OO7
December 22, 2018
. . .
Luna's POV
Matapos kong masulat ang entry na iyon sa diary ko ay saktong may nag-doorbell sa pinto.
Iyon na 'ata 'yung cake.
Mabilis kong tinungo ang pintuan at nakayukong binuksan iyon. Agad na inabot ng delivery boy ang cake na ni-order ko.
"Miss, bakit ka nakayuko? Hindi naman ako pangit ah." matawa-tawang saad nito. Nanatili akong nakayuko as I gave him the money.
"Maaga pa para bumusagot, Miss. Ngiti ka naman diyan."
Hindi ko alam pero nang sinabi niya iyon ay umangat ang ulo ko at agad na nagtama ang mga mata namin.
. . .
Kakagaling niya lang sa bahay ko. He was riding his motor. Nakangiti itong nagmamaneho at maingat siyang nagpapatakbo. Kaya naman imposibleng siya ay masangkot sa isang aksidente.
His motor stopped when the stoplight turned red at muling pinaandar ang makina matapos ang isang minuto.
Masyadong naging mabilis ang mga sunod na nangyari. Mabilis na sumalpok ang sinasakyan niya sa isang truck. Tila naalerto naman ang driver ng trak at pumreno ngunit huli na ang lahat.
Nagkalasog-lasog ang motor nito at pumailalim siya sa truck. Mukhang matindi ang pinsala niya at wala na talagang pag-asa.
And with that incident, his life ended with just a snap.
. . .
"Alam kong gwapo ako pero 'wag mo naman sanang ipaglandakan. Nakakahiya kasi eh." pilyong sabi nito habang ni-scratch ang batok niya.
Tinignan ko lang siya. Dapat bang tulungan ko siya?
"Miss, umiiyak ka ba?" naalerto ako sa tanong niya kaya hinipo ko ang pisngi ko. Sa tuwing makakakita kasi ako ng kamatayan ng isang tao, hindi ko naiiwasang mapaluha.
"Here. Hindi ko pa 'yan nagagamit." he handed me his handkerchief.
"Thanks." sagot ko habang kinukuha ang panyo at pinunas iyon sa mga luha ko.
Nang mahimasmasan ako ay muli ko siyang hinarap. Ngumiti ako at tinanong siya.
I'll save you.
"Would you like to celebrate my birthday with me?"
©
sourgeon, 2018
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com