Chapter 29
"Sorry Gwen but I'm having dinner with Abcidii" I said.
"But I came all the way here just to have dinner with you" she said.
"I-I guess I can make some time for a short walk." Her face lit a little bit.
Im sure Abcidii's waiting for me. "Is something you'd like to tell me Gwen? I hate to keep Abcidii waiting" I said. Mukha kasing may gusto siyang sabihin sa akin.
She look at me with her sad face "I missed you Lewis. I missed the old us. Lagi nalang na kay Abcidii ang atensyon. Pwede bang ako naman? Agad akong nagpabook ng aking flight ng malaman ko na ikakasal kana. Lewis? Akala ko bang hihintayin mo ko? Pero ano ito? " there's a little tears in her eyes.
"I'm sorry Gwen but I think this isn't right. I love my fiancé very much. And right now I can't wait to get home to see Abcidii. I'm sorry I give you the wrong impression previously, Gwen. I was young... we are still young that time." Huminga ako ng malalim "I'm really sorry but there's only Abcidii for me." After I said that, she runaway. I know this will hurt her but I need to do this. I don't want to give her a false hope.
Abcidii pov
Nandito kami ngayon sa tree house ni Alas. At dito kami magdidinner. Nanlaki ang aking mata sa ayos nito. Nagkalat ang mga petals ng rosas sa sahig at mayroon ding mga kandila na nakapalibot sa amin na naka hugis puso.
Inalalayan niya ako sa pag upo at inabot ang isang bouquet ng rosas na kulay asul. Wow "Do you like it?" tanong niya. Tumango naman ako. Sino bang hindi? Napakaswerte ko talaga kay Alas. Nageffort pa siya dito.
"I'm sorry I didn't bring you to a fancy restaurant because I hate it when the paparazzi surround us for pictures every time were out public" Nasisiraan na ba siya? Ang perfect kaya neto! Mas gusto ko ito kumpara sa mga fancy restaurant na sinsabi niya. At least dito may privacy kami para magusap.
"Anong pinagsasabi mo? This is the perfect date I want! Ako na ang pinaka maswerteng babae!" sabi ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa sinabi ko. "I'm glad that you like it"
"Nakauwi ka na" salubong ni Jessa sa kaniyang asawa na si Bernard. "Kamusta ang trabaho?" tanong nito.
Umupo silang dalawa sa sala at binuksan ang tv. "Ano pa bang bago? Nakakapagod. Tapos kanina sa meeting sinita ni Mhiles si Lewis sa paggamit niya ng kaniyang cellphone. Wala ang hari kaya nagagawa niya iyon." Sabi nito. Inilot nito ang kaniyang sentido.
"Hindi bat hindi naman ginagamit ni Lewis ang kaniyang cellphone kapag nasa trabaho lalo na sa meeting?" tanong ng asawa niya. Tumango naman ito.
Alam kasi neto na mahigpit si Lewis pagdating sa trabaho. Kaya nagtataka ito kung bakit ginagamit nito ang kanyang telepono.
"Oo ngayon lang at sigurado ako na si Abcidii ang dahilan kung bakit ginawa niya iyon. Kung nakita mo lang ang mukha ng Prinsipe kapag umiilaw ang screen ng kaniyang cellphone" tawa nito.
"Napakasweet naman pala ng Prinsipe" sabi ni Jessa habang kinikilig "Si Timothy kaya natin kailan niya mahahanap ang babaeng papakasalan niya? Hindi na ako makapaghintay!" dagdag niya.
"Naisip ko lang kung si Alas at Abcidii ba ay nagpapanggap pa din hanggang ngayon?" tanong ni Jessa. "Baka naman ginawa lang iyon ni Alas para ipakita sa council na totoo ang kanilang pagpapanggap?" tinakpan naman agad ni Bernard ang bibig ng kaniyang asawa. "Huwag kang maingay! Baka marinig ka ni Timothy! Wala dapat makaalam doon" bulyaw niya sa kaniyang asawa.
Nagulat si Timothy sa kaniyang narinig "N-nagpapanggap lang sila? So hindi pala totoong mahal nila ang isa't isa?" nagpupuyos siya sa galit.
Abcidii Pov
Kakatapos lang ng aking klase. Nakakamiss magturo! Ilang araw din iyon no!
Bakit may mga estudaynteng nagkukumpulan sa parking lot? Lumapit ako dito at nakita ko si Timothy.
Siya pala ang pinalilibutan ng mga estudyante hehe. Kumaway siya sa akin "Abcidii! Dito!" sigaw niya. "Sorry kids she's here" sabi niya at kinindatan ako. Nalukot naman ang mukha ng mga estudyante. Para saan iyon?
Natawa naman ako sa ginawa niya. "Nakita mo ba ang mukha nila?" tanong ko.
"Hindi ko naman sila masisisi kung napakagwapo ko" sabi niya. Natawa ako ulit. "Wow ang hangin ah!"
"Ano pala ang ginagawa mo dito?" tanong ko sakaniya. "Wala lang napadaan lang ako. Ako na pala ang magsusundo sayo dahil wala ang tagasundo mo." Sabi niya at kumindat ulit sa akin. Srsly?
Nandito kami ngayon sa ballroom ni Timothy at ang sabi niya ay wala si Denisse dahil may sakit ito kaya siya muna ang magtuturo sa akin. Jusko ano kayang ituturo niya sa akin ngayon? Napakamot nalang ako ng ulo.
"Ako ang magtuturo ng sayaw ngayon" sabi niya sa akin. A-ano daw? Sayaw?
"A-ayoko na suko na ako sa sayaw na iyan. Tanggap ko na, na hindi talaga ako marunong sumayaw" sabi ko. Baka maulit nanaman yung nangyari dati at baka masaktan ko lang ulit sya.
"Oo hindi ka marunong ng waltz, pero hindi lang naman iyon ang sayaw ah" teka lang anong ibig niyang sabihin? Pinalitan niya ang tugtog at para na itong pang disco.
Kumakalabog ang mga speaker dito sa ballroom. "Mali ito Timothy! Patayin mo iyan! Inappropriate ang tunog na ito para sa royal!" sigaw ko sa kanya. "Papatayin ako ni Denisse kapag nalaman nya ito!" Hindi niya ako pinakikinggan at patuloy lang siya sa pagsayaw. Para siyang tanga!
"Hindi ka ba nagsasawa sa mga boring lesson mo?" tanong nito sa akin. "Hindi ito malalaman ni Denisse" dagdag pa niya. "Magrelax ka muna! Sundan mo lang yung beat ng sayaw!" sabi niya at nagpatuloy sa pag sayaw.
Hm tama naman siya? Siguro? "Sumayaw ka na!" ginawa ko ang sinabi niya. Bahala na!
Nagsayaw lang kami doon na para bang nasa disco kami! Nawala yung mga konting stress ko sa buhay! Hahahaha.
Parehas kaming hiningal pagkatapos ng tugtog. "Napakasaya!" sabi ko habang tumatawa. "Hindi ko alam na marunong ka palang sumayaw ng ganon!" sabi niya habang tumatawa.
"Hinayaan ko lang ang sarili ko na sumunod sa tunog gaya ng sinabi mo"
"Masaya ako at natulungan kita. Namiss ko ang mga ngiti mo!" sabi nito sa akin. Er?
"Mapapagalitan ako kay Denisse kapag nalaman niya ito panigurado iyon" sabi ko. "Ilang araw nalang at kasal ko na..." nagseryoso naman ang kaniyang mukha.
"May gusto akong itanong sa iyo" sabi niya. Kinabahan naman ako ng kaonte sa tono ng pananalita niya. Huminga siya ng malalim. "Tungkol sa feelings mo kay Lewis" nagulat naman ako doon.
"Anong tungkol doon?" tanong ko.
"Ikakasala ka ba sa kaniya dahil mahal mo siya? Yung totoo." Pinanliitan niya ako ng mata.
"Nakakapagtaka lang na sa una ay parang hindi ka sigurado kung gusto mo bang ikasal sa kaniya nung una tayong magkita. Pero ngayon isang buwan pa lang ang nakakalipas pero parang sigurado ka na?" Ano bang ibig niyang sabihin?
"Ahh gan-----" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng magsalita si Alas. "Abcidii?" tawag nito sa akin
Sabay kaming lumingon ni Timothy sa kaniya "Hey Timothy, I heard that you were Denisse's stand in for today" imbis na batiin niya ito pabalik ay tinignan niya lang ng masama si Alas.
"Ah Lewis. Gusto talaga kitang makausap" nakaramdam ako ng tensyon sa kanilang dalawa. Oh gosh! Bumaling sa aking si Timothy "Iwan mo muna kami" sabi nito sa akin. Tumingin ako kay Alas at tumango lang siya at nginitian ako.
Timothy Pov
"Is there something wrong? You look pissed---" hindi ko na siya pinatapos at agad agad ko siyang sinuntok sa mukha. Gago siya!
"What the hell was that for?!" Sigaw nito sa akin. Wala na akong pakialam! Sinuntok ko muli siya sa mukha.
"Para iyan sa pagsisinungaling mo tungkol sa engagement mo!"
"What are you talking about?!" Tanong niya. Huh! At umaakto pa siya ngayon na parang hindi niya alam ang ibig kong sabihin!
Umamba ulit ako na susuntukin ko siya pero nakaiwas siya. "Wag ka nang magpanggap na hindi mo alam ang ibig kong sabihin Lewis! Narinig ko ang lahat sa Ama ko!" Sigaw ko.
"And what's it to you?!" tanong niya. Abay gago ba talaga siya?! Hindi ko napansin pero tumama na pala ang kamao niya sa aking mukha. Muntik na akong matumba doon pero inayos ko agad ang sarili ko.
"Anong ano naman sa akin?! Alam mong gusto ko Abcidii!" panunuro ko sakaniya. "Bakit hindi mo sinabi na nagpapanggap lang kayo?!" Tinignan niya lang ako ng walang bakas ng emosyon sa kaniyang mga mata. WHAT THE FUCK! Ayoko ito! Dapat lumaban siya ng patas. Hindi ko mabasa kung ano ang kaniyang iniisip!
"Bakit hindi mo sinabing nagpapanggap lang kayo para maprotektahan mo lang ang iyong trono?! Wala lang ba sa iyo si Abcidii?! Huh?! Ganoon lang ba ang tingin mo sakaniya?! Ginagamit mo lang ba siya para sa pansarili mo?!" muli hindi ko napansin ang kaniyang kamao at dumapo nanaman ito sa aking mukha natumba na ako at napaaupo na ako sa sahig.
"BULLSHIT!" sigaw nito sa akin. Lumapit pa siya sa akin at pinagsusuntok ako hindi ko magawang makaganti dahil sunod sunod ang kaniyang pagsuntok.
Pagkatapos non ay tumayo na siya at inayos ang kaniyang sarili. "She's much more than that! Wag kang umakto na parang alam mo na ang lahat!" tinignan niya ako ng napakatalim. Sa totoo lang ngayon ko lang siya nakitang nagalit ng ganiyan.
Nagulat si Acidii sa nadatnan niya. "A-anong nangyayari?" tanong nito sa amin. "Naririnig ko kayong dalawa na nagsisigawan!"
Tinignan niya ako at si Lewis. "May mga sugat kayo sa mukha! Nagaaway ba kayo?!" tanong nito ulit. Muli binalingan ako ni Lewis na walang emosyon sa kaniyang mata. Hinila niya si Abcidii palabas ng Ballroom at naiwan akong magisa dito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com