Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

29


Tahimik kaming mga babae na kumakain ng hapunan na si Tera at Aila mismo ang nagluto. Ang babaeng nahuli ko kanina ay wala pa rin kaimik-imik para magpaliwanag tungkol sa nakita ko kanina. Sa totoo lang ay wala naman akong problema doon, lalo na at nakapunta na rin si Bri dito. Pero ang nais ko lang naman malaman ay kung bakit sila nagkita? Iyon ba ang project niyang sinasabi? 


"Bakit ang tahimik niyo?" Takang tanong ni Tera habang nakatingin sa amin. 

"May nangyari ba kanina? Addi, nung dumating ka kanina, anong meron kay Ayen at Xavi?" tanong nito ay bahagyan kong naitikom ang bibig ko para pigilan ang sarili na mapatawa. 


"Hmm? Wala naman, nag-away ba kayo?" tanong sa akin ni Addi, agad nanlaki ang mata ko at ako itong napa-iling. 

"Hindi ah, hindi kami nag-away ni Ayen, okay lang kami." sagot ko agad, napalingon kami kay Ayen nang bitawan nito ang kaniyang mga kutsara na siyang naglikha ng malakas na tunog. 


"Naabuutan niya si Noah dito kanina, yung kabigan ni Bright." ani nito at napasigaw si Addi. 

"Oh my God! Edi alam na ni Xavi?!" tanong  nito at napakunot ang noo ko. 

"Anong dapat kong malaman?" taka kong tanong bago napalingon kay Ayen na nasa tabi ni Arven na nasa harapan ko. 

Napasimangot si Ayen muling kinuha ang kaniyang kutsara at tinidor. Napabuntong hininga ito, "Si Noah... ano... awan ba dun, hindi naman siya nanliligaw pero close kami. Friends?" Hindi nito siguradong sagot. Napatikom ang bibig ko at napatingin kay Tera at Aila, halatang nagpipigil ng ngiti si Tera habang si Aila ay nagpipigil ng tawa. 


Napatango ako at muling napalingon kay Ayen, "Eh bakit siya andito kanina?" tanong ko, gusto ko lang naman malaman! 



"Eh kasi nga... inihatid niya ako pauwi. Ang kulit, sabi ko kasi okay lang ako na mag-isa umuwi dahil may gagawin pa ako, he insist na ihatid ako kaya hindi ko na napigilan, ang kulit din kasi." sagot nito at uaty-utay akong tumango. 


"So alam niyo na ang tungkol don?" tanong ko sa iba namin kasama. Si Arven ang una kong napansin na napalayo ng tingin. 


"Ah basta ako, aksidente ko lang na nalaman." Depensa agad ni Addi. 


Napatawa ako nang bahagya bago napa-iling, "Di na bale, congrats nalang sayo sis, sana all-"


"Gaga! Ikaw nga may boyfriend dito eh, maka sana all ka diyan." Putol sa akin ni Aila na ikinahagalpak namin ng tawa lahat. 


"Oo nga pala, sorry." ani ko bago nagpatuloy kaming lahat sa pagkain. Nang matapos ay nagbato-batopik pa kami kung sino ang maghuhugas ng kinainan. Ang ending, si Arven at Tera ang natalo. Kaya namin kami ay dumiretso na sa bedroom ay gaya ng normal na weekdays night ay kaniya-kaniya kami ng gawa ng projects at assignment. 



Habang ako itong busy na nag ha-highlight ng mga reviewer, biglang tumunog ang cellphone ko, nang makita ko ang caller ID ay agad kong sinagot ang tawag. 


"Hello, Ma?" ani ko dito, napalingon sa akin sila Ayen at Aila na agad din nag-alis ng tingin. 


[Kamusta? Nag dinner na ba kayo?] tanong ni mama at nag hum ako. 


"Opo, sila Tera at Aila nagluto." sagot ko habang nagpatuloy sa pag-aasikaso sa notes ko. 

[Ah, okay, this coming weekend pupunta kami ng Laguna with fam. Didiretso na kami diyan." Natigilan ako at nabitawan ang aking highlighter. After months of being away, magkikita na ulit kami nila mama. Bibisita ba sila dito?


"Pupunta kayo dito sa apartment?" tanong ko dito, 

[Oo naman, kapag susunduin ka namin, pupunta tayo ng mall. Malapit na ang Christmas, hindi mo ba napapansin?] tanong ni mama at napanganga ako bago napatingin sa table calendar na nasa harap ko. 



"Hala oo nga, less than 2 months nalang." ani ko habang nakaguhit ang isang maliit na ngiti sa labi ko. 


[May ginagawa ka ba?] tanong ni mama at muli akong nag-hum. 

"Busy sa notes." Maikli kong sagot. 

[Ah sige, bye na, goodnight! Love you!] ani ni mama at napangiti ako, 

"Goodnight, love you too." ani ko bago pinatay na ang tawag. Wala pang ilang segundo na naibaba ko ang aking cellphone nang muli itong tumunog, napa-iling ako bago muli itong dinampot na hindi manlang tinitingnan ang caller ID. Alam ko naman na si mama ito, baka may nakalimutan lang sabihin. 


"Hello, M-"

[Sinong kausap mo kanina? It said that you are in another call.] Bahagyang nahulog ang panga ko nang marinig ang boses mula sa kabilang linya. 


"Bright, ikaw pala yan. Si mama yung kausap ko kanina,  no worries." sagot ko at nag-hum ito, 

[Oo nga pala, you're mommy's girl. By the way, naka-usap mo na ba si Ayen about sa nakita natin kanina?] tanong nito at napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago napalingon kay Ayen na nasa kama niya at busy sa kaniyang ginagawa na project. 


"Yep, and I have questions to ask you tomorrow, okay?" ani ko at nag-hum ito. 


[Mhmm, sure, no problem. Oh, did you ate dinner na?] tanong nito at nag-hum din ako. 

"Yep, honey glazed chicken." sagot ko dito bago binuklat ang aking aklat na aking nilalagyan ng highlighter. 

[How come na ang sasarap ng kinakain niyo?! Kami dito kung ano nalang eh. Ang daya!] ani ni Bright sa kabilang linya na siyang ikinahagalpak ko ng tawa. 


"You know how to cook, why don't you cook delicious foods?" tanong ko dito, 


Narinig kong napabuntong hininga ito mula sa kabilang linya, [I don't want to, nakakatamad magluto.] sagot nito at napatawa ako. 


"Ah kaya, di talaga kayo makakakain ng masarap kapag ganiyan." ani ko bago isara ang unang libro na inasikaso ko. Kinuha ko naman ang aking notebook at doon ay nagsimulang magbasa ng notes. 


[Delivery is always there for us.] sagot nito at napasaltik ako ng dila. 


"Masama ang laging fast food or delivery. Mapapabilis din mga buhay niyo." Saway ko dito. 


[Edi good 'yon.] ani nito at napa-iling ako. 

"Good mo mukha mo, kapag namatay ka ng maaga, mag hahanap ako ng bagong boyfrie-"

[Hindi ka ba maalam ng joke? Joke lang yun! Para kang sira. Pangit mo kabonding Xavi.] ani nito at napatawa ako ng pagak. 

"Kung ano-ano kasi sinasabi mo." Depensa ko dito, 

[Ikaw din, kung ano-ano sinasabi mo.] sagot nito pabalik na ikinatawa ko. 

"Oh sige na, may ginagawa pa ako, see you sa campus bukas." Paalam ko ito at nag-hum ito. 

[Sige, bye, love you.] ani nito at napatango ako, "Love you too." ani ko bago pinatay ang tawag. Nang ibaba ko ang cellphone ko ay hindi ko mapigilan ang mapangiti at mapakagat sa labi. 

Nagpatuloy na ako sa pag-aayos at pagbabasa ng notes. Maya-maya ay natapos na rin si Tera at Arven sa paghuhugas at sakto na tapos na ako sa aking ginagawa kaya naman pumalit na sa akin si Tera sa study table dito sa bedroom at siya naman itong may ginawa sa kaniyang laptop. Dahil wala naman na akong gagawin ay natulog nalang ako para hindi ako mabitin sa tulog bukas. 



Kagaya ng routine ko sa umaga dahil ako ang nauuna na magising sa amin ay ako itong nagluluto ng almusal. Dahil medyo tinamad na rin ako na magsaing ng bigas ay pancit canton nalang ang niluto ko at bumili ng pandesal sa naglalako sa baba ng apartment. Pag-akyat ko ay gising na si Aila at Ayen, kumain na kaming tatlo at nasunod-sunod na ang iba na magising. 




"What do you want to tell me?" tanong sa akin ni Bright nang ilapag namin ang aming lunch sa table. Andito kami sa cafeteria ngayon kung saan maingay. Sa sulok nalang kami pumunta para hindi ganon kaingay. 


Bahagya akong lumapit sa kaniya para magka-intindihan kami, "Si Noah ba? Anong klaseng lalaki siya? I mean mabait ba? What?" tanong ko dito, bahagya itong napalayo at pinanliitan pa ako ng mata. 


"What's with him?" tanong nito, nagkibit balikat ako, "Well, about sa nakita natin kahapon sa apartment namin, ang sabi ni Ayen, hindi naman daw nanliligaw si Noah sa kaniya, meaning hindi pa sila. Pero close daw silang dalawa, ganun ba talaga si Noha? Para kasing ang sungit niya minsan eh. Friendly ba yun?" Dire-diretso kong tanong dito. 


Bahagyang napakiling si Bright na animo'y may malalim na iniisip, "Noah probably likes her. Hindi palakaibigan si Noah, he's an introvert, and he probably find her attractive." sagot nito at bahagyang nahulog ang panga ko. 

"So... may gusto si Noah kay Ayen?" tanong ko at nagkibit balikat ito. 


"Not sure, pero may possibility, nagiging close daw ba sa kaniya si Noah?" tanong ni nito at tumango ako. 


"Iyon ang sabi ni Ayen, close na daw sila ni Noah." sagot ko at tumango si Bright. 


"He probably likes her." ani nito at utay-utay akong napatango habang napapalingon sa ibang direksyon para mag-isip. Liligawan kaya ni Noah si Ayen anytime soon? Magiging okay kaya sila? Mabait ba si Noah? 


"Si Noah ba, have he been into any relationships before?" tanong ko at tumango si Brigght habang kumakain. 


"He did, but they broke up. Things happened between him and his ex." sagot nito at napatango ako bago sumubo ng pagkain. 


"Kung sakali na magiging sila ni Ayen, sa tingin mo, hindi naman siya magloloko diba?" tanong ko ulit at muling tumango si Bri habang hindi manlang nag-aangat ng tingin sa akin. 


"He won't, he may look cold pero when it comes to someone he loves and value, he won't fuck it up." sagot nito at napatango nalang ako bago nagpatuloy kumain. Dahil magkaklase kami ni Bri sa klase namin ng aftelunch ay sabay na kaming pumunta ng classroom at naghintay na magsimula ang klase. 



Lumipas ang araw at wala akong balita na nalalaman tungkol kay Ayen at Noah, hindi rin naman ganoon palabanggit si Ayen tungkol doon. Hindi gaya ko noon na kwentong-kwento ako tungkol kay Bright. Siguro ay okay naman silang dalawa, wala naman sigurong problema sa kanilang dalawa. 


"Oh, gabi na Xavi, bakit naglilinis ka pa?" tanong sa akin ni Aila nang makita ako na nagpupunas ng mga aparador sa sala ng apartment. 


"Eh kasi... pupunta sila mama dito bukas, susunduin ako at may pupuntahan daw kami." sagot ko at nakita kong natigilan si Aila. Maya-maya ay dala na nito ang vacuum na binili ni Addi at nagsimula nang mag vacuum ng sahig. 


"Anong meron?" tanong ni Addi nang ma-abutan kaming dalawa na naglilnis. 


"Dadating parents ni Xavi bukas, nakakahiya na madumi ang apartment natin." sagot ni Aila. 


"Ha!?" Parehas kaming napalingon ni Aila kay Addi. 


"Gaga dapat kanina niyo pa sinabi! Bundok na yung labahan ko, nasa ibabaw pa panty ko!" Napahagalpak kami ng tawa ni Aila nang biglang napaharipas ng takbo si Addi sa kwarto, paglabas nito ay dala na ang kabundok niyang labahan at diretso sa washing machine para  maglaba. 


"Haha! Buti nalang ako nakapaglaba na." Pang-aasar ni Arven na naka-upo lang sofa. 


"Ven, yung bra mo at panty naka-hanger pa sa terrace." ani ni Tera na kalalabas lang ng bedroom, agad napatayo si Arven at pumunta ng terrace para kunin ang kaniyang mag nilabhan. 


"Anong meron?" tanong ni Ayen na kalalabas lang ng bedroom, kakagising dahil natulog kaninang hapon, hindi pa ito nakakain ng dinner. 


"May basura ka ba Yen? Dadating parents ni Xavi bukas, maglilinis." tanong ni Tera, napakuskos ng mata si Ayen habang taka kaming tinitingnanni Aila. 


"Wala naman, itatapon ko nalang yung basura sa baba." ani nito at tumango kami, kinuha na nito ang trashbag at lumabas ng apartment. 


Nagpatuloy kami sa paglilinis at maya-maya pagbalik ni Ayen ay laking gulat namin nang bumalik ito na may dalang boquet ng bulaklak. 


"Oh, saan galing yan?" tanong ko habang binabanlawan ang basahan na gamit ko. 


"May nagpapabigay daw sa akin. Di ko alam kung sino, oh, ilagay niyo sa flower vase." ani nito bago inilapag ang boquet ng bulaklak sa lamesa. 


"Hindi mo manlang aalamin kung kanino galing?" tanong ko at umiling ito. 


"Huwag na, ano naman kung malaman ko kung kanino yan galing?" sagot nito at napasimangot ako bago dinampot ito, dumiretso na ito sa bedroom at nagkatinginan kaming  lima na nasa sala. 


"Alam ko kung kanino galing yun." ani ko at napatango nalang ang iba. Gaya ng kaniyang sinabi ay inilagay ko nalang ang mga bulaklak sa flower vase. 


"Sayang naman, ang gaganda pa man din ng bulaklak." ani ko habang tinatanggal ito sa pagkaka arrange. 


"Galing 'yan kay Noah diba?" tanong ni Tera at tumango ako. 


"Walang nakalagay pero sure na sa kaniya galing." ani ko at napatango sila bago nagpatuloy sa paglilinis. Halos 10 PM na nang matapos kaming maglinis. Utay-utay na kaming pumunta sa mga sari-sarili namin na kama at natulog na. 



Kinabukasan, ang sabi ni mama mga bandang 8AM ay nasa Muntinlupa palang sila. Nanghinayang ako bigla dahil ang aga ko pa man din gumising para makapaghanda tapos ang layo pa pala nila. Maski tuloy mga kasama ko dito sa apartment ang aga nagsigising para mkapag ayos pa ng pwedeng ayusin. 


"Ayan na!" Napasigaw ako nang biglang may tumawag sa phone ko, napaharipas ako ng takbo papuntang lamesa para sagutin ito. 

"Hello, Ma?" sagot ko agad, 

[Xavi, it's me, Bri.] sagot nito, aaminin ko na bahagya akong nadismaya. 

"Oh... hey." Bati ko dito. 

[Busy ka ba today?] tanong nito at nag-hum ako. 

"Yes, pupunta sila mama dito sa apartment. May pupuntahan kami." sagot ko bago napa-upo sa bangko. 

[Ah, ganun ba? Sige, have fun, ingats!] ani nito at napangiti ako bago tumango. 

"Okay, thanks, you too, have fun, bye!" sagot ko at pinatay na ang tawag. 


"Xavi, aalis muna kami ni Addi, ingat kayo nila tita." Paalam nito at tumango lang ako habang nanonood ng TV. 


Sila Ayen, Arven at Aila ay itong may sarili ginagawa sa kwarto kaya naiwan akong mag-isa dito sa sala. 


"Tao po?" Hindi ako magkanda ugaga sa pagtakbo papunta sa pinto nang marinig ang boses ni mama. 


"Ma!!" Sigaw ko nang mabuksan ang pinto at mabungaran sila mama. Agad akong napayakap dito. 


"Na miss ko kayo!" ani ko bago sila papasukin ng apartment. 


"Hi tita!" Bati agad ni Aila. 

"Hello, asan ang iba?" tanong ni mama, "Umalis si Tera at Addi, may pupuntahan." sagot ko at tumango ito. 


"Ang linis ng apartment niyo ah." ani ni papa at nagkindatan kami nila Aila, Arven at Ayen. 


"Aalis na ba tayo? Tara na, ready na ako." ani ko at napatawa si mama bago tumango. 

"Alis na kami, bye!" Paalam ko sa kanila bago kami lumabas ng apartment. 



"Saan tayo pupunta?" tanong ko kila mama habang bumabiyahe kami, hindi kasi pamilyar ang lugar. 



"Kay lolo Lorenzo mo." ani ni mama at nanlaki ang mata ko. 

"Oh my God..." Ang lolo Lorenzo ko kasi na tito ni papa ay strikto, hindi ko maipaliwanag pero takot ako sa kaniya.  Naikwento na rin kasi sa akin ni papa kung gaano kasungit si lolo Lorenzo. Kaya takot din ako dito. 



Ilang minuto pang biyahe ay nakarating na kami sa tapat ng bahay ni lolo Lorenzo, kasunod namin ang sasakyan ng mga tita ko na bibibsita rin. 


"Hello po." ani ko nang magmano dito. 


"Ito na pala ang scholar ninyo." ani nito at napatawa ako nang nag-aalinlangan. Inakit kami na kumain dahil magtatanghalian na rin naman. 



Hindi ko talaga gusto yung pakiramdam na andito ako sa bahay ng lolo ko. Kung alam ko lang na dito kami pupunta edi sana hindi ako masyado nag expect na magsasaya kami. 


"Kamusta ang college hija?" tanong ni lolo, nag-angat ako ng tingin at nagpilit ng ngiti. 


"Okay lang naman po, kayang-kaya naman." sagot ko at tumango ito. 


"May boyfriend na ba?" tanong nito at natigilan ako. 


Napatawa si mama, "Bawal pa..." ani ni mama habang bahagyang hinihimas ang likod ko. 

Grabe yung kaba ko dito, abot sa spinal chord ko. Hindi ko kinakaya yung tension. 


"Huh? Bakit naman? Huwag niyong pagbawalan. Ilang taon kana?" tanong ni lolo. 


"19 po." Nahihiya kong turan, 

"Oh, 19 na, may gwapo kang kaklase?" tanong ulit nito at napatawa ako nang bahagya, "Meron po." Maski ang mga tito at tita ko na kasama namin ay napatawa. 


"Oh, mabait at matalino?" tanong niya ulit at tumango ako. 

"Oh, huwag niyong pagbawalan yung anak niyo, part 'yan ng life niya. Hayaan niyo siyang i-enjoy yung mga ganon na bagay." Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago sumubo ng pagkain. 



Don't worry lolo, na e-enjoy ko na yung ganon. Chill ka lang. 


Nagkwento muna ang mga matatanda habang ako itong kausap ang mga pinsan ko, nagtagal kami ng ilang oras pa dahil sa napasarap sila ng kwento. Hanggang maya-maya ay tumayo si lolo Lorenzo mula sa kaniyang kina-uupuan at pumasok ng kaniyang kwarto. Paglabas nito ay napakagat ako sa pang-ibaba kong labi nang makita na may hawak itong bag ng apple. 


"May reward ba ang mga magulang mo sayo nang makapasa ka sa UP?" tanong ni lolo at umiling ako. 


"Wala po," sagot ko at napatawa ito. 

"Ako nalang ang may reward sayo, basta galingan mo sa pag-aaral at mamili ng matinong lalaki." Ini-abot nito sa akin ang bag, pagsilip ko sa loob ay sumabog ang excitement sa katawan ko nang makita ang kahon ng IPad. 


"Thank you po! Will do po!" Halos mapatalon ako sa tuwa, tinawanan lang ako ni lolo habang ako itong hindi magkanda-ugaga sa nakita ko sa loob ng bag. 


Nagpaalam na rin kami na aalis na dahil may pupuntahan pa kami, nagulat naman ako nang biglang may ini-abot pa na sobre si lolo. Pang allowance ko daw. 



Hindi ako nagsisi na pumunta kami dito, grasya ang dala, jusko po. 



"Ma..." andito kami ngayon sa mall, naka-upo kami ni mama sa isang bangko habang si papa ay namimili ng damit niya. 


"What if magka boyfriend ako? Gwapo, mabait, matalino." ani ko at napatawa si mama. 

"Bahala ka, basta hindi mo mapapabayaan ang pag-aaral mo." ani nito at napakagat ako sa labi ko. 


"Tapos ipapakilala mo sa amin." Dagdag niya at tumango ako. 

"Bakit, may boyfriend ka na ba?" tanong nito at agad naman akong napa-iling. 


"Wala ah! Mama naman, what if lang 'yon. Malay mo may manligaw sa akin na gusto ko rin at matinong lalaki. Edi hindi ko palilipasin yung chance." sagot ko at parehas kaming napahagalpak ng tawa ni mama. 



Okay Bright, humanda ka. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com