Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

24

"Kumusta ka?" Nag-aalilangan kong tanong, napakagat ako sa pang-ibaba kong labi nang hindi sumagot si Jake.

Bahagya kong pinaglaruan ang aking mga kamay na nakapatong sa aking mga hita, "Saan ka mag co-college?" tanong ko ulit, nakita ko pang napatingin sa gawi ko si Tera habang umiinom ng alak. 

Hindi ito muling sumagot kaya naitikom ko ang bibig ko at napatungo. Nagpatuloy sa pag ke-kwentuhan sila Jake at Addi. Si Jake sa tabi ko ay sige lang ang pag-inom o di naman kaya ay pagkain. Sinubukan kong dedmahin ang pang sno-snob sa akin nito pero sadyang na pa-praning lang talaga ako lalo na kapag alam kong may mali.

Dinampot ko nalang ang baso sa harap ko na may lamang alak at saka ito inubos kahit halos puno pa ito sa baso. Nang ibaba ko ito ay napalingon ako kay Jake at doon ay napagtanto na nakatingin ito sa akin. Napangiwi ako nang malasahan ang bahagyang pait sa aming inumin. 

"Ahm.. Xavi, soju yung alak na nakalagay don, sure kang aabot ka hanggang gabi dito?" tanong ni Addi. Napatawa ako ng bahagya bago pinunasan ang gilid ng aking labi gamit ang likod ng aking kamay. 

"Alam niyo.. masyado niyo akong ina-underestimate. Kaya ko 'yan, 18% lang naman ag alchohol niyan eh." ani ko bago dumampot ng isang chicken na gawa  nila Jake. 

Narinig kong suminghap si Addi, "Gaga, yung 18% na 'yon, chance mo nalang 'yon na maka survive kapag nagpakalunod ka sa soju." ani nito na tinawanan ko nalang. 

Nagpatuloy sa pagke-kwentuhan ang tatlo, si Ken daw ay a USTE, kami nila Addi, Tera ay UP Diliman, si Jake.. hindi pa rin sinasagot ang tanong ko. Kainis naman. May tampo nanaman siya sa akim. Wala akong ginagawanag masama sa kaniya ha! Matagl na kaming nagkikita simula pa noong magbakasyon at napapadalas din ang pagkikita at pag-iinom namin, pero simula last week lang siya nagsimulang hindi mamansin. Simula noong sinabi ko na kami na ni Bright.

"Hoy, Jake! Saan ka nga mag-aaral?" Pangungulit ko dito, hinampas-hampas ko siya sa braso at hita para mas maagaw ang attensyon nito. 

"Hoy Xavi, makahawak ka kay Jake, magselos pa jowa mo." sita ni Ken, nilingon ko ito at sinimangutan.

"Hindi 'yon, hindi siya possessive 'no." ani ko at napatawa si Ken.

"Asus, masyado mo siyang dine-defend." ani nito at inirapan ko ito.

"Malamang jowa niya." ani ni Addi bago uminom, tumango naman ako at pinaglabasan ko naman ng dila si Ken at siya naman ang nang-irap.

"Sus, hindi totoo ang internet love." Mapait na turan ni Ken at muli akong napasimangot.

"Hindi na magiging internet love 'yon 'no! Nakapasa rin siya sa UP Diliman.  So meaning... magkikita rin kami." sagot ko at nakita ko ang pagkahulog ng panga ni Ken. Napatakip pa ang kamay nito sa kaiyang bibig na ikinatawa ko. Maski sila Addi at Tera ay napahagalpak ng tawa sa reaksyon ni Ken. 

"Ay gaga, ikaw na. Ikaw na mare." Tumayo si Ken mula sa kaniyang bangko at lumapit sa akin bago nag ala-alang may ipinatong na korona sa aking ulo na mas siyang ikintawa ko.

"Sige na, totoo na ang internet love. Magkalap ka pa ng lagim sa iba. Papaniwalain mo sila na totoo ang internet love." ani nito na ikinahagikhik ko. Dinampot ko ang aking baso bago sinalinan ng aming inumin at muli itong tinungga. Hindi ko na iyon pinuno dahil baka gaya ng sabi ni Addi ay hindi na ako abutin ng gabi dito gaya ng paalam ko kila mama. 

"Sus, nagpapaniwala ka sa lalaking 'yon, di mo naman kilala ng personal." Lahat kami ay napatingin kay Jake na nagsalita sa tabi ko. Dinampot nito ang baso niya na may lamang alak bago tinungga. Nang ilapag niya ito sa lamesa ay halos mag echo ang tunog ng mga bubog na nagtama sa buong bahay nila.

"Kukuha lang ako ng pulutan." ani nito bago tumayo at umalis papunta sa kanilang kusina. Pinanood lang namin siya at nang tuluyan itong maka-alis ay nagkatinginan kami sa isa't isa.

"Problema nun?" tanong ko habang nakaturo ang aking hinlalaki sa gawi ni Jake. Napabuntong hininga si Ken bago muling uminom. 

"Ang manhid mo paka.." bulong ni Ken at napakunot ang noo ko.

"Ha? Bakit naman? Hindi ah." ani ko at napa-iling ang tatlo. 

Narinig kong napasaltik ng dila si Tera kaya agad akong napatingin sa gawi niya, "Bahala ka nga, akala ko ba magkaibaigan kayo simula pagkabata?" ani nito at tumango ako at nag-hum.

"Oo, simula pagkabata, naka diapers palang kami kilala ko na 'yan." sagot ko,

"Oh, bakit parang hindi mo siya kayang basahin?" tanong ni Ken at napakunot ang noo ko. Basahin?

"Malamang tao si Jake." Hagalpak ni Addi bago napapalakpak at halos itapon ang sarili payalikod kakatawa. 

Muling nagsaltik ng dila si Tera, "Addi..." saway nito, umayos na ng upo si Addi at nag-sorry pa.

Nanliit ang mga mata ko at muling napatingin kay Jake, "Anong basahin? Hindi ko gets, minsan kasi mahirap talaga siyang basahin. Well, mahirap talagang siyang basahin. HIndi naman madalas maglabas ng emosyon 'yan." Paliwanag ko, 

"Oh, akala ko ba kaibigan mo matagal na?" tanong ni Ken at at napahilamos ako sa mukha.

"Oo nga, pero hindi nga ganon kadaling basahin si Jake eh. Kahit kabigan ko pa siya ng matagal nang panahon, hindi ko pa ri  masabi ang nararamdman niya. Hindi naman porket kabigan na ng ilang taon at ganon na kaklala? Lalo na at buong highschool ay magkahiwalay kami. Noong elementary lang naamn kami madalas magkita. Idagdag mo pa na hindi rin naman kami magkasama sa isang circle of friends sa school." napabuntong hininga ako nang matapos magpaliwanag. Napahilamos akong muli sa aking mukha at uminom ng tubig. 

"Hindi naman ami laging magka-ungungan sa school. Nagiging close lang kami ng sobra.. kapag tayo-tayo na. Sa chat, kapag kaming dalawa lang. Pero yung laging magkasama kahit saan? Hindi, hindi kami ganon." Dagdag ko bago napasandal sa sofa.

"Siguro, hindi talaga kami ganoon magkaibigan ni Jake. Siguro magkakilala lang talaga kami. Siguro... ako lang yung nag-iisip na super close kami. Siguro hindi niya ako tinuturing na ganon. Siguro.. kaya ko lang sinasabi na siya ang pinaka close ko kabigan na lalaki dahil bukod kay Ken ay siya lang ang meron ako." ani ko bago napabuntong hininga. Nanahimik kaming apat at wala nang nagsalita pa. Maya-maya ay napa-igtad ako nang may magsalita sa likod ko.

"Dami mong sinasabi."

Natigilan kami nang magsalita si Jake sa likod ko. Naglakad ito papunta sa aking tabi at inilapag sa glass table nila ang kakaluto lang na manok galing sa oven.

Umupo ito sa tabi ko at naglagay ng inumin sa baso niya bago ito ininom agad. Nang maibaba nito ang baso ay tiningnan kami nito.

"Ano? Bakit ang tahimik niyo? Kanina lang nag-uusap kayo bago ako dumating. Ituloy niyo lang. I won't mind." ani nito at napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago tumango.

"Wala naman, 'wag na natin isipin 'yon. Inom nalang tayo." Iniba ko ang usapan at saka dumampot ng tinadtad na manok na dala ni Jake.

"Mhmm, sarap nito ah." ani ko at tumango lang si Jake.

"Anong plano niyo sa college? Halos isang linggo nalang." tanong ni Tera.

"Malamang mag-aaral, ano pa ba?" Sarkastikong sagot ni Ken, halos masamid ako sa manok bago napahaglapak ng tawa, maski si Addi ay napatawa habang si Tera ay sinamaan ng tingin si Ken.

"Malamang, alangang magpakasal ka sa college diba?! I mean... mag a-apartment ba kayo or may bahay kayo sa Manila?" tanong muli ni Tera.

"Makikitira ako kay Jake." sagot ni Ken at napatingin kami kay Jake sa tabi ko.

"Saan? May bahay sila sa Manila? Akala ko sa San Pablo sila may bahay? Saan ba kasi mag co-college si Jake?" Naguguluhan kong tanong.

Uminom si Jake ng tubig bago nagbuntong hininga, "Sa Ateneo, ayaw ko sa UP. May mag jowang maglalandian don araw-araw." ani nito at napasimangot naman ako.

"Tsaka, ibinigay na sa akin ni ate yung Condo niya, papunta kasi siya ng France, doon siya magta-trabaho, kaya akin nalang daw yung condo niya." Dagdag nito, napanganga ako sa tinuran nito.

"Sana all ipinamimigay lang ang condo, jusko, I cant relate." ani ko bago ininom ang alak sa baso ko.

Narinig kong napatawa ng pagak si Ken, "Bakit Xavi, ikaw ba? Gusto mo makitira ka nalang din kay Jake." ani nito at umiling  ako.

"May nahanap na apartment yung tita ni Tera, doon nalang kami nila Addi, Tera, at Aila, kasama na rin yung dalawa pa naming kaklase." sagot ko at nakita kong napakunot ang noo ni Ken.

"Ang dami niyo, baka hindi kayo magkasya sa apartment na 'yon." ani nito at umiling ako.

"Ang sabi ng tita ni Tera, people for 6-8 nga daw yon, 5 beds pa nga, magdadala ng ng extra na kama si Ayen. May space naman for extra bed. Tsaka malaki yung apartment, nakita ko na rin sa picture." Paliwanag ko at tumango si Ken. Kumain muna ako ng manok bago nilingon si Jake.

"Ateneo ka pala? Pwede tayo magkita-kita, USTE si Ken, we can hang out kapag free kayo!" Masaya kong turan na parang bata. Narinig kong nasamid sj Ken bago tumawa.

"Busy ang college mare, sure kang makakapag hang-out pa tayo? Workaholic ka pa naman." ani nito at umiling ako.

"Hindi nga, kapag may time lang diba? Ang KJ mo." ani ko bago muling uminom.

Hindi gaya ng sabi ni Addi, umabot ako hanggang gabi. Pagsapit ng 7:46 ay nagsimula na kaming maglinis. Si Ken ay nakatulala na sa kisame at malamang ay lasing na. Nagawa ko pa naman na tumulong sa paglilinis at paunti-unti ay nadala namin lahat ng aming gamit. Nagpaalam si Tera na iihi lang habang kami ito ni Jake na nag-aayos pa rin dito sa kitchen counter nila.

Sa tingin ko ay halos lahat naman kami nalasing. Ilang bote rin ng Gin at Soju ang naubos namin. Halos hindi na rin nabilang dahil pakuha lang kami nang pakuha ng alak at dahil marami naman pagkain dito ay hindi rin kami natipid sa pulutan.

Napakapit ako sa kitchen top malapit sa lababo nang maramdaman na magsimulang umakyat ang mga kinain at ininom ko pabalik sa lalamunan ko. Napahinga ako ng maluwag para maibsan ang masamang pakiramdam dahol ayaw ko rin naman na isuka o sumuka dito. Lalo na at may tao sa banyo at ayaw kong sumuka dito sa lababo dahil panigurado na mahirap linisin ito.

Napa-ungol ako nang maramdamang mas lumala ang sama ng pakiramdam ko. Napahigpit ang kapit ko sa lababo at napapikit ng mariin ang aking mga mata.

"Xavi? What's the matter?" Naramdaman ko ang kamay ni Jake sa likod ko. Huminga ako ng malalim bago lumunok ng lawaka at umiling.

"Wala, okay lang ako." sagot ko, narinig ko itong napasaltik ng dila at umalis sa likod ko. Ilang segundo ay bumalik ito at inabutan ako ng baso na may lamang malamig na tubig na agad kong ininom.

Naubos ko ang isang punong tubig sa baso bago nakahinga ng maluwag at iminulat ang aking mga mata. Humarap ako kay Jake at isinandal ang aking likod sa lababo at sa wakas ay nabawasan ang hilo na nararamdaman ko.

"Thanks, nasusuka na talaga ako kanina." ani ko bago punasan ang labi ko gamit ang likod ng aking kamay.

Tumango ito habang ang mga mata ay nakatutok pa rin sa akin.

Napakunot naman ang noo ko, "Bakit? May dumi pa ako sa mukha?" tanong ko bago hawakan ang gilid ng aking labi at pisnge.

Laking gulat ko nang bigla ako nito hawakan sa pisnge at ramdam na ramdam ko ang kaniyang mainit na kamay.

Natigilan ako ay nanatiling nakatayo doon, habang ang hinlalaki niya ay nagsimulang gumalaw at himasin ang aking pisnge.

"Jake? Anong ginagawa mo?" tanong ko, naglipat ang tingin niya mula sa aking pisnge papunta sa aking mata at at doon ay nagtagpo ang sa kaniya at akin.

"Bakit hindi ako? Bakit mo dina-doubt ang pagkakaibigan namin? Ganon ba talaga ako kasamang kaibigan? Sa tingin mo ba hindi kita itinuturing na kaibigan?" Dire-diretso nitong tanong, kahit lasing ay naintindihan ko pa rin ang kaniyang mga sinabi.

Bahagyang bumukas ang aking labi pero walang salita ang lumabas. Ipinatanong nito ang isa pa niyang kamay sa aking balikat na siyang mas lalong nagpalakas ng kabog ng dibdib ko.

"Bakit ganon Xavi? Sinubukan ko rin naman na ipakita sayo na gusto kita. Sinabi ko naman diba? Pero bakit ganon? Bakit siya? Bakit yung lalaki na hindi mo pa lubos na kilala?" Nakita ko ang paglungkot ng kaniyang mga mata. Kung kanina ay walang kabuhay-buhay ang boses nito, ngayon ay sobrang lambing ng kaniyang boses.

"Xavi gusto,.. hindi, mahal kita Xavi. Higit sa kabigan, sadyang... hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin ay ipapakita. Pero fuck, nakakapagsisi! Kung alam ko lang na.. na may ibang lalaki na dadating, sana pala noon palang sinabi ko na. Sana pala noon palang ipinadama ko na." Ang pagnginig ng boses niya ay hindi nakaligtas sa aking pandinig. Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago utay-utay inabot ang kaniyang pisnge. Naramdaman ko ang pagsikip ng aking lalamunan, senyales na malapit na akong umiyak.

"Jake, ibig sabihin lang noon ay hindi tayo para sa isa't isa. Dahil kung tayo talaga, tayo. Pero... Jake I'm sorry. Siya talaga eh, siya yung gusto ko." Nakita ko ang pag-iba ng kaniyang ekspresyon, ang kanina ay malungkot niyang mukha ay nabahiran ng kakaibang ekspresyon. Hindi ko maipaliwanag pero may bahid ito ng galit.

"Jake.." tawag ko nang hindi ito magsalita. Kumunot ang noo nito na siyang ikinakaba ko.

"Jake-" laking gulat ko nang bigla ako nitong higitin papalapit sa kaniyang mukha. Kahit lasing ay nagawa kong lumaban at pigilan siya na halikan ako. Nagsimulang lumakas ang kabog ng aking dibdib nang magpumulit siya.

Halos hindi ko kayanin ang lakas niya. Pero kung bibigay ako ay mali, "Jake! Ano- ba!" sigaw ko, bago siya tuluyan naitulak papalayo at agad umurong.

"Ano bang pumasok sa isip mo!? Jake may boyfriend ako! Kahit wala siya dito, kahit hindi niya nakikita, mali pa rin kung gagawin mo 'yon!" sigaw ko, mga luha ay nanginginig na umagos sa aking pisnge.

"Jake naisip mo ba kung ano yung ginawa mo!? Jake muntik mo na akong ipilit sa bagay na hindi dapat natin ginagawa! Jake kahit kaibigan kita hindi mo dapat ginawa 'yon! Maling mali!" sigaw ko, bago nag martsa paalis ng kusina nila.

Pailan-ilan na patak ng luha ang umagos sa aking pisnge na agad kong pinunasan. Pagbalik ko ng Sala ay andon na si Tera at gising na si Addi na nakatulog.

"Uwi na tayo, ihahatid ko kayo." Pag-aaya ko,

Tumayo si Tera, "Teka, magpapa alam lang ako-"

"Huwag na, nakapagsabi na ako. Tara na, Addi, Tera." ani ko, at tumango ang dalawa at lumabas na kami ng bahay ni Jake. Sumakay na kami sa van at nag drive pauwi.

Pagkadating ko sa bahay pagkatapos ihatid ang dalawa ay dumiretso na ako sa kwarto ko at nagbihis ng pantulog. Nagsipilyo at naligo na rin ako para mas mabawasan ang amoy ng alak sa akin. Agad akong humiga sa kama nang matapos mag-ayos ng sarili. Halos alas nuebe na at agad kong tinawagan si Bright na panigiradong naglalaro ng online games.

Napapikit ako habang hinihintay itong sumagot, ilang segundo ay sinagot na nito ang tawag.

[Hello? How was the hang-out?] He ask as he pick up the call.

I hum, "It was.. fine, I guess." I replied,

[Oh, why is that? I thought you guys had a drink dahil matagal na kayong hindi umiinom?] Tanong nito at napabuntong hininga ako.

"Oo nga, pero... something happened." I admitted,

[Mhmm, what happened?] He asked and I sigh, scratching my forehead.

"Wala, it's nothing." I replied,

[Mhmm, tell me, come on, tell me.] Pamimilit nito at natawa ako ng bahagya.

"Ayaw ko nga, wala 'yon." sagot ko bago iminulat ang aking mga mata.

[No, tell me, I want to know what happened. Malay ko ba kung masama 'yon or what. You're my girlfriend, I'm your boyfriend. Come on Xavi.] Napabuntong hininga ako at napalunok ng laway.

Ayaw ko naman na sabihin 'yon, takot ako. Takot ako sa kung ano ang sasabihin niya at sa kung ano ang mangyayari. Kahit na hindi ganon kasama ang ginawa ni Jake. Masama pa rin iyon at binigyan ako nito ng pag-aaalala at takot. Kahit na si Jake iyon, natakot pa rin ako.

"Well... nalasing lang talaga ako kaya medyo nahilo ako." I lied, siyempre hindi ko yon sasabihin.

[Mhmm, this is why I don't like to drink.] ani nito at napatawa ako.

"Once we see each other and have more time. Just the two of us, a bottle of Gin, food, and we will get drunk." I said before chuckling, I hear him stutter on the other line which made me chuckle more.

[What? What!? I'm a bit concerned at this point but why!? Why would you do that!? Xavi!] I ended up burst out laughing and rolling on my bed. I hear him say more thing from the other line that I wasn't able to hear.

"Kasi parang ang sarap mo lasingin." I once again burst out laughing while. I hear him grunt and groan from the other line, probably frustrated on what I I said.

[Now I'm scared, no, nope, I won't let you do that to me. Who knows what will happen if we both both drunk together.] He said and an idea popped in my head.

"Well... a sinful night maybe." I said with a teasing smile on my lips.

[What- Xavi! You know what... you're drunk, just go to sleep and enjoy the remaining days of summer. Let's call tomorrow night when you're sober.] He said making me giggle and lay on my back.

"Okay, goodnight." I said and he hum,

[Goodnight Xavi, sleep well.]

Sa mga sumunod na araw ay wala akong ibang ginawa kundi ang walang gawin. Halos buong araw ay nakahiga o natutulog ako, minsan ay pumalabas kami nila Addi at Tera at nagpa-plano para sa college.

At si Jake, ilang araw  na nang huli kaming mag usap maski sa chat. Sana ay na-aalala at tanda niya ang ginawa niyang kalokohan noong gabi na iyon. Sana ay hindi siya ganoon kalasing para matandaan ang ginawa niya. Nasa taman pag-iisip pa ba siya ng gabi na iyon?

Sa paglipas ng araw ay siya rin na paglapit ng pasukan. Maraming bagay ang dahilan kung bakit excited ako, una, bagong mga tao, pangalawa, yung apartment, pangatlo, yung pamimili ng gamit, at pang-apat, yung university, at panghuli, si Bright.

"Anong oras daw umalis sila Tera?" tanong ni mama habang naglalakad kami sa mall.

"Alas tres daw ng madaling araw, nakarating na daw sila sa Manila. Hindi ko lang alam kung nasaan na." sagot ko at tumango lang ito. Pumasok kami sa bookstore at doon ay namili na ng mga school supplies ko. Tapos na kaming bumili ng mga damit at sapatos at the gamit sa apartment. Pinahuli talaga ni mama na bumili kami ng school supplies.

Pagkatapos namin sa bookstore ay kumain na kami para sa tanghalian. Habang kumakain ay nag message si Tera na nasa apartment na sila. Kaya naman pagkatapos namin kumain ay agad kaming umalis ng mall at pumunta na ng apartment. Pagdating namin ay maski si Ayen ay andon na.

Nagsimula na kaming mag ayos ng aming mga gamit at utay-utay ay dumating na ang iba. Panghuli na dumating si Arven na halos mag gagabi na. Namili na si Ayen ng mga pagkain namin sa dorm maski sila Addi. Napapatawa kami dahil mukha lang daw kaming magbabahay is sabi ni papa.

Pagsapit ng gabi ay umalis muna kami nila mama para kumain ng dinner. At sa pinakamalapit na grocery store ay namili kami. Nakakahiya naman daw kung sila Ayen at Addi lang ang bibili ng pagkain namin.

"Hoy, excited ka na!? Ako kasi excited na ako! Kagabi pa ako hindi makatulog!" Patalon-talon na turan ni Ayen, napatawa naman ako at hinigit ito paupo sa sofa.

"Oo, pero hindi naman ganiyan, slight lang." Sagot ko at sumimangot ito.

"Heh, I'm sure excited ka na makita si Bright, tigilan mo nga ako." Ani nito at napangisi ako.

"Oo na, iyon din, excited din ako. Nag chat siya kanina, nasa dorm na rin daw siya, walo daw silang magkakasama sa dorm nila." ani ko at umirap ito.

"Sabi na eh, ikaw ha! Bawal magdala ng lalaki dito! Kahit ibang tao, bawal, rule natin yon." ani nito at napatawa ako bago tumango.

"Siyempre, I know how to repsect other people's privacy. Tsaka... no 'no, di ko gagawin yon." sagot ko at tumango ito. Nag utay-utay na kaming maligo at magpalit ng damit pantulog. Katabi ng kama ko ang kay Tera at Ayen. Nasa pagitan ako ng dalawa.

Halos alas doze na rin kami nang makatulog dahil nagdaldalan pa sila Aila at Arven pati si Ayen. Pagbalik naman ni Ayen sa kama niya ay ako naman ang kinausap nang kinausap.

Pero ako pa rin ang unang nagising sa amin. Nagluto na rin ako ng delata at nagprito ng itlog at nagsaing na. Pagkatapos kong maligo ay isa-isa na silang nagising at naligo. Calling time bamin ngayon ay 7:30 AM kaya naman binilisan na nilang maligo at kumain.

Nang mag 7:00 AM ay umalis na kami ng apartment at nag jeep papuntang Diliman. Pagkapasok namin ng campus ay halos hindi mapakali si Ayen na ikinatawa namin. Pumunta kami ng registrar at kumuha na ng schedule namin.

"Kaklase ko si Aila, Arven at Addi sa 4 na subject, kayo?" ani ni Ayen habang naglalakad kami sa hallway.

"Ako ay... isang subject lang ang wala akong kaklase sa inyo." Ani ni Aila.

Napakunot ang noo ko habang tinitingnan ang schedule at schedule ng iba.

"Ay gagi, si Addi kaklase ko sa English, tapos si Tera sa Research at math tapos wala na, finish na, kainis!" Pagmamaktol ko. Napahagalpak sila ng tawa habang ako ito napasimangot.

"Okay lang yan, makikita mo naman kami sa apartment." ani ni Ayen at tumango ako.

Pumunga kami sa event hall para sa opening program na hindi gaanong nagtagal. 8:30 ang una kong period kaya naman nag stay muna ako kasama si Arven at Addi sa cafeteria.

"Ay..." nagulat ako nang mag ring ang cellphone ko at agad kong sinagot ang tawag ni Bright.

"Hello? Andito ako sa cafeteria, 8:30 pa ang first period ko." ani ko agad nang sagutin ang tawag.

Narinig ko itong tumawa, [I'm actually seeing you right now.] Napa-angat ako mula sa pagkahalumbaba sa lamesa at agad tumingin sa paligid.

"Excuse lang Arven, Addi, ha." ani ko bago tumayo at naglakad lakad. Narinig kong muling timawa si Bright.

[Malapit kana sa amin. Kasama ko mga kaibigan ko, ang cute mo daw.] Natigilan ako at muling ini-ikot ang paningin. Mula sa malayo ay nakita ko si Bright na may kasamang 3 lalaki.

[There you go.] ani niya nanag magtagpo ang mga mata namin. Agad akong mapatakbo sa kanilang gawi, iniwasan lahat ng kasalubong at sa isang iglap ay nasa mga bisig na niya ako.

"Okay, kalma lang, lagi na tayong magkikita." ani niya habang hinihimas ang ulo ko. Langhap na langhap ko ang mabango niyang amoy dahil halos ibaon ko ang mukha ko sa dibdib niya.

May narinig akong umubo sa gilid kaya napakalas ako sa yakap.

"Ahm... sorry." ani ko nang makita ang reaksyon ng mga kaibigan niya.

"No its fine, nasabi na rin ni Bright na baka ganiyan nga ang maging reaksyon mo. Damn, nagawa niyong mag LDR?" ani ng lalaking nakasalamin. Tiningnan siya ni Bright bago tumawa.

Nagbalik ng tingin sa akin si Bright na may nakakalokong ngiti sa labi, "Don't tease her, only I can."




A/N

Sorry kung may errors pa rin, I tried editing it but I'm talking to a friend while editing so... yeah.









Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com