Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

31



"Okay naman na ang lahat diba? Gets niyo naman na?" tanong ng group leader namin para sa isa namin na report. Tiningnan ko ang record ng meeting at mukhang maayos naman na kaya napatango na kao. 


"Mukhang okay naman na, okay din ang lahat sa assigned task sa kanila." sagot ko dito, napangiti ito bago tumango. 


"That's great, then... we can now dismiss this meeting ang go home." ani nito at tumango akong muli bago isinara ang notebook ko kung saan nakasulat ang record. Inilagay ko na ito sa aking bag at isinakbit na ito. 

Paglabas ko ng classroom ay marami-rami pa rin ang estudyante sa hallway. May iba na halatang magkakaibigan lang at ang iba ay halatang mag jowa. Napapatawa nalang ako at umiling. Hindi kami makapagkita ngayon ni Bri, nag text ito sa akin kanina na may meeting daw ang org nila at siguradong gagabihin ito kaya naman hinayaan ko na. 


"Anong ginagawa mo dito?" tanong sa akin ni Tera nang madatnan ako sa labas ng classroom kung saan nagmeeting ang org nila. 


Napangisi ako, "Hinihintay ka, si Addi ang nagsabi sa akin na may meeting daw kayo sa org. Wala akong kasabay na umuwi kaya hinintay nalang kita." Nakangiti kong turan dito, inayos nito ang pagkakasakbat ng kaniyang bag at napatango.


"Sige, tara na." Aya niya at tumango ako bago siya sinundandan. 



Paglabas namin ng campus ay sumakay na kami ng jeep pauwi ng apartment. At pag dating namin doon ay nakakain na sila. Malapit na rin kasing mag alas otso ng gabi. Ganun katagal yung meeting nila Tera. 


"Sosyal ha, may pa korean food." ani ko nang mabuklat ang corndog, korean noodles sa lamesa. 


"Tinamad na kaming magluto ni Addi. Bumili nalang kami ng corndogs kasi may nadaanan kami tapos nagluto nalang ng noodles." sagot ni Ayen na nasa sofa at may ginagawa. 


Napa-awang ang labi ko at tumango, "Ah... ganun ba, sige." Umupo na ako sa bangko na madalas kong upuan. Si Tera naman ay ikinuha na kaming dalawa ng pinggan at umupo na rin sa katapat ko. 


"Onti naman niyan." ani nito nang makita ang pagkain sa pinggan ko. 


"Diet nga eh." sagot ko dito bago kumagat sa corndog. 


"Hindi ko mauubos 'to." ani niya, marami pa nga ang nasa serving plate na noodles. Ilan kaya ang niluto nila? Apat silang kumain kanina ah. 


"Kay Arven, hindi yun pihikan." ani ko at tumango nalang ito. Tahimik lang kaming dalawa na kumain at mabilis lang din. Tinawag ni Tera si Arven para kainin ang noodles na hindi namin naubos habang ako itong dumiretso sa kwarto para kumuha ng damit pantulog at suno ay pumasok na ng banyo. 



Hinintay lang namin si Tera na matapos magpalit at pumunta na kami sa kwarto. Kaniya-kaniya kami ng gawa. May mga ka meeting pa sa org, may nag re-review, project, nanonood ng kdrama. 


"Hello? Naka-uwi kana ba?" Napatingin silang lahat sa akin. 


[Yes, kanina pa.] sagot ni Bright sa kabilang linya, napatango-tango ako habang pinaglalaruan ang aking kumot. 


"Nag dinner kana?" Nakita kong napa-iling si Tera habang si Aila naman ay may nakakalokong ngiti sa kaniyang labi. 

Narinig kong nag-hum si Bright, [Mhmm, yes, I had toccino and egg.] sagot nito at napatawa naman ako. 


"Wow ha, parang almusal lang.] Pagbibiro ko dito at  maski siya ayb napatawa. 


[Si Luke ang sisihin mo.] 


[Bakit ako?!] Parehas kaming napahagalpak ng tawa ni Bright nang magreklamo si Luke. 


[Wala eh, pag dating ko yun ang ulam. Ikaw ang assigned magluto.] sagot ni Bright. 


"Kami nga korean noodles and corndogs, masarap naman.] Kwento ko dito habang patuloy na pinaglalaruan ang kumot ko. Narining kong napasinghap si Addi na ikinatawa ko. 


"At least masarap ako." ani nito habang nakasimangot sa akin, napangiti ako hanggang sa tuluyan nang natawa. 


[Why? What's funny?] tanong ni Brigyht sa kabilang linya. 


Umiling ako na parang makikita niya, "Wala naman, may sinabi lang si Addi." sagot ko dito. 


[Oh, okay, let's end the call na. I have reqs to do, sleep kana." ani nito at nag hum lang ako. 


[Goodnight, love you.] Hindi ko napigilan ang mapangiti at mag-init ang aking pisnge. 


"Goodnight, love you too." ani ko bago pinatay ang tawag. Pag-angat ko ng tingin ay nakatingin sila sa akin na may nandidiring ekspresyon sa mukha. 


"Arven, pakikuha nga yung vaccum, nilalanggam ako eh." ani ni Aila at napahagikhik naman ako. 


"Grabe kayo, bitter." turan ko bago humiga at inilapag na ang aking cellphone at tuluyan nang nakatulog. 



The next day si Tuesday, may event ang isang department sa school kaya medyo lumuwag ang morning classes namin. Ang natagpuan ko lang na libre rin ay si Ayen at Arven. Sinusubukan kong kontakin ang iba pero hindi ito sumasagot kaya alam kong busy ang mga ito. Habang magkakasama kami ay ginawa ko nalang ang part ko sa group report namin para naman kung may dadagdag pang gawain mamaya ay hindi ako matambakan mamayang gabi. 


"Huy, malapit na pala yung paskuhan, marami pa akong reqs na gagawin." ani ni Arven na naka-agaw ng attensyon namin. 


"Hay nako, tapusin mo na. After Friday Christmas break na tayo." sagot ni Ayen, bahagya akong natigilan at napa-wang ang aking labi. 


"Oo nga 'no, wala tayong Christmas party." ani ko at napatawa si Ayen. 


"Wala kasi tayong section, Xav. Pwede naman na tayo-tayo nalang kung gusto mo." ani ni Ayen, napangiti ako at umiling. 


"Hindi, okay lang. Para makapagpahinga na rin tayo. Gusto ko na rin magpahinga muna from school works." sagot ko at tumango naman ito. 


"Xavi, nakapagpaalam kana ba sa boyfriend mo na pupunta ka ng paskuhan?" tanong ni Arven, doon ay muli akong natigilan. 


Hindi pa nga pala ako nakakapagpaalam. Busy kasi siya kahapon at nawala rin sa isip ko. Susubukan ko ngayong araw. Marami pa namang oras para makapagsabi ako sa kaniya. 


"Mamaya, try ko." sagot ko at tumango naman si Arven. 


Nang matapos ako sa aking ginagawa at ang dalawa ay hindi, ako na ang bumili ng snacks namin tatlo. Nakakatuwa rin dahil may mga food stalls kaya hindi muna ako sa canteen bumili. Medyo nakakasawa na rin kasi ang pagkain sa canteen. 


"Siguro after lunch may class na." ani ko nang makabalik sa bench at inilapag ang mga pagkain na binili ko. 


"Snack muna kayo." ani ko sa mga ito. Tumango ang dalawa bago nangapa sa lamesa. Ang mga attensyon nito ay nakatuon pa rin sa mga devices nila. Napasimangot ako bago napatingin sa malayo. 



"Si Bright ba 'yun?" Bulong ko, nanliit ang mata ko para mas sipatin ito. 

"Saan?" tanong ni Arven bago sinundan ng tingin nag direksyon na tinitingnan ko. 


"Ah oo, vice president yan ng org nila." sagot nito at napatango lang ako bago nagpatuloy sa pagkain. I'm glad na comfortable siya sa ibang tao lalo na sa mga babae. I don't want to make him feel suffocated at para bang dapat lagi siyang matakot kung may babae man na lalapit sa kaniya. 



Nagkatagpo-tagpo na kaming anim pag sapit ng lunch. Nag text sa akin si Bright at sinabing kasama niyang maglunch ang mga kasama niya sa org. 



"Xavi..." agad napa-angat ang aking ulo at napatingin kay Tera na tumawag sa akin. 


"Yes?" tanong ko dito habang bahagya pang naka-angat ang magkabilang kilay. 


Bumuka ang bibig nito pero walang salita na lumabas kaya mas lalo akong nagtaka. 


"Yes? Anong meron? Anong chika?" tanong ko dito bago tumingin pa sa iba. Si Arven ay nakatingin lang din sa akin habang ngumunguya at ganon din si Addi. 


Umiling si Tera, "Wala, nevermind." ani nito at napasimangot ako bago tumango at ibinaba na sa lamesa ang cellphone ko. 


"Buti hindi ganon kabigat ang subjects this afternoon." ani ko habang kumakain. 


"Nakapag paalam kana kay Bri?" tanong ni Arven, napangisi ako at umiling. 


"Later nalang, gaya ng sabi ko, marami pang oras." sagot ko at tumango ito. Pagkakain namin ay bumalik na rin agad kami sa campus at naghiwa-hiwalay na. 



"Very good miss Alvarez, anyone else?" Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi nang makasagot ako. Binasa ko yung topic na yun eh. Nalimutan ko lang talaga yung ibang parts at saktong iyon pa ang naitanong sa akin.Isinagot ko nalang kung ano ang na-aalala ko at hindi ko alam kung tama ba yun o hindi. 


Para akong nabunutan ng tinik sa utak nang ma dismiss na kami. Malapit nang mag 6PM at gustong-gusto ko nang umuwi at mamahinga. Paglabas ko ng classroom ay may nakita akong pamilyar na mukha na agad kong nilapita. 


"Luke, si Bri? Nasaan?" tanong ko dito, napakunot ang noo nito, "Hindi ba nagsabi sayo? May pinuntahan sila ng org niya, bar yata." ani nito at saka napakunot ang noo ko. 


"Hindi... ay baka nag text, sige salamat!" ani ko bago tinapik ang balikat nito at nagtatakbo paalis ng hallway. Sa gate ay doon ko nakita si Aila at Arven na naghihintay. Agad ko na silang inakit sa pag-uwi dahil gusto ko nang mahiga. 



"Excited na ako sa paskuhan!!" Tili ni Aila nang makapasok sa kwarto mula sa banyo. Kaming mga nanahimik ay  nabulabog. 


"Baka may pogi na taga USTe, maghahanap ako." ani ni Ayen, napasapo ako sa aking noo at napahagikhik. 



"May gwapo talaga na taga USTe 'no." ani ni Tera at nagkatinginan kaming iba. 


"Uyy! Si Tera, may taga USTe!" Pang-aasar ni Ayen, nilingon ito ni Tera at sinamaan ito ng tingin. 


"Gaga." turan ni Tera, nagkatinginan kami at nagkangisian pa. Ibinalik ni Tera ang kaniyang attensyon sa kaniyang ginagawa. Napa-iling nalang ako at dinampot ang aking cellphone. 


Ang huling message pa nito ay nang magpaalam na kasama nga siya ng mga kasama niya sa org. Hindi ko lang napansin kanina dahil nasa klase ko. Wala na itong kasunod kaya naman medyo nag-aalala na ako. 


"Wait lang ha..." tumayo ako mula sa aking higaan at lumabas ng kwarto, natakot pa ako dahil patay na ang ilaw kaya naman binuhay ko ito at naupo sa sofa. 


Saka ay tinawagan ang number ni Bright, I'm brushing my hand on my legs as I wait for him to answer the call. For some reason, I'm getting nervous. I feel like I've seen this in movies before. He's on a party, with girls probably. Things might happen. 


But I trust him, I should not overthink. Overthinking won't make things better. I should just relax and wait for him to answer the call. 

I bit my lower lip as I waited longer, until he finally answered. 


"Bri-"


[Hello, who's... girlfie?] Natigilan ako nang ang sumagot ay isang babae. Biglang lumakas ang kalabog ng dibdib ko sa kaba. Napa-ayos ako ng upo sa sofa at huminga ng malalim.


"Hello, this is Bright's girlfriend, I just want to ask if where is he?" I tried my best not to stutter. 

Ilang segundo na nanahimik ang babae, "Oh... he's in the bathroom, he'll call you later nalang." Bago pa man ako makapag salita ulit ay pinatay na nito ang tawag. Ilang segundo akong napatulala sa kawalan. 


Pwede naman diba? Nagbanyo siya tapos naiwan phone niya kaya ganun?


"Kalma Xavi, trust him. Hindi siya gagawa ng hindi maganda." I assured myself, hindi maganda kung magagalit agad ako at hindi papakinggan yung side ni Bright. Walang mangyayari kung paiiralin ko agad ang selos at galit ko. 


I was staring at the TV for minutes, tapping my fingers on my phone screen that is on my lap. I took lots of deep breaths, stopping myself from overthinking. 


Hanggang sa inabot ng kalahating oras, I'm not mad. I'm just tired tapos dumagdag pa 'to. 


"Bukas nalang." I said to myself as I stand up from the  sofa and turn off the lights. As I went inside, no one ask me what happened so I just lay down on my bed and sleep. I hope tomorrow magkita kami. 




"Why do we need to transfer place?" Gulat kong tanong sa kaklase ko, pagpasok ko kasi sa classroom kung saan dapat ang first subject namin ay magkalagay sa board na sa ibang lugar daw muna kami today. 


"Okay lang yan, at least makakalabas tayo." ani ng isa kong kaklase bago lumabas na ng classroom. 


Napabuntong hininga ako bago lumabas na rin ng classroom at sumunod sa mga kaklase kong paalis na rin. Nag message ako sa group chat namin na aalis kami ng campus para aware sila. Kapag sineswerte ka nga naman. Wala akong kasama na kaibigan ko o ka-close ko. Kahit kaibigan ni Bright wala. 


Speaking of Bright, wala pa rin akong balita sa kaniya. I want to check on him, so bad, pero a part of me is mad at him. Hindi man lang ba siya nakaka-alala? I want him to make the first move dahil sa nangyari kagabi. 


The whole day, I wasn't checking my phone. Dahil hindi talaga nag me-message si Bright at wala rin akong gana sa araw na ito. Last night I told myself hindi maganda kung paiiralin ko ang selos ko at galit. Pero hindi manlang ba nakakapansin si Bright na hindi ako nag m-message sa kaniya? Na galit ako at hindi siya pinapansin?  

I also want to think that maybe he's tired last night kaya hindi siya nakapag message at ngayon busy naman siya sa school. Kasi pwede yon. 


Or... he's just really ignoring me. 



"Miss Alvarez? Snacks mo po." Napa-angat ako ng tingin sa isa kong kaklase na nag-aabot sa akin ng pagkain. 


"Ahm... salamat, kanino galing?" tanong ko dito nang tanggapin ko ang sandwich. 


Napangiti ito, "Ayaw pong sabihin eh. Sorry napag-utusan lang." sagot nito bago napakamot sa ulo at umalis na. 


Hindi naman ako choosy para hindi tanggapin ang pagkain at para hindi ito kainin. Tsaka kanina pa ako nakatulala matapos ang lecture namin. Hindi na kasi ako ganoon palakaibigan dito. Gusto ko nalang manatili yung mga kaibigan ko mula highschool. Ayaw ko na kasing magkwento nanaman ng buhay ko. Pakiramdam ko ay ganun din naman ang mmga kaibigan ko eh. Wala silang nababanggit na ibang pangalan. 


Sa lunch ay mag-isa akong pumunta ng Jollibee, wala talaga ako sa mood buong umaga. Nakakawalang gana kumilosk, mag-isip. Nakakapanghina kung baga. 


"Isa pong Jolly hotdog and choco float." I stated my order, I pull out my card from my wallet and hand it to the cashier. 


As I sit down on a single table, that's when I finally pull out my phone. Sila Addi at Ayen ang magkakausap sa group chat. Tahimik lang akong nagbabasa dahil wala naman akong sasabihin. Si Bright ay wala pa rin ni isang message. 


"Bahala ka... hindi kita papansinin. Bahala ka sa buhay mo." ani ko sa cellphone ko bago itinabi ito sa loob ng bag ko at maya-maya lang ay dumating na ang order ko. Tahimik akong kumain at mabilis lang din. Ganun talaga ako kapag wala sa mood. Halos limang kagat lang yung Jolly hotdog sa akin. Yung choco float naman ay dinala ko pabalik sa lugar kung saan kami nag s-stay para sa araw na ito. 


Nang ma-dismiss kami ng alas singko ay dumiretso na ako sa apartment. Wala akong balak na pumunta na ulit ng campus. Gusto ko munang matulog dahil may tatapusin akong isang requirement ngayong gabi. 



"Anong oras ka pa dito?" Na alipungatan ako nang makarinig ng ingay sa paligid. Iyon pala ay nakarating na si Tera at Ayen na magkasama. 


"Awan, mga 5:30." sagot ko dito, hindi pa gaanong mulat ang aking mga mata. 


"Kumain kana don, alas siyete na." Napakunot ang noo ako at utay-utay bumangon. Pero imbes na kumain ay kumuha na ako ng pantulog at dumiretso sa banyo. 

Paglabas ko ay saka ko binisita ang pagkain. Mukha naman masarap pero wala talaga ako sa trip kumain. Wala ako sa mood kumain. Kaya naman dumiretso na ako pabalik sa kwarto. Pinilit kong gawin yung requirement na dapat kong tapusin. Kahit sinesermonan ako nila Tera at Addi dahil sa hindi ko pagkain. Hindi nalang ako sumasagot sa kanila. Baka magka away-away pa kami dito. Nang matapos ako ay agad nalang akong natulog para makapag pahinga na rin. 




"Ay walanghiya..." napakamot ako sa ulo ko nang makita ang tagos ko sa aking kama. 


"Kaya naman pala..." ani ko bago takpan ito ng kumot ko. Paglabas ko ay kumakain na ang iba naman ay naka ayos na. 


"Dinudugo ako... wala ako sa mood na gumawa ng kahit ano." ani ko sa mga ito. 


"Kumain ka muna bago ka maligo." ani ni Arven, tiningnan ko ang kinakain nila, yung tapa kagabi na isinama sa sinangag, itlog at longganisa. 


"Hindi na... may iba akong gusto eh. Pero alam ko naman na masarap yan." sagot ko sa kanila, ayaw kong magtunog na masama at ma misunderstood nila. 


Tumango si Aila, "Gusto mo ibalot ko?" tanong nito, agad naman akong napatango. 


"Please? Parang gusto ko siyang kainin mamaya." sagot ko dito at tumango ito. Pumasok na ako ng banyo at naligo. 


Hindi na rin naman ako nagtagal sa pag-aayos ng sarili ko at naka-alis na rin kami. Mabuti nalang at alas nuebe pa ang first period ko. Bago pa man sumapit ang alas nuebe ay kinain ko na rin nag pabaon sa akin ni Aila. Hindi ako nagkamali dahil masarap nag ito. 




"Xavi, nag chat sa akin si Jake. Sabihin ko daw sayo na papunta na siya." ani ni Addi, habang naglalagay ng manipis na layer ng make up ay tumango ako. 


"Ready naman na ako, no worries." sagoto ko dito habang tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin. Tatalo nalang kami ni Addi at Aila dito dahil nauna na ang iba. Sana ay hindi naman ako naiwan na mag-isa. 


"Andito na daw siya!" sigaw ni Addi mula sa labas, kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng kwarto. 

"Una na ako, ingat kayong dalawa. Don't forget to lock the door. Ingat sa paskuhan, enjoy!" Bilin ko sa mga ito. 


"Yes ma!" sagot ni Aila at napatawa ako habang umiiling. 


Lumabas na ako ng apartment namin at buamaba. Doon ay nadatnan ko si Jake na nakasandal sa kaniyang sasakyan. 


"Tara na?" Aya ko dito, ngumiti ito at tumango bago umalis sa pagkakasandal sa kaniyang sasakyan. 


"Let's go, beautiful lady." ani nito nang pagbuksan ako ng pinto, napatawa naman ako bago pumaosk na. 


"Andon na si Ken?" tanong ko dito habang nagmamaneho ito.


"Mhmm, kanina pa, he's with his friend na ticket ko." sagot nito at parehas kaming napatawa. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa may gate ng USTe. 


"Ay wow, ang ganda ha!" Bati sa akin ni Ken, "Salamat, ako lang 'to." sagot ko dito habang pabiro na hinawi ang aking buhok. 


Ipinakilala rin sa akin nito ang kaibigan niya at maya-maya ay pumasok na kami. Napanganga ako sa dami ng tao. Ang iba ay namumukaan ko at galing din ng UP. 


"Taga Ateneo 'tong mga 'to." bulong sa akin ni Jake habang bahagyang nakaturo sa mga estudyante na malapit sa amin. 


"Kahit mga taga UP nga meron din eh." sagot ko at tumango ito. 


Masyado yata kaming napa-aga dahil ilang minuto kaming naghihintay. Mas dumami rin ang mga estudyante at napuno nag venue. 


"Nag dinner kana ba?" tanong  sa akin ni Jake. Halos sumigaw na ito. 

Napangisi ako at umiling, bumuntong hininga ito bago hinawakan ako sa pulso. 

"Kakain lang kami ni Xavi." Paalam nito kila Ken, hindi na ako nakapalag at sumunod nalang dito. 


Dinala ako nito sa mga foodstalls at sa unang tingin palang ay yung kwek-kwek na ang uamagw ng attensyon ko. Kaya naman ito nalang ang pinabili ko kay Jake. Alam kong ililibre ako nito dahil isa itong malaking galante. Ibinili rin ako nito ng corndogs at juice kaya paniguradong mabubusog ako. 


"Next time don't skip meals." ani nito nang i-abot sa tindera ang pagkain. 


Napangisi ako habang nakatitig sa mga pagkain sa kamay ko, "Yes sir," ani ko bago nag-angat ng tingin. 

Hindi ko naman inaasahan na yung ngiti ko ay ganun kabilis na mahuhulog. 


Bright is here, our eyes met, but he acted like he didn't. He's with someone... the vice president girl. 





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com