Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

21


The first thing I did right after I finish taking a bath and getting ready is to check my things. I made sure I put everything I need inside my luggage and I didn't forget anything.

When I went down, it's still dark outside but the van is already there. So I put my luggage inside and the other students are already there. We waited for few minutes before we are complete and the van head out the campus.

I texted mama saying we are on our way to Cainta now but I'm sure she's still asleep. And since it's still early, I put my phone inside my bag and close my eyes.

I woke up when I felt the vehicle stopped. When I look around the sun is already up and we are in a gas station.

"Xavi iihi ka? Pwede kang bumaba muna." Maam Risa said. I look at her and nod before she open the door of the van since she's in a seat right beside the door. I excused myself since the student at my side is still asleep before I head out the van.

I went first to the bathroom. After that I look at my reflection in the mirror and saw that my hair is already dry so I tied it up. I went to the convenience store to buy something. I was about to get a bottle of coffee when I realized I can't drink any cold or sweet. So I end up buying crackers and not cold drink instead.

I went back to our van and right after I hop in and sit down. We went back to the road.

Before lunch nakarating na kami sa venue. I tried my best to familiarize the streets and roads we took but right when we arrived at the venue nalimutan ko na ang mga nilikuan namin. Isa-isa na naming ibinaba ang gamit namin at dumiretso sa kwarto na naka assign sa amin. Hindi ito malaki, hindi ito kasing laki nang kwarto na naka reserve sa amin gaya ng sa DSPC. Dahil na rin siguro hindi na kami kasing dami ng dati. Andito na rin ang iba pa naming kasama. Mga kasama ko sa broadcasting na kailangan ko munang makilala.

Agad akong namili ng kama na aking tutulugan at inayos muna ang aking gamit bago nilapitan ang mga makakasama ko sa laban. Ipinakilala namin ang aming mga sarili sa isa't isa bago ako inabutan ng script na aming agad ginamit sa pag pa-practice. Isang pasada lang ay inakit na nila ako para mag lunch. At sa totoo lang, ang bait nila. Lalo na yung co-anchor ko.

"Xavi dito kana umupo. Tabi tayo." Ani ni Ivy bago tinapik ang bangko sa tabi niya. Ngumiti ako sa kaniya bago naglakad sa tabi niya at umupo na.

"Ah, ako dapat dun eh." Napa-angat ako ng tingin at nakita ang technical namin na nagkakamot ng ulo.

"Alam mo Raffy, tumigil ka nga." Ani Ivy at napatawa ang iba naming kasama. Humarap sa 'kin si Ivy at ngumiti.

"Huwag mo nang pansinin 'yang pangit na yan, Xavi. Papansin 'yan masyado." Ani niya at napatawa ako bago tumango.

"Magkaklase ba kayo?" Tanong ko bago sumubo ng kanin.

Umiling siya, "Nope, ayaw ko sa kaniya. Taga Tiaong 'yan, taga Mauban ako." Sagot niya at tumango ako.

"Ayaw daw sa pangit pero mahal na mahal yung sarili?" Napa-angat kami Parehas ni Ivy ng ulo at napatingin kay Raffy.

"Raffy tumigil tigil ka na nga! Di nakakatuwa!" Reklamo ni Ivy at napatawa lang si Raffy.

"Pero magkakilala na kayo? Or kanina lang din kayo nagkita?" Tanong ko habang ngumunguya.

"Pumunta sila sa school namin. Sayang nga, kayo lang ni Jhanna ang wala." Ani niya at napatango ako bago tumingin kay Jhanna na news reporter namin. Mukhang siyang tahimik at mahinahon. Pero ganun nga siya dahil kaninang nag pa-practice kami ay nanatili lang siyang nakatungo pero maganda naman ang boses niya. 

Pagkatapos namin kumain ay hinigit agad ako ni Ivy at Olivia sa event hall para sa opening. Si Olivia naman ay kabaliktaran ni Jhanna. Maingay at makulit pero hindi nakakainis.

Na feel ko agad na welcome ako kahit halos iisang oras palang kami nagkakilala.

"Xavi, taga saan ka nga pala?" Tanong ni Olivia habang nagpapatuloy ang opening.

"School or hometown?" Tanong ko at nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Magkaiba ba 'yun? I mean, hindi ka sa hometown mo nag-aaral?" Tanong niya at tumango ako.

"Hometown ko ay Tagkawayan, pero sa Tayabas ako nag-aaral." Sagot ko at utay-utay siyang tumango.

"Hindi pa ako nakakapunta dun." Ani niya at napangisi lang ako.

"It's fine, medyo malayo din naman yun eh. Last town na before Bicol." I said at napatango siya.

"Pero nakapunta na ako ng Bicol. Sa Naga at Mayon, tapos Nueva Ecija." Ani niya at tumango ako,

"Edi baka nakadaan kana dun." Ani ko at napangisi lang siya. Tumagal pa ang opening at nanatili kami doon na naka-upo. Si Raffy naman ay napapagsabihan ni Ivy dahil sa naglalaro ito ng games sa cellphone niya na nag cau-cause ng ingay.

Maya-maya ay natapos na ito at bumalik na kami sa kwarto. Kaming pito ay magkakakumpol sa kama nila Ivy at Olivia na magkababayan pala. May inaayos lang sila sa file na gagamitin bukas.

"Oy, Xavi kung may jowa ka na daw tanong ni Raffy." Napa-angat ako ng tingin at takang tiningnan ang isa pa naming ka grupo na lalaki na si Bobby.

"Uy gago! Hindi ko sinabi 'yon!" Angal naman ni Raffy.

"Eh, sinungaling, sabi mo pa nga itanong ko Facebook account ni Xavi eh!" Pakikipag talo ni Bobby. Nagsimula na mag bangayan ng dalawa at mabuti nalang ay iilan lang kami dito sa kwarto ay wala pa ang mga trainers.

"Boys! Ano ba!? May ginagawa kami oh!" Natigil kaming lahat maski si Jhanna sa pagbabasa ng biglang manaway si Ivy. Nagsisihan pa ang dalawang lalaki bago nanahimik. Nakangisi lang ako na tinitingnan si Raffy at Bobby na magbulungan.

Napabuntong hininga ako, "Wala pa," ani ko na agad na agaw ang atensyon ng dalawang lalaki.

"Pero.. may nanliligaw na sa 'kin." Dagdag ko agad at nakita na napa awang ang labi ni Bobby.

"Awts, sayang ka pre. May nauna na pala." Ani niya at natawa lang ako.

Nang sumapit na ang gabi ay naglinis na ako ng katawan at nagpalit na ng pandulog. Bumaba na rin kami ilang minuto lang matapos ako maglinis para sa dinner. Gaya ng kanina ay sama-sama pa rin kami kumain. At nagbabangayan pa rin ang dalawang lalaki na hindi naman pala magkaklase dahil taga Lucban si Bobby.

Tapos na kaming kumain at umalis si Raffy. Maya-maya ay bumalik ito at may hawak-hawak na isang solo pack na ice cream. Coffee crumble pa ito na lalo kong ikina-inggit.

"Lakas tama mo Raffy. Sana all technical nalang. Wala pang bawal." Ani ni Bobby at umiling iling pa.

"What about.. tomorrow guys, after our competition, tara mall. Malapit lang daw dito ang mall eh. G?" Tanong ni Hazel na kagrupo rin namin. Medyo iba lang ang hubog ni Hazel dahil halatang mayaman ito at may pagbali ang kaniyang mga salita. In short, conyo.

"Oy oo nga! G ako. Kayo ba? Jhanna? Olivia? Ivy, Xavi?" Tanong ni Bobby.

"Game ako, tapos kakain lang ako ng sweets at cold drinks." Ani ni Olivia bago tumawa.

Nag adjust ng salamin ni Jhanna, "Sure, I'm in." Ani niya.

"Kayo? Ivy? Xavi? G kayo diba?" Tanong ni Bobby,

"I'm in, tapos naman na competition eh." Sagot ni Ivy at napakagat ako sa labi.

Napanguso ako, "Sorry di ako pwede. May kikitain ako bukas sa mall din." I said at napa simangot si Bobby.

"Okay, okay lang naman. Kami nalang." Ani niya at napangiti ako. Nang matapos kaming kumain ay bumalik na kami sa kwarto.

Humanap pa ako ng magandang tiyempo para nagpaalam kay Maam Risa at Sir Mark ba aalis ako bukas after competition.

"Maam Risa, busy ka po?" Malambing kong fanong. Nag-angat siya ng tingin mula sa cellphone niya at umiling.

"Hindi naman, bakit?" Tanong niya at napangisi ako.

Umupo ako sa tabi niya, "Magpapa-alam lang po sana ako. After po competition bukas lalabas po ako para Pumunta ng mall. May kaibigan po kasi ako na taga dito. Makikipag kita lang po sana ako." I hesitantly said. Pero nang makita kong tumango si Maam ay parang sumabog ang bulta-boltaheng says sa katawan ko.

"Sige lang, mag-ingat lang at bumalik before 8pm." Ani niya at mas lalo akong sumaya. 8pm, it's more than enough time for us na mag enjoy.

"Thank you Maam! Promise gagalingan ko bukas!" I said before heading back to my bed.

Nakatawag na agad si mama at kinumusta na ako. Hindi na nagtagal ang tawag dahil kailangan ko daw ng energy para bukas. Pero hindi rin naman ako nakatulog Agad dahil naka-usap ko pa si Bright. Pero sa chat na lamang dahil ayaw ko nang mag ingay pa. Napag-usapan namin kung anong oras kami magkikita pero sabi ko ay hindi rin naman sigurado kung anong oras kami matatapos kaya icha-chat ko nalang siya kapag papunta na ako.

"Xavi, ang aga mo naman nagising." Agad akong napaharap sa aking likuran nang may magsalita doon. Nakita ko si Raffy, dala-dala ang kaniyang damit na isususot, nga essentials niya, towel niya sa balikat at humihikab pa habang kinukuskos ang mga mata.

"Siyempre, ako pa. Kung late ako nagising edi sana nakapila rin ako kagaya mo." Sagot ko at tumango ito.

"Grabe, di pa naman late." Ani niya at napatawa lang ako bago tumango at tinapik siya sa braso.

"Sige na, bumalik kana sa pila mo." Ani ko at tumango siya bago umalis.

Ilang minuto pa ang nakalipas at handa na kaming pito na umalis. Nag breakfast muna kami ng mabilisan bago nagtungo sa lugar kung saan kami gagawa ng scripts. Siyempre, si Bobby at Raffy ang may dala ng printers. At ako naman ay tumulong ba sa pagdadala ng gamit ng dalawang lalaki.

Nang magsimula ang making of script ay naging maganda ang daloy nito sa amin. Lalo na at lahat kami ay may sari-sariling dala ng laptop namin. Ang medyo nahirapan kami ay sa oras.

Ilang minuto nalang pero hindi pa kami nakakapag simula na mag print. Halos lahat kaming pito ay aligaga nang matapos.

"Nakanino yung isang news report?" Aligagang tanong ni Ivy. Walang sumagot kaya ako itong hinalungkat lahat ng papel na makikita ko. Pero wala.

"Shit, andito lang yun eh!" Singhal ko, yun nalang kasi ang kulang na report at pwede na kami mag print. Last 25 minutes nalang.

"Ito ba Xavi?" Napatingin ako kay Raffy nang i-angat niya ang isan
g intermediate pad. Nang makita ko ang pamilyar ba sulat ay agad akong napatango at ibinigay kay Ivy.

"Ivy, baka mahirapan ka sa pag-iintindi nung sulat." Pa-alala ko. She sahke her head and proceed on typing the news. In the end we were able to give one script sa judges while we proceed in printing more script for us.

Pumunta na si Bobby sa kung pang-ilan kami na mag pre-present and it turns out na mauna kami.

"Ano ba naman yan Bobby? Bubunot ka na nga lang number 1 pa!?" Singhal ni Raffy sa pabirong tono.

Nang matapos kami sa printing ay agad kaming dumiretso for lunch. We only have an hour to eat and practice at the same time. Pinaspasan talaga namin ang pagkain dahil need pa namin nag practice. Lalo na't May nga salitang kina-uutalan ko sa script namin. May time limit din na 7 minutes so we have to make the best in that short period of time.

Habang nag pa-practice kami sa gilid ay nagbukas ang pinto kung saan kami mag pe-perform at tinawag na ang number 1. Tumayo na kami pito at lumapit doon.

Pagkapasok ay may 2 minuto lang  para mag ready ang technical. Good thing is Raffy is fast enough to set his things. And we're on.

Sa hindi inaasahang pangyayari, sa kalagitnaan ng aking pagpapakilala sa isang balita ay bigla akong na-utal at kinakailangang ulitin ang salita. Naramdaman ko agad ang tingin ni Bobby, Ivy at Raffy sa akin na siyang nagpakaba sa akin Lalo.

"Good job Quezon province!" Ani ng judge bang matapos kami. Nagpasalanat kami sa Kanila ay lumabas na. Doon ay huminga ako ng malalim Habang ang mga luha ko ay malapit nang kumawala.

"Hoy, Xavi, don't cry. Why are you even crying?" Agad kong naramdaman ang kamay ni Raffy sa likod ko. Nagpahid ako ng luha at umiling.

"Wala wala, tara na? Diba pupunta pa kayo ng mall? Ako rin, sabay na tayo pumunta?" Pag-aaya ko at tumango sila. Bumalik na kami sa quarters namin at nagpalit na ng damit. I put on fitted white turtle neck and short jumper. I put my hair to a ponytail and slip on my rubber shoes. I put my essentials in my small body bag before messaging Bright na papunta na ako sa mall.

Kinakabahan ako. I didn't imagine I'll be able to see him in real life excerpt kung makakapasa kami sa UP. 

"Xavi, you look nice!" Papuri ni Olivia. Ngumiti ako sa kaniya at nagpasalamat.

"Thanks, ikaw rin, your hair looks good in a bun. It suits you." I complimented back and she chuckled.

Lumabas na kami ng quarter at ng venue bago sumakay ng jeep papunta sa mall. Maganda daw sa Robinson's dito so I told Bright na doon kami magkikita.

"Para po!" Napa-angat ako ng tingin nang sumigaw si Raffy. Nang bumaba sila Jhanna at Olivia ay sumunod na ako.

Nang makababa kami ay doon ko nakita ang mall.

"So.. hihiwalay kana Xavi? You're gonna meet up with someone right?" Tanong ni Ivy at tumango ako.

"Okie.. dito na ako. Bye! Di na ako sasabay pag-uwi. See you sa quarters." Ani ko bago nagtatako papunta sa entrance.

Nang makapasok ako ay agad kong kinuha ang cellphone ko at mabuti nalang ay malakas ang signal. I also told Bright na keenin contact kasi tatawagan ko siya.

"Takte, kinakabahan ako." Bulong ko sa sarili ko habang hinihintay na sagutin ni Bright ang tawag. Nanlalamig na ang mga kamay ko at mga paa ko.

"Oy, saan kana? Andito ako sa may KFC." Ani ko nang sagutin ni Bright ang tawag.

[Okay, stay there, papunta na ako.] Sagot niya at tumango ako bago tumingin tingin sa paligid.

"Asan ka ba?" Tanong ko,

[Basta.] Sagot niya at napasimangot ako.

"Asan nga? Tsaka what color suot mo?" Tanong ko ulit.

Narinig ko siyang bumuntong hininga.

[Turn around.] Ani niya at napakunot ang noo ko.

"Ha?"

[Turn around lady in jumper.] Nanlaki ang mata ko at agad napatingin sa likod ko.

Doon ay nakita ko siya na may hawak hawak na box ng chocolate ay isang cute na penguin stuffed toy. Ibinaba niya ang tawag bago naglakad papalapit sa akin.

Nanatili ako doon na nakatayo at tila hindi ko maigalaw ang aking mga paa.

First of all, ang gwapo niya. Second, ang cute nung smile niya. Third, ang lakas ng dating, at fourth, ang tangkad niya.

"Hoy, ako lang 'to. Kung makatitig wagas!" I snapped back to reality when he slightly flick my forehead.

"Aray ha!" Singhal ko Habang hinihinas ang noo ko.

"Wala pa, hindi 'yon masakit." Ani niya at napa ismid ako.

He handed me the soft stuffed toy and chocolates.

"Thank you, wow ha, nag-abala ka pa." Ani ko at napatawa lang siya. I look up at him and smiled.

"Cute ko 'no?" Ani ko at napatawa siya.

"Asa ka!" Sagot niya at napasimangot ako.

"Pangit mo rin." Ani ko at muli siyang tumawa. For few seconds we awkwardly stood there.

"So.. hug? Mahilig ka sa embrace sabi mo sa chat." He said at bigla akong nailang.

"Nasa public tayo." I whispered and he slowly nod.

"Right, I don't like that too. Akala ko lang gusto mo. Kain nalang tayo?" Pag-aaya niya at tumango ako.

"KFC?" Tanong niya at napa-iling ako.

"Tara sa Mcdo?" Aya ko at tumango siya.

"Akin na muna yung stuffed toy." Akmang kukunin niya ang penguin nang ilayo ko ito.

"Asa ka! Bebe ko 'to." Ani ko at napatawa lang siya  bago nagsimula na kaming maglakad. Siya pa ang nagturo ng daan dahil hindi ko naman Alam Ang pasikot Sikot dito.

"Ako na o-order, ano gusto mo?" Tanong niya nang makapili na kami ng table.

"Ahm.. nag lunch na ako eh. Pero.. burger nalang tapos mcflurry, yung oreo." Ani ko pero pinanliitan niya ako ng mata.

"Are you doing that on purpose dahil nahihiya ka sakin? Well don't be, I won't mind if kahit ano kainin mo. Just eat what you want. Don't be shy." Ani niya at napa-ismid ako.

"Eh ikaw magbabayad eh, nahihiya ako. Ako magbabayad nung isa ko pang order." Ani ko at utay-utay siyang tumango.

"Okie, spaghetti with chicken. Here, bayad ko." Ani ko at ini-abot sa kaniya ang bayad. Umalis siya para umorder at naiwan ako doon. Maya-maya ay bumalik siya na may hawak na tray at number namin. Kasama na rin doon ang burger ko at order niya na two piece chicken with rice.

"To be followed yung sayo." Ani niya at tumango ako. Inilapag na niya ang mga pagkain at napatawa ako ng makita ang mga laruan.

"Bakit may laruan?" Natatawa kong tanong.

"Heh, sa dalawang pinsan ko yan, yung sayo rin kinuhaan ko na. Akin nalang ha? Ibibigay ko sa dalawa kong pinsan." Ani niya habang inaasikaso ang pagkain niya.

Napangiti ako just by the thought na thoughtful din pala siya sa mga bata.

"Eat kana, kakain na ako eh. Nakakahiya na ako lang kumakain. Tagal kasi nung sayo." Ani niya at napatawa ako bago tumango at binuksan ang burger ko.

"Ang bait mo pala na kuya 'no?" Ano ko Habang ngumunguya.

"Heh, siyempre naman pinsan ko yung dalawang yun." Ani niya at napatawa ako.

Kumagat ako sa burger ko, "Pwede kana maging tatay." Wala sa sarili kong turan. Pero yun talaga ang nasa isip ko whenever a guy is being nice sa kids. I always imagine them being fathers.

"Edi bigyan mo 'ko ng anak."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•3•

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com