Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

37



"You look extra happy today, why?" tanong sa akin ni Aila nang lumabas ako ng kwarto. Naka-ayos na ako, nakabihis na at handa nang pumasok. Nakaligo na at nakapag lagay ng kaunting make up at naka-ayos na rin ang aking buhok. 


Napa-upo ako sa isang bangko sa dining habang pinapanood si Aila na nagluluto. 


"Well..." napangiti ako bago napa-irit at napatakip sa aking mukha dahil nararamdaman ko na ang pag-init nito. 


"Hala! Hala! Hala! Hala siya! Kilig na kilig mare! Anong meron sayo?!" tanong nito bago inilapag ang ulam namin na binabad na tapa sa lamesa. 


Inalis ko ang aking kamay mula sa pagkakatakip sa aking mukha at bahagyang inayos ang nagulo kong buhok. 


"Well... ano kasi..." hindi ko maituloy-tuloy ang aking sinasabi. Si Aila itong napapangiwi nalang sa aking tabi. 


"Ano? Sige Xavi, ano? Hindi ko sasandukin yung kanin hanggang hindi mo sinasabi kung anong meron sayo today." ani nito na bahagya ko pa na ikintawa. 


Huminga ako nang malalim, "Well... 1st anniversary namin ni Bright ngayon, iyon lang naman." ani ko at napanganga ito sa gulat. 


"Gaga! Congrats! Ano feeling ng may ka first anniversary ka ngayon?" tanong niya bago napahampas sa braso ko. 


Napahagalpak naman ako ng tawa, "Masaya!" Halos isigaw ko iyon, parehas kamng napahagalpak ulit ng tawa habang naghahampasan pa sa braso. 


"Luh, anong nangyayari sa inyo?" tanong ni Arven nang lumabas ng kwarto, dala-dala ang kaniyang mga damit na pampasok. 


"Si Xavi! May ka 1st anniversary na!" ani ni Aila at nanlaki ang mata ni Arven. 


"Congrats po! Sana all! Lord when kaya?" Turan nito habang nakatingin pa sa kisame ng apartment at animo ay nanalangin. 


"Next year daw sabi ni Lord." ani ko at nagmulat na ito. 


"Talaga? Salamat Lord." ani niya at muli kaming napahagalpak ng tawa. 


Bumukas ang pinto ng banyo kung saan lumabas si Ayen, "Ang ingay niyo, rinig na rinig kayo sa banyo." ani nito, nagkatinginan kami nila Aila at Arven bago napatawa. 


"Ay sorry po," ani ni Aila bago nag peace sign at umalis na sa aking tabi para mag sandok ng kanin. 


"Pakitawag na sina Addi at Tera kasi kakain na tayo." ani ko kay Ayen na papasok ng kwarto. Nasa loob kasi ang dalawa at nag-aayos na rin ng kanilang mga sarili at naghahanda sa pagpasok. Pagkalapag ni Aila ng kanin sa hapag ay silang dalawa ni Arven ang unang kumain. Mga tatlong minuto at lumabas na ang tatlo sa kwarto na hinihintay ko. 


Gaya na ng aking nakasanayan ay hindi ako kumakain ng kanin sa umaga. Tanging ulam lang ang aking kinakain. Mabuti nalang at malaki ang budget namin para sa pagkain. Anim ba naman kami na kumakain dito. Talagang dapat lang na hindi namin tinitipid ang mga pagkain namin. 



"Woy, alam ko kung anong meorn ngayon." ani ni Tera habang nasa jeep kami papuntang UP. 


Napalingon ako sa kaniya at hindi makapaniwala siyang tiningnan, "Alam mo?" tanong ko at tumango ito. 



"First anniversary niyo today diba?" tanong nito at tumango ako. 


"Anong balak niyo?" tanong ulit niya, doon ay nagkibit balikat ako. 


"Awan, ano ba dapat ang ginagawa? Celebrate? Kakain?" tanong ko dito at utay-utay siyang tumango. 


"Could be naman, nasa inyong dalawa na kung anong gusto niyong gawin para i-celebrate itong araw na ito." ani niya at tumango nalang ulit ako bago naglayo na ng tingin sa kaniya. 



Hmm, ano kayang pwede namin gawin today? Thursday ngayon, maganda sana kung Friday para walang pasok kinabukasan. Siguro ay kakain nalang kami mamaya sa labas. 



Pagpasok namin ng campus ay laking gulat namin nang may biglang humarang na red rose sa aking harapan. Saka ko lang napagtanto na si Bright iyon nang mag-angat ako ng tingin. Ayan daldal pa kasi, hindi nakatingin sa dinadaanan. 


"Happy first!" Nakangiti nitong turan, gumuhit ang malaking ngiti sa labi ko bago tinanggap ang rose na kaniyang ini-aabot sa akin. 


"Thank you, happy first!" Bati ko pabalik sa kaniya bago inamoy ang rose na bigay niya. Infairness ha! Totoo siya! At ang bango-bango! 


"Respeto po sa single!" Sigaw ni Arven na ikinahagalpak namin ng tawa. 


"Stay strong nalang po. Iyon lang masasabi ko at sana all na rin." ani ni Addi, 


"Ang bi-bitter niyo." ani ni Marc at sinamaan siya ng tingin ng mga kaibigan ko. 


"Ay gago, joke lang naman!" ani nito at muli kaming napahagalpak ng tawa habang ang mga kabigan ko ay masama pa rin ang tingin sa kaniya. 


"Tara na nga, una na kami Xavi." Paalam ni Tera, bahagya naman nanlaki ang aking mga mata. 



"Uy, magkaklase tayo sa first period. Sasama na ako sa inyo." ani ko dito, bahagya siyang natawa. 


"Ay oo nga! Tara na!" Sinenyasan ako nito na sumama na. Muli akong nagbalik ng tingin kay Bright. 


"Una na kami, kitakits mamayang lunch." ani ko at tumango ito. Sumama na ako kila Tera pag-alis at lumingon pa kila Bright at kumaway habang naglalakad palayo. 




Sa first period namin ay hindi naman gaano nalugaw ang utak ko. Sa totoo pa nga ay naiintindihan ko ang dini-discuss ng prof namin at nakakasagot pa ako. Isa kais ito sa mga science related subject kaya naman magaan ang pakiramdam ko dito. 


Sa second period namin ay hindi siya major subject kaya naman maikli lang ang oras na ginugol namin dito. Pero hindi porket hindi na siya major subject ay babalewalain ko na siya. Kaya naman iniintindi ko pa rin ito at inaaral nang mabuti. 


Nang mag lunch na ay sabay kaming lumabas ni Aila ng classroom, siya kasi ang kaklase ko sa second subject sa umaga. 


"Nasa UPTC na daw sila Tera, Addi, Ayen and Arven, pati si Bright at ang tatlong palaka." ani ni Aila at napahagalpak ako ng tawa habang naglalakad kami sa hallway. 


"Ang bad niyo, palaka talaga?" ani ko dito at napabungisngis siya. 


"Sabi ni Ayen eh, siya ang tumawag na tatlong pala." ani nito at napatawa ako bago tumango. 


"Ang laki yata ng galit ni Ayen sa tatlong 'yon." ani ko habang patuloy kaming naglalakad at lumabas na ng building. 


"Ang alam ko, magkaklase silang apat sa isang subject. Tapos naging magkaka group sila sa isang project, baka doon nagsimula galit niya." ani nito bago napahagalpak ng tawa. Napakamot nalang ako sa aking ulo bago nagpatuloy sa paglalakad.  



Pagpasok namin ng UPTC ay nag message si Aila sa group chat at tinanong kung nasaan silang kainan. Tumigil muna kami sa isang tabi at hinintay na mag reply ang mga ito. Nang sumagot na ito at sinabi kung nasaan sila ay pumunta na kami doon, Mabuti nalang ay malaapit lapit ito sa kinatatayuan namin. 



"Hi! Nag order na kayo?" tanong ko agad sa mga ito bago umupo sa tabi ni Addi. 


"Nag order na kami, may inorder kami na panglahatan pero mag order pa rin kayo ng para sa inyo kung gusto niyo." sagot ni Arven at tumango ako. 


"Ano ba yung inorder niyo?" ani ko bago dinampot ang menu. 


"Sisig tapos buttered chicken, may mga rice meal kami na inorder na tig-iisa kami." sagot ulit ni Arven, habang namimili ako ng aking o-orderin ay may nag text sa cellphone ko. Dinukot ko ito mula sa bulsa ng aking bag at nakita na si Bright ito. Agad akong naglibot ng tingin kahit hindi pa man lang tinitingnan ang kaniyang message. 


Nakita ko sila sa sulok ng restaurant na nakatingin na rin sa aking gawi. Napangiti ito at ako naman itong kumaway sa gawi niya. Mas lumawak ang ngiti niya at kumaway pabalik. 


Nagbalik ako ng tingin sa menu at namili. Nang may mapili na ako ay naghanap ako ng waiter at tinawag ito na agad din lumapit sa amin. 


"Yes ma'am?" tanong nito, 


"Kuya padagdag naman po ng isang... fish fillet rice meal sa order namin." ani ko at tumango ito. 


"Kuya akin naman po ay... dinuguan tapos isang order ng rice." ani ni Aila at tumango ang wiater. 


"Is that all ma'am?" tanong nito at tumango nlanag kami bago ini-abot na sa kaniya ang menu. 



Nag kwentuhan kaming anim habang naghihintay ng order namin. Paminsan minsan ay dumadaan si Bright  sa may table namin para kumuha ng tubig. Pero alam naman namin na nagpapansin lang ito kaya napapatawa nalang kami. 


Pag dating ng order namin ay napatawa kami dahil sa dami nito at halos mapuno na ang table namin. 


"Buti hindi na kami nag order ng dessert." ani ko habang kumakain kami. May order pa kasi na banana split ang mga ito at hindi manlang sinabi sa amin. Buti nalang talaga hindi ako nagpa-akit doon sa leche flan sa menu. 


Ganito talaga kami tuwing kakain sa UPTC o sa labas ng campus, akala mo ay laging may sine-celebrate kahit wala naman. Minsan nga ay libre pa ni Addi, Tera o Ayen ang pagkain namin, kapag inaabot-abot ng pagiging galante ang mga ito. Mabuti nalang at 1:30 at 2PM pa ang mga classes namin. Natagalan kasi kami sa pagkain dahil sa dami nito. Para kaming mga puputok na ang tiyan sa sobrang busog nang maubos na namin ang mga pagkain sa lamesa. 



"Tara na, malapit na mag 1:30." ani ko sa mga ito. Paglabas namin ng restaurant ay laking gulat namin nang matagpuan sila sa paglabas ng restaurant. 


"Naghintay talaga kayo?" tanong ko sa mga ito, umalis ito mula sa pahkakasandal sa pader at tumango. 


"Magkakaklase rin naman tayo, kaya sabay-sabay na tayong pumasok." ani ni Bright at napatawa nalang kami bago umalis na ng UPTC at bumalik sa campus. 


Sa last period kami naging magkasama ni Bright, siyempre, agad itong tumabi sa akin nang matagpuan ako nito sa loob. Pero hindi naman kami naglalandian sa gitna ng klase 'no! Nakikinig pa rin kami nang maayos. 



"Hey, so... what do you want to do for our 1st anniversary?" tanong nito sa akin habang naglalakad sa hallway, our hands intertwined with each other. 


"Well... ahm... di ko alam. Siguro ano... ahm... parang gusto ko mag amusement park kaso may paosk bukas." ani ko at utay-utay siyang tumango. Nakalabas na kami ng building at medyo madilim na sa labas. 


"Let's celebrate tomorrow? Kain nalang tayo sa labas tonight tapos bukas ng hapon... punta tayo ng... amusement park?" turan ko dito, gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi at tumango. 


"Sure, that would be fun!" ani nito at tumango ako. 


"Let's... buy a cake tapos kaInin natin sa park?" ani niya at napatawa ako bago tumango. 


Pumunta kami sa pinakamalapit na cake shop sa may UP, bumili kami ng chocolate cake at nanghingi na rin ng tinidor. Dinala namin ito sa Rizal Park, marami-rami ang tao dito kaya hindi nakakatakot na mag stay dito. May kasamang kandila ang binili namin na cake at kinailangan pa namin na bumili ng posporo. 


"Let's shout happy 1st anniversary then we'll blow the candle, okay?" ani nito at tumango ako. 


"1... 2... 3!"


"Happy first anniversary!" 


"Happy first anniversary!" 


Nagkatinginan kaming dalawa at napatawa bago ibinaba na ang cake, kinuha ko ang mga tinidor na nas atabi ko at ibinigay sa kaniya ang isa. Siyempre nauna akong kumain, hindi ko alam kung bakit hindi pa siya kumakain. Pero nang mag-angat ako ng tingin ay nakita kong nakatulala ito sa akin at nakangiti. 


"Why? May amos agad ako?" tanong ko dito at napatawa siya. 


"Nope, may kaunti pero that's not the reason, you just... really look cute. Tsaka ang sarap mo tingnan lalo na kapag kumakain ka. You make me fall harder on you." ani niya at bahagyang napa-awang ang labi ko. 


"Corny." ani ko at bahagya siyang napatawa. 


"You're still not used to it?" tanong niya at umiling ako. 


"Yes, I am still not used on this feeling." sagot ko at tumango ito. 


"Why?" tanong niya at nagkibit balikat ako. 


"No one made me feel like this before. That's why it feels unreal when you say those things." ani ko at uaty-utay itong tumango. 


"Well... kahit ayaw mo maniwala, I'll still keep on saying that. Cause you're pretty, you're beautiful, you're nice, kind, deserve to be loved, to be taken care of. I love you Xavi..." ani niya at napa-awang ang labi ko. 


"Uulit-ulitin ko yan sabihin sayo, hanggang sa masanay ka at kahit sanay kana." Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi at pinipigilan na mamula ang aking pisnge. 


Lord, ganito pala feeling ng favorite mo na anak, 'no? 




Kinabukasan, gusto ko nalang matapos yung araw, at feeling ko isa talaga ako sa mga favorite na anak ni Lord. Dalawang prof lang namin ang nagklase at ang iba ay nagbigay nalang ng gawain o di naman kaya ay ng mga lecTure topics para aralin namin. In short, libreng-libre talaga ako ngayong araw. Kaya naman alas tres palang ng hapon ay nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko na may pupuntahan kami ni Bright at ngayong araw kami mag c-celebrate talaga ng anniversary namin. 


"Saan amusement park tayo pupunta?" tanong ko dito habang naghihintay kami ng taxi sa labas. Feeling ko ay malayo-layo ang pupuntahan namin dahil sa taxi kami sasakay. 


"Mhmm... you'll know kapag nakasakay na tayo." ani niya at tumango nalang ako. 


Maya-maya ay may taxi na nga na tumigil sa harap namin at hindi na ako mapakali. 


Nauna akong pumasok at umikot naman siya sa kabila. 


"Kuya Star City po." Napanganga ako nang sabihin niya iyon sa driver. Nang tumingin ako sa kaniyang gawi ay nakangiti ito sa akin. 


"Are you excited?" tanong niya at tumango naman ako. 


Matagal na akong hindi nakakapunta sa Star City, noong 6 years old pa ako ang naging huling punta ko dito. 


"Pagod ka ba sa class? You can sleep if you want, mga 1 hour na biyahe 'to ayon sa map kagabi." ani niya at tumango ako. I held his hands and intertwined with mine before leaning on his shoulder to use as my pillow. Dahil medyo malamig ay ilang segundo palang akong nakapikit ay nakatulog agad ako. 



Nagising ako nang tapikin ako ni Bright sa balikat. Pag mulat ko ay nasa harap na kami ng Star City. Parang lumabas ang pagkabata ko at agad sumabog ang excitement sa katawan ko. 


"Kuya bayad po." Narinig kong turan ni Bright, nang marinig ko na nagbukas na ang pinto sa side niya ay binuksan ko na rin ang akin at lumabas na. 


"Wow! Ang ganda!" Turan ko na parang bata. Ang laki na ng naging pagbabago dito. At siyempre, malabo na ang ala-ala ko dito noong bata palang ako. 


"I'll get s the tickets, you paid for the fair." ani ko dito na may halo pa na pagbabanta. Napatawa nalang siya at tumango. 



Sa counter ay mabuti nalang hindi gaano kahaba ang pila. Nakabili agad ako ng tickets namin na ride all you can. 


"Where do you want to go first?" tanong nito sa akin nang makasok na kami sa loob. 


"Ahm... Wacky Worm!" ani ko at tumango ito. Pumunta na kami sa Wacky Worm at hinintay na makasakay kami. Nang makasakay kami sa rides ay hindi na ako mapakali. Excited na excited na talaga ako. 



"Ayan na!!" ani ko nang umandar na ang rides. Sa bawat ikot nito ay pabilis na ito nang pabilis kaya naman napapakapit ako sa braso ni Bright. 


"Ahh!! Wow!!! AHHH!!" Napapahagakpak ng tawa si Bright sa bawat sigaw ko. 


"WAHHH!! MAMA!!" 


"Xavi ang ingay mo! HAHAHAH!!" Hagalpak ng tawa ni Bright nang mas bumilis pa ito. Maya maya ay utay-utay na itong bumagal. Napahinga ako nang maluwag at inalis ko na ang pagkakak kapit ko kay Bright. 

"So... saan tayo next?" tanong nito habang umiinom ako ng tubig. Bumili muna kami ng tubig mula sa malapit na stall dahil nanuyo ang lalamunan ko sa kakasigaw. 


"Ano... Snow world." ani ko dito at tumango siya. 


Sa Snow world naman ay hindi kami ganoon nagtagal. Dahil habang naglalakad kami sa paligid ay nangitim bigla ang labi ko. Kaya naman agad akong dinala ni Birght sa may pinto at kinatok niya ito para buksan ng mga staff. 



"Here, drink this." ani nito nang i-abot sa akin ang mainit na espreso. 


"Maitim pa rin?" tanong ko, pinagmasadan niya ang labi ko at umiling. 

"Maputla nalang, pero inumin mo pa rin yan." ani niya at tumango ako. 


Nagpalipas lang kami ng oras doon at inubos ko lang ang kape bago kami sumabag ulit sa rides. Napapagusto ako na pumaosk ng horror house pero baka masapak ko ang mga tao doon kaya huwag nalang. Sa mga rides nalang kami nagtuon dahil sayang ang ride all you can namin na ticket. 


"Anong oras na?" tanong ko dito, 


"Malapit na mag 8PM." sagot niya at tumango ako. 


"Let's ride the Ferris Wheel." ani ko at tumango siya bago dinala ako sa may Ferris Wheel. Agad kaming nakasakay dahil kakaunti nalang ang tao. 



"Xavi, look here!" Paglingon ko sa kaniya ay nakahawak siya sa kaniyang cellphone at kukkunan ako ng picture kaya naman nag pose na ako. 


"Sama tayo!" ani ko at kinuha ang cellphone ko mula sa aking bulsa at nag picture kaming dalawa. 


"We look good here." ani ko at tumango siya habang parehas namin tinitngnan ang picture. 


When I look at him, I realized our faces are inches apart. 


I saw how his eyes travelled on my lips. I didn't realized I bit my lower lip out of the different feeling inside of me. 


Until our face got closer and closer to each other until our lips finally met. I didn't know how to react or what to do. But he was guiding my lips on the movements. My hands travelled on his neck as he pull me closer to his face. I was dancing with his phase until we are both out of breath as we pull away. 


I felt how hot my cheeks are, I'm probably blushing by now. 


He chuckled, "Was that your first?" tanong niya at napakagat ako sa labi ko bago tumango. 


"Mhmm, kinilig ka 'no?" Pang-aasar niya, napasimangot ako bago siya pabirong hinampas sa braso na ikinatawa niya. 


Lord, deserve ko ba talaga yung ganitong pagmamahal? Hindi ba parang sobra naman?


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com