OO9
December 23, 2018
7:00 AM
Dear Diary,
Mabilis na natapos ang kaarawan ko. Si Euro ay agad ding umalis dahil may trabaho pa siya at kailangan niyang maghabol sa deadline para sa project niya.
Oo nga pala Diary, magkaparehas pala kami ng university na pinapasukan. Isa siyang scholar at kagaya ko, mag-isa na lang siya sa buhay. Aniya, maagang nawala ang mga magulang niya dahil sa isang aksidente at siya lamang ang nakaligtas. Hindi na ako nagtanong pa dahil nakakahiya na kaya!
And about my decision regarding kay Euro. I finally decided to let him in. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya pinapasok sa buhay ko at hayaang malaman ang ilang mga sikreto na tinatago ko. There's something in him that I really want to protect at iyon ang gagawin ko.
Tama na siguro ang isang pagkakamali noon. It's time to eliminate my fear at maging matapang.
I need to be brave. Hindi lamang sa mga taong mahahalaga sa akin kundi sa mga taong nasa paligid ko.
I will save souls.
Moving on,
Luna
P.S. May nabalita na naman sa TV, twenty-one ang patay dahil sa mass shooting.
©
sourgeon, 2018
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com