Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

32



"Hey, Xavi, okay ka lang ba?" Na-agaw ang aking attensyon ni Jake nang tapikin ako nito sa likod at saktong umalis si Bright mula sa kanilang kinatatayuan kasama ang babaeng iyon. 


Nilingon ko si Jake, isang pilit na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi, "Oo naman, everthing's fine." sagot ko dito, utay-utay siyang tumango na may halong pag-aalangan din.


Napalunok ako ng laway bago kumagat sa aking pagkain, habang ngumunguya ay nararamdaman ko ang pagsikip ng aking lalamunin at ganun din ang aking paghinga. Sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung ano ba ang aking dapat maramdaman. Parehas kaming hindi nagpaalam sa isa't-isa. Parehas kaming hindi nagkausap ng matagal na panahon. 


At kung susumahin ay kasalanan ko iyon dahil umiiwas ako sa kaniya noong mga nakaraang araw at ayaw siyang makita. Kasalanan ko rin dahil nagpadala ako sa inis at selos noong babae ang sumagot sa tawag ko. Na hindi ko dapat ginawa. Dapat ako na yung umintindi at nag message na sa kaniya ng una para hindi na lumaki yung gulo. Pero wala na, ito na. Nangyayari na ang mga bagay-bagay. Nagkita na kami na parehas may kasamang ibang tao. And I know, by tomorrow, I should talk to him. Or else magpapasko kami parehas sa mga bahay-bahay namin na may problemang dinadala. 


"Xavi, there's a problem. Hindi ka kumakain." Bumalik ako sa katinuan nang masita ako ni Jake. 


Napangisi ako, "Hindi ah, natutulala lang ako." ani ko bago kumagat sa aking pagkain. 


"Mhmm, as you say, pero eat faster na. Magsisimula na yung paskuhan." ani nito at tumango ako bago kumagat muli sa aking pagkain. Ilang kagat pa ay naubos ko na ito, isinunod ko nang ubusin ang aking juice at itinapon na sa basurahan ang mga pinagkainan ko. 


"Let's go?" Pag-aaya ko kay Jake nang balikan ko ito sa kinatatayuan namin kanina. 


"Here, water." Inilahad nito sa akin ang bote ng mineral water na agad ko rin naman na tinanggap at ininom. 


Nagpahid ako sa gilid ng aking labi gamit ng likod ng kamay ko, "Tara na." Muli kong pag-aaya, tumango lang ito at umalis mula sa pagkakasandal sa fence at bumalik na kami sa loob. 




"Ang tagal niyong dalawa." ani ni Ken nang makabalik kami. 


"Si Xavi, ang bagal kumain." ani ni Jake, hindi na ako sumagot at napanguso nalang. 



Naghintay kami ng isa o dalawang minuto bago lumabas na ang banda na tutugtog. Lahat ay napasigaw dahil sa sikat na banda na tutugtog. Kami nila Ken at Jake na nasa may unahan ay hindi rin magkamayaw sa sigaw dahil may malapit sa amin ang banda. Lumingon ako sa paligid at nakita na nakabukas ang mga flashlight ng ibang estudyante. Kaya naman agad kong kinuha ang cellphone ko at nagbukas na rin ng flashlight para makisabay sa iba. 


"Gagi ang ganda!" ani ko sa tenga ni Jake nang muling mapalingon sa paligid at nakita na binabalot na ng mga ilaw ang paligid. 


"I know, that's why I brought you here. I know you'll like this." He answered, leaning closer to my ears. 


I nod, my attention still focused on the band, "Thank you, I'm really enjoying it." sagot ko dito. 


Nakikisabay ako sa pagkanta ng banda at ganun din ang karamihan. Si Ken sa aking tabi ay naririnig ko rin na kumakanta at pumapalirit pa. Habang si Jake naman ay tahimik lang na nanonood. Paminsan-minsan ay naririnig ko itong kumakanta pero sa tuwing lilingunin ko siya ay tumitigil ito. 


"Bakit ka tumitigil? Kumanta ka lang." sigaw ko sa tainga nito. Palakas na kasi nang palakas ang pagkanta ng mga manonood kaya kung normal lang ang lakas ng boses ang aking gagamitin ay hindi kami magkakaintindihan. 


Inilapit nito ang kaniyang labi sa aking tainga kaya ako naman itong napaharap sa unahan dahil kung hindi ay magbabangga ang aming mga mukha, "Ayaw ko nga, baka pagtawanan mo ako." ani nito at napahagikhik ako. 


"Sira! Hindi kita tatawanan! Kumanta ka lang!" sigaw ko dito habang nakatingin sa unahan. Hindi ko na nakita ang reaksyon nito dahil nakafocus lang ako sa banda. Tumugtog na ang kasunod na kanta nito at lumawanag na ang stage kaya naman pinatay ko na ang flashlight ng cellphone ko at ganun din ang ibang estudyante. Mula sa aking peripheral vision ay napansin kong inilabas na ni Jake ang kaniyang cellphone. Mag v-video na yata ito. 


Saka ko ito nakikinig na sumasabay na sa kanta at sa oras na ito ay hindi ko na siya nililingon dahil baka tumigil nanaman siya sa pagkanta kapag pinansin ko pa. 

May talent din naman pala siya sa pagkanta. Ang ganda pa nga ng boses niya eh, malalim pero soothing. 


"Maraming salamat UST!" Naghiyawan ang mga manonood nang mag bow na ang banda. Napatingin ako sa aking relo at napansin na matagal na rin pala kami dito. Nang tuluyang umalis ang banda sa stage at siya rin ang utay-utay na pag-alis ng mga estudyante. 



"Did you had fun?" tanong ni Jake habang hinihintay namin na lumuwag na ang paligid para maka-alis na kami. 


Napangiti ako at tumango, "Yes, so much. And thank you, sa'yo rin Ken. Ikaw nga pala ang ticket ko." ani ko kay Ken, napatawa ito at napatakip pa sa kaniyang bibig. 


"Sus, wala yun. Si Jake talaga ang may gusto na madala ka dito." sagot ko nito at napabalik ako ng tingin kay Jake. 


Isang ngiti nanaman ang gumuhit sa labi ko, "Salamat talaga, it was a good memory that I'll keep forever." ani ko at napangiti ito bago ginulo ang buhok ko sa tuktok ng aking ulo. 


"Aba, mukha ba akong aso?" Inis kong turan dito, napangisi ako at napa-iling nalang. Nang tuluyang lumuwag ang daan papalabas at nabawasan na ang mga etsudyante ay naglakad na rin kaming apat. 


"Hey, let's buy some puto bumbong." Natigilan ako sa paglalakad nang ayain ako ni Jake. nanlaki ang mata ko at agad napatango na animo'y bata na excited. 


Napatawa si Jake at napa-iling bago hinawakan ako sa pulso at dinala sa tindahan ng puto bumbong. Agad kaming nabigyan at mainit pa ito. 


"Wala bang nagtitinda ng ganito sa bayan natin." ani ko habang ngumunguya ng puto bumbong. 


Napangisi ito at tumango, "Yes, kaya nga gustong-gusto kong bumili dito eh." ani nito bago kumagat din sa kaniya. Nakatayo lang kami sa isang gilid at nakasandal sa bakod. Wala na si Ken at ang kasama niya dahil may pupuntahan pa daw ang dalawa. 


"You took videos kanina diba? Patingin naman." ani ko at bahagyang nanlaki ang mata nito. 


"Huwag na, mas maganda yung view sa memory mo." ani nito at napasimangot ako. 


"Sige na nga, nilibre mo naman ako ng puto bumbong." sagot ko dito bago inubos na ang puto bumbong ko. 


"Let's get you home?" tanong nito at tumango ako. Naglakad na kami papunta sa kaniyang sasakyan at sumakay na. 



Tahimik lang kami sa buong biyahe. Dahil siya siguro ay nakafocus sa pagmamaneho habang ako naman ay nakasandal sa binatana at iniisip pa rin si Bright na nakita ko kanina. He was smiling when he is looking at the girl he's with. But as our eyes met, parehas na bumagsak ang mga ngiti namin. His eyes looks so emotionless. He looks mad as well. 


"We're here," ani ni Jake nang tumigil sa tapat ng apartment complex natin. 


"Salamat! See you sa TK." ani ko dito, tumango lang ito bago lumabas na ako ng sasakyan niya. Kinayawan ko pa ito bago tuluyang pumasok ng building. Ilang segundo matapos siyang maka alis nang mapagtanto ko na sa Laguna pala ako magpapasko. 



Siguro naman ay kahit isa sa kanila ay naka-uwi na. Malapit na rin kasi mag 10PM. Siguro ay si Arven o Ayen man lang ay andito na. 


Paghawak ko sa doorknob at pinihit ito ay bukas na. Pagbukas ko ng pinto ay laking gulat ko nang silang lima ay sabay-sabay napatingin sa gawi ng pinto. 


"Xavi!? Okay ka lang ba? How are you feeling? Nakita rin namin, you can cry on us." ani ni Tera, napakunot ang noo ko at isinara na ang pinto sa likod ko. 


"Anong sinasabi niyo?" tanong ko at nagkatinginan silang lima. 


"Xavi... si Bright-"


"Ah oo! HAHAHA, nakita ko rin, it's fine. I'm fine." ani ko sa mga ito. Lahat sila ay may nag-aalalang ekspresyon sa kanilang mga mukha. 


"Xavi, sure ka? He's with another girl." ani ni Addi, ibinaba ko ang bag ko sa sofa at napabuntong hininga. 


"And I'm with another man." ani ko sa mga ito, "Pero Xavi, si Jake ang kasama mo. Kaibigan mo siya." ani ni Addi, napangisi ako at umiling. 


"He's with the vice president of their club. Friends lang din sila." ani ko bago nagalakad papalapit sa kusina at kumuha ng baso at nilagyan ito ng tubig. 


"Let's not make conclusions in our heads. Huwag natin gawing big deal yung mga nakita natin." ani ko bago uminom ng tubig. Wala sa kanilang sumagot, pagbaba ko ng baso ay muli ko silang hinarap. Kaniya-kaniya sila ng mga ekspresyon. May malungkot, ,ay nag-aalala, may naguguluhan at may galit pa. 


"Parehas kaming walang paalam sa isa't-isa. Hindi ako nakapagpaalam sa kaniya na pupunta ako doon at kasama ko si Jake. I'm sure pati siya nagulat na andon ako at may kasamang ibang lalaki. He might get mad because of it. Kaya ako, hindi na ako magagalit dahil kung parehas lang namin papairalin ang galit namin ay hindi maganda ang kakalabasan nito." Paliwanag ko sa mga ito, napahilamos sa Addi sa kaniyang mukha. Halatang na f-frustrate sa nangyayari. 


"Xavi naman, you're being too nice! Boyfriend mo pa rin siya. Iba ang situasyon niyo ni Jake, sa situation nila ng babae na 'yon." ani ni Tera. 


Tumango naman si Aila, "Kayo ni Jake, simula pagkabata magkasama na kayo. You two are best of friends. Eh silang dalawa, they just met this school year. Who knows kung magkaibigan lang ba talaga ang tingin nila sa isa't-isa." Turan ni Aila, puno ng pag-aalala ang boses nito. 


Napabuntong hininga ako, "Guys, lets take a rest na. May pasok pa bukas. Don't worry, I'll talk with him tomorrow." ani ko bago kinuha na ang bag sa sofa kung nasaan din sila. Nginitian ko pa silang lima bago pumunta sa kwarto para magpalit na ng damit at magpahinga na. 



Kinabukasan ay mga puyat kaming lahat. Ang klase ko ay 9:30am pa kaya alas siyete na ako gumising. Si Aila na may klase ng 8am ay na late pa sa pasok niya. Ako, si Arven, Ayen at Addi ang natira pagsapit ng alas nuebe. Sabay-sabay na kaming umalis ng apartment, pagdating namin sa campus ay dumiretso na kami sa mga klase namin. 


Napa-upo pa ako sa tabi ni Noah dahil may bakanteng upuan sa tabi niya. 


"How are you?" tanong nito nang maka-upo ako, bahagya akong natigilan at napalunok ng laway. 


"I'm fine, how 'bout you?" tanong ko dito bago kinuha ang notebook ko para sa subject na 'to. 


"I'm fine, Bright isn't." ani nito, utay-utay akong napalingon sa kaniya at napakagat sa pang-ibaba kong labi. 


"Nasabi na rin niya sa inyo?" tanong ko, nilingon ako nito na walang ka ekspre-ekspresyon sa mukha. 


Tumango ito, "Yes, he was... having a breakdown for few minutes." ani nito at nahulog ang panga ko. 


"Ahm... pumasok ba siya?" tanong ko dito, utay-utay itong umiing na siyang ikinalaki ng mata ko. 


"Wala na daw siyang subjects for this day. Naipasa na rin niya lahat ng requirements niya kaya hindi na daw siya papasok. He went home sa bahay nila." sagot nito at parang nanghina bigla ang tuhod ko. Naputol ang pag-uusap namin dahil dumating na ang prof namin. 


Buong klase namin ay nawawala ako sa focus. I would space out and stare by the wall. Hindi rin ako ganon nakapag intindi dahil ang laman ng isip ko ay si Bright. As much as possible gusto ko na mag-uusap kami ng personal at ayaw kong idaan ang lahat sa cellphone. It's hard kapag sa cellphone o chat kami mag uusap. The only option now is call. 


When the class ended. Agad akong nag chat sa group chat namin na magkakasama sa apartment na uuwi na agad ako sa apartment. Wala naman na akong klase mamayang hapon. Tapos na rin lahat ng requirements ko. Sinubukan pa akong pigilan nila Aila at inaaya pa na kumain kasama sila sa cafeteria pero sabi ko sa biyahe nalang ako kakain. 


Pagdating ko sa apartment namin ay agad kong tinawagan ang number ni Bright habang nag-iimpake ako. Hindi ito sumasagot pero patuloy ang pagtawag ko sa kaniya. 


"Sumagot kana please..." turan ko, ang aking lalamunan ay naninikip at kaunti nalang ay maiiyak na ako. 


Napa-upo ako sa kama ko nang sa pang anim kong tawag ay wala pa rin. Lumipat ako sa messenger at doon ito sinusubukan na tawagan. Kasama na ang pang s-spam ko sa kaniya ng messages. Pero wala, wala pa rin sumasagot. 



Tapos na akong magimpake, gusto ko siyang puntahan. Pero saan? Hindi ko naman alam kung saan ang exact address nila sa Rizal. Nahihiya rin ako magtanong kila Noah at mga kaibigan nila. Paano kung galit pala sila sa akin? Paano kung nagpipigil lang si Noah kanina na magalit sa akin. 



Hindi ako tumigil sa pagtawag kay Bright hanggang sa makasakay ako ng jeep papuntang bus station papunta ng Laguna. Nakailang spam ng ako ng messages sa kaniya. Online siya pero nang sumakay ako ng bus ay hindi na ito online sa messenger. Naka deliver naman ang mag messages ko pero hindi niya binabasa o pinapansin. 


"Isa po, estudyante, Laguna." ani ko sa kondoktor ng bus bago inabot ang bayad ko, ang caller ID ni Bright ay nakaflash sa cellphone ko at hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong tumatawag sa kaniya. 


Nang tumunog ang cellphone ko mula messenger ay parang tumayo ang mga balahibo ko. Sa buong akala ko ay si Bright iyon, ngunit hindi. Mula ito sa group chat namin. 


from Ayenski:

Uy Xavi, kumain kana ba? 1PM na. 


from Ailapot:

Bakit ka naman nagmamadali kanina? Sa Laguna ka lang naman diba? 


from Addisonya:

Nagkausap naba kayo ni Bright? 



Napabuntong hininga ako nang mabasa ang kanilang mga messages. Pinipigilan ko rin ang aking sarili na mapa-iyak. Gustong-gusto ko na siyang maka-usap at makapag paliwanag. Ayaw ko naman na magpasko nang may problema.  


Huminga ako nang malalim bago nagtipa sa aking keypad. 



to Kilabots:

I'm fine, hindi pa ako kumakain, sa Laguna nalang. Gaya ng sabi niyo, malapit lang naman ang Laguna sa Manila. 


to Kilabots:

Tsaka... hindi pumasok si Bright. Hindi ko pa rin siya maka-usap dahil hindi ko siya matawagan. 


Agad nilang na seen ang mga messages ko. Si Addi din ang unang nag reply. 


from Addisonya: 

Oh, edi paano 'yan? May misunderstanding kayo, paskong-pasko tapos bagong taon? 


to Kilabots:

Parang ganun na nga... 



Isang beses ko pa siyang sinubukan na tinatawagan, habang may mga pailan-ilan na luha ang umaagos sa aking pisnge at pinipigilan na mapahikbi sa biyahe. 


Hindi ko na namalayan na nakatulog ako sa buong biyahe nang biglang umingay na ang paligid. Nasa bus station na pala ako. Bumaba na ako dala-dala ang malaki kong bag at sumakay ng tricycle papuntang bahay ng tita ko. Pagdating ko doon ay sinalubong agad ako ng lola ko. 


"Ang apo ako! Andito na si Xavi oh!" Tuwang-tuwa nitong turan nang pagbuksan ako ng gate. 


"Ate Xavi! Ate Xavi!" sigaw ng dalawa kong pinsan na lalaki. 


"Andito na pala si ate Xavi eh." Nakangiti turan ng tita ko, ngumiti ako pabalik at pumasok na sa loob. 


"Tita may pagkain po kayo? Di pa po ako nakakapag lunch." Nahihiya kong turan, 


"Ito oh, nagluto ang tita mo ng liempo." ani agad ni lola at binuklat ang natatakpan sa lamesa. 


"Ayun, sarap naman!" ani ko, tunog masaya lang ang boses ko pero ang totoo ay nanghihina pa rin ako at gulong-gulo ang loob ko. 


Habang kumakain ay kinakauspa ako ng mga pinsan ko. Kung ano-ano lang ang mga sinasabi nila pero dahil  bata ay pinapakinggan ko nalang. 




Buong hapon ay natulog ako, ipinahinga ko muna ang isip ko dahil ayaw ko siyang isipin. Nang mag gabi ay tumawag sila mama at sinabing bukas ay andito na sila. Kaya naman kinabukasan ay ang aga namin na nagising dahil alas sais palang ng umaga ay ang ingay na sa baba. Ang ibang kapatid ni papa ay kasama nila pagpunta dito at kasama ang iba ko pang maliit na pinsan. 



Sa araw ng pasko ay pumunta kami ng Tagaytay kung saan nakabuti sa akin dahil sa buong araw na iyon ay nawala sa isip si Bright na hanggang ngayon ay wala pa rin akong kabali-balita. 


Para tuloy akong lantang gulay dito. May mga gabi na oras bago ako makatulog. Hindi ako mapakali at parang gusto kong umiyak pero hindi ko magawa dahil katabi ko ang iba kong pinsan at baka marinig nila akong umiiyak. 


Kinakamusta ako ng mga kaibigan ko pero parehas lang naman ang nagiging sagot ko. Kagaya lang ng mga sgaot ko noong mga nakaraang araw na okay lang ako. Pero ang totoo ay hindi, hinding talaga. Lahat ng pwedeng I-overthink ay na isip ko na. Lahat ng pwedeng 'what if' ay pumasok na sa isip ko. Kung ano-anong scenario na ang pumasok sa isip ko dahil sa hindi pagsagot ni Bright sa mga tawag ko. 


December 30, hapon, nagkakasiyahan ang mga magulang ko kasama ang mga tita at tito ko sa labas, habang ako ay tahimik na nasa loob ng bahay ay biglang may nag message sa akin na hindi galing sa group chat namin kaya naman agad akong napa-ayos ng upo. 


Laking gulat ko nang makita ang pangalan ni Noah sa Messenger ko. 


from Noah Christopher: 

Xavi, we found out that Bright is not in the country right now. After 10 days he finally replied to our messages. He's in Taiwan now, with his mom. Don't worry, he said he's fine and he will be back after New Year. 


Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko nang sabihin iyon ni Noah. Pero nagpasalamat nalang ako sa kaniya dahil kahit papaano ay may balita na ako kay Bright. 


Lumipas ang isa pang araw ay bagong taon na. Gabi ng December 31, ilang minuto nalang ay Media Noche na. Ang mga bata dito ay ang iingay na.  Hawak na nito ang kanilang mga turotot habang ako itong nakaupo lang. Kanina ay tumulong ako sa pagluluto pero ngayon daw ay kaya na ng mga matatanda. Puro bata ang mga pinsan ko kaya wala akong makausap. 


Nang magcountdown na ang nasa TV ay lahat kami lumabas dahil magsisindi na ng mga paputok ang mga tito ko. 


"10..."


"9..."


"8..." 


"7..."


"6..."


"5..."


"4..."


"3..."


"2..."


"1!!" 


"Happy New Year!!" Sinindihan na ang mga paputok at ang mga bata ay nagtalunan na, si mama ay pinaingay na ang mga barya sa kaniyang bulsa. Lumiliwanag ang langit dahil sa paputok ng ibang bahay. 


"Ay..." napa-igtad ako nang biglang may tumawag sa akin. 


Nanlaki ang mata ko nang makita ang caller's ID na agad kong sinagot. 


"Bri-"


[Happy New Year, I miss you... and I'm sorry.]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com