CHAPTER 39
CHAPTER 39
DUMIRETSO AGAD sa aking pwesto si mama ng makapasok sa loob ng infusion suite. Habang si Kristoff ay nakasunod sa kanyang likuran. Pumunta sa aking gilid ang nobyo ko at pasimpleng umakbay sa akin.
Nakita ko ang patingin ni mama sa ginawa ni Kristoff. Tumaas ang isang kilay nito at tinignan niya ito mula ulo hanggang paa.
"Pamilyar ka sa akin," mahinang sambit ni mama. "Ikaw ba yung baldadong boyfriend ng anak ko hindi ba?" tanong nito. "Balita ko naghiwalay na kayo, ah. Nagbalikan na kayo?"
"Ma," mariin kong tawag sa kanya.
Hinding hindi ko talaga nagugustuhan ang pagiging ganyan niya kay Kristoff.
"Yes, ma'am. Kami na po ulit ng panganay mo," magalang na sagot ni Kristoff.
Hindi siya pinansin ni mama. Lumapit ng kaonti sa aking pwesto si mama. Hindi ko alam kung ano na naman ang pakay niya sa akin.
"Bakit po pala kayo nandito?" tanong ko sa kanya.
Ano mang oras ay p'wede ng makabalik ang doktor para masimulan na ang chemotherapy ko. Kaya hangga't maaga ay hindi muna ako maiistress. Paniguradong maninibago ang aking katawan dahil sa treatment na ito.
"Kailangan ko ng pera, Anna. Nalulugi na yung tindahan na iniwan mo sa amin. Kapal din ng mukha mo hindi magparamdam simula ng lumayas ka sa amin, ah," sagot nito.
Parehas kaming nagkatingin ni Kristoff sa sinabi ni mama. Iniwas ko agad ang aking tingin para ituon ang pansin kay mama.
"Pinalayas mo po ako, 'ma," pagtatama ko sa kanya.
"Pati obligasyon mo sa amin kinalimutan mo na rin? Ayos ka rin 'no? Yung sinasahod ni Annie hindi pa sapat sa mga gastusin sa bahay at pang araw araw namin. Lumalaki na rin si Ashley kaya dagdag na naman sa mga gastusin ang mga luho no'n."
Huminga ako ng malalim. Sumasakit ang ulo ko sa mga sinasabi ni mama. Napapikit nalang ako at sinandal ang aking likod sa kinuupuan ko.
"Masyado pa pong bata si Ashley para magpabili ng luho no'n, 'ma. At kung sakaling magpapabili hindi naman marami ang ipapabili no'n," pagpapaintindi ko sa kanya. "Magbibigay na lang po ako nang kalahating sahod ko kapag natransfer na sa banko ko. Medyo gipit po ako ngayon kasi yung naipon kong pera ipangbabayad ko sa chemotherapy ko," pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Kailangan ko ng pera ngayon, Anna. naiitindihan mo ba? Wala na akong pera—"
"How much do you need, Ma'am?" pag-singit ni Kristoff sa aming usapan.
"Kristoff!" tawag ko sa kanyang ngalan.
Napantig naman ang tenga ni mama sa sinabi ni Kristoff. Agad siyang lumingon sa pwesto ng aking nobyo at humalukipkip.
"Bakit? Bibigyan mo ba ako ng pera?" matapang na sagot ni mama.
"Kung 'yon ang ikatatahimik mo, ma'am," magalang na wika ng nobyo ko. "Kung wala kang bank account i-sesend ko na lang kay Annie ang pera na hinihingi mo."
Lumawak ang ngiti ni mama sa sinabi ni Kristoff. Hindi maganda ang kutob ko rito. Alam kong kapag nabigyan na ni Kristoff si mama ng pera hindi na niya ito tatantanan at baka sa kanya na siya manghingi ng pera palagi. Ayaw ko naman na mangyari 'yon.
"Ibigay mo sa nobyo mo yung bank number ni Annie, Anna." utos sa akin ni mama ng lingunin ako nito.
Pagkatapos no'n ay muli niyang sinulyapan si Kristoff habang hindi naalis ang ngiti sa kanyang labi.
"Twenty thousand kailangan ko. Paki transfer na lang agad sa banko ng anak ko para iwiwidthraw ko mamaya pagkauwi," wika nito at parang hindi man lang natamaan ng hiya sa katawan.
"Okay. tatawagan ko lang yung secretary ko," mabilis na sagot ni Kristoff.
Kumunot ang aking noo at tinignan siya.
"No!" nagagalit kong wika.
Parehas ko silang tinignan. Natigilan si mama sa pagsigaw ko habang itong nobyo ko naman ay parang wala lang sa kanya.
"Hindi ka magbibigay ng pera sa kanya," mariin kong sambit kay Kristoff. Pagkatapos ay nilingon si mama. "'Ma naman sobrang laki po ng twenty thousand. Para ka lang pong nanghihingi ng piso sa boyfriend ko. Hindi ka po ba nahihiya sa ginagawa mo?"
"Kapal din ng mukha mo pagsabihan ako ng ganyan 'no? Mabuti nga 'yang nobyo mo nagbibigay kahit hindi niya ako kadugo pero ikaw mismo na sarili kong anak hindi magawa," sagot nito sa pabalang ng tono.
Muli akong napatingin kay Kristoff ng himasin niya ang aking braso para kumalma pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Pumayag kana, hon. Para hindi na siya mangulit pa sa'yo," bulong nito.
"Twenty thousand is a lot of money, Kristoff. Kung sa'yo kaya mo maglabas ng ganyang kalaking pera pwes sa akin hindi. Ilang buwan kong paghihirapan pa 'yan bago makakuha ng ganyang kalaking pera," naiinis na bulong ko sa kanya.
Parang bingi ang kausap ko. Hindi siya sumagot sa aking sinabi dahil tinignan niya muli si mama at tipid na ngumiti rito.
"Huwag po kayo mag-alala, ma'am. Isesend na lang po agad ng secretary ko yung pera na hinihingi niyo kapag naibigay na ni Anna yung bank number ng kapatid niya," usap ni Kristoff kay mama.
Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan dahil hindi ko gusto ang nangyayari ngayon.
"Ibigay mo na yung bank number ni Annie, Anna. Nang makalayas na ako rito. Bibili pa ako ng mga paninda roon kaya tigilan mo ako sa mga kaartehan mo," galit ng utos sa akin ni mama.
"Hindi," matigas kong wika.
"Hon," dinig kong tawag sa akin ni Kristoff.
Hinawakan niya ang aking kamay at pinagsiklop 'yon. Ang hinlalaki nito ay gumagawa ng circular motion sa aking kamay para kumalma ako.
"Just do what she say. Last na 'tong gagawin ko para hindi kana niya kulitin," pangungumbinsi sa akin ni Kristoff.
Napabuntong hininga ako at walang nagawa sa sinabi nito. Sumasakit na naman ang aking ulo. Dapat ay iniiwasan ko na ang mastress pero mismong stress pa yata ang lumalapit sa akin.
Kinuha ko ang cellphone sa bag at pinakita sa kanya ang bank number ni Annie. Wala pang limang minuto ay naisend na sa kapatid ko ang pera.
"Okay na po, ma'am. If you don't mind you can go out now. Magpapachemotheraphy pa kasi si Anna ngayon," wika ni Kristoff
Hindi parin maalis sa labi ang ngiti ni mama at tumango nalang. Tumikhim ito bago magsalita. Akala ko ay tapos na pero hindi pa pala.
Lahat ng masasakit na sinabi nito sa akin ay naapektuhan parin ako. Nanginginig ang aking labi at namuo ang mga luha sa aking mata ng marinig ang sinabi niya.
"Yung ipapamana mo pala sa amin paki-ayos na rin 'yon, Anna. wala ka pa namang anak kaya malamang sa amin mapupunta yung mga ari-arian mo kapag namatay ka," seryoso niyang sambit sa akin.
Mapait akong ngumiti sa kanya at pagak na tumawa. Pinunasan ko ang aking luha at tinignan ito.
"'Ma, hindi pa po ako mamatay," nanghihina kong wika dahil nasasaktan ako sa kanyang sinabi. "Kaya nga po ako nagpapagamot para humaba pa ang buhay ko," suminghot ako at pinunasan ang aking luha na tumulo.
Mas lalong nabasag ang aking puso ng marinig na tumawa ito at parang nakakatawa ang aking sinabi.
"Nagpapatawa ka ba?" sarkastiko nitong tanong. "Malala na sakit mo kaya malamang hindi ka magtatagal. Paki-asikaso nalang yung mga mana na mapupunta sa amin kapag malalagutan kana ng hininga," utos nito at tinalikuran na ako.
"Bakit ka ganyan?" lumuluha kong tanong.
"Hon..." bulong ni Kristoff. Nakita ko na kumuha ng tubig ito at binigay sa akin. "Calm down. Should I take your mother outside?"
Umiling ako at huminga ng malalim. Ayaw ko, dahil alam kong hindi pa hanggang doon ang mapag-uusapan namin. Marami pa itong sasabihin kaya mas mainam pa na sabihin ko na ang mga hinanakit ko sa kanya.
"Parang hindi mo ako anak sa trato mo sa akin ngayon, 'ma." nanghihina kong wika.
"Simula nang mamatay si Samuel hindi na kita tinuring na anak, Anna," mariin nitong wika at may bahid na galit sa kanyang boses. Hinarap niya ako at sinalubong ko ang nanlilisik nitong mata. "Hinding hindi ko makakalimutan ang pagkamatay ni Samuel kaya huwag kang umasta na mapapatawad kita—"
"Anna, my dear. We're here na—oh my what's happening here? Are you crying, Anna? Hala. Oh my god, dear. Hindi ka p'wedeng ma stress right now."
Parang naglaho na parang bula ang mabigat na pakiramdam sa buong infusion suite ng pumasok si Tita Marina. Naglaho ang ngiti nito ng makita si mama sa gilid ng pintuan.
Mas lalong dumami ang luha na tumulo pababa sa aking pisngi ng makitang nag-aalala na nagtungo sa akin si Tita Marina kasunod si Tito Alex. Hindi parin maalis ang tingin ko kay mama na naglakad palabas ng infusion suite pero bago pa 'yon ay tumingin muna siya sa akin at nagsalita.
Naninikip na ang aking dibdib kasabay ng pagbara ng aking ilong dahil sa sipon. Nababasa ko sa kanyang mata na nasasaktan ito sa kanyang nakita pero bakit? Bakit siya nasasaktan eh parang pinagdadasal pa nga niya yata na mamatay ako.
"Ngayon ipagpapalit mo pamilya mo sa pamilya ng boyfriend mo? Ayos 'yan, Anna. Galing mo talaga," galit nitong wika at tuluyan ng lumabas.
Habang ako heto tulala sa nakasaradong pintuan ng infusion suite habang humihikbi. Nanlalabo ang paningin dahil sa mga luha kong walang tigil sa pagtulo.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com