Part 2
"
Satingin mo ba pagnanasahan kita? " Patawang sabi ni jecho.
"Aba malay ko ba. malay ko kung matagal mo na akong gusto" sabi ko
"Nagbibiro kaba? " Jecho
"Oo na. Pero kahit ano gagawin ko basta tulungan mo lang ako. " Paawang sabi ko
" sige. Paano ba daw mababalik? " Jecho
"Pag nagkasundo na daw o friends na tayo" ako
"Malabo yun. Mahirap" Dismayadong sagot ni Jecho
"Eh. Kahit ano na nga kapalit eh" Sabi ko
"Sige. Magsend ka nang pictures na magkasama tayo. " Jecho
"Sige para mamaya makuha ko na. " Sabi ko
"Tara selfie na tayo" ako
"One two three.. One two three..One two three.. Ayan sige salamat!" Ako
"Pano naman yung deal natin?" jecho
"Ano ba kasi yun?" Ako
"Baguhin mo lang ako." Jecho
"Baguhin panong baguhin? " Ako
"Bagu.." Jecho
"Si mam! " tawag at sabay lapit kay mam
" Oh bakit nanaman ms saavedra?" Mam
"Mam okay na. Friends na kami ni Jecho." Ako
"Pano ko malalaman?" Ako
"Eto mam o pinapicture pa namin yan sa may times.45 din yan mam! " Ako
"Patingin nga, Lintek na yan. Magkaibigan? Eh halos parang namatayan si jecho sa itsura niya dito eh." Mam
"Mam hindi mam" Ako
"Anje! Walang ganyan ako makakapansin nun. Papunta ka palang pabalik na ako" mam
"Hay. Jecho? Nasan nga pala yun? Jecho jecho jecho? " Pumasok ako sa Playground at hinanap.
"Bakit pa ba? Tapos na diba? " Jecho
"Hindi. Hindi daw to pwede" mm mmalungkot na sabi ko
"Bakit daw? " Jecho
"Basta. Ano nga pala yung deal mo?" Ako
" gusto kong baguhin mo ako." Sabi ni Jecho
"Baguhin? Panong baguhin?" Nagtatakang tanong ko.
"Basta. Pumunta ka sa Sunday sa bahay ko. May paguusapan tayo. " Jecho
"Usap lang ah. Baka ano.." Ako
"Hindi nga ang kulit mo" Jecho
-SUNDAY
(Alarm, 10 am, *GUMISING KANA MAY MEETING KA KAY JECHO)
Hay nako saan kaya tong bahay na to.
"Jecho!" Ako
"Wag mo akong tawaging Jecho dito sa bahay namin. " Sabe niya
"Eh ano? " Tanong ko.
" Kahit Echo nalang." Sagot niya
"Sige. Echo bakit ano ba paguusapan natin? " Sabi ko
" Turuan mokong magbago" mahinang sagot niya
" Huh? Panong magbago? " nagtatakang tanong ko
"Bago talaga. " sagot ni jecho
"Alam mo naguguluhan talaga ako sayo. Di ko alam kung anong klase kang lalaki. O lalaki ka ba talaga. " Sabe ko
"Baka gusto mong patunayan ko sayo?" Sabi niya
"Sige nga! Patunayan mo." Hamon na pasagot ko.
Papalapit na sobra ang muka ni jecho nang..
"Di ko kaya." Jecho
"Tignan mo bakla ka talaga sabe na eh" sabe ko
Nilapit niya ulit yung muka niya sabay
"Hindi ko kaya. Kasi Hindi naman kita gusto." Jecho
"Wow ah. " dismayadong napahiya na sabe ko
"Tara" sinabi at hinila yung kamay ko.
"Saan mo ba ako dadalin" sagot ko
"Sakay" Sabi ni Jecho
"Ha? Kaninong kotse to? " Sagot ko
"Basta. Sakay" pilit niyang sinabi
Hindi ko alam kung saan niya ako dadalin pero sumakay ako. Pumunta kami sa isang bar
"Bar?" Tanong ko
" Pasok. " Pilit niyang sinabi
"Hay nako. Hindi ako pumapasok sa ganyan" Umaalis ako habang sinabi
Hanggang
"Anje! Pano mo matutulungan ako kung di mo kaya pinagagawa ko? " Hinawakan braso ko at sinabi.
Napatulala ako kasi parang seryoso siya.
"Please? " Nagmamakaawang sabi niya
"Osige pero uuwi moko bago mag alasdose ha? " Sabe ko
Pagpasok namin sa bar sobrang daming tao. Nawala agad sa paningin ko si Jecho. Nagcr agad ako upang tignan sarili ko
Pag labas ko nakita ko siya. Nakaupo at umiinom. Agad kong nilapitan.
" Uy! Ano ba yang pinagagagawa mo? Tigil mo nga yan. " Kinuha ko yung alak habang sinasabi ko
"Anje. Tulungan mo' ako" Sagot niya
"Pano ba kita tutulungan? " Sabe ko
"Tulungan mokong magbago gusto ko maging gago, Gusto ko maging babaero, Gusto ko maging.. "Sabe ni Jecho
"Barumbado? "Pahabol ko
" Akin na nga yan! " Sabe niya
"Hindi. Tara na uuwi na tayo" sabe ko
"Anje! Wala kang alam. Please let me"
Sabi niya
"Pano ko ba malalaman? " Tanong ko
"Hey dude" lalaki na kumausap kay jecho
"Hi ms" lalaking kaibigan ni jecho
"Hello. Kapatid mo ba yang baliw na yan? " Tanong ko
"Ha? Eto? Broo ko to. Nicolas nga pala. Kaibigan ako. And you are? " Tanong niya
"Anje. Kaklase niya ako" sagot ko
"Really? Bakit? May gusto kaba dito? " Tanong niya
" Woah. Ako pa ah. Eh halos di nga kami magkasundo niyan tapos... " Sabe ko nang biglang
Sumuka si jecho
"Jecho!" Sigaw ko
"Let me forget you. " Sagot ni jecho
"Anje. Hatid na natin to sa bahay nila." Sabi ni nicholas
"Alam mo ba? " Sabi sabi ko
"Ang alin? Bahay ni Jecho? oo naman tara " Sagot ni Nicholas
"Bakit kasi ang bigat bigat mo. Iinom inom ka tapos di mo rin pala kaya!" Sabe ko habang nilapag namin si Jecho sa likod ng kotse ni Nicholas
"Bakit ba ganyan kaibigan mo? May sayad ba yan? " Tanong ko
"Si jecho? Nagkaganyan lang yan ngayon taon lang." Sagot ni nicholas habang nagdridrive
"Bakit naman? " Tanong ko
"Hindi mo ba alam? " Sagot niya
"Eh kung alam ko ba tatanungin ko pa sayo? Syempre hindi na diba? " Sagot ko.
"Pano ba kayo nagkakilala niyan? " Tanong ni nicholas
"Kasi magkaklase kami ayun" sagot ko
"Seryoso pumapasok ba yan? " Tanong ni Nicholas
"Oo naman. Leader nga namin yan sa science" sagot ko
"Buti naman. Bakit kayo magkasama? " Tanong niya
"Kasi..." Naputol nang biglang nagsalita si jecho mula sa likod
"Pre. Nasusuka ako" sabi ni jecho
"Hala pre! Wag kang sumuka dyan bagong palit ko lang ng seat cover." Pasigaw na sabi ni nicholas
"Ano gagawin natin?" Sabi ko
"Bumaba ka anje! Ibaba natin si Jecho" dalidali kaming bumaba ni nicholas
Binababa nanamin ng biglang sinukahan ako sa damit ni jecho
"Ay lintek na bata to. Binababa ka na nga sinukahan mo pa ako" sabi ko.
"Sumakay na kayo anje. Wala din nasukahan na. Samahan mo nalang siya sa likod" Sabi ni nicholas
"Sige sige" sabe ko
Nang makarating na kami sa bahay bila jecho nilapag agad namin siya sa kwarto niya
"Anje Una nako ah " Paalam na sinabi ni nicholas
"Ha? Eh pano ako? " Sabi ko
"Dito ka muna" hinila ako ni Jecho
"Oh alam mo na? Dito ka raw muna okay? Ingat" sabay alis na sabi ni Jecho
"Nich.." naputol na sabi ko
"Anong gagawin ko dito? " Umupo ako sa sofa na malapit sa kama niya
Ang yaman naman pala netong lalaki na to. Ano naman babaguhin ko sakanya. May nakita akong picture na isang babae at si jecho
"Sino to? " Tanong ko sa sarili ko
"Joanna, joanna!" Sigaw ni Jecho
"Uy. Jecho gising na gusto ko nang umuwi " Sabe ko
"Joanna, Di na kita ipagpapalit" sabe niya
"Joana?" Tanong ko at umupo ako sa tabi niya
"Sino si Joana? " Tanong ko
Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.
"Mahal na mahal kita joana" sabi niya
Natawa ako nang sinabi niya yun. Isiipin mo sawi pala sa pagibig na tong loko na to.
"Uuwi na si joaana ah. Kita kita nalang sa school" paalis ako nang sinabi ko
KINABUKASAN
Pag pasok ko nandun si Jecho sa tabi ng upuan ko. Nilapag ko ang gamit at umupo nako.
"Oh bakit ka andyan?" Tanong ko
"Anong nasabi ko kagabi? " Tanong niya
" Dami mo ngang pinagkwekwento eh" patawang sinabi ko
"Hindi ako nakikipagbiruan ano nga? " seryosong Tanong niya
" Wala. Sabi mo lang lagi na joana joana" Sagot ko
"Ano pa? " Tanong niya
"Sino ba yung joana na yun? " Tanong ko
"Wag mo nang alamin." Habang sinasabi niya sakin umalis siya at umupo sa upuan niya
Tinitignan ko siya at parang nagalit siya. Ano naman ginawa ko dito? May nagawa ba akong mali? Nang mag recess na agad akong lumapit
"Oy echo" sabe ko
"Oy!" Sabe ko ulit
"Umalis ka dito di kita kailangan" sagot niya
"Ha? Anong pinagsasasabi mo? Anong kasalanan ko sayo? "Tanong ko
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com