Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

42


Warning: Slight mature, pabitin.


Halos mapatalon ako pababa ng kama nang marinig ang aking alarm. Agad ko itong dinampot at pinatay ang nakaka-alarmang tunog bago tumayo sa aking mga paa at nag inat-inat at kinusot ang aking mata. Napahikab pa ako habang bahagya pa na inaantok. 


Dadating dito sa apartment si Bright ng 7AM, kailangan ko nang mag-ayos ng aking sarili para pag dating niya ay aalis nalnag kami. 


Agad akong namili ng damit na aking isusuot. Napili ko ang puting pantalon at sky blue na off-shoulder. Inilatag ko na ito sa kama bago kinuha ang aking towel at mga panligo at dumiretso na sa banyo. Mabilis lang akong naligo, excited na kasi ako. 


Siyempre mamimili na kami ni Bright ng gamit namin para sa condo. Ilang linggo rin namin pinag-isipan ang kung anong mga ilalagay namin dito at ano-ano ang mga bibilhin namin. Nang matapos akong maligo ay agad akong nagsipilyo ng aking ngipin at matapos nito ay dumiretso na sa kwarto para magbihis. Baka maabutan pa ako nito na towel lang ang saplot. 


Sakto na kakatapos ko lang magbihis at magsusuklay na sana ng buhok nang marinig ko ang pagkatok sa pinto at kasunod nito ang kaniyang pagtawag. Hawak-hawak ang suklay at towel ay lumabas ako ng kwarto at pinagbuksan siya ng pinto. 



"6:48 palang..." nakanguso kong turan, napangisi siya bago dumiretso na sa pagpasok. Sinaraduhan ko na ang pinto, siya itong naupo sa sofa habang ako itong bumalik sa kwarto para asikasuhin ang buhok ko. Bahagya ko itong tinuyo gamit ang blower dahil ayaw ko namna na nagtutulo ito habang namimili kami. Naglagay na rin ako ng cream at ng kaunting make-up bago inayos ang aking body bag na dadalhin laman ang celllphone, wallet, lip gloss, poweder at panyo. Nagsapatos na rin ako ng white sandals bago lumabas ng kwarto at sinigurado na naka lock ito. 


"Let's go?" Pag-aaya ko sa kaniya, nag-angat siya ng tingin mula sa kaniyang cellphone at tumango. 


Lumabas na kami ng apartment at bumaba, nag taxi kami dahil ayaw ko naman na umagang-umaga ay magulo ang ganda ko. Sayang effort 'no! 


"Appliance Store muna tayo?" tanong ko sa kaniya habang nakasakay kami sa taxi. 


Tumango ito, "Hindi pa kasi bukas nag mall, mauubusan tayo ng oras kung hihintayin pa natin magbukas. May sinabi sa akin si Noah na appliance store kaya doon muna tayo." ani niya at tumango ako. 


Ilang minuto ang nakalipas ay tumigil ang taxi sa harap ng isang building. Nagbayad na si Bright ng aming pamasahe at ako itong pumasok na sa loob. 



"TV muna tayo." ani ko sa kaniya nang makapasok na rin siya, tumango ito at naglakad na kami papunta ng TV section. 



"Kuya, excuse me..." tawag ko sa isang salesman. 


"Nasaan po ang 55 inches niyo na TV? Yung 4k HD po." tanong ko dito, naglakd si kuya papunta sa ibang TV at doon ay ipinakita sa amin ang mga naka display. 


"Ito po ma'am, may kasama na po siya na soundbar speakers. Smart TV po and Android TV na rin." ani ni kuya, napansin ko na naglakad-lakad si Bright palayo at nagtitingin-tingin din kaya naman ako nalang ang nagtatanong kay kuya. 


May mga ni-recommend pa siya na ibang TV na mas nagustuhan ko. 


"Bri, I'll get this one, what do you think?" Tawag ko sa kaniya na, nilingon niya ako at lumapit papalapit sa akin at pinagmasdan ang TV. 


Tumango ito, "Sure, it's nice." ani niya at tumango ako. 


"Kukunin ko lang po yung papers." ani ni kuya, 


"Wait kuya, may iba pa po kami na bibilhin. Sabay-sabay na po." Pigil ko dito at tumango ito. 


"What's next?" tanong sa akin ni Bright nang lapitan ako nito. 


"Washing machine..." ani ko at tumango siya. Malapit lang sa TV section and washing machines kaya mabilis kaming nakapag tingin-tingin. Kailangan talaga namin ng washing machine, hindi ako maalam maglaba. 


Mabuti nalang ay may alam si Bright sa mga washing machine kaya siya ang nakipag-usap at namili ng magandang washing machine. 


"Pakisama nalang po doon sa 55 inches na TV, may iba pa kaming titingnan." ani ko sa salesman at tumango ito. 


"What's next?" tanong niya habang naglalakad-lakad kami sa loob. 


Napatingin ako sa kisame, "Well... may oven na tayo, may ref, may toaster, microwave, mixer, may aircons, ahm...--"


"Vacuum?" tanong nito, 


"Ay oo! Tama, malaki yung condo, mahirap magwalis." ani ko napatawa siya, hinanap namin ang mga vacuum at doon ay namili ng malaki-laki na vaccum. 


"Air fryer?" Suggestion uli niya, dahil medyo health conscious akko ay ayaw ko ng masyadong mamantika. Kaya namna napabili na rin kami ng air fryer. 


"Let's get these speakers..." ani ni Bright nang mapadan kami sa mga speakers. 


"Bri, may soundbar na yung TV." ani ko at mukhang tinamaan siya ng realisasyon at utay-utay tumango. 


"Electricfans?" tanong niya, lakad kasi kami nang lakad dito at naghahanap ng pwede pa namin na bilhin. 


"Ahm... pwede, kuha ka ng dalawa." ani ko at tumango siya bago nilapitan ang mga electricfan. 


"Look, isn't it cute? Aesthically pleasing to the eyes" ani niya at napatawa ako. 


"Wow ha, alam mo 'yon." ani ko bago lumapit sa gawi niya. 


Napahagikhik ito, "Of course, like what I said, I know your style." ani niya, tumawag siya ng salesman at nagpakuha ng dalawang wood design na electricfan. 



"We have rice cooker and heater na sa bahay diba?" tanong niya at tumango ako. 


"Yes, but why are you calling it bahay?" tanong ko sa kaniya. 


"Kasi... mas comfortable pakinggan, kapag sinabi mo kasi na condo... medyo... eh. Pero kapag tinawag mo na bahay, feels like... home." ani niya at napatawa ako ng pagak. 


"Bahay talaga ay home, pero sige, sabi mo eh." ani ko at nagpatuloy kami sa paglalakad. 


Bumili pa kami ng coffee machines, coffee maker, mga tall lamp, at blender. 


"Kaya ba?" tanong nito sa akin nang kinekwenta na ang mga pinamili namin. Napag-usapan kasi namin na ako ang bibili ng appliances, siya ang sa furnitures at grocery since may mga furnitures na kami sa bahay. 


"Oo naman," sagot ko at tumango siya. 



"Ipapadeliver nalang po namin, nakalagay na po doon ang address." ani ko sa mga staff. 


"Sige po ma'am, tawagan niyo po kami kapag ipapa deliver na. Salamat po!" ani ng mga ito, lumabas na kami ng appliance store at tumawag ng taxi papunta na ng mall. Akala namin ay maabutan pa namin ito na sarado, pero dahil sa traffic, pagdating namin sa mall ay bukas na ito. 


"Nag breakfast kana?" tanong nito sa akin nang makapasok kami. 


Utay-utay akong umiling, "Not yet," sagot ko, napangisi siya bago ako hinigit sa Starbucks at doon ay kumain muna kami ng cakes at nag coffee na rin. We talked while eating, talk about the things we need to buy next. Even though we already planned those things. We just had some clarifications and see if there's more to buy. 


Nang matapos kami ay dinala nalang namin ang mga natitira namin na inumin. Pero bago pa man kami makarating sa furniture store ay ubos na ang mga ito. 


"Bright we don't need new sofa diba? Huwag na muna, tayo lang naman ang nakatira doon." ani ko nang tumigil ito sa harap ng isang sofa, noon pa niya gusto ng sofa, I just think na hindi namin kailangan ng bago. 


"Let's go to the study tables nalang." ani niya at tumango ako. We went to the tables and he chose two tables which confused me, usapan namin isa lang. 


"Why two?" Nagtataka kong tanong, nilingon ako nito at ngumisi. 


"For the kids?" Napapikit ako ng mariin dahil sa sinabi niya. 


"One lang, just get the bigger one para share na tayo." ani ko at napanguso siya. Gaya ng ginawa namin sa appliance store ay inipon muna namin ang aming mga bayaran at namili muna. 


"Ang gaganda ng paintings nila." ani niya nang tumigil kami sa decoration area. Taliwas sa aming plano na kaunti lang ang bibilhin na decorations. Siya ang namili nang namili ng vases, figurines, painting at kahit fake flowers. 


"Sa home essentials na." Pag-aaya niya, he reach for my hand as he walk towards the plates, glass and other household esssentials. 


Kumuha siya ng 8 na pinggan, 8 na baso, a dozen ng pair ng kutsara at tindor, apat na malalaking mangkok, apat na maliit, apat na mug, at mga platito. He also get a pitcher, wine glass, mga lagayan ng asukal, asin, paminta. Oil and soy sauce at iba pang ginagamit sa pagluluto. Mga serving plates, bowl and spoons. Knives and pots, doon na kami medyo nagtalo dahil gusto niya ay yung makukulay, ang sama naman sa light color namin na bahay. 


"Dapat pasok sa theme, ito na oh, white and black lang." Pakikipagtalo ko. 


"Pastel colors naman, please ito nalang." He begged, napatawa ako bago tumango, 


"Fine, ikaw naman magluluto eh." ani ko at napatawa isya bago inilagay sa card ang set ng mga panluto. He grab more laddles and cooking utensils. While I grab some pillows for the bedroom, dalawa lang kasi ang unan sa kwarto, mahilig pa man din ako yumapos sa unan. 


"Done na?" tanong ko dito nang palakad-lakad nalang kami, ang mga pinlano kasi naman ay nabili na namin. Kahit ang mga wala sa plano ay nasa cart na. Tumango si Bright at pumunta na kami sa cashier para siya naman ang magbayad. 



"How much?" Pang uutita ko. 


"70k po..." sagot ng cashier, napatawa kami parehas ni Bright habang kinukuha niya ang card sa wallet niya. 


"Isang buwan ko nang sweldo 'yon." ani niya na parang naghihinayang at napatawa naman ako. 


"Ayos lang 'yan, you only live once." ani ko at napahagalpak siya ng tawa. 


"Walang connect Xavi." ani nito at napahampas ako sa balikat niya. 


"Ipapadeliver nalang po namin mamaya, we will call you po if ipapadeliver na namin." ani nito at tumango ang staffs. 



After we finished in the furniture and house essentials, we decided to eat lunch since its lunch time already. Avoiding waiting in a long line, we decided to eat in other restaurants and not fast foods. Mabilis lang tuloy kami na nakakain. After lunch, dumiretso na kami sa grocery, we're trying to catch time para matapos kami sa pag-aayos mamaya. So within this day, makatulog na kami sa bahay. 



"I'll go with the soap, cleaning products and mga ginagamit sa pagluluto like oils and mga sibuyas bawang, you'll get us foods, okay?" ani nito nang makapasok kami sa grocery, I have my own cart and he have his own. I nod and started walking on my own. 


I grab a sack of rice first of course, then some canned goods, then instants noodles, pasta, pasta sauce, juice, milk and coffee, then some snacks, potato chips and biscuits, cookies and chocolates for desserts. I also grab cereals and oatmeal. Hindi ko alam kung kumakain ba si Bright ng mga 'yon, pero mabuti na rin na marami kaming pagpipilian na kakainin. When I'm satisfied with the foods, I went to the vegetables and fruits. Kumuha ako ng ampalaya, kalabasa, talong, upo, petchay, lettuce, at iba pa. Pinalaki ako ng mga magulang ko na kumakain ng gulay. Kapag talaga si Bright hindi kumakain ng gulay, magpapaluan kami sa bahay. Sa prutas naman, apple, pakwan, grapes, banana, yun lang, yun lang ang mga gusto ko. Pero kumakain ako ng iba. 


Nang matapos ako doon ay saka ako pumunta sa mga karne, nagkasalubong pa kami ni Bright at nakita ko kung paano ito napatawa nang makita na puno na ang cart ko. Pero hinampas ko lang siya sa braso at pumunta sa meat sections, kumuha ko ng ribs, liempo, pang barbecue, pang porkchop, mga buto-buto at laman. Kumuha na rin ako ng chicken legs, wings at breasts. Papunta ako ng fish section nang tabihan ako ni Bright. 


"Matatapos kana?" tanong nito habang naglalakad kami. 


Tumango ako, "Fish nalang." sagot ko at tumango siya. 


Kumuha ako ng salmon, ng boneless fish for fish fillet, ng bangus na daing, pusit, at hipon. 


"Hey, aren't you allergic sa hipon?" tanong nito, nakakunot pa ang noo niya. 

Napangisi ako, "Oo nga, pero may gamot naman ako for that." sagot ko at tumango siya. 


Pumunta na kami sa cashier at ipinakwenta ang pinamili. Napatawa ako nang lumampas pa ng 30k ang pinamili namin, si Bright naman ay nakahawak lang sa card niya habang pinapanood na tumaas ang presyo. 


"That would be 44, 875.75 sir." ani ng cashier, ibinigay na ni Bright ang card niya at hinintay nalnag namin na ilagay sa mga kahon ito. 


"Next time ako naman ang mamimili." ani ko habang naka-akbay ito sa akin at pinapanood namin na ibalot ang mga pinamili. 


Naramdaman ko na hinalikan ako nito sa tuktok ng aking ulo, "Okay, if saan ka masaya." ani nito at napabungisngis nalang ako. 


Nang matapos nang magpack ay ipinahatid namin ito sa labas, sumakay kami ng Taxi at doon isinakay ang mga pinamili. Sa trunk ng sasakyan ang mga dry habang ang prutas, gulay, meat and fishes ay kasama namin sa loob. 



Nang makarating kami ng bahay ay halos parehas kaming napahiga ni Bright sa sofa. 


"Tawagan na natin yung mga pinamili natin." ani niya at tumango ako bago kinuha ang cellphone ko at parehas namin tinawagan ang applinace store at furniture store. 


Dahil hapon na ay hinalungkat ni Birght ang pinamili at kinuha ang mga potato chips na andon. 


"Kapag nagutom ka pa naman dito sa bahay, grabe na." ani niya at napahagikhik ako. Nasa siyam na kahon ng grocery ang meron kami, lima na bags kung nasaan ang prutas at gulat, manok, karne at isda. 


Nanonood kami ng TV nang dumating na ng sabay ang mga pinamili namin. Nang mailagay tuloy ang lahat sa loob ng condo, maski sa kwarto na para sa mga bata ay may laman na. 



"Thank you so much." ani ni Bright sa mga nag deliver. Nagpasalamt na rin sila at umalis. 


"Hindi ko na kakayanin kung aayusin pa natin 'yan ngayon. Bukas nalang." ani ko nang itapon ang pinagkainan ko. 


"Right, I'll just cook dinner for us." ani niya at tumango ako. 


Kinuha ko ang remote ng TV at pinatay ito, "Tutulog muna ako." Paalam ko, "Sure, rest well." sagot ni Bright at tumango ako bago pumaosk ng kwarto namin. Binuhay ko na ang aircon at nahiga na sa kama. Dahil sa sobrang pagod ko ay nakatulog agad ako. 



Nagising ako sa mga tapik ni Bright sa braso ko, inalalayan ako nito sa pagtayo at paglabas ng kwarto. 


"Wow, hindi naman ako buntis para alalayan mo." Pagbibiro ko bago dinampot ang kutsara at tinidor. 


Narinig kong napatawa si Bright, "Di mo sure." ani niya at nanlaki ang mata ko. 


"Sira, anong di mo sure, ikaw may hawak ng matres ko? Nakita mo na may laman?" Sarkastiko kong turan na ikinahaglpak niya ng tawa. 


"Sorry na, kain kana, masarap 'yan." ani niya at sumimangot nalang ako. He cooked pork steak with mushroom sauce, siyempre ako itong pagod at gutom ay nakarami. Mukhang gamay niya an rin ang pagkain ko at dinamihan niya ang ulam. Alam niya na mahilig ako sa ulam. 


Nang matapos kaming kumain ay kumuha ako ng chocolate mula sa aming pinamili habang naghuhugas siya ng pinggan. Sinusubuan ko siya ng chocolate habang naghuhugas at ako namna itong nanonood ng TV na nas atabi nya at nakasandal sa counter. 



"Ako muna ang mag bo-body wash." ani ko at tumango siya. Mabuti nalnag at may mga gamit na rin kami dito, pautay-utay kasi  naglilipat na kami ng mga gamit namin. Sa banyo ako sa kwarto namin naglinis ng katawan. 


Kaya naman laking gulat ko nang makita siya sa kama na basa na rin nag buhok at nakabihis na. 


"Sa kwarto ako ng mga bata naligo." ani niya habang nag ce-cellphone, napatawa ako at isinara ang pinto ng banyo. 


"Wow ha, wala pang bata." ani ko bago siya tinabihan at kinuha na irn ang aking cellphone. 

Naramdaman ko na nilingon ako nito, "Then let's make bata?" ani niya at napatawa ako nang lingunin siya. 


"Sira, walang bata na mabubuo, naka pills ako." ani ko at nagbalik ng tingin sa aing cellphone. Nakita ko na inilapag niya ang kaniyang cellphone sa bed side table at inalis ang kaniyang salamin. Maya-maya ay naramdaman ko ang paggapang ng kamay niya sa ilalim ng kumot sa ibabaw ng aking tiyan. 


Nanigas ako sa aking kinahihigaan at hindi makakibo ang aking mga daliri. Naramdaman ko ang mga halik niya sa aking leeg at ako itong napapakagat sa pang-ibaba kong labi at pinipigilan ang aking sarili na gumawa ng ingay. 


"Put that down..." ani niya bago kinuha ang aking cellphone at inilagay sa bedside table sa tabi ko. Nang matgapo ang aming mga mata ay doon ko nakita ang kakaibang dating nito. 


"You're on pills?" He sexily asked, I bit my lower lip and slowly nod. 


"Good, shall we start?" 




A/n: next chapter na talaga HAHAHHAHA

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com