngayon ay inaalo siya dahil nagsusumbong na bakit ganoon daw makatingin si Kristoff sa kanya.
"Anong oras out mo?" tanong ni Kristoff.
"Imposibleng hindi mo alam eh palagi mo akong sinusundan," tugon ko.
Umismid ito. "I'm not a stalker, Anna."
"Pero malapit na," mabilis kong sagot.
Umabot hanggang gabi ay nandito parin sila Tita Marina at ang asawa nito. Aasikasuhin na nila ang dapat na ayusin para maiuwi sa Monsietta si Lola Gigi.
Nauna na silang umuwi at sakto dumating na rin ang kapalitan ko kaya nag-asikaso na ako para umuwi. Ang kaso ang unico hijo ni Tita Marina hindi ako tinatantanan kaya natagpuan ko nalang ang aking sarili na nasa loob ng kotse nito at ihahatid ako pauwi sa apartment.
"Are you happy?" wala sa sarili kong tanong habang nagmamaneho ito.
"Yeah," tugon nito at mabilis akong sinulyapan. "Thanks to you."
"Tama na ang kaka-thank you, Kristoff. Busog na busog na ako," pabiro kong wika.
"Grateful lang kami," anito.
Hindi na ako nakaimik sa sinabi nito. Naniniwala na talaga ako na maliit lang talaga ang mundo. Hindi ko inaakala na ang nawawalang lola nito ay ang inaalagaan ko ngayon.
Wala sa sariling tinignan ko si Kristoff na seryosong nagmamaneho. Ang mga street lamp na nadadaanan namin ay nagsisilbing liwanag sa loob ng kotse kaya nakikita ko ang mata nitong mala dagat. Habang ang itim sa kanyang mata ay nanlalaki.
Hindi naman ako umiiwas sa kanila o sa kanya. Pero mukhang gumagawa talaga ang tadhana na magkita o magkrus ang aming landas.
"May sasabihin ka ba?" bigla kong tanong sa kanya.
he nodded. "Let's talk after we go to your house," he answered.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com