17
Wednesday ng gabi ngayon, halos lahat kami dito ay abala sa pag-aayos ng sari-sarili naming na mga gamit. Sa Friday ay aalis na kami papunta sa isang venue kung saan muna kami mag s-stay habang on going ang laban.
At halos lahat kami ay hindi na mapakali at matigil sa isang tabi.
Punta dito, punta doon, sa kama ni ano, sa kama ng kung sino.
Gumagawa ng mag scripts, nag la-layout, edit, mga camera para sa photo journalism. Mga flash drive, laptops at printer na isa pa sa nga pinaka kailangan sa journalism.
Magkakasama kami dito nila Aila, Ayen, at Addison, kami ang mga anchor ng broadcasting.
"Uy Xavi, sure na sayo ang laptop na gagamitin diba?" Tanong ni Aila at tumango ako.
"Sure, pero ang flashdrive ay ibibigay sa atin bago magsimula ang laban. And then yung isang grade 9 at grade 11 ay magdadala din daw ng laptop, para tatlo ang gagamitin natin." Sagot ko at tumango siya.
"Ah okay, goods goods, wala tayong asa sa laptop ko eh, sorry." Ani niya at umiling ako.
"Gaga, no big deal yon." I said before editing some things on our papers. Our school papers to be exact, kami kasi ang nag handle sa report ng nakaraang dance event sa school, isa kasi ako sa mga facilitators nun kaya ako ang maraming nalalaman.
Kunot noo ako habang nakayuko at nakakuba na nag ta-type. Wala eh, nasa kama lang kami. Kama ko at ni Arven. Kasama kasi ni Arven ang mga katulad niya ng lalabanan. Kaya andito kaming 4 na anchor.
"Uy, Xavi, nasabi na ba sayo ni Jake na kasama siya?" Tanong ni Addi, nag-angat ako ng ulo pero ang mga mata ko ay nakatutok pa rin sa laptop.
"Gaga tingnan mo ako." Narinig kong turan ni Addi at napatawa ako ng bahagya bago siya tingnan.
"Oo, nasabi na sa akin, matagal na." Ani ko at tumango siya.
"Ah okay, akala ko di mo pa alam eh." Ani niya at napa singhap ako bago magbalik ng tingin sa laptop.
"Yun pang lalaki na yon? Mukha lang yung mahiyain at tahimik sa simula. Pero minsan ang sarap din nung pektusan." I said while typing,
"Sino ba? Si Jake? Ah oo, walanghiya rin yon minsan." Ani ni Aila at napatawa ako.
"Madalas, walanghiya yon, masyadong GGSS, minsan boring, minsan loko-loko, minsan tarantado, lahat na." I said while running my fingers through the keyboard.
"Uy, sino? Friend niyo? Ano name sa FB?" Nag-angat ako ng tingin at tiningnan si Ayen.
Agad naman nanlaki ang mata niya, "Ah, may gf na ba?" Tanong niya at napakunot ang noo ko.
"Gaga wala, yun pa?! Magka girlfriend?! Labo, sa torpe nung lalaki na yon?!" Sarkastiko kong turan at bahagyang tumawa.
"Ang sama mo naman kay Jake, akala ko ba boy bestfriend mo?" Tanong ni Addison.
Tumango ako, "Oo nga, di ko naman sinabi na di ko siya friend. Kilala ko yung lalaki na yon mga naka diaper palang kami. Ang sabi ko torpe lang." Turan ko at tumango sila.
Bumalik na ako sa aking ginagawa at bahagya silang nanahimik. Nang biglang muling magsalita si Ayen.
"So.. irereto mo sa akin?" Tanong niya at utay-utay ako nag-angat ng tingin.
"Gaga, nagsisimula sa letter J ang pangalan niya, delikado." Ani ko at napasimangot ito.
"Paano mo naman nasabi? Wala pa naman akong alam na J na sinaktan ka, paano mo masasabi na lahat ng J ganon?" Tanong niya at napabuntong hininga ako.
"Wala akong sinabi na lahat ng J. Sabi ko, sa J nagsisimula ang name niya, delikado na rin." Ani ko at napasimangot lang ito bago muling itinuon ang attensyon niya sa kaniyang ginagawa.
"Paano mo nasabi yun, eh diba B ang nanloko sayo?"
Utay-utay akong nag-angat ng tingin at tiningnan si Ayen na nakatingin sa kaniyang laptop. Pero malinaw na siya ang nagsalita.
"Ay gagi, foul yun Yen." Turan ni Addi, nag-angat ng tingin si Ayen at inosente lang ako na tiningnan.
Isang beses ako na tumango, "Sa venue, ipapakilala ko sayo." Ani ko at lumiwanag ang mata niya.
"Weh?! Talaga?! Thank you!" Masaya niyang turan habang nakangiti ng malawak. Tumango lang ako at muling nagtrabaho.
At doon na natapos ang pag-uusap namin ngayong gabi. Almost 11pm nang matapos kami sa aming ginagawa. Natulog na kami dahil may pasok pa bukas.
Kinabukasan naman ay wala na kami halos klase. O hindi nalang kami pinapasok sa mga subjects namin at pinag practice nalang kami.
Nang lumipas ang araw at muling sumapit ang gabi ay kaniya kaniya na kaming pag iimpake.
3 araw, bale 2 gabi kami sa venue. Bukas kasi ng umaga ay mauuna na si Arven doon. At sa Saturday pa ang laban namin.
Kinuha ko na ang aking luggage at inayos ang mga damit.
2 pares ng pantulog, 2 set ng damit na pang araw. Inihanda ko na ang aking isusuot sa competition. Nagdala ako ng 4 na extract T-shirt, 2 leggings at 2 short. Towel, essentials, underwears, medyas at iba pa.
Sa gamit naman sa laban at personal belongings ko, I just made sure na dala ang mga chargers at flashdrives. Mga connector at iba pang important engine bagay.
Excited na ako para bukas. May halong kaba pero ayos lang.
"Okay na gamit mo Xav?" Tanong ni Ayen, nilingon ko siya at tumango bago inayos ang higa ko sa aking kama.
"Yep, okay na ako, tutulog lang ako ng maaga, goodnight!" Ani ko at tumango siya.
"Goodnight." Sagot niya pabalik.
Inilagay ko na ang aking cellphone sa ilalim ng aking unan. Naka set na ang alarm ko ng 4am para may magawa pa akong ibang bagay habang hinihintay sila.
Humiga na ako at handing matulog.
Malapit na sana eh, I'm starting to loose conciosuness and slowly drifting to dreamland when suddenly my phone vibrates right under my head.
"Ay putres!" Malutong kong mura bago bumangon bago tiningnan ang caller ID sinagot ang tawag.
"Ano ba?! Patulog na ako eh, tangina naman panira eh." Bungad ko agad dito. Napakamot ako sa aking ulo sa inis.
[Oh, galit na galit?! Sama mo naman friend, thats not how you greet people through the phone.] Pabirong turan ni Jake. Napa-irap ako at napahilamos sa aking mukha.
"Gago, tangina mo, bakit ka ba kasI tumawag?! Alas nuebe na ba." Inis kong turan,
[Grabe ka naman makapagmura, tumawag lang masama? Kakatapos ko lang gumawa ng school paper namin eh. Patulog na nga rin ako, tinawagan lang kita.] Ani niya at napakunot ang mukha ko.
"Gagi nasa venue ka na ba?" Tanong ko at nag hum lang ito.
Napakunot ang noo ko at napatingin sa pader.
At saka lang pumasok sa isip ko na sa individual competition nga pala siya kasama kaya kanina siya lumaban.
"Ay gagi oo nga pala, kamusta ang laban?" Tanong ko at napahagalpak ito ng tawa.
[Antok ka na nga, matulog kana.] Ani niya at napasimangot ako.
"Gagi ano nga? Kamusta? Kinaya ba?" Tanong ko at narinig ko itong suminghal.
[Sus ako pa! Siyempre! Ngayon matulog kana. Bukas ang punta niyo dito diba?] Tanong niya at tumango ako.
"Yep, see you there tomorrow." Ani ko at nag hum ito.
[Sige na, goodnight.] Ani niya at napangiti ako.
"Goodnight, labyu!" Pabiro kong turan at narinig ko itong tumawa.
[Gago,] ani niya at pinatay ang tawag. Napahagikhik ako bago ibinalik ang cellphone sa ilalim ng aking unan.
Pahiga na ako nang mapansin ang tingin sa akin ni Ayen.
"Si Jake lang yon, don't worry." Ani ko at humiga na.
Kinabukasan ay may mga ilang journalists na umalis na. Bukod kasi kahapon ay may mga individual pang competition na naganap kanina kagaya ni Arven.
Pero ang mga group competition such as Broadcasting at collaborative publishing ay sa Saturday pa. At Sunday naman ang awarding.
Pag dating namin sa school ay kakaunti na rin ang kumakain. Hindi naman ganon kaunti pero halata na may mga estudyante na wala dito.
Yung mga naglaban kasi kahapon ay nag stay na sa venue at sila lamang ang naka attend ng opening the event. Bale kami pala ang huling makakarating doon.
Pinapasok na kami this time ng mga teachers namin. Kaso lang ay dahil kakaunti na lang kami sa classroom ay may mga ipinadala nalang ang mga teachers namin na gawain at susulatin.
Naging pahinga tuloy ang araw na ito sa amin. Okay na rin para maipahinga namin ang aming mga isipan at boses para sa laban namin bukas.
Nang lumipas ang araw at 3pm na ay maaga kaming pina-alis. 5pm kasi ay pupunta na kami sa venue, maghahanda pa kami ng aming mga sarili.
Nang bumalik kami sa dorm ay kaniya kaniya kaming check ng nga gamit kung may nalimutan ba o wala. Ligo at pag-aayos ng sarili.
Nang mag 4:30pm ay bumaba na kami ng dorm at inabangan ang mga jeep na susundo sa amin.
Ilang minuto pa ay dumating na ito. At siya kaming kaniya kaniya nang akyat at pili ng aming puwesto.
Nasa likod ako ng driver at katabi ko si Aila, si Yen at Addison naman ay nasa katapat lang namin.
Konting paghihintay pa ng iba ay naka-alis na kami.
Hindi naman ganon katagal ang biyahe, siguro mga 45 minutes lang ay nakarating na kami sa venue.
At sa simoy palang ng hangin ay naramdaman ko na agad ang simoy ng competition.
That one feeling na excited la pero kinakabahan. Ang lakas ng tibok ng puso mo na para kang naiihi tapos namamawis ang kamay mo.
Ang trainer namin sa broadcasting at agad nag lead ng daan papunta sa aming quarters. At pag pasok namin ay doon namin nakita ang mga kaklase namin.
"Oh, andito na kayo, nag dinner na ba ang mga batang 'yan?" Tanong ng isang teachers, si maam Risa. Yung naka-usap namim ni Yen nung minsan habang gumagawa ng beats.
"Hindi pa nga eh, papakainin ko ba muna?" Tanong ni sir Mark, trainer namin sa broadcasting.
"Pakainin mo muna, baka gutom na yang mga yan." Sagot ng isa pang teacher.
Pinapili muna kami ng aming hihigaan, nakatabi ko ba si Addi sa kama. Binigyan lang din kami ng ilang minuto para ayusin ang gamit namin bago kami pumunta ba sa hall kung saan andon ang mga pagkain.
Since I'm still conscious about my body, I only had the dish and not the rice.
I am scrolling through my social media while eating when a messaged popped on my phone.
Its from Jake,
From Jake:
Tingin ka sa likod mo.
Napakunot ang noo ko at tumingin, tingin sa paligid. Nang mahagip ng mata ko ang isang kubo at andon si Jake at Ken na kumakaway sa akin.
Nanlaki ang mata ko napatawa bago kumaway. Tumayo ang dalawa at nagtatakbo papalapit sa direksyon namin.
"Nakita namin kayo paparating kanina, mukha kana agad haggard Xavi." Ani ni Ken at napa-irap ako.
"Ulol," singhal ko bago muling humarap sa aking pagkain. Pag tingin ko aking unahan ay nakita ko si Ayen na nakatingin din sa akin. At saka ko na alala ang sinabi ko sa kaniya.
"Ah, Jake, may ipapakilala nga pala ako sayo." Ani ko at hinarap si Jake bago siya hinampas sa braso.
"Aray, mapanakit ka talaga, mangrereto ka na nga lang mananakit ka pa." Ani niya at napatawa ako.
"Jake, si Ayen nga pala, friend ko. Yen, si Jake, best friend ko." Ani ko, napangiti si Jake bago ini-offer ang kamay niya kay Yen na halatang nahihiya.
"Ayen, from Lucban." Ani ni Yen na halatang nahihiya.
"Jake, Tagkawayan, 18 years old." Sagot ni Jake at napangisi lang ako.
"Ah same tayo? 18 din." Ani ni Yen bago bumitaw sa pakikipag kamay kay Jake.
"Sige Xav, balik lang kami sa table namin." Ani ni Jake at tumango lang ako. Umalis na ang dalawa at nakangisi akong tumingin kay Ayen.
"Ano? Okay ba? Pasado ba sa taste mo?" Tanong ko at nakita ko ngumiti ng bahagya si Ayen.
"Pwede na," sagit niya at napa-irap ako.
"Gaga, pwede na, pinagsasabi mo? Gwapo yun, siraulo lang talaga." Ani ko at bumalik na sa pagkain.
Ilang minuto lang ay natapos na kami at bumalik na sa quarters.
Pagbalik namin ay agad akong nagpalit ng pantulog. Nasabihan kasi agad ako na may mga ilan pa kami I che-check sa gawa namin.
"Xavi halika dito, check natin ang gawa niyo." Tawag sa akin ni maam Risa.
"Yes maam, wait lang po." Ani ko bago isinaksak ang phone ko malapit kila Sam at Layca dahil dun nalang ang may free na saksakan.
"Pasabi kapag may tumatawag ha?" Bilin ko at tumango lang ang dalawa.
Pumunta na ako sa gawi nila maam Risa at iba pang teacher at tiningnan na ang aming gagamitin para bukas. Mahirap kasi kung bukas pa kami magkaka problema.
Habang nanahimik kami doon nila maam at sir ay biglang nagkahiyawan ang mga babae.
"Xavi, si Ayen na stalk agad si Jake." Kantyaw ni Aila, napa tawa lang ako at ngumis habang may inaayos sa laptop ko.
"Sira! Nag friend request sa akin." Depensa ni Ayen at napatawa lang ako.
"Naku Yen, seener yan, snob, magiging awkward convo niyo, promise." Ani ko habang umiiling.
"Uy Xavi," tawag sa akin ni maam Risa.
"Sino yung Jake na yun?" Tanong ni Maam Risa at napatawa lang ako.
"Best friend ko po, yung kausap ko po nung minsan." Sagot ko at napatango ito.
"Ano yon, nanliligaw kay Ayen?" Tanong ni maam at napatawa ako ng bahagya.
"Naku maam hindi po, nagkakilala lang po yung dalawa kaninang dinner." Sagot ko at napatango si Maam.
"Best friend mo lang ba talaga?" Tanong ni Maam at napakunot ang noo ko.
"Opo maam, bata pa lang po kami magkakilala na kami." Sagot ko at tumango si maam.
"Eh yung lalaki na galit na galit ka nung isang araw? Wala na yun?" Tanong ni Maam at napasimangot ako.
"Maam naman eh, kinakalimutan ko na nga siya eh. Tapos pina-alala niyo pa." Ani ko at napatawa si Maam.
"Ay sorry naman, malay ko ba, akala ko wala kang balak kalimutan." Ani ni Maam at napasimangot ako lalo.
May pagka chismosa pala itong si Maam.
"Nakalimutan na nga ako maam eh. Noon, madalas kami magka-usap, ngayon, ewan na po." Sagot ko bago isinuot ang headphone para I check ang intro ba gagamitin namin bukas.
Tahimik kong pinapakinggan ito nang tapikin ako ni maam. Agad kong na-alis ang headphone ko.
"Tawag ka ni Sam." Ani ni Maam at napatingin ako sa gawi ni Sam.
"Xavi may tumatawag sayo." Ani niya at agad ko agad nahulaan kung sino ito.
"Si Jake lang yan, hayaan niyo nalang." Ani ko at akmang haharap muli sa laptop nang mag salita sa Sam.
"Ahm.. no, si Bright siya actually. He's video calling you." Ani niya at agad nanlaki ang mata.
"Gagi Xavi, bakit tumatawag yan?" Pang-aasar ni Aila. Agad akong napatayo at humaripas ng takbo sa kana nila Sam.
Si Bright nga ito. Nagsimula akong kabahan at pawisan. Ang nga kamay ko ay biglang nanlamig at namawis.
Huminga ako ng malalim bago ito sinagot. Laking gulat ko nang naka on ang camera niya.
"Oh, napatawag ka?" Nag-aalinlagan kong turan. Ang mga kaklase ko kasi maski si maam Risa ay nakatingin sa akin.
Agad akong lumayo sa kanila at lunabas ng aming kwarto.
[Fuck Xavi..] Boses palang niya ay nanghina na ako. Naka on ang camera niya oo, pero nakatapat ito sa kung saan.
"Hey.. may.. may problema ba?" Nag-aalinlangan kong tanong. Nanahimik lang siya at hindi sumagot nang marinig ko itong suminghot.
"Hey, are you crying? Uy bakit?" Nag-aalala kong tanong. Ano bang nangyayari sa lalaking 'to? At asan ba siya? Saan nakatapat ang camera niya.
[Xavi, she cheated on me.] Yun lang ang sagot niya pero alam ko na agad ang nangyayari.
"Puta, seryoso!? Di nga?" Di ko makapaniwalang tanong. Si Ianna? Mag cheat? Sa kaniya? Impakta talaga yung babae na yon! Hindi ko alam ang story or side ni Bright. Pero tangina, unang una, nagloko na rin siya. Tapos nagbalikan sila at ako itong naiwan. Tapos ngayon magloloko nanaman siya.
[Tangina Xavi ang sakit. I saw her with him. Yung lalaking sinisigaw sigawan lang siya. Yung lalaki isinumbong niya sa akin na pinag-tataasan siya ng boses. Nakita ko sila, magkayakap sa gate ng school. Tangina Xavi, matapos ko siyang ilayo sa lalaking yon. Sabi ko hindi ko na hahayaan na makalapit sa kaniya yung hayop na yon. Tapos siya naman pala itong..., puta.] Hindi na niya natapos ang kaniyang sinasabi at bagkus ay napamura na lamang.
Naitikom ko ang bibig ko at napa-upo sa sahig. Marinig siyang nagkakaganito ay nakakawala na sa ulirat. Tangina naman, dahil sa ibang babae nagkakaganito siya. Dahil sa babae na minsan na siyang ginago.
"Hey.. iiyak mo lang yan. Hindi ko hawak Ang emosyon mo, wala ako dyan sa tabi mo. Kaya iiyak mo lang yan until you feel better. Alam kong masakit yan sayo. I don't know your story pero I just know you're in pain. So cry until the pain is no longer there." I softly said and I saw a glimpse of his forehead nodding.
[Thank you, tangina ikaw lang nakaka-intindi sa akin ng ganiyan. Tangina Xavi, dapat ikaw nalang pala ang pinili ko.] Usal niya at muli kong naitikom ang bibig ko.
Tangina ko nga. Ako nalang naman talaga dapat eh. Ako yung andito nung hindi kayo okay, naging rebound mo nga ako eh, tangina. Dapat ako nalang talaga dapat.
"Hey, don't say that. You're just in pain kaya mo nasasabi yan." Ani ko at nakita kong umiling ang ulo niya. Konti nalang at makikita ko na ang buong mukha niya.
[No, I'm serious. I wish I just choose you. Sana pala ay hindi ko na siya muling pinapasok sa buhay ko. Ikaw tuloy yung nawala.] ani niya at doon ay naramdaman ko ang kakaibang kirot sa dibdib.
[Xavi..] Tawag niya ba sadyang nakakapanghina sa akin.
[Xavi I'm sorry, I'm sorry kung dahil sa akin umiyak ka. I'm sorry kung dahil sa akin nasaktan ka-
"Huy ano ba, wala yon. Okay lang ako-
[Of course you're not. And now, I'm here crying to you because of another girl. I know you're in pain as well.] Putol niya at napakagat ako sa pang-ibaba kong labi.
"You're right, kairita kasi. Gusto kong isumbat sayo lahat. Pero mali eh. Parang mali." Ani ko at ang mga luha ay nanginginig na sa aking mga mata.
[Go on, say those things you want to say.] He said and I took a deep breath, trying to hold my tears from streaming down my cheeks.
"Bakit hindi ako? Bakit ka pa bumalik sa kaniya? Andito naman ako ah, naging loyal ako sayo kahit kilometro ang layo mo. Kahit iilang buwan palang tayong nagkakilala ginusto na agad kita. Isinasama na kita sa nga plano ko sa buhay pero nakakainis na bumalik ka pa sa kaniya tapos ngayon iiyak iyak ka! Ako nalang kasi dapat! Kung ako lang ang nakakaintindi sayo then why not choose me!? You know I'm not possessive, you know I will let you play games even with other girls! I will give you the attention if you want. I will give you the space if you want! Pero bakit bumalik ka pa sa kaniya!? Nakakainis ka na ang manhid manhid mo!"
By the time I end my words, tears are already streaming down my cheeks. I immediately wipe those off cause some people can see me and some are even watching me. Nakakahiya but it was a relief that I was able to say those things to him. Finally after weeks of asking myself kung bakit hindi niya ako pinili. Besides of me being a plus size and unattractive, at least I am willing to understand and accept all his flaws.
Hindi siya agad sumagot at tanging ang nakikita ko lang sa screen ay kung anong madilim na iyon.
Nang bigla niyang iharap sa sarili niya ang camera. Doon ay nakita ko kung gaano kapula ang mga mata niya. Ang buhok niya ay bahagya rin magulo.
[You're once again crying because of me.] he said at agad akong napapahid ng luha.
"No, it's my fault-
[Fuck it Xavi! Hindi! Don't say that, may kasalanan din ako. Why do you always blame yourself?! I don't deserve you.] he said at napahikbi ako.
[I'm sorry, for every pain that I caused to you. I'm sorry kung nagpakita ako ng motibo and I became too sweet.] Ani niya, I saw him look down on the floor and sigh.
[But will you let me enter your life once again?] he ask and I slowly nod.
"I am willing to experience the same pain as long as it's you." I said and look at the camera as if I'm looking deep to his eyes.
[Thank you, I learned my lessons. Maybe wala talaga dito sa Rizal ang para sa akin.] He paused and smiled.
[Baka nasa Quezon talaga.] he said and I snorts.
"Sus, tigilan mo ako Mr. Nañagas." Ani ko,
[Uy, sir palang, hindi mister, wala pa akong asawa.] ani niya ay utay-utay akong tumango.
"Okay fine, fine, sir Nañagas." Ani ko at napatawa ito.
[Thats right, Mrs. Nañagas.] ani niya at nanlaki ang mata ko.
"Tangina mo." Ani ko at napatawa ito. His laugh and smile, his chuckle and everything, it's the first time I hear it live.
Heck it's our first time video calling at ganito pa. He's broken hearted. But what does he mean by entering my life once again.
"Hey.." I called and he hum.
"What do you mean by entering my life once again?" I ask,
[Well.. will you let me court you?] he ask and my eyes widened.
"Ahm.. sure, okay, that's good actually. Para you make effort naman kahit papa-ano." I said and he chuckled.
[Okay okay, I will. By the way, asan ka ngayon?] he ask,
"I'm in a resort, we have a competition for broadcasting tomorrow. I was doing something nga kanina when you called." I said and his eyes widened.
[Oh sorry sorry, go back on what you're doing na.] I said and I nod before standing up.
[But can you please don't end the call or turn off your cam? I want to see your face while I'm on my way home.] he said and my brows furrowed.
"Sure, pero asan ka ba?" I ask,
[Uhm, I'm still at school, wala akong gana umuwi kanina. But now I have, uuwi na ako, wala ka man sa bahay namin. Pero if I'm at our house, it means I'm safe at malayo sa danger. If malayo ako sa danger, matagal pa akong mabubuhay at makikita pa kita.] Ani niya at napa-irap lang ako.
"Whatever, aakyat na ako, go home, wag kang maingay. I'll just put down the phone while I continue to work. Baka marinig ka rin ng iba kong kaklase at teachers, so don't speak nonsense." I warned and he chuckled. I slowly walk up the stairs since nasa second floor ang room namin.
[Yes yes, seeing your face is enough.] He said and I just rolled my eyes.
Nang makapanhik ako ay halos lahat sila ay nakatingin sa akin. Pinanlakihan ko lang sila ng mata at hindi na nagsalita.
Bumalik ako sa aking ginagawa at ipinatong ang phone sa harap ko at ipinagpatuloy ang aking ginagawa.
"Uy, sino yan? Siya na ba yan?" Bulong ni mama Risa habang itinuturo ang phone ko. Napatawa ako ng bahagya at tumango.
"Ano daw nangyari? Bakit tumawag?" Tanong ni Maam.
"Next time nalang po Maam, makikinig po ako eh." Ani ko at tumango si Maam.
Tumagal pa rin ng halos kalahating oras ang ginagawa ko. Nakita ko rin na naka-uwi na si Bright dahil sa kung saan saan napupunta ang camera niya. May mga bata pa nga akong naririnig na maski ang attensyon nila Maam ay nakukuha.
Itinabi ko na ang laptop ko at ibang gamit. Lampas 10 pm na ang I need to sleep now to be able to wake up tomorrow morning early.
"Hey.. tutulog na ako." I said while laying down on our bed.
I hear him hum.
[Sure, goodnight.] he said and I smiled.
"Goodnight," I said,
[Mhmm, I love you.] And that's when i felt butterflies in my stomach.
"I love you too." I shyly said before ending the call.
Heck, Addi is looking at me.
I smiled at her and she rolled her eyes.
"Marupok ang puta, heh!"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•3•
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com