36
"Xavi, kain na, mamaya na ulit ang practice mo." Narinig kong tawag sa akin ni Addi mula sa sala. Agad akong lumapit sa speaker para patayin ang tugtog at sunod na dinampot ang aking towel at tubigan bago lumabas ng kwarto habang nagpupunas ng pawis.
Paglabas ko ng kwarto ay nakahanda na ang hapag kainan at ako nalang ang hinihintay kaya naman agad akong umupo sa tabi ni Tera habang ilang dangkal ang layo dahil alam ko na amoy pawis ako.
"Goodluck bukas," bulong sa akin ni Tera habang kumukuha na ako ng aking pagkain. Napangiti ako bago tumango.
"Salamat, pero kabado pa rin." ani ko diito at naramdaman ko ang kamay sa likod ko at hinimashimas ito.
"I know you're nervous, kaya mo 'yan." ani nito bago ko muli itong ngunitian at tumango. Nagpatuloy na kami sa pagkain na hindi rin gaano nagtagal dahil binilisan ko lang ang pagkain at nang matapos ako ay sunod-sunod na rin silang natapos.
Nagpahindag-hindag muna ako ng ilang minuto bago muling pumasok ng kwarto at doon ay muling nag practice. Hindi ko namamalayan ang oras at kung gaano na ako katagal nag pa-practice. Nang pumaosk si Addi at Aila sa kwarto ay natigilan ako. Siyempre nahihiya naman ako na makita nila akong nag e-ensayo diba?
"Anong oras na?" tanong ko sa mga ito habang nagpupunas ng pawis at naghihingalo sa pagod.
Nag-angat ng tingin sa akin si Addi mula sa kaniyang cellphone, "9:30, why?" sagot nito at bahagyang nahulog ang aking panga.
"Ah, tulog na kayo, sa sala nalang ako mag pa-practice." ani ko sa dalawa bago kinuha ang speaker at aking tubigan at lumabas na ng kwarto. Sa sala ay doon ko nakita ang iba na nanonood ng TV. Halatang mga nagpapalipas ng oras dahil alam nila na nasa loob pa ako.
"Ahm.... tulog na kayo, hihinaan ko nalang ang tugtog para di maingay. Maya-maya pa ako tutulog." ani ko sa mga ito. Tumango nalang sila bago nag utay-utay na umalis ng sofa at pumasok na sa loob ng kwarto. Halatang mga antok na sila.
May malaking space naman kami sa sala kaya mas maganda ang naging practice ko doon. Gaya rin ng aking sinabi ay hininaan ko lang ang tugtog para di ko maistorbo ang mahimbing nilang pagtulog. Sa paglipas ng minuto, oras, hindi ko namalayan kung gaano na ako katagal nag e-ensayo. Hanggang sa napatingin ako sa orasan.
"Hala, alas dos na!" ani ko bago agad pinatay ang speaker at napa-upo sa sahig habang naghahabol ng hininga, hindi naman ako pwedeng umupo sa sofa dahil ang pawisan ko. Nang makabawi-bawi na ako sa panghinga ay tumayo na ako at dinampot ang aking tubigan at naglakad papunta sa kusina para kumuha ng tubig. Halos maubos ko ang laman ng aking tubigan dahil sa pagod.
Napa-upo naman ako sa isang bangko sa dining at napatingin sa paligid ng apartment. Alas dos na, matutulog pa kaya ako? Eh alas kwatro ako gumigising. Hindi naman yata magiging mahimbing ang tulog ko kung dadalawang oras iyon.
Sa huli ay napagdesisyunan ko na huwag nang matulog at mag asikaso nalang ng requirements ko. Pero bago iyon ay pumasok muna ako ng kwarto para kumuha ng damit na pamalit. Napatawa ako nang makita na nahihimbing na ang tulog ng mga kasama ko. Inayos ko rin ang kumot ni Arven na malapit nang mahulog mula sa double deck na katre.
Mabilis lang akong naligo dahil medyo malamig sa madaling araw. Buong katawan na ligo na ang ginawa ko, kasama ang ulo para mamaya ay magbibihis nalang ako. Agad din akong nagpalit ng damit dahil mas nararamdaman ko na ang lamig. Pagbalik ko sa kwarto ay kinuha ko naman ang laptop, iPad at mga notebook ko kasama na ang pouch na laman ang mga ballpen ko sa kwarto.
Paglabas ko ay binuhay ko na ang mas marami pa na ilaw para maliwanag. Nagpatugtog din ako sa cellphone ko para hindi ako matakot habang nag-aaral.
Mabilis lang ang oras at pakiramdam ko ay wala pa manlang isang oras ay nag-alarm na ang aking cellphone. Nag utay-utay na akong mag-impis ng aking gamit at ibinalik ito sa kwarto bago nagsimula nang magluto.
Egg roll, tocino at siningag na kanin mula sa hapunan kagabi. Gaya ng madalas na nangyayari ay habang nagluluto ang isa, utay-utay nang naliligo ang iba. Bago pa man sila matapos sa pagligo lahat ay tapos na akong magluto kaya namna pumunta ako sa kwarto para magbihis na. Simpleng pantalon at T-shirt lang ang aking suot, pero ang aking susuotin na damit para sa audition mamaya ay nakalagay sa isang eco bag.
Nagsabay-sabay na kaming kumain at saka-saka ay umalis na rin ng apartment.
Pagpasok palang namin ng campus ay nararamdaman ko nang ang mga estudyante na magkakasama sa hallway ay nag-uusap tungkol sa audition mamayang alas tres. Ramdam ko lang, medyo iyon din ang naririnig ko sa kanilang mga usapan eh.
Pagpaosk ko ng aking first period ay si Marc ang kaklase ko dito, makulit at lagi akong kinakausap.
"Xavi, sabi ni Bright mag au-audition ka daw sa cheer dance mamaya, galingan mo ha!" Pabulong nitong sigaw sa tainga ko, napatawa ako dito bago tumango at natigil sa pagsusulat mabuti nalang at wala pa ang prof kaya nakakapag daldal pa ito.
"Thanks, pero kinakabahan talaga ako, parang ayaw ko nang mag audition." sagot ko dito, napakunot ang kaniyang noo.
"Huh? Bakit naman? Sabi ni Bright last week ka pa nag pa-practice, sabi rin ni Addi, sayang naman kung hindi ka tutuloy, baka magsisi ka sa huli. Kasi diba, kahit di ka makapasa, at least sinubukan mo. Kaysa naman pagsisi ang meron ka sa huli diba?" ani nito at bahagya akong napatawa bago tumango.
May kaseryosohan din pala 'tong lalaki na ito, akala ko kasi ay puro kalokohan ang lumalabas sa bibig nito.
"Sabagay, tama ka. Sayang nga naman yung effort ko sa practice at pagdadala ng damit." ani ko bago sinipa nang bahagya ang bag sa paahan ko. Parehas kaming napatawa.
Hanggang sa may sumagi sa aking isipan tungkol sa kaniyang sinabi, "Close kayo ni Addi?" tanong ko at bahagya nanlaki ang mata nito bago agad umiling.
"Luh, hindi! Magkaklase kami nun sa English, galing nga niya eh, sana all." ani nito at utay-utay akong tumango habang bahagya pang natatawa. Maya-maya ay dumating na ang aming prof at nagsimula na ang klase.
Sa second period namin ay si Ayen at Addi naman ang aking kasama kaya hindi ako ganon naging mag-isa sa classroom kahit ilang kaming magkakasama doon. Iba pa rin kasi yung may kasama ka sa klase na kakilala at ka-close mo.
"Wala tayong klase ng hapon diba?" Tanong sa akin ni Ayen habang kumakain kami ng tanghalian. Hindi namin kasama si Tera at Aila dahil may inaasikaso daw ito.
Habang ngumunguya ay tumango ako, "Wala, ako wala, ikaw ba Addi? Arven?" tanong ko sa iba namin na kasama, parehas umiling ang dalawa.
"Wala, kaya nga manonoood kami ng audition mo eh." sagot ni Addi at napasimangot naman ako bigla.
"Parang ayaw ko nang tumuloy, kabado ako, ayaw ko na, baka mapahiya lang ako." ani ko habang nakasimangot at animo'y bata na nagmamaktol.
"Grabe ka Xavi, kayang-kaya mo 'yan, laban lang!" ani ni Arven habang may laman pa ang bibig kaya naman napatawa kami nang bahagya.
"We'll see..." ani ko bago nagpatuloy sa pagkain.
Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko na agad ko naman kinuha sa loob ng aking bag. Nakita ko na si Bright ang nag message kaya naman agad ko itong binuksan.
from boyfie:
I have afternoon class, but it will be done by 2:30PM, I'll be at the gymnasium, don't worry! You can do it!
Gumuhit ang ngiti sa aking labi nang mabasa ang kaniyang message, agad naman akong nag type ng sagot.
to boyfie:
Thanks, goodluck on your class, eat your lunch.
Pagka send ko nito ay agad siyang nag seen, maya-maya ay nagsend na ito ng picture ng pagkain na kaniyang kinakain.
from boyfie:
I am eating rn, bye!
Nag react lang ako ng heart sa kaniyang message at nagpatuloy na sa pagkain. Pagkatapos namin ng lunch ay pumunta kami sa field at nagasikaso muna ng school works habang nagpapahindag. Nang makatapos ako ng isang gawain ay nagsimula na akong mag practice ulit. Si Addi at Arven na kasama ko ay nanonoood sa akin habang nagpa-practice kaya naman bahagya akong nahihiya.
"Wooh! Go Xavi! Fighting!" sigaw ni Addi mula sa kaniyang kinauupuan na bahagyang maalyo sa akin, lumayo kasi ako sa kanilang para hindi sila gaano maingayan sa tugtog. Napapatawa ako sa tuwing maririnig ko ito na mag cheer, pero kahit paano ay nabubuhayan ako ng loob.
Matapos ang isang oras ay nagtutulog na ang pawis ko, nasa ilalim ba naman ako ng sikat ng araw, mainit ang singaw tapos ang heavy pa ng steps ko. Talagang manggigitata ako ng pawis.
"Xav, 2PM na!" sigaw ni Addi mula sa silong, tumango ako at dinampot ang aking cellphone na nasa damuhan at naglakad papalapit sa kanila.
"Samahan niyo 'ko sa banyo, magpapalit na ako." Pag-aaya ko sa mga ito, tumango ang dalawa at umalis na kami ng field at dumiretso na sa pinakamalapit na banyo. Pumasok ako sa isang cubicle habang dala-dala ang bag na laman ang damit na isusuot ko. Isa itong black tennis skirt, at ang pang taas ko ay fitted na long sleeves na kulay puti, suot ko na rin ang puting sneakers na ka partner nito.
"Okay ba?" tanong ko kila Addi nang makalabas ako ng cubivle, sinuri ng dalawa ang suot ko bago tumango.
"Yep, maganda, simple pero makakagalaw ka nang maayos. Mag lalagay ka ba ng mak-up?" tanong ni Addi, tumango ako bago kinuha sa bag ko ang maliit na make-up pouch at doon na rin ay naglagay ng foundation, powder, simpleng eye shadow at lip gloss, ayaw ko naman na mag mukha na clown sa audtion.
"Oks na?" tanong ko sa dalawa at parehas itong tumango, inayos ko na ang mga gamit ko at inilagay sa eco bag bago kami umalis na ng banyo at pumunta sa gymansium. Nadadaanan pa namin ang ibang mga mag au-audition na naka-ayos na rin. Na insecure tuloy ako bigla, ang se-sexy nila, tapos halatang mga mamahalin ang damit.
Papasok kami ng gymnasium nang may mag message ulit sa akin at alam ko na si Bright ito. Pagbukas ko ng Messenger ko ay hindi ako nagkamali.
from boyfie:
Andito na kami sa gym, kasama namin sila Ayen, Tera, Aila, asan kana?
Hindi ko na sinagot ang kaniyang message at nagpatuloy na sa pagpasok sa gym, agad ko silang nakita na magkakasama na umupo, ang unang nakapansin sa akin ay si Aila na agad akong kinawayan at saka nila ako napansin. Maski ang ibang tao sa gym ay napalingon sa amin kaya bahagya akong nahiya habang naglalakad papalapit sa kanila.
"You look nice." ani agad ni Bright nang dumatng kami sa harap nila, hinawakan pa ako nito sa kamay kaya bahagya akong kinilig.
Sino ba naman ang hindi?! He's wearing glasses, a white shirt and a necklace, he just looks so fine 'no!
Nginitian ko ito, "Thanks." sagot ko dito, pina-upo ako nito sa tabi niya, sa pagitan nila ni Tera. Nagulat ako nang makita si Aila na tumatakbo papunta sa gawi namin, naka-upo lang 'to kanina ah.
"Xavi oh, number 3 ka." Ini-abot nito sa akin ang number.
"Ipinalista na kita." ani nito at nagpasalamat naman ako. Wala nang atrasan 'to.
"Hey, don't be nervous, it's fine, no matter what happens, it's fine, okay? You're tapping your feet so fast." ani nito bago bahagyang hinawakan ang hita ko para matigil ang pagtaas-baba nito.
Napangiti naman ako at huminga ng malalim, "Hindi ko maiwasan na hindi kabahan, siyempre ang daming nanonoood. Plus yung mga members ng cheer dance manonoood din." sagot ko dito, nginitian naman ako nito na siyang ikinabilis lalo ng tibok ng puso ko.
"Okay, but don't be too nervous, sige ka, hindi mo ma e-execute nang maayos ang routine mo kapag masyado kang kinabahan." Bulong nito at tumango ako, naramdaman ko na dahan-dahan niyang inabot ang aking kamay at pinag-isa ang aming mga kamay. Ang kaniyang hinlalaki ay hinihimas pa ang aking kamay kaya kahit papaano ay nababwasan ang kaba ko.
Nang mag alas tres ay nagsimula na ang audition. Nagsalita muna ang mga members at ang mga trainers.
"May we call on our contestant number 1? Please own the stage." ani ng trainer, lumapi na ang babae sa unahan at tumugtog na ang speaker. Sinusbukan ko na hindi masindak sa kaniyang routine, pero aaminin ko na maganda ito kaya naman pinalakpakan namin ito.
Nang number 2 na ang nasa unahan ay tumayo na ako para bumaba, nang nasa baba na ako ay nilingon ko ang mga kaibigan ko at mga nakangiti ito sa akin kaya naman humin ga ako ng malalim.
"Than k you contestant number 2, please, number 3, the stage is yours." Ibinigay ko sa nasa sound system ang aking phone at sinabi kung aling kanta ang pipindutin bago pumunta sa gitna, ang mga kabigan ko ay nag-ingay na kaya naman huminga ako nang malalim nang marinig na ang intro.
Ibinigay ko na ang lahat sa simula palang, para sa huli ay wala akong pagsisi na hindi ko ginawa ang best ko. Nangangahalati na ang kanta nang mapatapak ako sa madulas na parte ng sahig, akala ko ay matatapilok lang ako pero biglang bumaliktad ang aking paningin at nasundan ng sakit sa aking braso, nakita kong napatayo sila Bright mula sa kanilang kinauupuan nang bumagsak ako sa sahig. Pero agad akong tumayo at itinuloy ang aking sayaw, kahit ang sakit sa aking sakong ay halos mapaiyak na ako.
Mabuti nalang ay dalawang minuto lang ang routine ko kaya naman natapos ko ito agad nang hindi ganoon katagal na iniinda ang sakit.
Nang matapos ang tugtog ay napapalakpak sila, may dalawang member ng cheer dance na agad akong dinaluhan.
"Hey, are you okay? Kailangan mo ba ng medic?" tanong ng isang senior, nginitian ko ito at umiling.
"Okay lang po ako, " sagot ko habang inaakay nila ako papunta sa may bench.
"Xav!" Ang mga kabigan ko ay napaharipas ng takbo papunta sa akin at nangunguna pa si Bright.
Agad itong napaluhod sa aking harapan, "Where does it hurt?" ani nito habang dahan-dahan na hinahawakan ang aking paa.
"Okay lang ako." ani ko bago nagpilit ng tawa.
"Hey, she needs this." ani ng isang senior bago ini-abot kay Bright ang ice pack.
"It's fine, it's fine, Xav, don't cry." ani sa akin ni Tera, muli akong nagpilit ng tawa habang pinipigilan ang aking mga nanginginig na luha.
"Gaga hindi, okay lang ako." ani ko bago kumawala ang isang luha na agad kong pinahid. Nararamdaman ko na may humihimas sa aking likod na hindi ko na naagwang lingunin, si Luke ay ini-abot sa akin ang aking tubigan, si Ayen at Aila ay pinupunasan ako ng pawis habang si Bright ang ans aaking paahan at nakalapat ang ice pack sa aking sakong.
"You still did a great job." Narinig kong turan ni Noah at agad naman tumango ang iba.
"It's their lost kapag di ka nila tinanggap." ani ni Bright ay bahagya akong napatawa.
Nanatili kaming andon sa baba habang pinapanood ang mga sumunod sa akin, marami-rami ang nag audition kaya naman natagalan kami doon.
"Good afternoon everyone, the results are here, are you ready for the results?" tanong ng senior na hawak-hawak ang results.
"This is in order 1-36, we would like to congratulate all of you, for those who won't be in the list, there's always next time." ani nito, umalis muna si Bright mula s apagkakaluhod sa aking harapan bago tumabi sa akin at hinawakan ang aking kamay.
"Starting from, number... 4, 7, 12, 14, 16, 17, 19, 21, 22, 23 , 24, 27, and 31. Congratulations to all who passed!" ani nito at ako naman itong agad pumalakpak.
"Hey, Xav, are you okay?" Malambing na turan ni Bright sa tabi ko, nilingon ko siya at ngumiti.
"Oo naman, tara na? Uwi na tayo?" Pag-aaya ko at tumango ito bago ako tinulungan na tumayo.
"Me and Xavi will take a taxi kasi mahihirapan siya sa jeep, una na kami." ani ni Bright at tumango ang aming mga kaibigan.
Nauna kaming lumabas ng gymnasium dahil nakakapaglakad pa rin naman ako nang maayos. Nang makalabas kami ng campus at makasakay ng taxi ay tahimik lang ako, pinipigilan ko na umiyak dahil wala naman itong magagawa. Mabilis lang kaming nakarating ng apartment at medo hassle ang pag-akyat ng hagdan pero kinaya ko naman.
"Bri..." tawag ko dito habang naka-upo sa sofa, mula sa kusina kung saan naghahanda siya ng ice pack ay nag hum ito.
"Order tayo sa Food Panda, gusto ko ng cake, ng donuts, ng milktea, ng cookies." ani ko habang nakatulala sa TV.
"Sure sure, hold on." ani nito bago bilis-bilsi na naglakad papunta sa gawi ko at ini-abot sa akin ang ice pack na inihanda niya at kinuha ang phone niya.
"Ako magbabayad, gusto ko yung cake sa Red Ribbon, yung chocolate, yung maliit na black forest, tapos yung sugar glazed donut ng Krispy Kreme, tapos kahit ano na chocolate milktea, tapos oreos." ani ko bago nanginginig ang luha sa aking mga mata.
"Okay, okay, we'll get that." ani nito habang busy sa paghahanap sa kaniyang cellphone. HInahayaan ko lang siya sa akniyang ginaagwa habang ako itong nakapikit at nararamdaman na ang mga luha sa aking pisnge.
"Okay, done, it'll be here in few- hey, ssshh~ it's okay, I know you're upset." I felt his arms around my shoulders as he pull me closer to his chest.
"Iyak ka lang, I'm here, I'll comfort you." ani nito habang hinihimas ang aking balikat at ulo.
"Nakakahiya kasi, ako lang yung nadulas, I'm sure mukha akong tanga noong nadulas ako. Tapos ang taba ko pa, who would even accept a plus size in a cheer dance team?" Umiiyak kong turan sa akniyang dibdib.
"Hey, you're not that mataba, you're healthy, you're soft, you're a cuddle material girlfie, nothing is wrong with you, it's their decision na hindi ka tanggapin." ani niya habang patuloy na hinihimas ang aking braso. Patuloy lang ako sa pag-iyak sa kaniyang dibdib. And he was being all these sweet na hinahayaan akong umiyak, he's not even removing his arms around me, just consoling me that everything is fine.
Maya-maya ay may kumatok sa pinto, akala ko ay mga kaibigan ko iyon pero nang tumayo si Bright para buksan ang pinto ay ang land lady pala namin iyon.
"May delivery kayo sa baba." ani nito at tumango si Bright, kinuha ko ang wallet ko at ini-abot ang one thousand kay Bright dahil siya nalang ang bababa.
Naghintay ako nang ilang minuto bago siya bumalik, dala-dala ang mga bag.
"I'll get us a plate-"
"No no no, just a fork." ani ko at kumunot ang noo nito bago tumango at kumuha ng tinidor bago dinala sa akin ang mga pagkain. Ang una kong binuksana y ang cake na hindi ko na inabalng gayatin pa at kinain ko nalang ito mula sa kahon.
Narinig kong napatawa si Bright, "That's right, food will make you feel better. But can I have a bite?" tanong nito at napatawa ako bago siya sinubuan ng cake.
"You're cute when eating, if you're not just on a diet, lagi na sana kitang dinala sa mga kainan." ani niya a napatawa ako, muli niyang ibinalot ang kaniyang braso sa aking balikat habang pareha skaming kumakain at naonood ng TV.
I'm glad I have him, on this time, on this situation, to comfort me and make me feel that everything will be fine. I sometimes think if I really deserve him, then I realized... I really do.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com