Sa Apartment
SA APARTMENT
"Ako lang ba o sadyang may something kay Marco?" pambabasag ni Neri ng katahimikan matapos nilang manuod ng pelikula. Abalang nagliligpit si Shiena ng pinagkainan nila habang si Neri ay nanatiling nakasalampak sa higaan at tinitignan ang Facebook profile ni Marco gamit ang laptop ng kaibigan.
Pagkatapon ng mga kalat, agad na bumalik si Shiena sa kinaroroonan ni Neri.
"Anong something pinagsasabi mo riyan?" tanong ni Shiena.
"Something, sparks, kilig. Duh!" maarteng tugon nito sa kaniya.
"Anong nakakakilig doon? Alam mo, hindi kita gets diyan," litong pagkakasabi ni Shiena.
"Pero what if manligaw sa iyo si Marco? Anong gagawin mo?" biglaang tanong ni Neri na nagbunga ng panandaliang pananahimik kay Shiena.
"Ay, o. Na-speechless si mama mo," pambibiro ni Neri kaya mas lalong nanahimik si Shiena at sinamaan lang siya ng tingin. Hindi natinag si Neri sa tingin ni Shiena, tumawa pa ito at inasar-asar si Shiena.
"Iisip na nga ako ng ship name ninyo, haha!"
"Magtigil ka nga riyan, loka ka talaga. Study first dapat, 'no!" sagot nito kay Neri.
"Sus, if I know, crush mo na rin ang lokong iyon," aniya.
"Confirmed!" Bigla pang sigaw nito.
"Anong confirmed?" tanong ni Shiena at nakita niya ang notification sa kaniyang Facebook.
"In-add mo si Marco!?" pasigaw na sabi nito.
Hinagod-hagod ni Neri ang likod ng dalaga at ngumisi-ngisi pa nga.
"Well, technically, ikaw ang nag-add sa kaniya. Account mo," pilyang sambit nito.
"Loka-loka ka talaga!"
"Chill ka lang diyan, friend. Facebook friend mo lang naman siya, ha. Baka naman..."
"Heh! Tigilan mo nga ako!" pag-aawat ni Shiena sa namumuong panibagong tuksong sasabihin nito sa kaniya.
Kumuha ng unan si Shiena at hinampas si Neri sa likod.
"A, ganoon. Gusto mo ng pillow fight, ha!" Kumuha ng isang unan si Neri at nagsimulang magpaluan ang dalawa.
Natigil din iyon ng marinig ang tunog ng Facebook Messenger na mula sa laptop.
"The who naman?" tanong ni Neri kasabay ng pagbitiw niya ng unan. Umayos sila ng upo at nalamang si Marco ang nag-chat.
Marco: You forgot something
"O, may nakalimutan ka raw," sabi ni Neri.
"Bes, alam ko naman ibig sabihin niya. No need to translate," sarkastikong pahayag niya rito.
"Ba't galit ka? G na G? Hahaha!" panunukso ni Neri sabay tayo.
"Makapagluto na nga muna, ano bang laman ng ref mo?"
"Pagkain. Bahala ka na riyang mamili at magluto. Basta huwag mong lagyan ng lason, ha!" panunukso ni Shiena kay Neri. Nagtawanan lamang silang dalawa at nagsimula ng magluto si Neri. Hinarap ni Shiena ang laptop at ilang minuto pa ang ginugol nito katititig sa mensahe mula kay Marco.
"Reply-an ko ba?" tanong nito sa sarili.
Shiena: Ha?
Halos idukdok na ni Shiena ang buong mukha niya sa screen ng kaniyang laptop kahihintay ng tugon ni Marco. Pero mukhang maraming ka-chat ang binata kaya kahit ilang minuto ang lumipas ay hindi man lang niya nabuksan ang chat ng dalaga. Out of curiousity, nagpunta si Shiena sa Facebook profile ni Marco. Wala lang, trip niya lang itong i-stalk para kahit paano naman ay may malaman siya sa sikat kunong mag-aaral ng unibersidad.
Basketball Captain pala ito ng kanilang unibersidad at makikita sa mga litrato nito sa Facebook ang daan-daang babaeng umaaligid sa kaniya. Tunay ngang habulin ng kababaihan ang binata. Nag-scroll down pa si Shiena upang makakita pa ng maraming litrato.
May mga litrato ito mula sa iba't ibang bansa kasama ng kaniyang pamilya. Sa bawat litrato naman niya, lalo na kapag mga solo pictures niya o selfies, bumabaha ng mga malalanding comments mula sa kung sino-sinong babae. Natatawa na ewan si Shiena sa pagbabasa ng ilang mga komento.
Muntik nang maihagis ni Shiena ang kaniyang laptop dahil sa gulat noong tumunog ang Facebook Messenger at nakita niya ang kaniyang bookmark. Agad niyang hinagilap ang kaniyang bag at kinakalkal iyong librong binabasa niya kanina. Nang makita iyon, agad niyang pinagbubuklat ang mga pahina nito at nalamang wala roon ang bookmark. Bookmark niya na iyong hawak ni Marco!
Shiena: Akin 'yan!
"Uy, bes, baka mawasak iyang keyboard ng laptop mo. Ang intense mo mag-type, ha!" Nabaling ang atensyon ni Shiena kay Neri na kalalabas lamang mula sa kusina at may dalang dalawang plato. Inilagay niya iyon sa maliit na mesa at inayang kumain ang kaibigan.
"Ano naman itong experiment mo?" biro ni Shiena sa kaibigan bago maupo.
"Grabe ka sa experiment, ha! Recipe kasi talaga iyong tawag ditto, o!" pagdedepensa niya sa nilutong pagkain.
"Ay, weh? Talaga? O, e, di recipe na. High blood ka agad, hahaha!"
"Ganiyan ba ang bunga kapag ka-chat si Marco?"
Nanahimik si Shiena samantalang nagsuot ng ngiting tagumpay si Neri.
"O, nanahimik ka? Kinilig ka na naman diyan!"
"Magtigil ka nga! Kainis ka," pikon na sabi ni Shiena.
Humagikgik lamang si Neri at kumain na pero pinupukulan niya ng makabuluhang tingin si Shiena kada makikita niyang titignan niya ng kaibigan.
"Ano ba!" matawa-tawang ani ni Shiena.
"Anong ginagawa ko sa iyo? Problema mo friend?" painosenteng sagot ni Neri at sumubo ng kanin.
"Ang hot niya, 'no, este nitong sabaw," sabi ni Neri sabay higop ng sabaw.
"Ewan ko sa iyo," sambit ni Shiena at nagpatuloy na kumain.
Binasag ng tunog ng Facebook Messenger ang ingay ng pagkalansing ng nagtatamang tansong kutsara't tinidor sa babasaging plato. Agad na tumayo si Shiena at pinuntahan agad ang laptop niyang nasa study table na katabi ng kama niya.
"Nagmamadali? Natatae ka?" pang-aasar ni Neri at tumawa habang kumakain.
Marco: I know, kaya nga sabi ko YOU forgot something, e.
Napataas ng kilay si Shiena sa tinugon ng binata sa kaniya. Para sa kaniya, may pagkahangin ang ginawang sagot nito.
Shiena: Ibalik mo iyan sa akin.
Napakuyom siya ng kamao matapos makita ang tugon ni Marco na isang nakadilang emoji.
"Bad trip, 'to!" pasigaw na sabi ni Shiena, lingid sa kaniyang kaalaman nasa likuran niya pala ang tsimosang si Neri.
"Huwag kang sumigaw, 'te. Nasa likod mo lang ako, o."
"Ay, bakla ka!" sambit ni Shiena bunga ng gulat niya kay Neri.
"Bakit nandiyan ka sa likod!?" asar na tanong ni Shiena.
"Nakiki-tsismis. Halata ba?" pabalang na sagot nito.
Marco: In one condition...
"So, may pa-condition condition siyang nalalaman diyan! Kainis 'to!" gigil na pahayag ni Shiena at tinignan lamang siya ni Neri na kapagdaka'y ginawaran siya ng makabuluhang ngisi.
"So, sino ka naman diyan sa pag-ngisi ngisi mo?"
"Wala naman, basta isa lang po akong dakilang tsismosang friendship mo."
Shiena: Ibabalik mo o ibabalik mo!?
Marco: O?
"Argh! Bad trip naman 'tong lalaking ito!" pagrereklamo ni Shiena sa ipinakikitang ugali sa kaniya ni Marco sa chat.
"Bad trip o trip mo?" may kung anong untag ni Neri. Sinamaan siya ng tingin ng dalaga.
"Isa ka pa! Bad trip ka!" pagbubunganga ni Shiena.
Shiena: Isa!
Marco: Dalawa? Hehe
Nagkuyom na ang dalawang kamao ni Shiena at dama niyang kumukulo na ang kaniyang dugo kay Marco!
"Ano bang mayroon sa bookmark na iyon?"
"B-bigay kasi iyon sa akin ni Papa," mahinang tugon ni Shiena na nagdulot ng panandaliang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Ngumiti nang pilit si Shiena at itinoon ang buong atensyon sa laptop lalo na sa ka-chat.
Shiena: Ibalik mo na, please?
"Uh, sorry," pambabasag sa katahimikan ni Neri, tumango lamang si Shiena sa kaibigan.
"Makakain na nga lang ulit, haha! Bahala ka na riyan." Bumalik sa hapag si Neri at nagpatuloy sa pagkain samantalang si Shiena ay tila naglalakbay sa kalawakan sa biglang pagpasok sa kaniyang isipan ng tungkol sa kaniyang namayapang ama na siyang nagbigay ng naturang bookmark.
Ilang taon na ang nakalilipas pero nakatatak pa rin sa isipan ni Shiena ang lahat. Ang kaniyang ama ay dating tsuper nang isang gabi ay may mga kabataang biglang sumakay sa kanilang papauwing dyip. Pinagnakawan ng mga ito ang kaniyang ama at pagkatapos ay sinaksak. Iyan ang napanuod ni Shiena sa kuha ng CCTV na magpa-hanggang ngayon ay nasa kaniyang memorya pa rin.
Tandang-tanda pa man din niya ng umaga iyon ang huling sinabi ng kaniyang ama sa kaniya na patuloy lamang maniwala sa pag-ibig. Iyon na ang pinaka-nakapagtataas ng kompiyansa sa sariling payo ng kaniyang ama lalo na't noong araw ding iyon ay naghiwalay sila ng una niyang kasintahan.
Marco: Bukas, let's meet sa quadrangle.
Hindi na naglakas pa ng loob si Shiena na magtipa ng itutugon sa binata, kung kaya't nag-log out na lamang ito at bumalik sa hapag. Tinignan lamang siya ng kasalukuyang abalang kumain na si Neri.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com