Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 42

Nasa harap namin ang isang napakalaking portrait ng isang matandang babae, nasa pinakagitna ito ng throne room. Makikita mo rito ang karangyaang taglay nito. "Siya si Fairy Godmother!" turo ko.

Nalilito namang humarap sa akin si Alas. "Bat hindi ko to napansin noon?" Ilang buwan na ako dito pero ngayon ko lang to napansin.

"Siya yung Fairy Godmother na nasa panaginip ko."

"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Alas na siyang ikinunot ng kaniyang nuo.

"Nung nasa coma ako, nanaginip ako na para bang nasa fairytale ako at siya yung Fairy Godmother doo- "She's my grandmother, Princess." S-siya yung ANO?! Naguguluhang tumingin ako sa kaniya.

"She's my Lala. She passed away when I was 17" malungkot na sabi niya.

"Siya talaga iyon. Siya yung gumising sa akin." Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Whenever I felt lonely in this big palace, Lala is always there for me. She always wanted me to have an ordinary and happy life. Yung resthouse na tinuluyan natin, binigay niya iyon sa akin para daw kapag nagkapamilya ako ay magagamit ko iyon kahit papaano" Nakikinig lang ako sakaniya habang nakatingin sa litrato ni Fairy Godmothe-este Lala. Sobrang mahal niya siguro ang kaniyang Lola.

"Do you think that was Lala's way of giving us her blessing?" humarap ako sa kaniya. Blessing? "She must really like you. If you think that my mother is bad, Lala was worse." Natawa naman ako doon. So mas grabe pa pala si Fairy Godmother? Buti nalang at hindi pangit ang pakikitungo niya sa akin noong nasa panaginip ko siya. "Salamat Lala" bulong ko.

Kasalukuyang nasa opisina ang Prinsipe habang nagbabasa ng libro nang pumasok si Bernard na hingal na hingal. "Bernard, you look so tired? What happened? May mga pipirmahan nanaman ba ako?" tanong nito sa lalaki. Lagi nalang kasi siyang may pinipirmahan kapag dumadating ito.

Huminga naman ito ng malalim. "Wala po kayong pipirmahan ngayon, Your highness." Kung wala e anong sadya niya? Ngumiti ng kaunti ang Prinsipe at nag isip.

"Has Auntie Mhiles decided to leave Apethorpe? Wala na siyang influence ngayon sa council."

"Hindi rin iyon, Your Majesty." Alas crossed his arm. At nagisip ulit ng dahilan kung bakit nasa harap niya ngayon si Bernard, hindi naman kasi ito pupunta sa kaniya kung hindi mahalaga ang kaniyang sasabihin.

"Hmm, we managed to deal with the situation where Abcidii's father was adopted. The marriage between us should be off, but the people were so obsessed with our love story at hindi nila tanggap na hindi kami magkakatuluyan well kahit naman hindi siya tunay na Harridan ay papakasalan ko pa din siya. Damn, I love that woman so much! Besides, the report about the other Harridan descendant was false." Inimbestigahan niya iyon ng mag isa at napagalaman niya na kagagawan lang ito ng kaniyang Aunt Mhiles. Kinausap nito ang kamag anak nina Abcidii upang sabihin na ampon lang ang kaniyang Ama at binayaran niya ang mga ito.

"Ang kaniyang Ama ay nakarehistro sa ilalim ng 'Harridan' family at si Abcidii ang kaniyang unang anak. So the marriage between us sti---" Bernard cut him. "Kung hahayaan mo lang po sana akong magsalita, Your Highness" napakamot naman ito ng batok.

Mahinang napatawa ang Prinsipe "Sorry, please do."

Bumuntong hininga ito bago magsalita. "Tungkol ito sa imbestigasyon sa akside-" hindi na niya natapos ang sinasabi niya ng biglang nagvibrate ang cellphone ni Alas. Ngumiti ang binata ng makitang galing kay Abcidii ang mensahe.

"Abcidii just sent me a picture." nakangiting sabi niya. "Sinusukat niya ang kaniyang wedding dress ngayon. So beautiful" sobrang ganda ni Abcidii sa suot niyang wedding dress. At hindi na siya makapag hintay na ikasal silang dalawa. God knows how he love this woman so much.

"Hindi po ba ay malas kapag nakita mo na suot ng iyong bride ang kaniyang wedding dress?" sabi ni Bernard habang kamot kamot nag kaniyang ulo.

Sinukat niya ang isang fitted na wedding dress. Lumukot ang mukha niya ng makita ang kaniyang kabuuan sa salamin. "Ayoko nito." Sabi niya. Feeling niya kasi ay hindi ito bagay sakaniya, though maganda naman ang pangangatawan niya. Ang gusto niya kase ay yung parang nasa fairytale at yung nakaballgown siya.

"Maari ko bang tignan yung iba pa?" tanong nito sa nagaasikaso sa kaniya. Ngumiti naman ito at dinala siya sa isang malaking wardrobe at puro mga pang wedding dress ang nandoon. Halos kumislap ang kaniyang mga mata ng makita ang mga ito. Wow mukhang mahihirapan siyang mamimili nito.

"Nako Abcidii, ang swerte mo! Mukhang mahihirapan kang mamimili niyan!" sabi ng kaniyang bestfriend na si Maddy na kasama rin niyang mamili ng wedding dress. "Gusto ko yung parang sa fairytale." Sabi nito habang nakatingin sa kawalan na mukhang iniimagine ang kaniyang suot.

"Okay. Your Highness." Sinunod niya yung babae at pumunta sila sa isa pang kwarto. Halos malaglag ang kaniyang panga ng makita ang loob nito. Ang akala niya ay ayos na yung wardrobe kanina pero meron pa palang ibang wedding dress. Nahagip ng kaniyang mga mata ang isang napakagandang ballgown na wedding dress. Agad niya itong nilapitan at sinabing susukatin niya ito.

Halos manlaki ang kaniyang mga mata ng makita ang kabuuan niya sa salamin. Ako ba talaga ito? "Ang ganda ko" hindi makapaniwala niyang sabi.

"That dress is so perfect!" puri ni Maddy. Masayang ngumiti din ang kaniyang ina nadikalaunan ay pumatak na ang kaniyang luha "Oh my Abcidii, you're so g-gorgeous." Mabilis niyang inalo ang kaniyang ina. Sobrang saya ang nararamdaman niya sa mga oras na ito. "I'll take this" sabi niya sa sales lady.

"Ito na siguro ang pinaka bonggang wedding na masisilayan ko" natatawang sabi ng kaniyang kaibigan.

"Ay wait lang! Picturan mo muna ako at papakita ko to kay Alas" masayang sabi niya. Sana magustuhan niya ito.

Alanganin namang kinuha ni Maddy ang kaniyang cellphone para picturan ito. "Hindi ba't malas kapag nakita ni Prince Lewis ang kaniyang Bride na nakasuot ng wedding dress?" naguguluhang tanong ng kaniyang ina, pero hindi na niya ito pinansin at nagpose.

Kinuha naman niya agad ang cellphone niya kay Maddy at namili ng magandang picture niya at sinend kay Alas, gusto kong malaman ang kaniyang magiging opinion sana talaga magustuhan niya. "Hindi naman po siguro Mama, sa phone lang naman at hindi naman sa personal" nginitian niya ang kaniyang Mama.

"Anong sabi mo?!" galit na sabi ni Alas. Hindi siya makapaniwala, hindi niya akalaing na kaya niyang gawin iyon.

"Tama ang narinig mo, Your highness. Si Gwen ang naka hit and run kay Abcidii. Tinrack nila ang sasakyan na nakita sa isang cctv malapit sa bahay namin at napagalamang pagmamay ari iyon ni Gwen. Kinumpirma din ni Timothy na galing si Gwen sa bahay at galit itong umalis. Siguro ay napagbuntungan niya ng galit ang Mahal na Prinsesa." Hindi niya alam ang kaniyang mararamadaman, pero isa lang ang sigurado. Galit siya rito!

"And where is she right now?!" pasigaw niyang sabi at tinapik ng malakas ang kaniyang mesa. "Ang sabi ni Mhiles ay bumalik na siya ng States." No, hindi maari! Hindi maaaring basta basta niya nalang talikuran ang ginawa niya sa pinakamamahal niyang si Abcidii. Halos sisihin niya ang kaniyang sarili noong naaksidente ito. What if napatay niya ito? Siguro ay mapapatay niya rin ito! "Find her!!"

Kalalabas lang ni Abcidii sa dressing room ng makarinig siya ng putok. "Putok ng baril iyon!" mabilis siyang pumunta sa kinaroroonan ng kaniyang Ina at kaibigan. Sana ay walang nangyaring masama sa kanilang dalawa!

Nanlaki ang kaniyang mga mata ng makitang nakahandusay ang kaniyang kaibigan at ang kaninang sales lady na nagasikaso sa kaniya. Teka nasaan ang kaniyang ina? Mabilis siyang lumapit sa kaniyang kaibigan. "M-maddy ayos ka lang ba? Nasaan si Mama?!" tanong nito. Nakita niya ang daplis sa kaniyang braso. Oh gosh "k-kinuha n-nila"

1 message received

Hinihintay ka na nang Mama mo sa bahay. Umuwi kana. NANG MAGISA. Wag kang magsama ng kahit sino kung gusto mo pang makita ang iyon ina.

Unknown number ito. Sino naman kayang walang hiya ang kumidnap sa Mama niya?! Naiiyak na siya pero kailangan niyang maging matatag sa mga oras na ito.

"Kailangan ko ng umalis Maddy. Tatawag ako ng ambulansya, hintayin mo sila" sabi nito sa kaniyang kaibigan. Tumango naman ito. "Mag ingat ka Abcidii"

Hinihingal siya ng makarating sa tapat ng bahay. Biglang nagvibrate at cellphone niya.

Alas calling....

Mabilis niya itong sinagot. Abcidii: [Alas, p-pasensya na busy ako ngayon]

Alas: [I know what happened to the wedding dress boutique today! The wedding dress boutique where you in! Pumunta doon ang mga tauhan ko at nakita nila ang dalawang babae na nakahandusay sa sahig at kasama si Maddy doon. You are missing Princess! I thought they had you!] biglang tumahimik ang kabilang linya, sa totoo lang ay natatakot na siya lalo na sa tono nang pananalita ni Alas alam niyang galit na ito at nagaalala. [ Mind telling me why you're so busy right now? Nagaalala na ako Princess.]

Bumuntong hininga siya bago magsalita Abcidii: [A-ayos lang ako, but I can't talk to you r-right now.]

Alas: [You don't sound alright at all! Does this have anything to do with your Mom's disappearance as well? Where are you? Pupuntahan kita]

Abcidii: [No!] mabilis niyang tugon. Hindi pwede, kapag nagsama ng iba ay may mangyayaring masama sa kaniyang ina, at ayaw niyang mangyari iyon! [don't you dare look for me!] sigaw niya. I'm sorry Alas, pero kailangan kong gawin ito.

Alas: [Princess] naging malumanay na ang kaniyang pagsasalita [I nearly lost you, I can't lose you again. Sinabi kong poprotektahan kita kahit ano man ang mangyari] nanlambot naman ang kaniyang puso.

Abcidi: [Kailangan kong gawin itong mag isa] pagkasabi niya noon ay agad na niyang pinatay ang tawag. Huminga muna siya ng malalim bago pumasok sa kanilang bahay.

Nadatnan niya ang kaniyang ina na nakahiga at natutulog sa kanilang sofa, mabilis niyang nilapitan ito at niyakap "Mama, Thank God! Buti nalang at ayos ka lang" naiiyak niyang sabi. "Tara na po at aalis na tayo dito" sabi niya habang inaalog ito upang magising.

Naramdaman naman niya ang isang malamig na bagay sa kaniyang ulo. Sht baril! "Not so fast, princess"

A/N: Hala! The Princess is in danger 😲

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com