Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

38


Seven years feels like a dash. My  4th year in UP was the toughest. Sa year level ko na iyon ay halos madalang na kaming magkita ni Bright. And he understands it. He was also reviewing for his licensure exam for accountancy. I sometimes feel jealous that he is already done with studies and will work soon while I'm still suffering in 4th year pre-med. 


He made it to the licensure exam, he wanted to celebrate with me but I couldn't. I was really packed with requirements. So I told him to celebrate with his friends. Noah also didn't made it that night cause both of us was still in pre-med phase. 

The time we graduated in UP, I didn't ask for a big celebration, instead, I ask for space and peace of mind and lots of foods. And what I mean by that is for them to let me sleep the whole day, let me have foods I want, let me do things I want. I think I deserve it, right? I was Cum laude when I graduated so I pretty much deserve this rest. Bright would call me once a week during summer. Cause he knows about my request too. He is already working that time and saving up money for himself. We indeed gone adult. He got more mature, more masculine and more handsome. Minsan nga ay nag-aalala ako na baka may maganda siyang ka-trabaho at baka may lapit nang lapit sa kaniya. But he assures me that he always introcuce himself as taken and happy in a relationship. Aba dapat lang, baka mawala yung pagod ko at maka luwas ako ng Manila para lang puntahan kung sino man na babae ang lapit nang lapit sa kaniya.


Hindi ko gaanong na enjoy ang kalahati ng bakasyon ko dahil nag review pa ako para sa qualification sa med school at nag take pa ng exam siyempre. Sa awa ng Diyos ay makakatuloy pa ako sa med school.

Parang kisap mata na natapos ang bakasyon at pumasok na ako sa med school, medyo nakakawala siya sa ulirat noong una. First day tapos recitation? Mabuti nalang ay nakapag basa-basa na rin ako noong bakasyon. 


Mabuti nalang din at ang dati namin na apartment na malapit sa UP ay available pa at doon ulit ako nag renta. Kasama ko si Addi at Ayen dahil nag do-doktor din ang mga  ito, pedia naman siya, Ob ang akin habang surgeon si Ayen. Ang mga kaklase ko noon ay kaklase ko pa rin ngayon sa UP med school, si Noah ay nagiging kaklase ko rin sa ibang subject dahil surgeon naman ang tinatrabaho niya. Puro text at call nalang kami ni Bright, minsan ay video call kapag gusto niya akong makita o di naman kaya ay gusto ko siyang makita. 



Swerte na kung makaka tatlong date kami sa isang buwan. Kung wala-wala naman at packed talaga ang schedule ko ay pupunta nalang siya sa apartment namin at ipagluluto ako para doon kami kumain. Kapag kasama ko nalang din siya ay saka ako nakakapag relax. Nag workout sa amin ang ganon na set up for four more years. Until I graduated in med school and I finally reached residency. Parang nabawasan ako ng maliit na tinik sa spinal chord ko nang maka-abot ako ng residency. Ilang case din halos ng energy drink ang nainom ko bago ako maka-abot ng residency 'no. Ilang palitipate din ng puso. Isama pa yung pagkuha ko ng lisensya. Doon talaga ay napa hagulgol ako sa iyak nang sabihin sa akin ni Addi na may results na si Ayen naman ay nagka mental breakdown pa ng mga oras na iyon, mukha kaming mga tanga na talon nang talon sa apartment at nag-iiyak. Matapos nang malaman namin ang results ay agad namin na ipintawag ang mga kaibigan namin at nag celebrate. Iyong gabi talaga na iyon ay kumain ako na para bang wala nang bukas. Papasok ako ng residency na curvy pero chubby which is gustong-gusto ni Bright. Kapag niyayapos ako nito ay halos ayaw na akong bitawan dahil ang lambot-lambot ko daw, ginawa akong unan! 




"Addi, una na ako, sure ka na mamaya ka pa papasok?" tanong ko kay Addi na nakatulala sa kawalan habang ako itong nag-aayos na ng damit ko. Si Ayen naman ay kani-kanina lang umalis, di talaga ako hinintay ng babaeng 'yon!


Tumango ito, "Oo mare, sige na, una kana." ani nito at napatawa ako bago tumango. Kinuha ko ang bag ko sa may kama ko at nagpaalam na dito. Si Addi talaga, hindi mukhang doktor sa lagay niya tuwing umaga. Para siyang dugyot na pulubi. 


Pagkalabas ko ng apartment ay sinigurado ko na nakalock iyon, baka mapasok pa yung isa ng kung sino. 



"Good morning doktora." Tuwing umaga pagbababa ko ay binabati ako ng land lady namin, umaga palang tuloy ay ang gaan na ng pakiramdam ko. 


"Good morning po, nasa taas pa po yung kaibigan ko." ani ko at tumango ito at ako naman ay nagpatuloy na sa paglabas. Ang Grab na ibinook ko ay naghihintay na sa akin kaya naman agad akong naka-alis. 



Pag dating ko sa ospital ay naabutan ko si Ayen sa quarters namin na may inaasikaso na papeles. 


"Stressing ba ang morning mo?" tanong ko dito nang ibaba ko ang bag ko sa isang lamesa. 


Umiling ito habang nakatuon pa rin ang attensyon sa kaniyang ginagawa, "Hindi naman, sakto lang." ani niya at tumango ako. Nag log-in na ako sa aming attendance bago siya tinabihan at nag-asikaso na rin ng mga bagay-bagay dito. 


"Doktora Santos, ipinapatawag tayo ng ating senior." Parehas kaming napa-angat ng tingin ni Ayen nang magsalita si Noah. Nagkatinginan muna kami ni Ayen bago ito tumayo at tinanguan si Noah at sumunod dito. Naiwan nanaman akong mag-isa, asan na ba kasi si Addi?! 


Maya-maya ay dumating na ang iba namin na kasama, maski si Addi ay nakarating na rin, 30 minutes late nga lang. 


"Oh, alam kong gutom kana." Inilapag nito ang sandwich na galling 7/11 na binili nito. 


"Ay, salamat! Binabawi ko na nga ang sinabi ko kanina na mukha kang dugyot na pulubi." Pagbibiro ko dito bago dinampot ang inilapag niyang sandwich at binuksan ito. 


"Alam mo, siraulo ka." ani nito habang nag lo-log in sa attendance, napatawa naman ako habang ngumunguya. 


Nang tumunog ang aking cellphone ay agad ko itong sinagot. "Hello? Nasa trabaho kana?" tanong ko kay Bright, alam ko kasing siya ang tumatawag dahil routine niya ito kapag nakakarating na siya ng trabaho niya. 


[Mhmm, yes, and late si Tera.] ani nito bago sinundan ng hagikhik. 


[Alam mo Bright, hindi ka magandang ka trabaho!] Narinig kong inis na turan ni Tera mula sa kabilang linya. 


"Hayaan mo na, si Addi nga rin late." ani ko bago nilingon si Addi na ang sama ng tingin sa akin. 


"Putangina mo." she whispered before raising a middle finger na ikinatawa ko. 


"Normal lang 'yun sa mga masisipag mga trabaho." ani ko habang hawak-hawak sa kabilang kamay ko ang isang records ng isang pasyente. 


[Oh... so parehas tayong hindi masipag mag trabaho?] tanong nito, napatawa ako nang bahagya. Alam na alam niya na parehas kaming maaga na pumapasok. 


"Sira, magaling lang tayo sa time management." ani ko at napatawa din ito mula sa kabilang linya. 


[Are you free later?] tanong niya at napakunot ang noo ko bago tiningnan ang kalendaryo sa harap ko. 


"Yep, its March 3 today and wala naman kaming masyadong gagawin, why?" tanong ko dito. 


[Let's have a date later, matagal-tagal na rin tayong hindi nakakapag date.] ani niya at napangisi ako. 


"Sure, no problem." sagot ko at nag-hum ito. 


[I have to go now, our work is about to start. Bye, love you!] 


"Bye, love you too." I replied before he ends the call. Nasanay na siya na siya ang nagbababa ng tawag dahil alam niya na hindi ako ang magbababa ng tawag. 



Hindi nagtagal ay may senior na rin na nagtawag sa akin at nagsimula na ang trabaho. Na walang humpay naman ito kahit lunch break na. takbo doon, takbo dito. Nadadaanan ko yung iba ko na kasamahan ay kumakain na habang ako pawis na pawis sa pag aasikaso sa mga pasyente. Okay lang naman na umaga palang ay hectic na, sana nalang ay mamayang hapon ay hindi na. 


Mag a-alas dos na nang makakain ako ng tanghalian. Dahil kaka sweldo ko palang naman ay may budget pa ako para makakain ng masarap kaya inakit ko muna ang iba kong kasamahan sa malapit na McDo sa pinag tatrabahuhan namin para makakain ng masarap. Nakakasawa na rin kasi ang pagkain sa ospital. Mabilis lang kaming kumain dahil baka kailanganin din kami agad. Pero siyempre hindi ko hinayaan na hindi ko ma enjoy ang lunch ko. Late na nga tapos di ko pa ma e-enjoy. 



to boyfie: 

I ate lunch na, it's late, I know, huwag kana magalit. Gusto mo ipalunok ko sayo yung forceps? 


Nang makabalik ako sa aming quarters ay agad akong nag message kay Bright, alam ko na hinihintay ako nito na mag inform sa kaniya na kumain na ako. Ako muna ang nag t-text sa kaniya dahil alma niya na busy kami dito. Kung kailan ako mag message ay siya lang din siya mag m-message. Kapag di siya sumasagot, ibig sabihin lang ay busy siya. 


Hindi agad ito nakasagot kaya naman alam ko na busy ito. At habang naghihintay ako ng reply niya ay may pasyente kami na kinailangan asikasuhin kaya  iniwan ko muna ang cellphone ko. 


Isang oras ang nakalipas nang muli kong tingnan ang cellphone ko, may reply na siya. 



from boyfie: 

Grabe naman yung pagbabanta, hindi naman ako galit. 



Napahagikhik ako nang bahagya nang mabasa ito. 


to boyfie: 

Baka kasi magalit ka, advance lang ako mag-isip. 


Agad niya itong nabasa, mukhang di na siya busy. Sabagay, malapit na rin mag 4PM, 5PM ang tapos ng shift niya. 



from boyfie: 

Napaka advance naman, forceps pati agad! Hindi ba pwede na bulak lang? 


to boyfie:

Hindi pwede, forceps agad. 


from boyfie: 

Sige na, I know you're busy, I'll pick you up by 6PM. 


Hindi na ako nag reply sa kaniya dahil alam ko naman na hindi na nito kailangan ng reply. Nabasa ko naman pati iyon kaya sana by 5PM ay makauwi na ako. 


Iilang pasyente nalang ang inasikaso namin at bago man mag 6PM ay nasa apartment na ako. Sila Addi at Ayen naman ay nagpahuli pa dahil may pinuntahan pa na party ng kaibigan nila. Ako hindi na talaga nagkaroon ng mga bagong kaibigan. Mga kakilala lang, pero yung close na katulad kila Addi, Ayen, Arven, Tera at Aila? Wala na. 



"Xavi? Andito kana daw." Nakatowel pa ang ulo ko nang marinig ko ang pagkatok ni Bright sa labas. Agad akong lumabas n kwarto at binuksan ang pinto. 



"Late na natapos work?" tanong nito, napasimangot ako at tumango. 


"Biggest lie yung 5PM na end ng shift, 5:45 na ako nakauwi." ani ko habang naglalakad pabalik ng kwarto, pumasok na si Bright at isinara ang pinto. 


"You look ready to go out naman na, you're hair just needs fixing." ani nito habang naaksandal sa door frame ng kwarto namin, hindi siya pwedeng pumasok, hindi ko siya pinpayagan kaya hanggang door frame lang siya. 



"Oo nga, madali lang 'to, kaunting make up lang din." sagot ko dito at tumango siya bago umalis na ng pagkakasandal sa door frame. 


Gaya ng sbai ko ay mabilis lang ako na nag suklay at nagtuyo ng buhok bago naglagay ng manipis na layer ng make up. Nagsuot na rin ako high heels dahil ito ang bagay sa suot kong damit. 


"Uy, I'm ready na." Naagaw ko ang attensyon ni Bright na may tinitingnan sa kaniyang cellphone. Inusisa nito ang aking suot bago tumango at tumayo na, lumapit ito sa akin at iniharap ang cellphone niya sa akin. 


"May nag message sa Instagram ko, ikaw na sumagot," ani niya at napakunot ang noo ko bago kinuha ang cellphone niya na nasa mukha ko halos. 



Tiningnan ko ito, 



from Amiara: 

Hello po, you're the accountant from Xine Corp right? 


Napakunot ang noo ko at napatingin kay Bright, "Sino 'to?" tanong ko sa kaniya at siya itong agad na nagkibit balikat. 


"Hindi ko kilala, promise!" Itinaas nito ang kanan niyang kamay at napatawa ako. 


"Kung sino-sino ang nakakakilala sayo, halika." Sinenyasan ko siya na lumapit bago binuksan ang camera ng Instagram niya at kumuha ng selfie namin na dalawa bago sinend ito sa babaeng iyon. 


to Amiara:

Hindi, girlfriend niya 'to. 



"Let's go," ibinalik ko sa kaniya ang cellphone niya na agad niyang tiningnan at napangisi. 


"Ang cute mo kapag nagseselos-"


"Gago hindi, ako magselos? Nakita ko yung bio niya, estdyante ng Ateneo, ano ipagpapalit mo ang doktora mo sa isang estudyante?" tanong ko sa kaniya na may halong kaunting inis sa boses. Napahagalpak ito ng tawa bago napa-iling at inakabayan ako at lumabas na kami ng apartment. 


Nag taxi kami papuntang isang restaurant, malapit-lapit lang ito sa apartment ko at naririnig ko na rin na masarap ang pagkain dito kaya na excited ako nang malaman ko na dito kami pupunta. 



"Ang dami nilang foods." Bulong ko kay Bright nang i-abot sa amin ang menu. 


"Yes, kaya pili ka lang diyan." ani niya at napatango ako. 


Tingin palang ay alam ko na kung anong gusto ko, Buttered chicken wings, pork liempo and creamy pasta. 


"Bright," tinapik ko si Bright para kunin ang atensyon niya. 


"Itong tatlo sa akin." Itinuro ko sa kaniya ang tatlo kong pinili at sinabi niya ito sa waitress. Ibinigay na rin niya ang order niya at umalis na ang waitress. 



"So ahm... our 8th anniversary is in 6 days, anong plano mo?" tanong nito sa akin, napanguso ako nang bahagya habang nag-iisip. 


"Ahm... gusto kong sabihin na kila mama ang tungkol sa atin." ani ko. 


Yes, we've been in a relationship for 8 years pero hindi pa irn  ito alam ng magulang ko. Alam na ng magulang niya pero hindi pa ako nakakapunta sa kanila. Matatanda naman na kami tsaka may trabaho na kami parehas kaya okay naman na siguro kung sabihin namin sa magulang ko ang tungkol sa amin. 


Utay-utay siyang tumango, "Mhmm, that's nice, kinikilig ako." ani niya at bahagyang nanlaki ang mata ko bago kami parehas na napahagikhik. Nakakahiya kasi kung magtatawanan kami ditong dalawa nang malakas kaya pigil na pigil ang tawa namin. 


"Sira ka, para kang ewan." ani ko dito at muli siyang napahagikhik. 


"Hindi seryoso, magpa-practice na ako ng sasabihin ko." ani niya at bahagya ko itong hinampas. 


"Ikaw? Ano balak mo sa 8th anniversary natin?" tanong ko dito, nilingon ako nito at pinanliitan ako ng mata. 


"Bibili ako ng condo para sa atin." ani niya at nanlaki ang mata ko. 


"Para... kapag naikasal na tayo sa future, may titirhan na tayo." ani niya at tila ay bumibilis na ang tibok ng puso ko. 


"I won't ask you to live with me now, kasi we're not yet married, pero if you want, okay lang naman. But I'll buy a home for us para sa future, okay na, may titirhan na tayo. We don't have to rent in an apartment." ani niya at apakagat ako sa pang-ibaba kong labi. 


Ito na 'yon, siya na 'yon. Lalaking may plano para sa aming dalawa. Lalaking may plano para sa future namin. Ako na ang nagwagi. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com