41
"Oh, power! Ang doktora Alvarez hindi nakakalimot mag pills!" ani ni mamma, habang umiinom ng tubig ay halos masamid ako dahil sa sinabi nito.
"Ano mamsh? May dilig na ba? Update? Nakuha na ba ang perlas ng sinilangan?" tanong ng isa namin na kasamahan, ibinaba ko ang aking tubigan at pinunasan ang aking labi gamit ang likod ng aking kamay.
"Wala pa, hindi pa namin ginagawa." ani ko at napatawa ng pagak ang mga ito.
"Grabe, we're waiting ha, excited na kaming makita ka na pumasok ng paika-ika." ani ni mamma at muli akong napa bungisngis.
"Grabe kayo, huwag naman sana ganon. Baka hindi ako makapag trabaho ng maayos." ani ko bago kinuha ang aking clip board at tiningnan ang mga nangyayari sa aking pasyente.
"Aba, ganon talaga! Lalo na kapag unang beses niyong dalawa, ano pa siya... ahm... sabik na sabik, hindi makapag pigil, aggresive, hard, rough, fast--"
"Mamma!" Putol ko dito nang hindi ko na kinakaya ang kaniyang mga sinasabi.
Humagalpak ito ng tawa, "Tapos sa pader, sa ibabaw ng lamesa, sa pinto, sa sofa, sa banyo, sa lababo--"
"Tama na, iniisip ko palang parang di ko na kakayanin." Pagmamaktol ko na parang bata na siyang ikinahagalpak ng tawa ng mga ibang doktor na andito rin sa quarters.
"Kaya mo 'yan, tsaka mabuti na aware kana sa pwedeng mangyari. Para naman hindi ka gaano mabigla. Napansin mo na ba kung gaano kalaki? Kahit sa bakat lang?" tanong nito, napapikit ako ng mariin, naiiyak ako na natatawa dahil sa kaniyang mga sinasabi.
"Mamma naman, hindi ko naman gawain na tingnan yung bakat niya." sagot ko dito,
"Kahit minsan? Hindi mo manlang nalingunan?" tanong niya at napasaltik ako ng dila bago napabuntong hininga.
"Well... minsan--"
"So malaki?" Putol nito,
Muli akong napabuntong hininga, "Oo, well... kung titingnan ko yung bakat niya... malaki sa paningin ko." sagot ko.
"Sa tingin ko rin malaki, kasi yung post ni Xavi noong anniversary nila last last week, ang tangkad niya, diba kapag matangkad, malaki?" ani ng nurse na kasama namin, napahagalpak ng tawa si mamma habang ako itong napamasahe sa aking sintido.
"Oh, palo Xavi! Galingan mo ha! Kaya mo yung higante niya." ani ni mamma at muli akong napapikit na animo'y iiyak na ano mang oras.
"Uuna na nga ako, may aasikasuhin pa akong mga pasyente, tsaka uuwi ako mamaya ng maaga, titingnan na namin yung condo na balak niyang bilhin." ani ko bago tumayo mula sa aking kinauupuan.
"Mhmm, condo ha? Sige, have fun!" May nakakalokong ngiti si mamma sa kaniyang mga labi nang sabihin niya ito at agad ko naman na naintindihan ko ano ang nais niyang iparating. Umalis na ako sa aming quarters at pumunta na sa mga pasyente ko. Tapos na rin kasi nag lunch break namin.
Akala ko ay hindi ako makakaalis ng 4PM, simula kasi nang magtrabaho ako after lunch break ay hindi na ako napahinga. Mabuti nalang at bago mag alas quatro ay natapos na ako sa aking mga trabaho. Kaya naman nakapag gayak na ako ng aking gamit. Saktong nasa elevator na ako nang mag text si Bright na nasa labas na daw siya ng ospital. Kaya naman agad akong nag log out sa aming biometrics at lumabas. Paglabas ko ay nakita ko siya na nakasandal sa pader sa gilid.
"I'm here na." I said which immediately caught his attention, a smile prints on his face before walking towards me and giving me a kiss on the forehead.
"Let's go?" He asked and I nod, he wrap his arms around my shoulders before calling a taxi.
"Malayo ba?" tanong ko dito habang bumabyahe kami. He look at me and slowly shake his head.
"Malapit-lapit lang, maybe 20-25 minutes drive." ani niya at tumango ako, lumingon nalang ako sa labas ng bintana at doon ay naglibang.
Gaya ng kaniyang sinabi ay maya-maya lang ay tumigil na ang taxi sa harap ng isang malaking building. He paid for the fare and I went out of the taxi. He held my hand when we are about to enter the building.
"Good afternoon sir," bati ng receptionist,
"Good afternoon, we're here to check the units that I've been eyeing, Bright Cendrix Nañagas." he told the receptionist, may tinipa ang babae sa kaniyang computer bago tumango, "This way sir. " ani nito bago kami sinamahan sa elevator, nakita ko na sa floor 32 ang pinindot ng babae. Nang bumukas ang pinto ng elevator ay doon na tumambad sa amin ang mga pinto ng mga unit.
"This way, ma'am, sir." ani nito at sumunod kami sa kaniya.
Sa unang pinto na kaniyang binuksan ay parang sasabog ako sa excitement.
"This one has 2 bedrooms, 1 masters bedroom and 1 guess room, two bathroom, a living room, kitchen, dining room, closets and balcony." ani ng babae, ako itong bumitas kay Bright at naglakad-lakad na. Nag-uusap silang dalawa habang ako itong gala nang gala sa unit.
"Ang ganda..." bulong ko, parang gusto ko na agad tumira dito. May mga gamit na, pero hindi pa puno. Pero yung mga essentials para mabuhay ka dito ay andito na. May kama at kutson, may aircon, mga lutuan at lamesa. May mga gamit na sa banyo.
"Hey... may iba pa." Napa-igtad ako ng bahagya nang sumulpot si Bright sa likod ko, nilingon ko siya at tumango.
"Next na po ba?" tanong ng receptionist sa amin nang makabalik kami sa may pintuan. Tumango ako at lumabas na kami ng unit.
"This one naman po, has two bedroms din, but unlike the first one, magkasing laki ang dalawang bedroom. Has three bathrooms, has kitchen island, dining, living room, kitchen, and balcony, and in that area po ay may working space." ani niya, gaya ng ginawa ko kanina ay nag libot-libot ako. Nang makita ko na magkasinglaki nga ang dalawang bedroom ay parang mas gusto ko na dito, hindi ko lang gusto yung kulay ng paligid, puti kasi, doon sa una ay beige, parang ang sad ng awra ng unit na 'to.
Lumapit ako kay Bright, "Sa iba naman?" ani ko, napatawa siya ng bahagya, "You don't like it?" tanong niya at nagkibit balikat ako, "Well... it's nice, kaso... hindi ko bet yung color." ani ko at napatawa siyya bago tumango at lumabas na ulit kami.
"This one ma'am has a unique design, two bedrooms, maliit nga lang yung isa, at walang banyo sa loob ng kwarto, may kitchen island din, living room, dining, kitchen and has two balcony." ani ng babae, sa isang 'to ay ang aliwalas ng dating. Lalo na at mula dito ay kita ko ang sunset. Gustong gusto ko siya, kaso may is akong problema.
Lumapit ako kay Bright, "Yung isang bedroom walang banyo sa loob at malayo siya sa masters, if doon matutulog ang anak natin, baka matakot siya sa gabi na mag banyo o di naman kaya ay mahirapan siya na pumunta sa kwarto natin." ani ko sa kaniya, agad siyang napalingon sa akin at napangisi.
"Anak natin?" tanong niya at tumango ako.
"Are you expecting a baby po ba? We can make the unit baby proof namna po if you want." ani ng babae, napalingon kami a kaniya at nahihiyang umiling.
"We're not, but having a baby is part of our plan so might as well think in advance." sagot ni Bright at tumango ang babae.
"Isa nalang ang natitira, let's go?" ani niya at tumango ako bago kami lumabas para tingnan ang huling unit na kaniyang pinagpipilian.
"This is the best among the four, ma'am, this is a bigger place, both rooms have bathrooms and walk in closet, have a huge balcony, have kitchen island, dining, malawak ang living room so malaki ang magiging playroom ng mga bata." Nakangiti niyang turan at maski ako ay hindi mapigilan ang mapangiti. I'm imagining little us here in the living room, sitting down on the carpet while playing, watching TV, eating their snacks.
"This is the one..." ani ko at naramdaman ang bisig ni Bright sa tagiliran ko.
"You like this na?" tanong niya at tumango ako, "Super." Mula sa loob ay makikita mo rin ang paglubog ng araw which something I love watching.
"We will take this." ani ni Bright sa babae.
"Now na sir? Card or cash po ang down payment?" tanong ng babae,
"Yes, bring the papers please, and I'll be paying by card." Narinig kong turan ni Bright habang ako itong unuusisa pa ang lugar, I enter one bedroom and opened the lights to look around. This will be good for the kids, yes, kids, I want at least four kids.
Pinasok ko rin ang bathroom at nakita na malaki rin ito at ganon din ang closet. I'm already imagining our family here. Happy and loving. Paglabas ko ay nakita kong naka-upo si Bright sa sofa habang pinagmamasdan din ang paligid.
"Hey wifey, how's the bedroom?" ani niya nang lingunin ako, naramdaman ko ang pag-init ng aking pisnge bago isinara ang pinto.
"I chose that room for the kids." ani ko bago naglakad papunta sa kabilang kwarto.
"Kids? Hmm, how many?" tanong niya, aktong bubuksan ko na ang pinto nang natigilan ako sa kaniyang sinabi.
"Four, four kids." ani ko at narinig ko siyang humagikhik bago ako tuluyan na pumasok sa isa pa na kwarto. Kasing laki lang din ito nung isang kwarto at parehas lang ng design. Iyon nga lag ay bathtub ang andito at hindi shower room. But it doesn't matter, makakaligo pa rin naman kami.
Paglabas ko ay nakita ko na inaasikaso na ni Bright ang payment, ako itong utita ay tiningnan kung magkano ang down payment.
"Matagal-tagal pa na bayaran 'to." ani ni Bright nang ituro ang kabuuan na presyo ng unit. Napanganga ako sa aking nakita na presyo.
"Ahm... miss, diba we can pay any time? I mean... kahit in the middle of the month magbayad kami?" tanong ko sa babae, nakita ko na napakunot ang noo ni Bright.
"Yes ma'am, basta ng nakalagay po diyan ay 3 years to pay itong unit niyo, pwede naman po na on the 2nd year, bayaran niyo na yung natitira, pwede niyo po muna ipunin yung pambayad niyo." sagot niya at hinarap ako ni Bright habang nakakunot ang noo.
"Why? What are you thinking?" tanong ni Bright,
"Well... if we're gonna live here, gusto ko rin naman na magbayad din ako sa unit. Alangan naman na ikaw ang magbayad ng buong presyo, diba? Tsaka kapag nag away tayo, nakakahiya naman na awayin kita sa sarili mo na unit. Para hindi mo maisumbat sa akin na ikaw ang bumili ng unit." ani ko at napatawa si Bright bago napasapo sa kaniyang noo.
"I like that you want to help sa pagbabayad, pero not the part where you think we will fight then I'll make you feel guilty na ako ang bumili ng unit. I'll never do that, ano ba Xavi." ani niya habang tumaatwa tawa pa, napatawa lang din ako habang umiiling habang siya ay nagpatuloy sa pag-aayos ng papel at ako itong naglakad lakad na ulit.
Naakakatawa lang dahil para na agad akong nakatira dito, inaayos ko na agad ang mga gamit, ang mga gamit sa kitchen ay tinitingnan ko na, ang gamit sa banyo at maski electricals. Ilang minuto ay natapos na sa pag-aayos ng papel si Bright at iniwan muna kami ng babae. Hawak na rin ni Bright ang susi.
"Hey, hold my hand." ani niya kaya lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya na ansa sofa.
I held his hand where he's holding the keys of the unit, he took a picture of it.
"It's our house na." ani niya habang nakangiti sa akin, hindi ko mapigilan ang mapangiti at tumango.
"Yes, pero mas mapapanatag ako kapag nagbayad na rin ako. Hindi ko kakayanin na tumira dito knowing na ikaw palang ang gumagastos, and we're changing things here, we will get a new TV, 55 inches, new cooking utensils, this sofa... okay naman siya, we will put decorations, we will make this feel more like home." ani ko at napatawa siya bago tumango. He held me by my nape and pull me closer for him to kiss my lips quick.
"Whatever you want, wifey." ani niya at bahagya ko siyang hinampas sa dibdib.
"Wala pa, well... you can propose para fiance mo na ako, tapos ang kasal... kapag naka-ipon na ulit tayo." ani ko at napatawa siya bago tumango.
"I will propose to you, after maging more like home na itong bahay." ani niya at tumango ako, he rest his back on the sofa and put his arms on my shoulders. We continued talking for minutes, planning things inside the unit. Even the room for the kids.
"Kapag bata pa, of course they would like... pastel colors, and cartoon characters, the too much plushies and toys." ani ko at napahagikhik siya.
"Of course we will do that for them, hayst, I'm excited to spend money on our future kids." ani niya at napatawa ako.
"Goodluck sayo, kapag nagmana sa akin ang mga anak natin na magastos, lagot ang wallet mo." ani ko at napahagalpak siya ng tawa. We soon decided to leave the unit, taking another glance before closing the door and soon leave the building.
"Mhmm, kamusta--"
"Wala pa mamma, yung condo ang inaasikaso namin, mamimili nga kami bukas eh, kailangan ng mga supply sa condo, pagkain ganon, kasi lilipat na kami next week." Putol ko kay mamma, napahaglpak ito ng tawa.
"Ah sige, goodluck ha, mag iisang buwan kana sa pills mo, itodo niyo ha." ani niya at napatawa ako bago umiling. Inaayos ko na ang mga gamit ko, nag overtime kasi ako ngayon, kailangan ng overtime pay para sa pag-iipon sa pambayad sa bahay. Hindi naman ako sine-stress ni Bright doon, desisyon ko na magpaka stress sa trabaho para kumita ng pera. Desisyon ko lang na gusto ko na mabawasan yung bayaran ni Bright sa unit.
"Doktora, 7PM na, hindi ka pa uuwi?" tanong ng nurse, napalingon ako sa orasan at doon napagtanto na alas siyete na nga.
"Hala, sige ayusin ko lang 'to." ani ko at tumango ito. Ang mga night shift kasi an nurse at doctors ay dumadating na. Akong taga morning shift nalang ang natitira.
Mabilis ko lang na inayos ang gamit ko bago nag out sa biometrics at umuwi na. Halos makatulog na rin ako sa Taxi pero nilabanan ko iyon.
Nang makababa ako sa tapat ng apartment ay halos matumba na ako sa pagod. Pagpasok ko ng apartment namin ay napakunot ang noo ko sa sobrang tahimik. Asaan ang Addi at Ayen?
Paglapit ko sa lamesa ay doon ko nakita ang pagkain na nakabalot at sa ilalim nito ay sulat galing sa dalawa. Si Addi ay pupunta ng Tagaytay with her fam. Si Ayen naman ay umuwi ng Lucban at may family matters daw. Mukhang mag-isa pa nga ako dito.
Dinala ko nalang sa sala ang pagkain ko at doon ay kumain habang nanonood ng TV. Napapalingon ako sa paligid at nararamdaman ang kaunting lungkot. Napalayo na si Tera at Aila, lalo na si Arven, nag FA kasi iyon, kaya ayon, halos madalang nang makatungtong ng Pilipinas. Ilang taon na rin nang huli ko iyong makita. Si Aila naman ay Engineer na at sa Batangas naka stay.
Inubos ko lang ang giniling na niluto nila Ayen bago sila umalis bago hinugasan ang baunan at naglinis na ng katawan. I put on my night creams before laying donw on my bed, holding my phone on my right hand.
[You seem pretty tired, you should sleep na.] ani ni Bright sa kabilang linya,
I pouted, "Come here, wala akong kasama." ani ko at hindi ko agad ito narinig na sumagot mula sa kabilang linya.
[Hey, are you sure you want me to sleep there?] ani niya at tumango ako, napakagat ako sa pang-ibaba kong labi.
"Let's fuck..." ani ko na halos ibulong ko nalang.
[Xavi! What are you thinking? Are you drunk?] ani nito sa kabilang linya, gumulong-gulong ako sa kama.
"I'm not... just... let's do it." ani ko at hindi ko ulit siya narinig na sumagot.
[No,-]
"Yes, please?" ani ko dito,
Narinig ko siyang bumuntong hininga sa kabilang linya, [No, not when you're tired, not in your apartment.] sagot niya at muli akong napasimangot.
"Edi sa condo natin?" Makulit kong tanong bago napangisi. Narinig kong napasaltik siya ng dila.
[Bahala na, basta, take a rest dahil mamimili pa tayo bukas at mag-aayos ng condo.] ani niya at napasimangot ako bago tumango.
"Okay, bye, goodnight!" ani ko at narinig ko ito na mag hum.
[Bye, goodnight, love you, don't think about sex, okay?] napatawa ako s akaniyang sinabi bago nag hum at pinatay na ang tawag.
Panira, nasa mood na ako eh!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com