Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

27

"Xavi saan ka pupunta?" takang tanong ni Ayen nang makita akong humaripas ng takbo papuntang pintuan ng apartment. 

"Nasa baba si Bri, puntahan ko lang." ani ko bago buksan ang pinto at halos itaklab ito ng malakas bago nagtatakbo sa hallway ng apartment at muntik pang madulas sa hagdan. Nang makababa ako ay doon ko nakita si Bright na naka t-shirt na puti at itim na pantalon. Napatakbo ako sa gawi nito, hindi agad ako nito napansin kaya naman agad ko itong niyapos nang makalapit ako sa kaniya. 

"Kanina ka pa dito?" tanong ko habang nakabaon ang aking mukha sa kaniyang likod. Narinig ko itong tumawa bago ako nito hinigiit  sa kaniyang unahan. 

Hinawakan ako nito sa magkabilang pisnge, "Hindi po, kakadating ko lang. Sabi ko kasi sabihin mo sakin kapag busy ka kasi mag d-date tayo diba?" ani nito bago ako pisilin sa pisnge na ikinatawa ko. Itinulak ko naman ito papalayo. 

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko, inilagay nito ang kaniyang kamay sa loob ng kaniyang bulsa. 

"I don't know, saan mo ba gusto?" tanong niya at nagkibit balikat ako. 

"Kahit saan..." sagot ko at narinig ko itong bumuntong hininga. 

"Xavi walang kainan na ang pangalan ay Kahit Saan." ani nito at napatawa ako. 

"Okay okay, edi sa malapit sa UP." ani ko at tumango ito. 

"Sige, yan na ba ang suot mo?" tanong niya bago ako tiningnan. Napatawa ako nang makita na naka shorts at simpleng t-shirt lang pala ako. 

"Sira, siyempre hindi. Wait here, mabilis lang ako." ani ko at tumango ito. Nagtatakbo ako papuntang hagdan upang muling umakyat sa taas at bumalik sa apartment namin. Nang makapasok ako ay nakit ko na naguguluhan ang mga kasama ko sa apartment habang ako naman itong nagpalit ng pantalon at isang button-up na polo. 

"Saan ka?" tanong ni Tera na kalalabas lang ng banyo. 

"May pupuntahan lang kami ni Bright. Baka gabihin ako, don't worry, iingatan ko sarili ko." ani ko at napatawa si Addi. 

"Aalis kang isa, babalik kang isa ha!?" Bilin ni Tera at napatawa ako bago tumango. Nagpabango lang ako at hindi na nagawa pang mag pulbo. Kinuha ko nalang ang isang maliit na totebag ko sa tabi at itinapon sa loob ang cellphone, wallet, at panyo ko bago nagsuot ng sapatos at humaripas ng takbo papalabas ng apartment. Ayaw ko naman na paghintayin ito ng matagal. Pagbaba ko ay andon pa rin siya sa kaniyang kinatatayuan kanina. 

"I'm ready..." ani ko nang makarating sa harap niya. Nag-angat ito ng tingin at napangiti. 

"Let's go, mag jeep nalang tayo." ani niya at tumango ako. Agad ko naman na ini-angkla ang aking kamay sa kaniyang braso habang kami ay naglalakad. Pumara kami ng jeep papuntang UP, marami kasi talaga ang kainan doon at siguradong mabubusog ka. Maganda din ang ambiance dito at siguradong ma e-enjoy mo ang mga pakulo ng bawat restaurant. 

Pagsakay namin ng jeep ay nakita ko pa ang ibang estudyante mula sa UP. Alam ko rin na seniors namin ito dahil naka ID na agad sila. Wala pa kasi kaming ID, siyempre bagong pasukan pa lang naman. Hindi kami ganoon nagtagal at pumara na rin kami ni Bright. Pagbaba namin ay agad nitong inabot ang aking kamay at mahigpit itong hinawakan. 

"Baka mawala ka." ani nito bago tumawa, napasimangot naman ako at bahagya siyang hinampas sa hita. 

Naglakad-lakad kami upang maghanap ng kakainan, para kaming mga tanga dahil kahit saan ya pwede kami parehas kaya mas lalong tumatagal ang aming pamimili ng kakainan. 

"Silantro nalang..." ani ko nang mapagod na sa kakalakad. Andito kasi kami sa UP Town Center kaya ang dami pamimilian. Inabot na rin kami ng ilang minuto sa pamimili. 

"Sige, sabi mo eh." ani nito bago ako higitin papasok ng Silantro. Agad kaming nakakuha ng table kahit marami-rami na rin ang tao sa loob. May waiter na lumapit sa amin at ibinigay ang menu. 

"Sa akin po ay itong 6 pieces chicken wings then nachos." ani ko at tumango ang waiter. Sa totoo lang ay mukhang masarap lahat ng pagkain nila dito. Pero siyempre hindi ko naman pwede na orderin lahat. 

"Sa akin ay... hmm... sizzling beef steak with rice." ani niya at tumango ang wiater. 

"'Yon lang po ba, maam, sir?" tanong ng waiter at tumango kami. Maya-maya ay umalis na ang waiter dala ang aming order. 

"Kaka-uwi mo lang ba noong nag message ako?" tanong nito at napa-iling ako. 

"Hindi naman, nakapag sagot na nga ako ng assignment. Pero hindi pa ako tapos, mahirap kasi." sagot ko dito at napatango siya. 

"Well... dapat pala hindi natin gaano katagalan, may sasagutan ka pa." ani niya at napatango ako. 

"Oo naman, just like what I said, we can keep things lowkey sa relationship natin. Hindi naman natin kailangan araw-araw magkita except sa school. Hindi naman natin kailangan maging strikto, diba? Tsaka ayaw kong maging strikto sayo." ani ko at napatango ito. 

"Thank you, because you wont be. I honestly don't now how to react on that dahil hindi ako sanay sa isang chill na relationship, my previous was toxic. So I don't know how I should act with this one." sagot niya at napatawa naman ako. 

"Sus, ako nga first time eh. Lucky mo ha! Ikaw unang makakaranas ng ganito kong pag-aalaga." ani ko at pinanliitan naman ako nito ng mata. 

"Mukhang ikaw pa nga ang iingatan ko. Feeling ko kapag nabitawan kita mawawala ka." ani nito bago napahagalpak ng tawa. 

"How! Grabe ka! Hindi 'no! Makaka-uwi naman ako ng mag-isa." ani ko at tumango siya habang tumatawa pa rin. 

"Sige sige, sabi mo 'yan ha." ani niya at umirap ako. 

"I noticed pala, you dyed your hair again didn't you?" tanong niya at naitikom ko ang aking bibig. 

Utay-utay akong tumango, "And you didn't bother telling me? Ang daya, surprise ba dapat?" tanong niya at umiling ako. 

"Hindi naman, tingin ko lang there's nothing special with it." ani ko at napasinghap ito. 

"Of course there is, mas lalo kang gumanda." ani niya bago ako nginitian. Naramdaman ko ang pag-init ng aking mga pisnge  at pinigilan kong mapangiti sa harap nito. Bagkus ay pabiro ko itong hinampas sa kaniyang braso na ikintawa nito. 

"Totoo naman..." ani niya at napangiwi nalang ako. Ang totoo ay hindi ako maalam tumanggap ng compliment. Bukod sa magulang at mga kaibigan ko ay wala nang iba na nagsasabi sa akin na maganda ako. Meron man na paunti-unti pero hindi ko talaga magawang tanggapin iyon. Pakiramdam ko ay hindi naman iyon totoo at binobola lang nila ako. 

Napalingon ako sa paligid ng kainan, maganda ang lugar na aking napili. Kanina na namimili kami ng kakainan ay nakuha agad nito ang attensyon ko. Iyon nga lang ay nag-ikot muna kami para mas makita pa ang ibang kainan. Pero mabuti at dito rin kami bumagsak. 

"Bri... Bri!" Pabulong kong sigaw bago tinapik ang kamay nito na nakapatong sa lamesa. 

Nag-hum ito, "Bakit?" tanong niya, mula sa pagkakatingin ko sa babae sa may entrance ay nilingon ko siya. 

"Ahm... si Ianna ba 'yon?" tanong ko at napakunot ang noo niya. Nilingon ko ang gawi na pinagkakamalan ko na si Ianna at maski siya ay napalingon doon. Naramdaman ko na sumikip ang kapit niya sa kamay ko. 

"Damn it... nakita ko nanaman ang pagmumukha niya." Narinig kong bulong niya at napakunot ang noo ko bago siya tiningnan. Nakita ko na ang mata nito ay halos mambabaril na sa sama ng tingin niya sa gawi nila Ianna. Mukhang kasama nito ang mga kaibigan niya. 

"Ahm... siya nga 'yon diba?" Nag-aalinlangan kong tanong at tumango ako. Muli kong nilingon sina Ianna at kinilatis ang kaniyang hitsura. Sexy, mabuti, maganda, mukhang soft girl.

Napa-singhap ako, "Sus, mas maganda naman ako!" Pagbibiro ko, pero hindi ko inaasahan ang sagot ni Bright.

"Of course, tsaka mas mahal kita." ani niya at bahagyang nanlaki ang mata ko. 

"Sira!" turan ko at napangisi lang ito. 

"They're sitting near us." ani niya at maski ako ay napalingon sa gawi ng Ianna na naka jumpershorts at dilaw na t-shirt. Nagtagpo ang mata namin noong Ianna at tingnan ko siya mula ulo hanggang paa bago magbalik ng tingin kay Bright. 

"May gusto ka bang gawin?" tanong ko at napakunot ang noo niya. 

"You know, inisin siya?" tanong ko ulit at mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin. Nariniig namin na gumalaw ang mga bangko sa tabi namin. At doon ay umupo sila Ianna. Ang mga kamay namin ni Bright ay nanatiling magkahawak habang nasa ibabaw ng lamesa. Ang hinlalaki ni Bright ay hinihimas-himas pa ang aking kamay. 

Maya-maya ay dumating ang aming pagkain at nagsimula kaming kumain habang napapansin kong napapatingin sa gawi namin sila Ianna at kaibigan niya. Lalo na nang alukin ako ni Bright ng kaniyang pagkain at subuan pa ako. 

"Love, gusto mo ba ng drinks?" Muntik akong mabulunan nang bigla akong tawagin ni Bright. Pero alam ko naman na parte lang ito ng binabalak namin. 

"No love, okay lang ako. Diba may pupuntahan pa tayo mamaya? Doon nalang tayo bumili ng drinks, okay?" Malambing kong sagot at ngumiti si Bright bago tumango. Kumuha ito ng tissue at saka ay may inabot sa mukha ko, para pala punasan ang dumi sa gilid ng aking labi. 

"Cute mo..." bulong niya bago ako pisilin sa pisnge na ikinatawa namin. Sinusbukan kong silipin ang reaksyon ni Ianna pero ang hirap, ayaw ko kasing mahalata na sinisilip ko siya. 

"Bri, here try this!" Masaya kong turan bago subuan si Bright ng chicken wing. Nagka-amos pa ito kaya naman muli kaming napatawa at pinunasan ko siya. Nakikita kong tumitingin-tingin si Bright sa gilid na mas ikinakaatwa ko. 

"Ikaw kasi," ani ko nang matapos siya punasan. 

"Its delicious," sagot ni Bright at napatango ako. 

"Cook for me sometimes, para matikman ko naman ang luto mo." Malambing nitong turan at napatawa ako. Nagulat kami nang biglang tumayo si Ianna na katabi ko. 

"I'll just get something..." ani nito sa mga kaibigan niya bago naglakad pa-alis. Nagkatinginan kami ni Bright bago ngumisi. 

"You should have seen her face! Halatang inis na inis!" Natatawang turan ni Bright habang naglalakad kami pabalik ng apartment namin. 

"Oo na! Sayang nga eh, hindi ko malingon, baka mahalata tayo!" sagot ko dito bago muling napahagalpak ng tawa. Kanina pa namin pinagtatawanan ang si Ianna. Simula kasi nang umalis ito ay hindi namin mapigilan ni Bright ang ngumisi. Nang bumalik naman ito ay inakit nito ang mga kasama niya sa ibang table, malayo sa amin dahil mas maganda 'daw' ang ambiance nito. Kahit alam naman namin ni Bright na na-iinis lang ito sa kalandian naming dalawa.

"Pero real talk, ganon pala ang feeling na pagselosin ang ex." ani ko at napatawa ito ng pagak. 

"Well... kasalanan niya, she was too possessive and... suffocating. Gusto niya lagi kaming magkasama kahit lunch time. Hindi naman sa nagsasawa ako sa mukha niya pero nakaka-inis din kapag hindi niya ako pinapayagan na sumama sa mga kaibigan ko." sagot ni Bright at napatango ako. 

"I understand, in relationship, it needs trust on each other. Para naman wala siyang tiwala sayo dahil ayaw ka niyang mawalay sa kaniya." ani ko at agad itong napatango. 

"Exactly! Ganon na nga ang nangyari noon. Well if you don't know... Noah and Marc are chic magnets, well also me, so those time akala niya yung mga babae nila Noah at Marc, even Luke's is also mine. Yun ang madalas namin pag-awayan." sagot nito at napa-ismid lang ako. 

"Alam mo... kung ako 'yon, tapos nakita kitang may kasamang ibang babae, support pa kita." ani ko at nakita ko itong napatingin sa akin na nakakunot ang noo.

"Huh? Why? Ayaw mo na sa'kin? Ipamimigay mo na ako?" tanong nito at napahagalpak ako ng tawa bago umiling.

"Hindi 'no-"

Pabiro ako nitong itinulak palayo. "Hindi, hindi, dyan kana, ipinamimigay mo na ako." Nagmamaktol nitong turan at napahagalpak ako ng tawa.

"Para kang sira! Let me explain kasi!" ani ko at narinig ko itong suminghal ng malakas na animo'y ipinaririnig talaga sa akin ito bago pinagcross ang kaniyang mga braso. 

"Save your explanation, I don't need your explanation." ani nito habang nakasimangot napatawa ako bago naglakad dito papalapit. 

Hinwakan ko ito sa balikat kaya natigilan ito sa paglalakad. Tumingkayad ako ng bahagya upang maabot ang kaniyang pisnge bago ito hinalikan. 

"Huwag kana mag tampo... please!" ani ko at nanatili lang itong nakatayo. Utay-utay ako nitong nilingon  bago kumurap-kurap. 

"Isa pa nga..." ani ito at napatawa ako bago muling tumingkayad bago para mahalikan ito sa pisnge. 

"Ayan... hindi kana galit?" tanog ko at tumango ito. 

"Hindi na po," sagot niya at napatawa ako. Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa harap ng aming apartment building. 

"Dito na ako, see you sa campus." Paalam ko at tumango ito. 

"See you sa campus." sagot niya at tumango ako. Kumaway ako dito bago pumasok ng building at umakyat na ng kwarto namin. 

Pagpasok ko ay tinitingnan ako ng lima, "Kamusta ang date?" tanong ni Addi na animo'y nanay na nagtatanong sa anak nito. Naka pameywang pa ito kaya naman mas lalo akong natawa. 

"Okay lang, masaya, nakita namin ex niya na pinag-tripan namin." sagot ko bago naglakad papunta sa aking kama at ibinaba na ang aking bag at nagtanggal ng sapatos. 

"Gumamit kayo ng protection-"

"Aila!"

"Ang bastos naman po!"

Sigaw ni Ayen at Arven na ikinahagalpak ng tawa ni Aila. Ako naman itong nahulog ang panga sa tinanong ni gaga. 

"Kainis ka! Hindi ako ganon ka-kati okay? Malakas lang ang loob ko na magsabi ng kung ano-ano sa chat pero hindi ko kaya sa personal. Makakapaghintay 'yon gaga!" ani ko at napahagalpak ng tawa si Aila. 

Kumuha na ako ng damit na pampalit at matapos kong mag linis at mag-ayos ng aking sarili ay itinuloy ko na ang ginagawa kong assignment kanina. 

"Kailan daw ang next date niyo?" tanong ni Tera at nag kibit balikat ako. 

"We agreed na kahit linggo ang pagitan ng mga date namin. Low-key relationship lang para walang magsawa. Tsaka magkaklase naman kami. Magkikita pa rin kami." sagot ko at tumango si Tera.



"Gagi HAHAHAHH, ang haba nung talong na dala ng kaklase ko!" Halos maisigaw iyon ni Addi sa kakatawa. 

"Yung akin nga cucumber! Hindi ko kinaya mare! Ang lalaki ng dala nilang gulay!" ani ni Ayen habang kumakain kami ng lunch. May event kasi ngayon para sa nutrition month. Hindi ito ganoon ka big deal para sa iba kaya simpleng event lang at hindi pa kami sumali. Napagdesisyunan nalang ng batch namin na magdala ng mga gulay ngayong araw. Ang mga kalalakihan naman ay mukhang may sariling trip, palakihan ng mga talong, upo, ampalaya at pipino. 

"Lanta na yung petchay ko!" Nagmamaktol na turan ni Arven nang kuhain nito ang petchay niya mula sa kaniyang bag.

"Diligan mo!" ani ni Aila at mukhang pare-parehas naman kaming nadumihan ang utak at biglang humagalpak ng tawa. 

"Petchay mo Xavi? Kamusta?" tanong ni Ayen, mula sa aking bag ay tingnan ko ang petchay na dala ko. 

"Tuyo na-"

"Bright!"

"Bright si Xav oh!"

"Mga gaga kayo! Kadiri!" ani ko nang bigla nilang tawagin si Bright kahit wala naman ito malapit sa amin.

"Nakakapangilabot kayo! Matakot kayo please!" ani ko at humagalpak ito ng tawa. 

"Ang babastos ng bunganga ninyo." ani ko at napatawa pa ng pagak si Arven.

"By the way, Xavi natanggap mo na ba yung messsage ni Jake? BGC daw mamayang gabi, kung free ka." ani ni Tera at napakunot ang noo ko. 

"Wow, BGC! Taray ha, maghahanap kayo shawty?" tanong ni Ayen at napatawa naman si Addi. 

"Gaga..." bulong ko bago nagbalik ng tingin ay Tera. 

"Sure, sige ba, Friday naman. Magsasabi lang ako kay Bri." ani ko at narinig kong suminghap si Aila.

"Magpapaalam ka pa man, papayagan ka nun. Pinayagan mo nga siyang makipag-inom sa party ng kaibigan niya." ani ni Aila at napabuntong hininga ako.

"Kahit na, magpapaalam lang. Kung hindi siya papayag, sasama pa rin ako." sagot ko at tumango ang mga ito. 

Natapos kaming mag lunch at naghiwa-hiwalay na kami papuntang next subjects namin. Sa subject na ito ay kasama ko si Marc at Tera. Nang matapos ang klase ay agad kong kinauspa si Marc.

"Marc may last period ba ngayon si Bri?" tanong ko dito at tumango ito. 

"Yes, may isa pa siyang subject pero 1 hour lang. 4PM ang labas niya ngayon." sagot nito at tumango lang ako. Pagkalabas ko ng classroom ay nag message ako kay Bright na hihintayin ko siya malapit sa may statue. 

Ilang minuto muna akong sumama sa mga kaibigan ko. Kumain pa kami at nagkwentuhan. Nang malapit nang mag 4 PM ay humawalay na ako sa kanila at sinabi na uuwi nalang sa apartment. Pumunta na ako sa may statue at naghintay. Ilang minuto lang ay dumating na si Birght dala ang kaniyang mga gamit. 

"Hey, busy ka ba?" tanong ko nang makarating ito sa aking harapan. 

Huminga muna ito ng malalim, "Yes, why?" tanong nito at umiling ako. 

"Wala naman, magpapaalam lang ako na pupunta akong BGC kasama yung mga kaibigan ko." ani ko at tumango ito. 

"Sure, go lang, enjoy and have fun!" sagot niya at tumango ako. 

Napakagat ako sa pang-ibaiba kong labi, "Ahm... kasama namin yung kaibigan namin na lalaki na taga Ateneo at USTE, si Ken at si... Jake." Nag-aalinlangan kong turan. Napakunot muna ang noo nito bago tumango. 

"Sure, no problem."



"Hindi naman pala possessive si boifie." Pang-aasar ni Ken. 

Napatango ako, "Oo nga, which is I'm thankful. Pero sana minsan possessive din para medyo cute. Pero okay lang na hindi, mas okay nga na hindi diba?" tanong ko bago uminom ng beer na hawak ko. 

"Xavi, shot mo na." Ini-abot sa akin ni Addi ang shot glass na may lamang Tequila, kinuha ko ito at ininom bago sumipsip ng lemon at kumain ng kaunting asin. Nang ibaba ko ang shot glass ay napakapit ako sa table. Kanina pa kasi kami dito. Nakapagkwentuhan at kamustahan na rin kami. Nai-kwento ko na ang love life ko at kung ano. Nagiging mas madaldal talaga ako lalo na kapag lasing. 

Lasing na ba ako?

"Addi, mukha na ba akong lasing?" tanong ko ay Addi na katabi ko. Alam ko na karamihan sa amin na anidito sa table ay lasing na, maski si  Addi ay namumula na ang pisnge. 

"Oo mare, lagot ka sa boyfriend mo. What if andito din pala siya?! Tapos makita ka niya na lasing taos magagalit siya tapos susuntukin niya yung pader tapos, "Fuck baby, kasalanan ko 'to!" ganon!" ani ni Addi at napahagalpak ng tawa si Aila at Tera. Nagpaiwan kasi si Arven at Ayen dahil takot itong uminom. 

"Xavi boyfriend mo!"

"Asan?!" 

"Ito oh, si Jake..."





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com