33
[Happy New Year, I miss you and I'm sorry.] Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya ito at putulin ang aking pagtawag sa kaniya. Tila nanigas ako sa aking kinatatayuan at maski ang kamay ko na nakahawak sa aking cellphone ay nanigas rin. As in halos wala akong maigalaw sa katawan ko.
[Are you mad at me?] Natauhan ako nang muli siyang magtanong, his voice sounded so sad and sorry.
Napalunok ako ng laway, "Hindi ba at ako dapat ang nagtatanong niyan?" I softly ask, feeling sorry as well. Kung titingnan mo kasi sa anggulo ng bawat isa sa amin na dalawa ay parehas kaming nagkasala. Nag simula iyon nang babae ang sumagot sa tawag ko, tapos hindi pa siya nag message o tumawag man lamang sa akin kahit alam niya tumawag ako. Hindi ba man lang niya talaga naisip na tawagan ako? Tapos noong mga oras na hindi ko siya pinapansin, hindi ba man lang niya naiisip na baka may kasalanan siyang nagawa kaya hindi ko siya tinatawagan o mine-message man lang?
[What do you mean? Kasalanan ko-]
"Kasalanan ko rin, parehas tayo na may kasalanan sa nangyari. Hindi ako nakapagpaalam dahil sa inis at selos ko. Ikaw, hindi ka rin nagpaalam na pupunta ka sa paskuhan na kasama ang... babae na 'yon." Putol ko dito, napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago nilingon sila mama na nagsasaya pa rin. Mabuti nalang at hindi nila ako napapansin.
[Mhmm, I'm sorry pa rin, let's talk more about it after I got back sa Philippines, okay?] Turan nito at tumango naman ako.
"Sure, ingat ka diyan, malamig diyan sa Taiwan, baka sipunin ka." sagot ko dito, narinig ko ito napahagalpak ng tawa na siyang dahilan ng pag guhit ng ngiti sa aking labi.
[Yes yes, parehas kayo ni mom, 'yan din ang sabi sa akin. Lagi nga kaming naka jacket dito.] sagot nito at mas lumawak ang ngiti ko.
"Sana all, sa future kapag may trabaho na ako gusto ko rin mag travel." turan ko habang pinaglalaruan ang halaman ng tita ko.
[We will get there, not now but soon.] ani nito at muling gumuhit ang ngiti sa mukha ko.
"Yes, not now but soon. Pero right now, let's end the call muna. Alam ko na may handa rin kayo diyan for New Year kaya kumain kana, I will eat too. Bye!" I happily said, I hear him giggle fromo the other side.
[Bye, love you.] Napangiti ako sa kaniyang tinuran.
"Love you too." I replied before ending the call, sakto na pagkababa ko ng tawag ay nag-aakit na sila na pumaosk sa loob para sa Media Noche.
"Sinong kausap mo?" tanong sa akin ni mama habang kumukuha kami ng pagkain.
Napangisi ako, "Si Ayen, ang gaganda daw ng fireworks display sa Lucban." sagot ko dito, tumango-tango lang si mama bago nagpatuloy sa pagkuha ng pagkain. Kaunti lang ang kinuha ko dahil diet ako, gusto ko pa rin kasi subukan na mag audition sa cheerdance kahit mid-plus size ako.
"Ate Xavi, maganda po sa school niyo po?" tanong ng pinsan kong bata na lalaki. Napalingon ako sa kaniya at tumango.
"Mhmm, maganda don, may mga sunflowers, tapos ang lawak-lawak pa." sagot ko at tumango ito.
"May... may friends po kayo?" tanong nitong muli, napangisi ako at tumango, "Of course, yung mga friends ko sa highschool, friends ko pa rin sila ngayong college." sagot ko ulit dito. Napatitig siya sa akin na animo'y may itatanong pa, pero nagbalik na ito ng tingin sa kaniyang pagkain kaya naman napatawa nalang ako at napa-iling.
Ang mga tito at tita ko na kasama sila mama at papa ay nag-inom na pagkatapos kumain. Ako naman itong nagpaalam na aakyat na at magbibihis ng pantulog. Pag akyat ko sa kwarto na tinutulugan namin ay nagbukas na agad ako ng aircon. Mabuti nalang at wala pang bata na natutulog dito, lahat kasi ng mga bata ay nasa baba pa at naglalaro. Kumuha na ako ng komportable ko na damit at nagpalit na. Pagkatapos nito ay nahiga na ako sa kama na aking tinutulugan nitong mga nakaraan na araw.
Dahil matagal-tagal na rin na nakabukas ang aircon ay malamig na kaya naman binalot ko na ang sarili ko sa kumot. Pero kahit nilalamig ako, ayaw ko naman magpatay ng aircon, parang tanga lang diba?
Kinuha ko ang aking cellphone mula sa bedside table at binuksan ang Messenger para mag message kay Bright.
to boyfie:
Hello, naka kain kana?
I tap on my phone screen for few seconds after I hit send, waiting for him to reply or even read it. Agad akong napatingin sa cellphone ko nang mag vibrate ito.
from boyfie:
Yep, we ate na. How about you? How is your Media Noche?
Napangtiti ako nang mabasa ang kaniyang message, agad naman akong tumipa sa aking keypad ng reply sa kaniya.
to boyfie:
It was good, ang daming pagkain. Pero I had to eat less of course since I'm on a diet.
Pagka send ko palang ay agad niya itong na seen at agad siyang nag type ng reply.
from boyfie:
Pero you enjoyed your food naman diba?
to boyfie:
Of course I did. Masyadong masasarap yung pagkain para hindi ko sila ma enjoy. HAHAHAH
from boyfie:
That's good, balita ko malapit na rin daw pala ang audition sa cheerdance, ready kana ba?
to boyfie:
Matagal pa kaya, around March pa 'no, grabe ka naman.
He reacted a haha emoji to my message before sending a reply.
from boyfie:
Malapit na rin yun 'no. And I hope di ako busy those times kasi papanoorin kita. Support pa kita eh, taga cheer mo ako sa auditions.
Napatawa ako sa kaniyang reply, nagtitipa palang ako ng aking sagot ng bigla siyang tumawag, bahagya akong nagulat doon pero agad ko rin siyang sinagot.
"What? Di pa nakuntento sa chat eh." ani ko nang sagutin ko ang tawag, video call pa talaga, nakahiga na nga ako.
[Wala lang... I miss you eh, I miss your voice, your face, your cuteness and prettiness.] ani nito at napa-irap namna ako.
"Wala akong papasko sayo 'no, next year nalang." ani ko at napahagalpak ito ng tawa.
[Grabe, bakit next year pa? Pagbalik ko ng Pilipinas, libre mo ko sa UPTC.] ani nito at napakunot ang noo ko.
"Wow ha, UPTC pa talaga, sa turo-turo nalang." sagot ko dito bago nasundan ng aking paghagikhik.
[Ah, hindi, ayaw ko don. Gusto ko UPTC.] ani nito na ikinahagalpak ko ng tawa, para kasi siyang bata na nagmamaktol.
"Sige na, sige na, baka umiyak ka pa diyan." Pagkasabi ko noon ay nag ala-ala itong umiiyak na ikinahagalpak ko ng tawa.
"Tumigil ka nga, ang pangit mo umiyak." Sita ko dito, tumigil nga ito at napatingin sa camera.
[Tse! Heh!] Pagtataray nito, aba naman!
"Tse at heh ka rin!" ani ko na ikinahagalpak namin na dalawa.
Nang matapos kami sa pagtawa ay napabuntong hininga ito, [Hayst... I miss you, I wish I can talk to you longer or even see you right now. But you have to sleep, its 2AM, mapupuyat ka masyado. Ilang araw naman na ay pasukan na ulit, see you sa school.] ani nito at napatango lang ako, bahagya pa na nakasimangot.
"Yeh, see you, bye!"
[Bye! Happy New Year, Xavi.] turan nito at napangiti ako.
"Happy New Year, Bri." Nang patayin niya ang tawag ay napabuntong hininga ako, ipinatong ko na sa bedside table ang cellphone ko at muing ibinalot ang sarili ko sa kumot bago na natulog.
"Ate Xavi, ate Xavi! Morning na po! Wake up kana daw po!" Halos hindi ko pa maimulat ang mata ko pero dahil sa pagyugyog sa akin ng mga pinsan ko ay napilitan akong ibukas ang aking mga mata. Pagmulat ko ay bumungad na sa akin ang liwanag na galing sa bintana ng kwarto.
"Anong oras na?" tanong ko, garalgal pa ang boses ko dahil nga kakagising ko lang.
"8AM po, kain na po tayo sa baba!" sagot ng pinsan ko, Oh God, alas otso palang? Gusto ko pa matulog eh!
"Kumain na rin po sila mama mo kanina, ipinapagising ka nga po eh." Dagdag ng mas nakababata kong pinsan na babae. Nang luminaw ang aking paningin ay saka ko napagtanto na lahat pala ng mga pinsan ko ay andito.
"Sige na, sige na, baba na ako." ani ko bago uminat-inat sa kama. Ang mga pinsan ko ay nagatakbo na palabas ng kwarto habang naghahagikhikan pa. Napa-upo ako sa kama at bumuntong hininga, kasunod nito at ang paghikab ko. Inabot ko muna ang cellphone ko bago bumaba ng kama. Pinatay ko muna ang aircon bago lumabas ng kwarto, mula palang sa hagdan ay naririnig ko na ang hagikhikan ng mga pinsan ko.
"Ayan na pala si ate Xavi niyo oh. Huy, huwag kayo magkalat diyan sa hagdan at baka matisod si ate Xavi niyo." Narinig ko na turan ng lola ko. Napangisi ako nang makarating ako sa huling tapakan ng hagdan.
"Anong oras kayo nakatulog?" tanong ko kila mama, alam ko kasi na natagalan pa sila mag-inom.
"Mga alas tres na." sagot nito at tumango lang ako bago dumiretso sa lamesa. Binuksan ko ang mga natatakpan at nakita na may lutong ham at mga hotdog. Kumuha ako ng spaghetti at ham at hotdog bago naupo na. Habang kumakain ay nakikinig na rin ako sa mga kwentuhan ng mga matatanda. Ang boring naman kapag wala kang ka-edad na pinsan, kaya hindi ako masyado nag e-enjoy sa family gathering eh, only child lang si mama habang ang mga pinsan ko sa side ni papa ay puro mga bata, ang boring naman.
Nang matapos akong kumain ay inilagay ko na sa lababo ang pinagkainan ko, akmang aakyat na ulit ako para kumuha naman ng pampalit sa pagligo nang marinig ko ang pangalan ko na pinaguusapan.
"Si ate Xavi yata, may boyfriend na." ani ng tito ko na binata, napalingon ako sa kanila at napangiwi na siyang ikinahagalpak nila ng tawa.
"Si tito eh, daming say, wala po. Liligo na po ako." sagot ko dito at muli silang napahagalpak ng tawa. Napa-iling nalang ako bago nagpatuloy sa pag-akyat ng hagdan. Kumuha na ako ng pampalit ng damit na sweat pants at puting t-shirt bago naligo na.
Pagkaligo ko ay pumunta ako sa kama at nagsuklay, sumandal ako sa headboard habang nag c-cellphone hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ulit ako. Nagising nalang ulit ako nang kulitin ako ng mga pinsan ko at kakain na daw ng tanghalian. Pagbaba namin ay kumakain na ang iba. Dahil medyo busog pa naman ako ay hindi ako nakakain nang maayos at sumubo lang ng ilang kutsara ng ulam dahil ayaw kong kumain ng kanin.
Pagkakain ko ay lumabas muna ako sa garden nila tita para magpahindag. Habang hinihimas-himas ang halaman ni tita ay nag send na ako ng message kay Bright.
to boyfie:
Sorry ngayon lang ako nakapag message, pagkagising ko kasi kanina ay nakatulog din ako ulit.
He isn't online that's why I understand na hindi agad siya makaka reply. Naglakad-lakad lang ako sa garden dahil malamig naman ang simoy ng hangin at hindi mainit. Ilang minuto lang ako doon bago pumaosk na ulit ng bahay. Naglalaro nanaman lang ang mga bata sa sala habang nag ke-kwentuhan ang mga matatanda, at ako itong teenager ay umakyat nalang ulit sa taas. Nagbukas nalang ulit ako nhg aircon at muling nakatulog.
Paggising ko ng bandang alas kwatro ay may reply na si Bright at sakto na online siya ngayon.
from boyfie:
It's fine, alam ko naman na puyat ka, you need the sleep.
Matapos iyon ay wala na siyang kasunod na chat hanggang sa mag alas dos ng hapon.
from boyfie:
Hey, what are you doing right now?
from boyfie:
Ahm... Xavi?
Tapos ang kasunod nito ay alas tres ng hapon.
from boyfie:
Hello? Woohoo? Anyone home?
May mga sinend pa siya na emoji na ikinatawa ko. Napakagat ako sa pang ibaba kong labi habang nagtitipa sa aking keypad.
to boyfie:
HAHAH sorry late reply, I was asleep the whole afternoon, kakagising ko lang.
to boyfie:
I'm fine, how about you?
Agad niya itong na seen, siguro ay naghihintay din ito ng message ko.
from boyfie:
Oh thank God you're awake na, medyo nag-aalala din ako sayo, buong araw ka halos natulog.
Napahagalpak ako ng tawa nang mabasa ang message niya.
to boyfie:
I know, and it feels great.
from boyfie:
That's good, I know laging kang puyat kapag may pasok, magbawi ka lang ng tulog.
to boyfie:
I think I'm fine na, mamaya nalang ulit ako tutulog gabi.
Bumaba ako ng kama at pinatay ang aircon, paglabas ko ng kwarto ay nakita ko ang ibang pinsan ko na nasa second floor at naglalaro. Pagbaba ko naman ay animo'y aalis ang tito at tita ko na may ari ng bahay.
"Oh, ate Xavi sama ka? Pupunta kami ng town center." Pag-aaya ni tita, agad akong tumango.
"Opo, wait lang po, kunin ko lang po wallet ko." ani ko bago nagtatakbo pabalik sa taas kung nasaan ang wallet ko. Napatingin ako sa cellphone ko kung saan may bagong message si Bright.
from boyfie:
Oh, are you busy right now?
to boyfie:
I'll just go with my tita and tito sa store, we will be quick, bye!
Pagkasend ko nito ay agad akong napaharipas ng takbo pababa ng hagdan. Nasa labas na sila tita at sinundan ko nalang ito sa sasakyan nila. Kasama namin ang naka nila na nagkukulitan sa tabi ko habang ako itong nakatulala lang sa labas ng bintana. Hindi pa kasi ako ganon kagising at pakiramdam ko ay makakatulog pa rin ako. Mabuti nalang ay malapit lang sa subdivission ng bahay nila ang town center kaya nakarating agad kami at hindi ako tuluyan na nakatulog.
Habang sila itong namimili ng pagkain saa bahay nila, ako itong lakad lang nang lakad at namimili ng snacks ko. Dahil nga hindi ako nakakain nang maayos kaninang tanghalian ay parang ngayon ako nakakaramdam ng gutom. Dahil hindi naman ganon karami ang binili ko sa grocery ay nagbayad na agad ako bago ako pumunta sa mga food stalls. Nakarating ako sa isang stall ng waffles at doon ay napabili ako ng isa.
Habang naghihintay sa kanila sa may cashier na magbayad ay kumakain lang ako sa isang tabi. Napabili na rin ako ng iced coffee at naghintay pa ng ilang minuto bago sila nakita na papunta na ng cashier. Napatawa pa ang tita ko nang makita ako.
"Kailan ang balik mo ate Xavi sa Manila?" tanong ng tita ko, dahil ako ang panganay sa mga magpipinas at panganay na apo ng lolo at lola ko ay maski ang mga tito at tita ko ay ate Xavi ang tawag sa akin, para na rin siguro na sumunod ang mga anak nila sa pagtawag sa akin ng ate.
"Siguro po bukas babalik na rin ako, yung mga kasama ko po kasi sa apartment ay pabalik na mamayang gabi." sagot ko habang nasa sasakyan kami pabalik ng bahay nila.
Hindi na sumagot ang tita ko at tumango nalang. Maya-maya ay naka-uwi na kami. Nakikinood nalang ako ng cartoon sa mga pinsan ko hanggang sa mag hapunan na. Pagkahapunan at nagkekwentuhan ang mga matatanda sa labas ay tumawag ako kay Bright.
"Hey, how's your day?" tanong ko agad dito.
[Mhmm, okay lang, nag-aayos na ako ng gamit ko para sa pagbalik ko sa Pilipinas.] He replied, napatawa ako dahil sa sinabi niya.
"Wow ha, dahil sa sinabi mo, parang ang tagal-tagal mo na nag stay diyan sa Taiwan." ani ko at maski siya ay napatawa.
[Matagal din naman ako dito ah, na miss ko nga Pilipinas eh.] ani nito at napangisi lang ako.
"Masarap ba pagkain diyan?" tanong ko,
[Mhmm, masarap naman, pero iba talaga ang Filipino food.] sagot nito at napahagikhik ako.
"Dami mo echos sa life, magpapaliwanagan pa tayo pag-uwi mo. Baka nakakalimutan mo." Sermon ko dito, narinig ko itong napahagalpak ng tawa from the other line.
[Oo nga pala, mag-iisip na ba ako ng idadahilan ko sayo?] tanong nito at napa-irap ako. Dahilan ba na sinasabi niya!?
"Ang pangit mo ka bonding! Tse!" Pagtataray ko dito, muli itong napahagalpak ng tawa habang ako dito ang hindi na maipinta ang mukha.
[I was joking, of course I will tell you the truth.] ani nito,
"Aba dapat lang! Tutulog na me, bye na." Turan ko, narinig ko itong mag hum.
[Hindi kana galit?] tanong nito sa malambing na boses, doon naman ay tinamaan ang marupok kong puso.
"Hindi naman ako galit, nagbibiro lang din ako kanina." Malumanay kong turan.
[Mhmm, okay, bye, goodnight, love you.] ani nito,
"Mhmm, uno reverse card." sagot ko dito, narinig ko pa siyang tumawa bago ko pinatay na ang tawag. Pag-akyat ko ay nagbihis na rin agad ako bago nahiga.
Ilang minuto pa ako nag cellphone bago nakatulog na.
Kinabukasan pag gising ko ay nag-aayos na sila ng gamit nila, paalis na rin pala sila ngayon at pabalik na ng Quezon. Habang kumakain ay nagkakagulo na sila sa pag-aayos. Binilisan ko nalang ang pagkain dahil before lunch ay aalis na kami. Mabuti nalang at maayos ang mga gamit ko at hindi nakakalat. Sa taas na ako naligo para walang kaagaw sa banyo at mabilis na nag-ayos.
Habang naghihintay na maisakay sa sasakyan ang mga gamit ay nagulat ako nang abutin ng lola ko ang kamay ko at may ini-abot na pera.
"Huwag kang maingay sa mga pinsan mo." ani nito bago naglakad na rin agad palayo, napatawa ako bago isinilid agad ito sa bulsa ko. Mga lola aat lolo talaga, kapag nagbibigay ng pera akala mo ay illegal na droga ang ibinibigay.
Maya-maya ay maayos na ang mga gamit sa sa sasakyan kaya naman umalis na kami sa bahay ni tita at nagpasalamat na rin para sa pag ho-host ng pasko at bagong taon. Dahil si papa na ang nagmamaneho ng sasakyan ay mabilis lang kaming nakarating sa apartment. Pagkababa ko ng gamit ko ay ini-abot na sa akin ni mama ang allowance ko. Humalik na rin ako sa pisnge nito at nagpaalam na bago sila tuluyan na umalis.
Pagdating ko sa loob ay wala pa ang iba kong kasama kaya naman nag-ayos na muna ako ng mga gamit ko. Matapos iyon ay nagtanghalian na ako at saka namna dumating sila Aila, Addi, at Tera.
"Happy new year!" sigaw ni Aila nang makita ako sa sofa. Napayakap agad ito sa akin na ikinahagalpak ko ng tawa.
"Gaga! Miss na miss mo ako eh!" ani ko dito at napatawa ito.
"Siyempre!" sagot nito bago tumahyo na.
"Hindi ka naman miss na Xavi, iba naman ang miss niya." ani ni Tera bago ako tiningnan ng nakakaloko.
Napasimangot si Aila habang ako itong napangisi at napa-iling, alam na alam ng mga gaga kung kanino ako marupok.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com