CHAPTER 43
CHAPTER 43
NAKARAMDAM AKO ng kaonting pagkahilo ng maimulat ko ang aking mata. Napakunot ang aking noo dahil nandito ang magulang ni Kristoff na ngayon ay kausap ang doktor. Seryoso ang kanilang mukha at parang ayaw magpaistorbo.
Awtomatik na pumasok sa aking isipan ang nangyari kanina. Nawalan ako ng malay dahil sumakit ang aking ulo. Ang malala pa ay dumugo pa ang ilong ko.
"Hon," dinig kong tawag sa akin ni Kristoff.
Naalimpungatan pala ito dahil sa akin. Natutulog siya sa gilid ng aking kama. Ang pwesto nito ay nakayuko at ginawang unan ang kanyang braso.
"Hi, handsome," malambing kong wika sa kanya.
Umusog ako kaonti ng maupo siya sa aking gilid. Parang bata na sumiksik ito sa akin at nagtataka na hinawakan ang kanyang braso ng maramdaman na namamasa ang aking leeg.
"Hey, what's wrong?" nagtataka kong tanong sa kanya.
Parang tinambol ang aking dibdib sa kaba. Napasulyap ako ng makitang nakatingin sa akin ang magulang ni Kristoff kasama ang doktor na kausap nito. Si Tita Marina ay namumula ang kanyang mata at may bakas pa na luha sa kanyang pisngi.
"Anong meron?" naguguluhan kong tanong.
"Bakit sa'yo pa nangyayari 'to?" pabulong na wika sa akin ni Kristoff. Humigpit ang yakap ko sa kanyang braso ng tuluyan niya akong kinulong sa kanyang bisig. "You didn't deserve this. You didn't deserve this," paulit ulit niyang sambit sa akin.
Napapikit ako ng maramdaman na umikot ang aking paningin. Sumasakit na naman ang ulo ko dahil sa nangyayari ngayon. Hindi ko maintindihan bakit ganito ang kanilang inaakto sa harapan ko.
"On the way na ang kakilala kong nuerosurgeon. Sa ngayon p'wede ba na ipa-reserve yung operation room sa kanya para ready na ang lahat. Para malinis na rin ang loob no'n at makapagsimula na kayo kapag dumating na rito yung nuerosurgeon," seryosong wika ni Tito Alex.
"Sure, Mr. McQuoid."
Kunot noo kong tinignan sila. Hindi pumapasok ng maayos sa aking utak ang nangyayari. Nuerosurgeon? Bakit may gano'n? Para ba sa akin 'yon?
"I don't want to lose you, hon. I'm scared," my husband whispered while crying in my neck.
"I'm not going to die, Toffy. Calm down," pagpapakalma ko sa kanya.
Hindi ko inalis ang aking tingin sa tatlong tao na naglakad patungo sa aming direkson. Tumigil na sa pag-iyak si Tita Marina pero humihikbi pa rin ito at ang kanyang mata ay namumula na.
"Dad, ano pong meron?" tanong ko sa kanya.
Nakita ko na tinignan niya ang doktor kaya iyon na ang nagsalita.
"Mrs. McQuoid, I'm glad that you're awake now. Sa ilang buwan mong pag-chechemotherapy kasabay no'n ang pag momonitor namin sa tumor mo sa utak," seryoso nitong wika. "We expecting na lumiliit ito habang ginagamot ka pero mukhang kabaliktaran ang nangyayari. Your tumor are getting bigger and bigger. P'wede kang malagay sa kapahamakan no'n."
Wala sa sarili na pinagsiklop ko ang aking palad sa kamay ng aking asawa. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Wala akong masabi. Halo halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon dahil sa sinabi niya.
"P-po?" nanghihina kong tanong sa kanya, nauutal pa. "Lumaki? Lumaki yung tumor sa utak ko?" pag-uulit ko.
"Yes, hija," sagot ng ama ni Kristoff.
"Yes, my dear," sagot naman ng mama ni Kristoff.
Pagak akong tumawa. Hanggang sa humalakhak na ako. Nagtataka na hinawakan ko ang aking pisngi ng maramdaman na basa iyon. Lumuluha na pala ako.
"Ibig sabihin nasayang lang pera ko para sa pesteng chemotheraphy na 'to?!" hindi ko naiwasang sumigaw dahil sa bugso ng aking damdamin.
"Pinagkatiwalaan kita, doc! Pumayag ako na magpachemotherapy kasi may tiwala ako sainyo pero imbis na lumiit 'tong pesteng tumor sa utak ko lalo pa siyang lumaki!?" halos hindi makapaniwalang tanong sa kanya at pasigaw na ang tono ng boses ko.
Napahawak ako sa aking dibdib ng maramdamang sumikip 'yon. Nang lingunin ko si Kristoff ay hindi parin pa pala ito tumitigil sa pag-iyak. Parehas na kami ngayong lumuluha sa harapan ng kanyang magulang.
Ang pag-asa ko ngayon na gagaling pa ako ay unti unti ng naglalaho.
"Lalo lang lumala sakit ko! Walang kwenta pala 'tong treatment na 'to, doc!" nagwawala kong wika.
Binalot ng malakas na hagulhol ang buong kwarto. Hindi ko na makontrol ang emosyon at nag wawala na ako. Kahit nanlalabo ang paningin ay nakita ko na nagsisimula na silang magpanic dahil sa nangyayari sa akin.
"Ayaw ko na!" malakas kong sigaw.
"Hon!" dinig kong wika sa akin ni Kristoff.
Huli na ang lahat ng pigilan niya ako dahil sinugod ko na ang doktor. Hinawakan ko ang kwelyo nito at hinila papalapit sa akin.
"Piniperahan mo lang ba ako?" nanggigigil kong tanong sa kanya habang humihikbi. "Inubos niyo ang pera ko!?" sigaw ko sa kanyang harapan. "Hindi mo alam kung ilang taon na ipon ko 'yon sa pagtatrabaho at ginastos ko pa talaga rito sa treatment para gumaling pero wala! walang nangyari dahil mas lalong lumala lang ang sakit ko!"
"In your situation right now, Mrs. McQuoid. We highly suggest removing your tumor in your brain as soon as possible—"
"Akala mo maniniwala ako sinasabi mo!" pagputol ko sa kanyang sinabi. "Kung nakatadhana na sa akin na mamamatay ako tatanggapin ko na lang!" singhal ko sa kanya.
Tinulak ko ang doktor kahit na nanghihina at dumiretso sa malapit na pader. Malakas kong inuntog ang ulo ko ro'n ng ilang beses. Narinig ko ang malakas na sigaw nila dahil sa aking ginawa.
"Oh my god, Anna!" sigaw ni Tita Marina.
"Peste ka! Peste kang cancer!" malakas kong sigaw habang paulit ulit na inuntog ang sarili sa pader. Nakaramdam ako ng pananakit sa noo dahil sa ginawa ko pero hindi pa sapat 'yon.
Mas nanaig ang sakit na nararamdaman ko ng malaman na lumaki ang tumor sa aking utak imbis na lumiit 'yon.
"Bakit ako pa! Bakit!" sigaw ko. "Umalis kana sa akin. Sinisira mo lang buhay ko. Hayop ka!" nababaliw kong sambit sa aking sarili.
"Hon!"
Binwelo ko ang aking ulo para sa isang malakas na paguntog pero hindi 'yon natuloy dahil may humila sa akin papalayo sa pader. Muling nagsituluan ang aking luha at nanghihina na napaupo sa sahig.
"Why did you do that!?" galit na tanong sa akin ni Kristoff.
Hindi ko na alam ang aking ginawa. Nanghihina na pinwesto ko ang aking katawan sa fetal position habang yakap yakap ang aking sarili. Kahit nakapikit ay patuloy parin sa pagtulo ang aking luha.
Naramdaman ko na lang na binuhat ako ni Kristoff at kinulong ako sa kanyang bisig.
"Calm her down, son," dinig kong utos ng mommy ni Kristoff.
"Get me some ice bag. Nakikita ko na yung pasa sa noo niya," sambit ni Kristoff.
"Ako na ang kukuha. Ipapadala ko na lang sa nurse rito yung ice bag," wika ng doktor.
"Thanks, doc. Paki ready na lang yung operation room para sa daughter in law ko. Kakausapin na lang namin siya ng maayos kapag okay na siya," saad ng ama ni Kristoff.
"Noted."
Nabibingi na ako. Wala na ako maintindihan basta ang nasa isip ko ay lumaki na ang tumor sa aking utak. Walang epekto ang treatment na ginawa sa akin dahil mas lalong lumaki ang tumor sa akin utak.
"Mamamatay na ako," nanghihina kong wika. "Mamamatay na ako," paulit ulit kong sinasambit 'yon habang nanlalabo ang aking paningin dahil sa aking luha.
Bago pa ako mawalan ng malay ay isang boses ang aking narinig kasabay ang pagdampi ng labi sa isang parte ng aking noo kung saan ko inuntog ang aking ulo.
"You're not going to die, hon," he whispered. "We promise that you will not gonna die."
TULALA LANG AKO SA tatlong tao sa aking harapan. Bakas sa kanilang mukha ang pag-aalala. Si Tita Marina, Tito Alex, at ang aking asawa. Kinakausap na nila ako ng masinsinan dahil tatanggalin na raw nila ang tumor sa akin utak.
"Hindi raw nila inaasahan na mabilis lumaki ang tumor sa utak mo, my dear. Kaya kailangan operahan ka para maagapan nila ang paglaki lalo ng tumor," mahinahong usap sa akin ni Tita Marina.
"Huwag kang mag-alala, hija. Yung mag oopera sa'yo ay kilala kong nuerosurgeon. Kaya ligtas ka sa kamay niya. Naiintindihan namin kung bakit naging ganoon ang reaksyon mo kaya sana pumayag kana," pakikipagusap sa akin ni Tito Alex.
Naramdaman ko ang dahan dahan na pagdampi ng ice bag na hawak ni Kristoff sa aking noo dahil sa ginawa kong paguntog sa pader.
"I'm scared. Paano kung hindi naging succesful yung operation? Mamamatay ako roon," tugon ko.
"You're not going to die, hon. Matapang ka, malakas. Makakaya mo 'yan," pagpapalakas nito sa akin loob. "Kilala na nuerosurgeon ang magoopera sa'yo kaya huwag kang mag-alala."
Mahaba haba pa ang aming pinagusapan para kumbinsihin ako na pumayag. Ano pa nga ba ang aking magagawa. Ang doktor na mag-oopera sa akin ay on the way na rito. Pumayag na lang din ako dahil ng mahimasmasan ako ay doon ko lang din narealize na ginagawa lahat ni Tito Alex ang makakaya niya para gumaling ako.
"I'm sorry kung pinapangunahan kita, hija. Gusto ko lang yung best para sa'yo. Ayaw ko na magaya ka sa papa mo at kung sakaling nabubuhay pa siya rito alam kong parehas lang din ang magiging desisyon namin," mahinahong wika ni Tito. "Lahat ng magulang gusto ang best para sa kanilang anak. Kaya sana okay lang sa'yo ang ginawa ko."
Napalabi ako sa sinabi nito at pumasok sa aking isipan si mama. Ganito rin ba siya mag-isip? Iniisip niya rin ba ang best para sa akin? Napailing nalang ako sa aking iniisip. Mukhang hindi naman yata.
Naghintay lang kami ng ilang oras bago bumalik ang doktor dito sa loob ng kuwarto. At may gusto rin akong itanong sa kanya kaya hinihintay ko talaga ito.
"Bago ko pa malaman na may sakit ako, doc. Nakakaranas na ako ng pagiging makakalimutin. Pa minsan minsan naman halos hindi ko na maalala. Noong nag aaral pa po ako no'n pati narin noong nag tatrabaho ako," kwento ko sa doktor.
May pa follow up questions kasi ito bago ako ipunta sa operating room. Bago pa ako pumunta roon ay tinanong ko na siya agad.
"Bukod sa ganyan may aksidente na ba na nangyari sa'yo?" tanong nito.
"Yes. When I was a child, nadulas ako sa sala kasi yung tubig sa baso natapon. Sinubukan naman akong iligtas ni papa no'n ang kaso parehas kaming nadulas at nabagok yung ulo. Kaya hanggang ngayon ay ako parin ang sinisisi ni mama sa pagkamatay ni papa," sagot ko.
"After no'n wala na ako maalala. Kapag inaalala ko ngayon ang labo na sa isipan ko. Tapos noong bago ako makapagtapos sa kolehiyo naaksidente rin ako. Nabangga ako ng sasakyan at doon na ang nagkaroon ng selective amnesia sabi ng doctor. Pero ang tanong doc bakit bago pa mangyari yung aksidente sa akin noong nasa kolehiyo ako yung iba roon wala na akong maalala. Ang labo na sa isip ko kapag inaalala ko," tanong ko sa kanya.
Isang katanungan parin sa aking isip ang bagay na 'yon lalo na nung sinabi sa akin ni Kristoff na may nangyari na sa amin. Naalala ko na 'yon ng buo pero malaking katanungan parin sa aking isipan ang bagay na 'yon dahil bakit hindi ko siya maalala.
"Hmm," dinig kong wika nito. "Yung nangyari sa'yo na aksidente noong nasa kolehiyo ka tama na may selective amnesia ka dahil mismong doctor na ang nagsabi sa'yo. Para naman sa isang bagay na tinutukoy mo, it can be dissociative amnesia. Kumusta ba ang pag-aaral mo noong nasa kolehiyo ka? Are you stress? Anything na related diyan?"
Dahan dahan akong tumango. "I'm working student po noong nasa kolehiyo ako, doc. Sabay sabay rin ang mga pinapagawa kaya super stressful din para sa akin 'yon lalo na sa environment sa bahay," tugon ko.
Hindi ko na brining up pa ang mga pangyayari sa bahay dahil ayaw ko ng isipin pa 'yon.
"Okay okay," tugon nito. "Mrs. McQuoid, Dissociative amnesia is a condition characterized by memory gaps related to personal information, often linked to distressing or traumatic experiences. It also involves the inability to recall significant details about oneself, such as events, experiences, or personal identity. P'wede rin makaranas ng ganyan sa sobrang stress na nararamdaman."
Napatango tango ako sa sinabi nito. Dissociative amnesia? Dahil sa stress siguro kaya nangyari 'yon. Napapikit na lang ako at napahilot sa aking sintido ng sumakit na naman ang aking ulo.
NANG DUMATING ang oras na pinakahihintay ng lahat. Parang tinatambol ang aking dibdib dahil sa kaba. Nahihirapan akong huminga at parang gustong kumawala ng aking puso. Namamawis din ang aking palad at sa tingin ko nanlalamig na rin ako.
Ngayon ay mariin na nakapikit ang aking mata at nakikinig sa dasal na binabanggit ni Tita Marina. Nandito silang lahat at nakapalibot sa akin, kasama ang aking kapatid na si Annie. Umiiyak na ako sa kanya kanina dahil kahit sa huling pagkakataon ay makita ko man lang si mama pero wala. Pinakahuling pagpipilit ko na 'to at hindi na masusundan pa.
"Heavenly Father, we lift Anna to You as she undergoes surgery. Please guide the hands of the medical team and grant them wisdom. Surround Anna with your healing presence and bring comfort to their hearts. We trust in your mercy and healing power. In Jesus' name, we pray."
"Amen," sabay sabay naming sambit.
Nagpasalamat ako sa kanila at ningitian ko ito. Papunta na ako ngayon sa operating room. Gusto ko sana na samahan ako roon sa loob ni Kristoff pero hindi raw p'wede.
"Magpalakas ka ate," naiiyak na wika sa akin ni Annie. "Thank you sa mga sakripisyo mo sa amin," mahina nitong bulong sa akin.
Hinaplos niya ang aking mukha at dahan dahang lumapit ang kanyang mukha sa akin. Dinampian niya ako ng halik sa pisngi. Awtomatik na gumuhit ang ngiti sa aking labi at niyakap siya.
"Lahat ng sakripisyo ko ay para lahat 'yon sainyo, Annie. Kaya salamat kasi na-a-appreciate mo 'yon," nakangiti kong tugon sa kanya at hindi pinahalata na kinakabahan ako.
Sumunod naman ang magulang ni Kristoff sa pagpapalakas ng loob sa akin lalo na ang aking asawa na sinasamahan ako papunta sa operating room. Naiwan na ang iba sa loob ng kwarto at doon na lang daw sila maghihintay hanggang sa matapos ang operasyon.
Nang kaming dalawa na lang ng aking asawa magkasama ay lahat ng naipon kong emosyon kanina ay parang sumabog sa kanyang harapan. Umiiyak na ako habang magkahawak kami ng kamay.
"I'm scared," I said while crying. "Ang totoo niyan ay natatakot talaga ako, Toffy. Paano kung hindi magiging successful ang operasyon?"
Paulit ulit na tumatakbo 'yon sa akin isipan. Paano kung hindi ako tuluyang gumaling at doon pa ako mamatay.
"Don't say that. Nandito na tayo, oh. Gagaling kana kapag natapos na ang opera sa'yo. Maghihintay lang kami sa labas. Kaya mo 'yan, hon. Be brave and beat that cancer," pagpapalakas nito sa aking loob.
Awtomatik akong napapikit ng maramdaman ang kanyang labi sa aking noo. Nagtagal 'yon ng ilang segundo at pinagdikit ang noo naming dalawa. Wala rin tigil sa pagtulo ang kanyang luha. Parehas na rin kaming umiiyak sa isa't isa.
"You're going to be okay after this operation. Magiging okay na rin ang lahat, okay?" he said while sobbing.
Kahit nanlalabo ang aking mata ay pilit ko parin kinakabisado ang kanyang mukha. Baka ito na rin ang huling pagkakataon na makita ko ang mukha ng aking asawa. if I ever die in this operation. I will never forget his beautiful square face. I stroked his sharp jawline with his trimmed beard while looking at his piercing blue eyes.
And another thing I will miss is his breathtaking ocean-blue eyes.
Lalo na ang buhok nitong mahaba at mala ginto ang kulay. Hanggang alala ko nalang 'yon dahil wala na ang buhok nito. shinave na niya kasabay ng sa akin. Hindi ko na makikita ang shiny at glossy nitong buhok.
I cupped his face and leaned for a kiss. It was a very long, wholesome kiss.
Sinulit ko na ito dahil baka ito na ang huling halik naming dalawa bilang asawa. Niyakap ko siya ng mahigpit at ganoon din ang ginawa nito. Sumisikip ang aking dibdib ng marinig ang mahina nitong hikbi. Mahigpit ang yakap niya sa akin na para bang takot ako na mawala, na para bang ayaw akong pakawalan nito.
Ano mang oras ay ipapasok na ako sa operating room. Kaya lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. Parehas lang din kami ng nararamdaman, ang ayaw mahiwalay sa isa't isa.
"If I'm not going to die let's make a baby. I want a happy family, Toffy. I want to feel a complete and happy family," I whispered while crying. "Hindi naranasan 'yon noong paglaki ko kaya gusto ko bumuo ng masayang pamilya kasama ka," lumuluha kong wika.
Naramdaman ko na tumango ito at umalis na sa pagkakayakap sa akin. Malawak ang kanyang ngiti sa kabila ng pag-iyak nito. Ilang beses siyang tumango na para bang parehas kami ng nasa utak.
"Yes. Yes, hon. We will do that. We will build a happy family soon," masaya niyang tugon at mabilis na hinalikan ang aking labi. "I promise that."
"Mr. McQuoid, ready na ang doctor na mag oopera kay Mrs. McQuoid. Kukunin na po namin siya," wika ng isang nurse.
"Okay," tugon ng aking asawa.
Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ako ni Kristoff at naramdaman na hinawakan ang aking kamay. Pinagsiklop niya 'yon at binigyan ng muntik halik ang aking palad.
Dahan dahan na ako pinapasok sa loob at tumigil siya dahil bawal na siya pumasok sa pinakaloob nito. Mahigpit pa ang hawak nito, halatang ayaw akong bitawan.
"Bye, hon. I love you," malambing ang tono ng kanyang boses.
I nodded. "I love you more, Toffy. Bye," ningitian ko pa ito at mabilis na nagpadala ng halik sa hangin.
Nag kunwari itong natanggap niya at tinapat niya ito sa kanyang dibdib. Bago pa tuluyang maisara ang pintuan sa operation room ay kumaway ito sa akin at ganoon din ang aking ginawa.
"Toffy," kinakabahan kong sambit.
Huminga ako ng malalim at kinalma ang aking sarili.
This is it, Anna. Just be brave. Don't worry your operation will be successful.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com