CHAPTER 3•
Inimulat ko ang aking mga mata. Hinimas ko ang ulo ko cuz I'm starting to see blurry. Naalala ko na ang nangyari kanina!
Omo! paano nangyari yun? itinapat ni dad ang kaniyang kamay sa may dib-dib ko at umilaw ang kamay niya. It's so weird...maybe flashlight lang yun? Yung parang ginagamit ng mga doktor sa pasyente? I want to think it that way pero iba ang nasa kutob ko. Parang may itinatago si dad saakin. I hate secrets!
Nagtataka man ay kinuha ko muna ang phone ko at tinignan kung anong oras na. It's still 8:13 pm. Bakit ang aga pa yata.
Pinuntahan ko si daddy sa office niya, at nandun nga siya nag-pipirma sa mga papeles at inaaprobahan ang mga ito. It's those charities na sinasabi niya saken noon pa.
Kumatok muna ako at nanlaki ang mga mata niya na nakatingin saakin. Pumasok na ako at umupo sa chair malapit sa desk niya.
Silence, we don't know who'll speak first. But now I'm desperate to know.
"Dad...please sabihin mo ang totoo alam mo na ayaw na ayaw kong may nagsisinungaling sakin."Bumuntong hininga muna si daddy. He looked so serious. Binitawan nya ang ball pen at kinuha ang mga kamay ko.
"Crystal, malalaman mo ang lahat pati na ang iyong tunay na pagkatao kung papasok ka sa paaralang iyon." Daddy. Nagtaka naman ako tunay na pagkatao? I only know na maganda at mayaman ako that's my tunay na pagkatao.
"What?tunay na pagkatao? Anong tunay na pagkatao? And what's with that damn school?! Daddy please this is not joke time."This time medyo napataas na ang boses ko. I demand to know what's happening here."and besides that's too malalim." Dag-dag ko. Totoo naman eh.
"Sorry anak but it's not joke time... May Kailangan kang malaman." Daddy. What do I need to know? That I'm beautiful? Tsk! I already know that kahit wala pang magsabi.
Ano ba tong mga nasa utak ko puro ganda. Pero maganda naman talaga ako. Let's go back, crystal! be serious. What is this? My heart's pounding fast?
"Ano ang kailangan Kong malaman? daddy..." Ako. Bumuntong hininga muna si daddy. Bakit parang kinakabahan yata ako? what will he say? I think I'm so pale now.
"That
.
.
.
.
.
.
.
your not really my daughter..."
Nanlaki naman ang mata ko. Ano? Hindi niya ako tunay na anak? A-am I hearing things? Tama ba yung narinig k-ko?
"Dad...hahaha anong klaseng biro yan? diba sabi mo pa nga saken na nasa paris si mommy at iniwan niya tayo kasi may iba siyang pamilya doon?"
Nag-uunahang tumulo ang aking mga luha na animo'y parang sumasali sa karera.
"H-hindi yun totoo, nagsinungaling ako..."he said. Lumungkot naman ang ekspression ni daddy. Hindi niya pala ako tunay na anak.
Pinahid ko ang aking mga luha gamit ang kamay ko.
"Well then,"
Tumayo ako at naglakad paalis Hindi ko sinasadya ang malakas na pag-sara ng pintuan ng opisina.
Dumeretso ako sa kwarto ko at doon nagsimula nanaman pumatak ang mga luha ko na kanina pa mabigat sa mata ko. I shouted and throw all things I can see. I was about to throw a picture frame but I saw my big happy smile while holding an ice cream together with daddy.
Ang lungkot ko ngayon birthday ko pa naman bukas, yes it's my birthday tomorrow at ito ba ang surpresa na matatanggap ko? ang katotohanang Hindi pala ako tunay na anak ni daddy? Ang sakit sakit lang, feeling ko niloko ako and to think yung pagsisinungaling niya about sa nanay ko, pinaniwalaan ko yun at nagtanim ng galit sa nanay ko na di naman pala totoo.
Ngunit bakit ngayon niya pa ito sinabi saakin? Bakit hindi noon pa? Sana sinabi niya toh noon pa para di masyadong masakit.
Humagulgol na ako at tinakluban ng kumot ang aking sarili.
Bumukas ang pinto.
"M-ma'am? Ok la-
"GET OUT B*TCH!"
Agad naman syang kumaripas ng takbo. Now you know how I get emotional. Still want me?
Bumukas nanaman ang pinto at alam ko kung sinong pumasok si daddy, Tsk! Di pala ni lock ng pesteng maid na yun.
"Crystal."daddy. Niyakap niya naman ako I just let him. Naglalambing ba siya? Tsk! Di bagay.
"Bakit ngayon mo po lang ito sinabi saakin?" Ako. Pinahid niya ang mga luha ko at iniharap ang mukha ko sakanya. Tinignan ko lang siya ng blanko.
"Crystal, Hindi madali para saakin na sabihin yun pero...ito na kasi ang tamang panahon, pagkakataon para sabihin saiyo yun. There are some people who wants to harm you so I decided to transfer you to another school."Daddy. Niyakap ko lang siya at hinalikan niya ako sa noo. Some people wanted to harm me? But why? Wala naman akong naalala na may nakabunggo akong tao. He's just doing this for my safety. Ang sweet niya talagang tatay kahit kailan.
Sometimes it sucks, but I realized this is only for me. Kahit kailan I'm such a brat! and I hate it...
"Salamat daddy dahil kahit di niyo ako tunay na anak, minahal niyo ako na kagaya ng isang tunay na anak."Ako. Napangiti nalang ako."Saan po ba ang bago Kong eskwelahan na papasukan bukas?"dag-dag ko pa.
"Basta, bukas magdiwang muna tayo ng iyong kaarawan bago ka papunta sa iyong bagong paaralan."Daddy. Tumango lang ako sakanya. But i'm still bothered kung ano ang ibig sabihin ni daddy nung sinabi niya na tunay kong pagkatao. Ano nga ba ang tunay kong pagkatao?
Kinabukasan
Maaga akong nagising, di na ako papasok sa school dahil lilipat narin naman ako sa ibang school. Pagkababa ko sa hagdan.
Nagulat ako nang isang malaking pagsabog ang bumungad saakin.
•◇•
Hello~
This is the UD for today~
Guys please vote and comment your thoughts.
Ano kaya ang pagsabog na yun?
Hmmm, alamin natin sa susunod na chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com