16
Xavi's POV
"Nairita ako slight sa research. Slight lang naman."
"Ako nga sa choir eh, mapapaos na ako, broadcaster pa naman din ako."
"Sus, kaya mo naman yun, ikaw pa! Ako nga'y wag mong pinagloloko Aila."
"Niloloko ka ba? Hindi kaya."
"Hayst, kailangan ko pa gumawa ng bagong news article."
"Di ba okay yung una mo?"
"Okay naman, kaso, edi need ng bagong news. May bago ka ba Xavi?"
I continue walking and walking as I hear Ayen and Aila talk, I just stared at my feet, looking down on the ground.
"Uy, Xavi."
I've been like this for days, simula nang malaman ko na nagkabalikan na sila. Para akong na broken na hindi.
"Xaviana Feliz!" Agad akong napatingalan at pinanlakihan ng mata si Ayen.
"Yes?" I ask with a forced smile.
Napangiwi si Aila habang naka tingin sa akin. Si Arven naman ay naka kunot ang noo akong tiningnan.
"Bakit?" Taka kong tanong,
"Kanina ka pa, I mean nung isang araw ka pa. Wala ka sa tamang wisyo." Ayen said, I forced a chuckle and look at them weirdly.
"Tangi, hindi ah, oks lang ako." I said at umirap si Ayen.
"Ang sama mo mag sinungaling, nakaguhit din sa noo mo ang katotohanan." Ani ni Ayen at napatawa lang ako.
"Gaga, wala nga. Oks lang ako." Ani ko at ngumiti, napangiwi si Ayen.
"Bahala ka, tara na." Ani niya at nagpatuloy sa paglalakad papunta ng dorm.
Natapos nanaman ang isang araw ng klase. At mas papalit na kami nang papalapit sa journalism. Lalaban nanaman, which is.. hindi na bago sa akin. Pero nakakaba pa rin.
Pumirma na kami sa attendance at pumunta na sa kwarto namin. Pag pasok namin ay kaniya kaniya kami ng punta sa sari-sarili naming kama.
Kaniya kaniya nang gawa, may mag lilinis na ng katawan, may magsusulat, at ako itong, nakatitig sa kawalan. Habang hawak hawak ang phone ko na nakaflash ang convo namin.
Napalunok ako nang maramdaman ko ang pag sikip ng lalamunan ko. Ang mga mata ko ay namamasa kaya agad akong napahilamos sa sarili.
Ibinaba ko na ang phone ko at tumayo, napahinga ako ng malalim.
Putres masakit pa rin talaga.
Kumuha na ako ng damit na pam palit at dumiretso sa banyo.
Habang nagsasabon ay napahawak ako sa may parteng tiyan ko. Doon ay napapisil ako sa aking tiyan.
"Ayan kasi, ang taba taba mo. Kain ka nang kain. Wala tuloy nagkakagusto sayo." Ani ko sa sarili ko bago muling kinurot ang tiyan ko.
"Sino ba naman kasi magkakagusto sayo? Ang taba taba mo, ang dami mong pimples, ang ingay mong babae. Tsaka.. tsaka, ang pangit mo!" Ani ko sa sarili ko bago mas nilakasan ang pang pisil sa taba ko.
"Kaya hindi ka nagustuhan ni Bright eh! Ang pangit mo! Tapos.. expect ka na.. na tapos na talaga sila ng ex niya! Ulol! Asa ka! Nakita mo naman si Ianna diba!? Maganda, sexy, halatang mahinhin. Eh ikaw?!" Ani ko bago napasuntok sa puson ko na dahilan nang pamimilipit ko.
Napakapit ako sa pader habang pinipigilan ang sarili ko na mapa daing sa sakit.
"Nakakairita ka! Nakakainis ka! Kainis ka Bright! Bakit mo naman kasi ako pinakilig ng ganon! Hayop ka, matapos lahat ng pinag-uusapan natin! Marupok ako eh! Lugi!" Ani ko bago ang mga maiinit na luha ay utay-utay nang umagos sa pisnge ko.
"Napaka unfair naman! Lugi naman akong marupok!! Ang bilis bilis ko ma fall eh! Tanginang yan! Tapos ngayon, ano, wala na! Ayaw ko naman kasi siya i-chat, magiging kabit pa ako!" Ani ko bago umiyak sa pader.
Nakakainis talaga, miss ko na eh, miss ko na. Pero hindi ko masabi. Wala akong mapagsabihan, kasi nga.. tatawanan lang nila ako. Kasi sino ba namang tanga ang mai-inlove sa lalaking kilometro ang layo sa kaniya?!
Si Xaviana!
Napakagat ako sa labi ko bago sumandal.
"Takte ang pangit ko mag drama." Ani ko bago nagpahid ng luha. Nagpatuloy na ako sa pagsasabon nang marinig ko ang pag sara ng pinto ng ibang cubicle.
Takte may ibang tao pala dito. Paano kung narinig yung katangahan kong pinagsasabi. Hayst kahiya.
Nagbanlaw na ako at nag-bihis. Pag labas ko ay itinabi ko na ang mga gamit ko na pang ligo at bumalik sa kama ko. Nang mapansin ko na wala na ang nga kaibigan ko.
"Malamang nag di-dinner." Bulong ko at pumunta na sa kama ko bago napaupo at dinampot ang cellphone ko. Napatitig ako sa oras.
"6:13, putres, kung normal na araw 'to, wala lang ang oras na to. Pero madalas.. ganitong oras ka nag me-message at nag rareply sa mga chat ko." Ani ko at napatawa ng pagak.
Iba talaga siya. Binibigyan niya ng ng kahulugan ang nga bagay na noon sa akin ay wala lang. Mga oras at bagay, salita at pagkain.
Tuwing may mga makikita ako na bagay na nagpapa alala sa akin sa kaniya ay natutulala nalang ako. Parang nawawala sa tamang wisyo. Kasi siya agad naiisip ko.
Naiinis kasi ako eh, ang lawak ng imagination ko to the point na kapag minsan ay nag-uusap kami at nag-babalak ng future.. na iisip ko na agad.
Accountant na siya, tapos ako nag do-doctor pa rin. Kapag kakatapos ng mga exam ko, date kami sa labas. Lakad lakad sa daan ng Manila.
Cute and sweet date. Pakilig, ganiyan. Tapos pag-uwi, jugjugan na.
Putres naman.
"Ang sakit ha, siyempre alam ko naman yung lugar ko. Wala ngang label eh. Alangan naman mag selos ako at sabihin na 'bakit ka nakipag balikan? Akala ko ba ako lang?' Ang tanga lang diba." Ani ko bago napatawa sa sarili ko at napahiga sa kama. Itinaas ko ang cellphone ko at tiningnan ito. Conversation pa rin namin ang naka flash.
Wala akong paki kung makita niya na nagbabasa ako ng old onversation. Wala akong pake.
From boi:
Hey, you're reading our old convos.
Nanlaki ang mata ko at agad napabalikwas.
To boi:
Mhmm, bakit? Masama?
From boi:
Wala akong sinasabi.
To boi:
What are you doing here nga pala? Baka mag selos girlfriend mo, baka sugurin la ako.
Napa hinga ako ng malalim at sinubukang hindi maiyak. Bakit parang naririnig ko ang boses niya. Kahit hindi pa naman kami nag-uusap through calls? Bakit parang naririnig ko na? Bakit parang nai-imagine ko siya kung anong hitsura niya habang kausap niya ako ngayon?
From boi:
I'm here at school, I'm waiting for her, ihahatid ko siya sa gate ng school.
Napasinghap ako at napakagat sa pang-ibaba kong labi at pinigilan ang sarili ko na tuluyang pakawalan ang mga luha na kanina pa nagbabadyang tumulo.
Pati iyon ay nai-imagine ko. Naka upo lang siya doon, hawak ang bag niya at cellphone. Ang gwapo niyang tingnan doon. Pero ang masakit ay may hinihintay siyang ibang babae.
From boi:
Oi, why aren't you replying? Wala akong kausap dito oh.
Napa iling ako nang mabasa ko ang message niya. Agad akong nag type bg reply.
To boi:
I feel like this is wrong. You're talking to another girl while you're waiting for your girl.
I took a deep breath right after i hit send. I waited for few seconds for his reply. And soon he did.
From boi:
Hindi kaya, it's okay lang. Maybe she won't be that possessive anymore.
Napatikom ang bibig ko habang tumatango.
"Sana nga, sana nga." I chanted as I type a reply.
To boi:
I hope she's won't. Para makapag enjoy ka pa rin. I hope she did changed already
Napangiti ako ng mapait bagong pahid ng luha. Tama, hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak. Takte, hindi pa rin kami nakakapag usap tungkol doon.
Hindi ko masabi ang totoong nararandaman ko. Kasi whats the point? Kahit sabihin ko na gusto ko siya. Gusto ko siya makasama, gusto ko siya maka-usap pa, gusto ko siyang maging akin lang.
Hindi ko magawa.
Kasi may girlfriend na siya. Hindi ko na siya pwede landiin. Hindi na kami pwede mag usap gaya ng dati.
Wala na yung dati, yung dating kami kahit walang naging kami.
Napa singhot ako at inilapit ang labi ko sa cellphone ko bago pinindot ang mic at nagsalita.
"Bright..." mahina lang iyon, hagulgol lang halos.
Yung sakit.. hindi maipalawanag.
Alam kong kapag may pinagsabihan ako, wala maniniwala. Walang maniniwala na iniiyakan ko siya dahil lang don.
Marupok nga eh! Ano bang magagawa nila! Marupok, tapos isama sa malandi, edi wala na! Finish na!
From boi:
What the... fuck, Xavi. Umiiyak ka?
"Gago obvious ba?" Ani ko bago nag type ng reply.
To boi:
Yep, sorry, masakit eh. Putres.
Tangina, hindi ko naisip na sasabihin ko ang nga totoo kong nararamdaman sa kaniya.
Pero pwede namang hindi, mas pipiliin ko nalang na hindi. Paano kung nung palang trip trip lang pala talaga ako.
Paano kung.. nakikisakay lang siya sa mga trip ko. At alam na niya na nahuhulog na ako pero sige lang siya nang sige sa panlalandi sa akin.
Paano kung, habang nag uusap kami, tinatawanan pala niya ako? O di naman kaya ay katabi niya mga kaibigan niya, tapos tuwing may sasabihin ako, tatawanan nila ako.
"Putres nakakahiya pala." Ani ko bago tiningnan kung sino ang huling nag message.
Ako pala.
Mag ta-type na sana ako nang bigla siyang mag chat.
From boi:
Its because of me right? Kasi kami na ulit ni Ianna. I'm sorry, I'm sorry kung nsasakatan ka.
Agad nanlaki ang mata ko nang makita ang reply niya.
"Gago hindi, ayos lang." Ani ko bago nag pahid ng luha. May naramdaman akong kakaiba sa may mata ko pero hinayaan ko na iyon.
To boi:
Gagi, no its fine. Okay lang, why are you sorry? Wala kang kasalanan. Its my fault, marupok eh. Na fall, kaya its my fault.
Napahinga ako ng malalim habang ang mga luha ko ay patuloy sa pag-agos. Pinapaypayan ko pa ang sarili ko at sinusubukan na matigil na ang pagiyak.
From boi:
Why are you like this? You're so soft for a person, kasalanan ko nga, okay? I was too sweet to you, kaso.. hindi ko naman napanindigan.
Agad nanlaki ang mata ko at napahinga ng malalim. Tangina, kahit sa ganito, kinikilig pa rin ako. Hindi na dapat eh, kairita talaga!
To boi:
Stop, lets stop thus convo. Its not right, may gf kana, lets stop here. Hindi na dapat binabalikan yon.
From boi:
Okay okay, I'll be going now, she's coming.
From boi:
Bye Xavi.
Hindi na ako nag reply pa. Napatingin lqng ako bago huminga ng malalim at humiga. Saka ko napagtanto na andito na pala sila Aila, Ayen at Arven.
Nanlaki ang mata ko nang makita na nakatingin sa akin ang tatlo.
"Yung totoo Xavi, nakakapag alala ka. Anong nangyayari sayo. Kanina ka pa sa cr. Naririnig ka namin na umiiyak, tapos.. sinusuntok mo ba sarili mo?" Ani ni Aila sa medyo nakakatakot na boses. Para siyang nanay na galit.
"Huh? Hindi ah." Patay malisya kong sagot.
Narinig kong suminghap si Ayen.
"Naku Xavi, yang ilong mo, kulang nalang maging stick. You kept on denying about your real feelings. Sige ka, mahirap kapag di mo na kinaya." Ayen said and I just chuckled.
"Tatawanan niyo lang ako." Ani ko,
"Sus, how sure are you na tatawanan ka namin?" Ani ni Arven sa likod ko.
Napatingin ako sa kaniya at bumuntong hininga,
"Naiyak ako, broken ako, kasi si Bright, nakipag balikan sa ex niya. Tawa na." I said then I hear Ayen snorts.
"Ayen!" Saway agad ni Aila.
I look back at the two, "See, tanga lang diba? Boba ko talaga." Ani ko bago tumawa ng mapait.
"Sorry, sorry, pero oyy, ayus lang yon. Ibig sabihin hindi talaga siya para sayo." Ayen said at napangiti ako ng malungkot.
"Pero gusto ko nga siya para sa akin." Bulong ko,
"Hay naku." Narinig kong turan ni Aila bago naglakad papalapit sa akin.
Tumabi ito sa akin, "Girl, hindi ganun, let destiny and true love handle it. Kung sayo, babalik yan, mag b-break ulit sila, feel ko sa puwet ko, mag b-break sila. Ilang linggo lang yan, tapos boom, babalik sayo yang Bright na yan." Ani ni Aila na ikinatawa namin.
"Gaga, wag ganun, stay strong sa kanila." Ani ko at napatawa si Aila.
"Stay strong sa kanila, pero feel ko talaga mag b-break din sila." Ani niya na muli naming ikintawa.
"Nahulog ka talaga ng sobra 'no?" Ani ni Arven, naitikom ko ang bibig ko at tumango.
"Sobra, sobra, kaya nga nagkaganito eh. Umiyak nga ako nung malaman ko. Kasi nahulog na ako ng sobra, kaya nawala ako sa tamang wisyo." Ani ko at napatango si Arven bago hinimas ang likod ko.
Kinabukasan ay panibagong araw. Pumasok na kami at gaya ng normal na klase ay nag klase.
Wala namang espesyal ngayon, maliban nga lang ay puspusan ang pag pa-practice namin para sa journalism. Siyempre, isang linggo halos. Sila Tera at ang nga kasamahan niya ang nag-aasikaso ng school news paper namin.
Habang kami nila Ayen at Aila ay andito at inaasikaso ang mga papel sa broadcasting.
"Xavi tingnan mo, what do you think about this commercial? Okay naman diba? Like.. maganda naman?" Tanong sa akin ni Ayen, lumapit ako sa kaniya at binasa ang script.
Napatango ako, "Okay naman, maganda naman." Ani ko at tumango siya bago nagpatuloy sa pag ta-type ng panibago namin na script.
Maya-maya ay pumasok ang teacher namin na nag ha-handle sa broadcasting team.
"Guys, may marunong ba sa inyo na gumawa ng beat? Kahit simpleng beat lang." Ani nito, napatingin kaming tatlo nila Ayen at Aila, maski ang iba naming ka member sa broadcasting.
"What kind of beat sir?" Tanong ko,
"For ano lang.. we are thinking kasi na we should have our own intro sa mga performance niyo, pero kung wala naman may alam, okay lang." Ani ni sir, napaturo si Aila sa akin.
"Sir, si Xavi po, maalam po siya." Ani niya at nanlaki ang mata ko.
"Thats great! Xavi, pwede ba? Sayang naman, try lang." Ani ni sir, napa ngiwi ako bago tumango.
Tumayo ako at kinuha ang laptop at phone ko.
"Ay, Ayen, sumama ka na rin, para masubukan sa mga intro." Ani ni sir at napatawa kami ni Aila. Mukha kasing wala sa mood si Ayen na sumama at gusto ay dito na lamang sa faculty ag gimawa ng script.
Pero walang nagawa si gaga, "Sige po sir." Ani nito at napangisi kami ni Aila. Magkasunod kaming pumunta ni Ayen sa music room, naka sunod sa teacher namin.
Pag pasok namin doon ay laking gulat namin na makita ang iba pang teacher na nag hahawak sa journalism sa school.
"Oh, Xaviana, maalam kang gumawa ng beats?" Tanong ng music teacher namin, nahihiya akong ngumiti at tumango.
"Jusko, si Xavi lang naman pala ang sagot sa mga problema namin sa broadcasting na ito." Ani ng isa pang teacher na ka close ko.
Nahiya tuloy ako bigla, they sound like they are expecting too much from me. Paano kung hindi ko ma reach ang expectations na yun? Nakakahiya.
"No rush naman Xavi, dito lang kayo gagawa para hindi gaanong magulo, mukha kasi maingay sa faculty kung doon kayo gagawa. No rush sweetheart, okay?" Ani ni sir at napatango ako, I open my application sa laptop and plug in my earphones. I started working on the beat or intro.
I'm not really a pro, just curious at first. Since I do like to listen in music, na curious ako sa paggagawa ng beats. Thats why before I decided to buy an application for making beats. Then.. naging hobby ko lang minsan na kapag wala akong gawa ay paunti-unti ay gumagawa ako ng beats. But sadly, it didn't really grew in me.
"Uy, Xavi, anong gagawin ko dito? Alangan naman umupo lang ako sa tabi mo." Bulong ni Ayen sa akin, agad kong natanggal abg earphones ko at napatingin sa kaniya bago kumunot ang noo.
"Edi ituloy mo yung ginagawa mo kanina. Dala mo rin naman laptop mo eh." Sagot ko dito, napangiwi siya bago tumingin sa paligid.
"Eh hindi ko nga dala yung mga papel, ano ba?!" Pasigaw niyang bulong na ikinatawa ko.
"Gaga, edi i-message mo si Aila, sabihin mo, kuhaan ng picture yung nga papel tapos i-send sayo, simple as that Ayen Madeline!" Pasigaw ko ring bulong na ikinatawa namin.
"Thank you!" Pasigaw niyang bulong at napahagikhik kami parehas.
Nagpatuloy na ako sa pag aasikaso sa beats habang siya naman maya-maya ay nagsimula ba rin na magtipa sa laptop niya.
Medyo nagugustuhan ko naman ang ginagawa kong beat. Nakikita ko ang progress at natutuwa ako sa kinakalabasan nito.
I probably look so serious and pressed right now. Kung titingnan ako ng ibang tao ay baka mapagkamalan na may kagalit na ako. Isa kasi sa mga characteristics at habbit ko ay kapag nagseseryoso ako sa isang bagay ay humahaba ang nguso ko at napapakunot ang noo. Ang right now, nagsasabay ang dalawang yon.
Napatingin ako sa phone ko nang umilaw ito. Dinampot ko ito at tiningnan kung sino ang nag message. Pero bago ko ito mabasa ay nasundan na ito ng tawag na maski si Ayen ay naagaw ang attensyon.
Napatawa ako bago sinagot ang tawag.
"Buang ka, bigla bigla ka nalang tumatawag, pepektusan kita eh." Bungad ko dito.
[Napaka mapangharas naman maam, kalmahan lang natin.] Biro ni Jake, napairap ako.
"Bakit ka kasi tumawag?" Tanong ko,
[Di mo ko miss? Grabe naman, FO na nga!] Ani niya at napa irap ako.
"Okay," maikili kong sagot.
[Ay, hanep man yan, napaka walang gana kausap! Sasabihin ko lang naman na kasama ako sa journalism ng school, Editorial writing.] Ani niya at napatango ako.
"Mhmm, congrats! God bless." Ani ko at napatawa ito.
[Kita kits nalang sa competition.] Ani niya at napatango ako.
"Ge, see you, end ko na." Ani ko at narinig ko siyang mag hum.
Inend call ko na at ibinaba ang tawag, pabalik na sana ako sa aking ginagawa na biglang may magsalita sa likod na ikinagulat namin ni Ayen.
"Sino yon Xavi? Boyfriend mo?" Tanong ng isa naming teacher, teacher namin sa research.
Agad akong napailing habang napahagikhik si Ayen.
"Luh maam, hindi po, friend ko po sa Tagkawayan." Sagot ko at napa tango si Maam.
"Naku maam, napurnada ang boyfriend niyan ni Xavi." Ani ni Ayen at nanlaki ang mata ko.
"Gaga 'to." Bulong ko,
"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ni Maam.
"Bumalik sa ex niya maam, iniwan na si Xavi." Ani ni Ayen at napa-irap ako.
"Bahala siya sa buhay niya." Ani ko at napatawa si Xavi.
"Saklap naman." Ani ni maam,
Napatango ako, "Opo maam, bahala siya, loko-loko naman ex niya, kapag nag-away nanaman sila, bahala siya sa buhay niya, ulol siya!"
Napasinghap si Ayen, "Ay, galit na galit, kalmahan lang natin girl, marupok ka pa naman pati."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•3•
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com