26
"Ang aga mo naman nagising..." ani ni Addi, bahagyang nakasara ang mga mata nito at handa nang maligo.
Natawa ako ng bahagya, "Sis... kung hindi ay walang magluluto ng pagkain para sa atin. Kailangan talaga natin mag schedule ng tagaluto ng pagkain natin." ani ko at tumango ito.
"Oo nga... nakakahiya naman kung ikaw lagi ang magluluto, pero mamayang gabi na natin pag-usapan." ani nito at tumango ako, dumiretso na ito ng banyo para maligo. Kanina pa naman ako nakapaligo at nakabihis na rin, sana lamang ay hindi lumapat ang amoy ng niluluto ko sa suot kong damit. Utay-utay na rin na nagising ang iba, habang naghihintay na matapos maligo ang nasa banyo, kumakain na ang iba. Nang matapos na ang lahat ng niluluto ko ay kumain na rin ako. Si Aila ang nag presenta na maghugas kaya pagkakain ay nakapag-ayos na ako. naligo nalang ako sa aking pabango para matakluban ang kaunting amoy ng almusal namin sa damit ko.
"Hoyst, naka mini-skirt ka pa ha, magkikita talaga kayo ni Bright sa vacant mo?" tanong ni Tera na nagbibihis na, mula sa aking kinatatayuan ay nilingon ko ito bago tumango.
"Vacant din daw siya that time, may re-reviewhin daw siya habang ako naman ay magsusulat ng notes, kaya okay lang na magkasama ka. We're just gonna accompany each other." ani ko at tumango lang ito. Nagbalik na ako ng tingin sa aking cellphone kung saan naka flash ang convo namin ni Bright.
From Boifie:
Hindi pa nga ako nakakaligo, si Luke kasi, nag-aya pa maglaro kagabi. Napuyat tuloy kami.
Napatawa ako ng bahagya nang mabasa ang kaniyang message. Nakapag send an rin ito kanina ng picture niya kung saan nasa kama pa ito pero dala na ang kaniyang towel at iba pang gamit sa pagligo. Magulo ang buhok nito at medyo maga pa ang mukha mula sa pagtulog na siyang naging simula ng pang-aasar ko sa kaniya kanina.
To Boifie:
Kawawa ka naman, mala-late na nga, gutom pa.
From Boifie:
Si Marc kasi, tinamad magluto, ililibre nalang daw kami sa cafeteria sa campus mamaya.
To Boifie:
Nanisi ka pa ng ka dormmate mo.
From Boifie:
Kasalanan naman nila.
To Boifie:
Bad.
Napahagikhik ako nang i-send ito sa kaniya, nakita kong napatingin sa akin si Arven at napakunot ang noo.
"Naku po, umagang-umaga inlove si Xavi, masamang pangitain na ito." ani nito na ikintawa ko.
"Grabe ka naman, ibig sabihin nga ay maganda kasi umagang-umaga ay masaya ako." ani ko at napa-iling ito.
"Sana all nalang, nawa'y lahat. Lord anak niyo rin ako!" turan nito na ikinahagalpak namin ng tawa nila Ayen at Tera.
"Hoyst, hayaan mona si Xavi. Sanay naman siya masaktan, huwag ka muna, baby ka namin." ani ni Tera at napasimangot naman ako.
"Anong sanay masaktan?! Grabe ka ha!?" Pagrereklamo ko,
"Totoo naman ah, sanay kana masaktan. Kaya mo na ang sarili mo kapag nagloko si Bright." ani nito at napasimangot ako.
"Grabe ka... hindi naman siya magloloko... siguro." ani ko at napahagalpak ng tawa ang tatlo. Maski si Addi na kakabalik ng kwarto.
"So wala kang tiwala kay Bright ganun?" tanong ni Ayen at nilingon ko ito.
"Siyempre meron... pero kung magloloko man siya... siguro ay hindi na ako ganon... masasaktan?" Hindi ko siguradong tiningnan at tiningnan ako ng apat.
"Grabe ka naman... dapat naman may tiwala ka sa kaniya." ani ni Ayen habang nagsusuklay.
"Meron naman... pero siyempre dapat... hindi tayo gaanong bibigay." ani ko at napatawa ng pagak si Addi.
"In other words, huwag masyadong marupok?" tanong nito at napatakip si Arven sa bibig niya para pigilan ang pagtawa niya.
Napasimangot akong muli, "Oo na, ako na marupok, pero try kong hindi na maging ganun karupok." ani ko at muling napatawa ng pagak si Addi. Kainis 'to! Tinatawanan ako, seryoso naman ako!
"Sabagay, there's nothing wrong on trying. Support kita mare!" ani nito bago itaas ang kamasa ere at naglakad papunta sa kama niya at mag-ayos na ng sarili niya dahil kakatapos palang nitong kumain.
"Pero diba sabi nila ay hindi daw maganda na pumasok ng college na may jowa?" ani ni Ayen at napatingin kaming lahat sa gawi niya.
"Bakit daw?" tanong ni Aila na nagpupunas ng kaniyang buhok.
"Kasi... lalo na sa mga med students, kasi mawawalan ng oras sa either studies or love life, may ma ta-take for granted, ganon." ani nito at napasinghap naman ako bago naglakad papalpit sa kama ko.
"Magaling naman mag badget ng time is Xavi, kaya na niya 'yan." ani ni Tera at napatawa ako,
"Oo nga, kaya ko 'yon. Tsaka... cool na girlfriend lang naman ako, kaya ko 'to." ani ko at tumango nalang sila. Nang matapos si Aila na mag-ayos ng sarili ay lumabas na kami ng apartment at nagjeep papunta sa Diliman. Nakapag text na ako kay Bright na nasa classroom na ako at kasama ko si Addi at Aila sa class na ito. Kumakain palang daw sila at magkikita nalang kami mamaya sa libary.
Nagsimula na ang subject namin at halos masiraan ako ng bait sa sobrang seryoso agad ng topic. Inalis ko lahat ng pwedeng distraction sa utak ko at nag focus sa klase. Sa awa ng Diyos ay nakakasagot naman ako kapag tinatanong ako, tulungan na rin kami nila Addi at Aila na makaintindi. Nang matapos ito ay hindi pa rin mawala ang stress sa utak ko dahil nag bigay ng assignment ang prof namin na gagawin ko pa mamayan g gabi. Sana nalang ay wala nang masyadong ibigay na assignment sa amin sa ibang subject. Para isa lang itong gagawin ko mamayang gabi.
"Kikitain mo na si Bright?" tanong ni Addi habang naglalakad kaming tatlo sa hallway.
Nilingon ko ito at utay-utay tumango, "Kayo ba? Saan kayo mag s-stay?" tanong ko,
"May Math ako today, si Addi ang vacant din." sagot ni Aila at tumango ako,
"Hindi okay lang, sa cafeteria lang ako. Enjoy your time with your boyfie nalang." sagot ni Addi at tumango ako.
"Sige una na ako... message nalang kung magkakasama mag lu-lunch mamaya." ani ko at tumango ang dalawa, umiba na ako ng direksyon bago muling kinawayan ang dalawa at tuluyan silang nawala sa aking paningin. Bumaba na ako ng hagdan at lumipat ng kabilang building bago nakarating sa tapat ng library at pumasok na doon. Ang sabi ni Bright ay andito na siya sa loob kaya naman naglakad-lakad na ako para hanapin siya. Nai-silent ko na rin ang phone ko para kung may tumawag man o mag text siya ay hindi ito mag-ingay, sa isang gilid ay saka ko ito nakita na nagbabasa ng libro, naglakad ako sa gawi niya bago hinigit ang bangko sa tabi niya na naka-agaw ng attensyon nito.
"Kanina ka pa?" bulong ko bago ibaba ang bag ko sa lamesa at umupo sa tabi niya.
Umiling ito, "Nope, kani-kanina lang." sagot niya at tumango ako. Inilabas ko ang notebook ko para sa Biology para makapag simula nang magsulat.
"Pwede bang Bri nalang tawag ko sayo?" tanong ko habang nagbabasa ito, nilingon ako nito at inayos ang salamin niya bago bahagyang tumango.
"Sure, anything you want." ani niya at tumango ako.
"Okie, Bri." ani ko at nagsimula nang magsulat. Maya-maya ay nakita ko ito na maglagay ng earphones sa tenga habang nagbabasa, sinilip ko ang libro na binabasa nito, sa una ay wala akong maintindihan dahil hindi ko alam ang subject nito pero English ang nakasulat dito.
"Ano 'yan?" Pang-uusisa ko, napatingin siya sa akin at nang makita at na nakikisilip ako ay mas iniharap sa akin ang libro na binabasa niya.
"English," maikli nitong sagot at tumango ako.
Napatingin ito sa aking ginagawa, "'Yan? Ano 'yang ginagawa mo?" tanong niya habang nakatingin sa notebook ko.
Napatingin din ako sa aking notebook, "Chemistry, nagsusulat lang ako, ang cute ko magsulat 'no?" ani ko bago napahagikhik.
Maski ito at natawa bago dinampot ang notebook ko at tiningnan ang nakasulat doon, "You said you have a bad hand writing..." ani nito at napakunot ang noo ko.
"Bakit? Pangit naman talaga..." ani ko at napa-iling ito.
"Hindi naman, malalaki lang letters mo." ani nito bago tumawa at ibinaba ang notebook sa lamesa.
"Tsaka mukha nang coloring book 'yang notebook mo. Puro highlighters." ani nito at napasimangot ako.
"Grabe ka, its called artistic kasi. Siguro ang boring ng sulat mo." ani ko at napasinghap ito bago may kinuha sa kaniyang bag, at tama ang hula ko na notebook iyon.
"Tingnan mo nga..." ani niya bago iharap sa akin ang notebook niya sa math.
"Ano ba naman 'yan, sa lahat ng notebook, math talaga?! Ang sakit kaya sa ulo ng Math kahapon." ani ko at napatawa ito bago isara ang notebook niya at ipatong sa lamesa.
"Ang usapan ay yung sulat, nagpapaka-stress ka masyado sa Math." ani nito at napa-irap ako.
"Siyempre may math din naman sa pagdo-doctor 'no. Sa mga grams ng gamot at iba pa, hindi naman puro science ang doctor." ani ko at utay-utay itong tumango.
"Ano ngang klase ng doctor ang gusto mo?" tanong nito,
"Ahm... OB, para sa mga buntis o babae." sagot ko at utay-utay itong tumango.
"Okay, paghahandaan mo talaga ang pagbubuntis 'no?" ani nito at bahagyang nanlaki ang mata ko.
Narinigi ko pa itong napahagikhik, "Huyy, kung ano-ano ang sinasabi mo!" Pabulong kong sigaw na ikintaa nito.
"Joke lang naman..." ani niya at muli na kaming natahimik at bumalik na sa mga sari-sarili naming gawain. Parehas lang kaming tahimik at walang nagsasalita, busy sa kung ano man ang naisipan namin na gawin. Maya-maya ay natapos din ito sa pagbabasa at may inusisa naman a kaniyang cellphone. Napansin ko itong nag t-type sa kaniyang keypad at siguro ay kausap nito ang mga kabigan niya. Patapos na rin naman ako sa pagsusulat at kaunti nalang ang dapat kong ilipat mula sa notes ko sa cellphone. Hindi ko lang maiwasan na mapatingin sa gawi niya kapag naririnig ko ito na tumatawa habang may binabasa sa kaniyang cellphone.
Hindi naman ako ganoon ka-selosa, okay lang kung mag kausap itong iba, lalaki man o babae. Ayaw kong lumabas na possessive din sa kaniya dahil alam kong ito ang naging problema nila ng dati niyang girlfriend. Hindi ako magiging mahigpit sa kaniya kagaya niya.
"It's Luke and Noah, they were making fun of Marc na nag pre-present sa unahan." ani nito na medyo ikinagulat ko, nang lingunin ko ito ay nakatingin pa rin ito sa kaniyang cellphone habang ang hintutrong daliri ay bahagyang kinakamot ang kaniyang pang-ibabang labi.
Napatingin ito sa akin at ngumiti, "It's Luke and Noah, look-"
"Hindi, okay lang, no need to show me. Privacy niyo 'yang magkakaibigan, okay lang naman sa akin kung sino kausap mo." Putol ko dito bago pa man niya maipakita sa akin ang kaniyang cellphone. Natigilan ito napatingin lang sa akin.
"Weh? Sure ka? Di ka nagseselos?" tanong nito at napakunot ang noo ko.
"Hindi nga, bakit ako magseselos?" tanong ko pabalik at napatawa ito.
"Wala naman, baka lang?" ani niya at napatawa akong muli bago umiling.
"It's fine, walang problema sa akin 'yon. I don't have the right na pagbawalan kang tumawa sa harap ng cellphone mo or makipag-usap sa iba. Or makipagkaibigan sa ibang babae, diba?" ani ko at napakunot ang noo nito.
"I don't know if you're being serious or sarcastic, cause basically... you have the right though. Cause you're my girlfriend." ani nito at naramdaman ko ang pag-init ng pisnge ko. Grabe naman 'yon, kilig to the bones, sandali lang, marupok ako eh!
Umiling ako at napasaltik pa ang dila, "Kahit na, phone mo 'yan, Facebook account mo, Messenger app mo, walang iba dapat na makakakita niyan. Kahit siguro magulang mo hindi 'yan papakialaman, ako pa kaya na girlfriend mo lang?" ani ko at pinanliitan ako nito ng mata.
"I'm having mixed emotion right now if I should be glad that you respect my privacy unlike my ex-girlfriend. Or be pissed on how you look down on yourself. You're my girlfriend, you can be possessive when you want to." ani nito pero umiling ako.
"Pero hindi sa point na nasasakal kana sa pagiging possessive ko. Ayaw ko na mainis ka o magsawa ka rin, that's why I want this relationship low-key and not too all serious shits." ani ko at napakunot ang noo nito. Inayos nito ang kaniya upo at iniharap ang kaniyang katawan sa akin.
"What do you mean?" tanong nito,
Huminga ako ng malalim, "Well... dahil college tayo and things here can be pretty stressing and hard, specially my course, pwede naman na hindi tayo laging magkita, na hindi tayo laging magkasama. Okay lang sa akin kung minsan lang kita makita dahil parehas tayong busy sa school activities and requirements, hindi porket mag boyfriend and girlfriend tayo, tayong dalawa nalang lagi ang magkasama. I still want you to have time for yourself, your friends, your acads, your games and hobbies." Paliwanag ko dito at utay-utay itong tumango.
"Choosing you was the best decision ever..." ani nito at bahagyang nanlaki ang mata ko.
"You're really better than her and even better than other girls out there. I am so lucky to have you." ani nito at hindi ko mapigilan ang mapangiti.
"And also... you can just treat me like your friend sometimes, actually masaya yung ganon na relationship, low-key lang, parang friends lang but more." ani ko at tumango ito.
"But calling you my girlfie is better." ani niya at nanlaki ang mata ko bago siya bahagyang hinampas.
"Heh, nickname lang natin 'yon sa Messenger, call me Xavi in personal, don't be too sweet sa public. No PDA." ani ko habang pinagross ang dalawang kong braso para makabuo ng cross, napatawa ito at tumango.
"Okay, kapag tayong dalawa lang." ani niya at tumango ako.
"Pwede 'yon..." ani ko bago nagpatuloy sa pagsusulat. Maya-maya ay naisipan na namin na umalis ng library at pumunta muna ng cafeteria. Nakita namin doon ang mga kabigan niya at maski kaibigan ko.
"Bakit hindi ka nalang sa kanila sumabay kumain?" tanong ko dito habang kumakain kami ng halo-halo na binili namin sa cafeteria.
"Siyempre, lagi ko naman silang makikita sa dorm, eh ikaw... kung magiging low-key nga lang itong relationship natin, edi madalang kitang makikita. Kaya susulitin ko habang hindi ka pa busy, mahirap nga daw ang medicine sbai ni Noah." sagot nito habang bahagya pang nakanguso.
Napangiti naman ako, "Mhmm, sigurado paglipas ng panahon marami na kaming gagawin, magiging busy na ako ng sobra." ani ko at napasimangot ito lalo.
"Busy ka ba mamayang after class?" tanong niya at napatagilid muna ang aking ulo bago nagkibit balikat.
"Kapag wala nang ibang assignment na ibibigay sa amin ay hindi masyado, bakit?" tanong ko at umiling ito.
"Wala naman... sabihin mo nalang sa akin kapag magiging busy ka mamaya, okay?" ani nito at utay-utay akong tumango bago ipinagpatuloy ang pagkain ng halo-halo.
Nang matapos kaming mag miryenda ay pumunta na kai sa aming mga sari-sariling klase. Nang mag tanghalian ay kasama ko ang mga kaibigan ko na kumain at sa araw na ito ay hindi namin sila nakasama o nakita man lang sa restaurant na aming kinainan. Siguro ay nag explore din ang mga kalalakihan sa mga kainan dito. Hindi kami ganoon nagtagal sa pagkain at nagawa pang bumisita sa isang school supplies store na malapit sa aming kinainan. Bumili lamang ako ng highlighter dahil ang cute ng mga ito habang sila Arven at Ayen ay mga sticky notes ang binili. Si Tera at Aila naman ay libro habang si Addi ay ballpen. Bago pa man mag 1:30 ay nakabalik na rin kami sa campus.
Sa unang subject namin si hapon ay kaklase ko si Tera at Marc, pero dahil hindi naman ka-close ni Tera si Marc ay malayo kaming umupo mula dito. Mukhang may nahanap na rin na kaibigan si Marc na babae at siyang naging kausap nito sa klase, mukhang close na rin ang dalawa. Hindi ko tuloy alam kung kaibigan ba talaga o chix niya. Sa last subject namin ay si Addi at Ayen ang kasama ko. Nasa lab kami at first time ko doon, hindi ko napigilan ang excitement nang makapasok sa loob at doon kami nag klase.
"Kaloka yung isa naming prof, ang daming tanong." ani ni Ayen habang naglalakad kami pabalik ng dorm. Maaga kasi kaming na dismiss kaya naisipan namin na maglakad nalang pauwi. Medyo malayo pero sa tingin namin ay aabot namin kami sa tamang oras pag-uwi. Maganda na rin daw ito dahil habang naglalakad ay nakaakita kami ng mga pwede pa namin kainan. Napadami talaga ng pwedeng kainan dito. Dahil siguro malapit sa mga university at alam nila na maraming estudyante ang kakain.
"Ah yung... si orange heels ba?" tanong ko, napatingin sa akin si Tera na nakakunot ang noo habang si Addi naman ay napahagalpak ng tawa.
"Orange heels amputa! May code name agad!" ani nito at maski si Arven ay napatawa din.
"Oo ah! Ang lakas kaya ng lagatak ng sapatos sa sahig, habang nagsasagot kami ay lakad nang lakad, nag e-echo yata sa buong classroom yung heels niya eh." ani ko at muling napatawa ang dalawa.
"Yun nga, siya nga, ginisa ba naman ako kanina! 2nd day palang po huhu!" Pagmamaktol ni Ayen na ikintawa namin. Kaunting lakad pa at nakarating na kami sa apartment namin. Kaniya-kaniya kaming tanggal ng mga sapatos at palit ng damit. Agad ko namang hinalungkat ang aking bag at kinuha ang notebook ko na may nag-iisang assignment pero mukhang matatagalan akong gawin.
Buti nalang at ito lang ang gagawin ko kaya masisimulan ko agad. 6 questions iyon pero halos kalahating oras na ay number 2 palang ako. Nakapag research na rin ako at nagbasa sa aklat na meron ako at maski sila Addi at Ayen. Nang matapos ako sa number 2 at magsasagot na sa number 3 ay isang buntong hininga ang kumawala sa akin.
Nang biglang mag vibrate ang cellphone ko, nang damputin ko iyon ay si Bright iyon at nagtatanong kung nasaan ako, bigla naman akong tinawag ni Ayen...
"Ahm... Xavi... may naghahanap sayo." ani nito na kagagaling lang sa labas.
Binuksan ko naman ang message ni Bright.
From Boifie:
Busy ka ba? Andito ako sa baba ng apartment niyo...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com