45
"Hey, is there a problem? You've been... spacing out these past few days." Natauhan ako bigla at napalingon kay Bright na hinawakan ako sa aking braso.
Parehas kong itinaas ang magkabila kong kilay at nginitian ito, "None, wala naman, I'm fine." ani ko dito.
Napansin ko ang bahagyang pagkunot ng kaniyang noo at pinanliitan ako ng mata, "Xav, I know when there's something wrong, is it about your exam? Hanggang ngayon ba iniisip mo pa rin? Diba tapos naman na? We're looking forward for your birthday na." ani nito at gumuhit ang maliit na ngiti sa aking labi.
"No, it's not about the exam--"
"So may problema nga? Come on, tell me what's wrong, please." ani nito sa malambot na boses bago hinigpitan ang hawak sa aking kamay, napahagikhik ako ng bahagya bago binasa ang aking itaas at ibabang labi bago tumango.
"Okay, pero... please don't get mad..." ani ko at nakita kong napakunot ang kaniyang noo.
"It depends on the problem, nagkaganito ka simula noong na-inuman kayo na magkakaibigan, may nangyari ba doon?" His voice changed at doon palang ramdam ko na yung bahagyang pag-init ng kaniyang dugo.
"No, no, pero Tera told me about something." ani ko at utay-utay siyang tumango.
"What did she told you?" He curiously ask.
Napalunok ako ng laway bago napatingin sa kamay niya at nagbalik ng tingin sa kaniya, "Well, she told me that... your ex, Ianna, have been... getting close on you sa work, that's all, I'm a bit upset na hindi mo sinasabi sa akin pero it's fine, wala lang naman 'yon." ani ko bago agad naglabas ng isang ngiti.
I saw how he sigh before removing his hands from my hand and standing up to walk towards me and sit on the chair beside me to pull me for a hug.
"Akala ko kung ano, you're right, wala lang 'yon. But to remove those worries in you, siya yung lumalapit. Naiinis na rin ako madalas, she's always there, in our company, in our department, approaching me and talking to me. It's really annoying, and I also didn't want to worry you that's why I didn't told you, kaso, sinabi na pala ni Tera." he softly said while caressing my back.
"Ikaw lang, ang babae na mamahalin, pagsisilbihan, ipagluluto, ihaharap sa altar ibabahay at kasama ko sa pagbuo ng pamilya." he softly said before pulling away from the hug and planting a kiss on my forehead.
"Smile na okay? And let's continue eating." he said as he pinch my cheeks and go back to his seat.
Gaya ng aming nakasanayan, pagkatapos kumain ay ako ang naghuhugas ng aming pinagkainan habang naglilinis na siya ng kaniyang katawan at nagpapalit ng pantulog. Dahil kaunti lang naman ang aking hinuhugasan ay saktong pagkatapos niya mag bihis ay tapos na rin ako kaya namna naabutan na niya akong nakahiga sa kama.
"Xav, basa yung laylayan ng damit mo, go change." ani niya habang inaayos ang kaniyang buhok sa harap ng vanity mirror. Nag-alis ako ng tingin sa aking cellphone at tiningnan ang laylayan ng damit ko, alam ko naman na basa iyon, napansin pa niya, tinatamad nga ako magbihis eh.
Tinatamad akong tumayo ng kama at pumasok ng banyo para kumuha ng damit na pamalit at saka pinalitan ang basa kong pantulog. Pagbalik ko ng kwarto ay nakita kong nakahiga na si Bright ay nakapikit na, nakapatay na rin ang ilaw at tanging lampshade nalang sa side ko ang nakabuhay. Sumampa na rin ako ng kama at pinatay na ang lampshade sa aking tabi bago niyapos si Bright.
"Galit ka?" bulong ko dito, iminulat nito ang kaniyang mata bago ako tiningnan at nakakunot ang noo.
"Why would I be mad?" tanong nito bago ako niyapos pabalik.
Napanguso ako, "Eh kasi... baka nagalit ka kasi pinagseselosan ko si Ianna." ani ko at lalong napakunot ang kaniyang noo.
"You know Xav, minsan hindi ko gets yung takbo ng utak mo. First of all, I'm not mad about it, I'm cool about it. I'm not mad dahil nagseselos ka, if nagseselos ka, may kasalanan ako doon kasi I could have distance myself more from her. Tsaka why would I be mad kung nagseselos ka, Xavi, normal lang yun, and its your feelings, you know I always value your feelings." Malambing nitong turan habang hinihimas himas ang aking braso.
Hinalikan ako nito sa noo at hinatak ako papalapit sa kaniya at utay-utay na kaming nakatulog.
Kinabukasan, sabay kaming nagising, habang ako ay naligo na, siya naman itong nagluluto na. Nang matapos ako na maligo ay siya naman ang aking pinaligo habang ako naman ay tinatapos ang kaniyang niluluto at naghain na ng lamesa para pagkatapos niyang maligo at lumabs na n kwarto ay kakain nalang siya.
Mabilis lang kaming kumain at inayos na ang kinainan bago umalis para pumunta sa aming mga trabaho.
"Uy... may results na daw yung exam!" Ako na kakagaling lang sa isang pasyente ay napatakbo sa gawi ni Addi na nasa tapat ng kaniyang laptop at naka flash dito an results ng exam na tinake namin noong isang araw.
"Ano daw? Ano? Anong results?" Taranta kong turan.
"Kalma, Doktora Alvarez, maganda ng results mo." ani ni mamma bago itinuro ang aking pangala. Tinitigan ko iyon at pinagmasdan ang nakuha kong marka bago nakahinga ng malalim.
"Okay, magbabakasyon... I mean mag b-birthday na nakahinga ng maluwag." ani ko at napasapo sa aking dibdib bago binalikana ng hawak ko kanina na clipboard na halos maibato ko kanina.
"Ilang taon kana nga?" tanong ni mamma at napahagikhik ako ng kaunti.
"27 this week." ani ko at napapalpak ito.
"Ay anong balak niyo ni jowa?" tanong nito at napahagikhik ako ng bahagya.
"Wala naman, may trabaho kasi ako noon, kaya... baka date nalang ganun." ani ko at utay-utay itong tumango.
"Naku mamma, baka mag ano nanaman iyang dalawa na iyan." ani ni Addison, napakunot ang aking noo at agad napabaling ng tingin sa kaniya.
"Mamma huwag kang makinig diyan, kung ano-ano na nag sinasabi niyan." ani ko dito bago sinamaan ito ng tingin.
Napatawa naman ng bahagya si mamma, "Naka-ilan na ba kayo?" tanong nito sa akin,
Napanguso ako, "Mamma naman, isa palang siyempre, at hindi ko na gusto munang sundan." ani ko at napahagalpak sila ng tawa.
"Ayaw mo na regalo sayo sa birthday mo ay ganun?" tanong nito at napakamot ako sa aking batok bago umiling.
"Mamma naman eh, huwag na natin pag-usapan yun, finsih na, huwag na 'yon, balik na tayo sa trabaho." ani ko dito bago umalis ng quarters at pumunta naman sa aking clinic at doon namahinga.
"Balik po kayo next month for your check-up, thank you!" ani ko sa pasyen bago ito pinanood na lumabas ng aking clinic, napabuntong hininga ako nang isara na niya ang pintuan.
Nakatingin ako sa kisame at umiikot-ikot ang aking swivel chair nang biglang tumunog ang aking cellphone. Kahit tinatamad-tamad ay dinampot ko ito mula sa aking lamesa at tiningnan ang notification para makita kung sino ang nag message.
"Hm? Si Tera?" ani ko bago binuksana ng picture na sinend nito.
Napakunot ang noo ko nang makita ang picture ni Bright, katabi si Ianna, si Ianna ay nakahawak sa kaniyang braso at nakangiti sila sa isa't-isa.
Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi at animo'y bumilis bigla ang tibok ng aking puso. Akmang nagtitipa ako ng reply kay Tera nang bigla itong mag message.
From Ter-ter:
Huwag kang mag-alala, ayaw ng jowa mo sa situation na 'yan, napilitan lang siya, at dahil utos ng boss namin, di siya makatanggi. Pero type talaga siya ng babae na 'yan, kahit ako naiinis na talaga. Mukhang nag su-suffer sa stage 4 grieve ang jowa mo kapag tinatawag niyan.
Napatawa ako nang bahagya nang mabasa ang mahaba na message ni Tera, noong minsan pa ito. Sa call nga lang, hindi kasi siya makapag kwento noong nasa inuma kami dahil may ibang kwento ang iba namin na mga kaibigan. At kung maririnig lang ito ni Ken ay baka panggigilan pa nito si Bright.
To Ter-ter:
Hayaan mo na, kalma ka nalang.
Maikli kong sagot dito, nag send ito ng umiirap na emoji at like emoji na ikinatawa ko. Ibinaba ko na ang aking cellphone at nag-askikaso na ulit ng mga papeles.
Sa paglipas ng araw ay mas papalapit nang papalapit ang birthday ko. Gusto ko sanang mag day-off kaso naisip ko ay huwag nalang. Hindi namna ko mag paparty ng garbo. Baka nga kumain nalang kami sa labas ni Bright at magpakain nalang ako sa mga kaibigan ko.
"It's your day today, what's your plan?" ani ni Bright habang hinihimas-himas ang aking buhok, alas dos na ng madaling araw, andito kami at nakahiga sa kama, parehas walang saplot na damit at tanging kumot lang ang nakabalot sa amin.
Hindi ko naman talaga pinlano na magsex kami ngayon, bugso yata ng damamin nang halikan niya ako kagabi, inabot talaga kami ng tatlong oras sa paggawa ng himala. Mukhang hindi ako makakapasok ngayon, ano ba 'yan! Edi dapat nag day-off na talaga ako.
"I don't know, let's just... eat sa restaurant." ani ko at nag-hum ito bago ako hinalikan sa buhok.
"Smells like... sex." ani nito sa nakaka-akit na boses, pabiro ko itong hinampas sa dibdib.
"Sira, tigilan mo ako, huwag mo akong gamitan ng sexy voice diyan, matulog kana at may trabaho kapa mamaya." ani ko dito at napatawa siya bago mas hinigpitan ang pagkakayapos sa akin at natulog na kami.
Alas singko ng umaga, 3 oras lang na tulog ay parehas na kaming nagising sa alarm ko. Pinilit ko na tumayo at kinaya ko naman. Hindi rin ako gaanon ka-ika ika at nakakalakad ng maayos. Kinakaya ko na yung sakit sa bawat hakbang.
Simpleng almusal lang ang niluto ko, nagsaing ako ng kanina, nagluto ng cornbeef, nuggets at itlog. Nang hindi pa siya lumalabas ng kwarto ay pinaosk ko na siya, nagbibihis palang siya kaya nmana naisipan ko na maglinis manlang ng katawan at magbihis ng mas maayos na damit. Paglabas ko ay hinihintay niya ako sa kama at sabay na kaming lumabas.
"Mag te-text nalang ako kay Addi na di ako makakapasok." ani ko habang kumakain kami ng almusal.
Narinig kong napahagikhik si Bright, "I'm sorry, haha!" ani nito habang nagpipigil tumawa. Alam din niya na kasalanan niya na umiral yung kalandian niya kagabi kaya di ako makakapasok ngayon sa pagod at puyat.
Napasinghal ako, "Ayos lang 'yon, parehas naman tayong nasarapan." I bluntly said which made him almost choke on his food and almost spit it out.
"You have a point pero nakakagulat ha." ani nito at napahagikhik ako.
"Sige na, kumain kana, baka ma late ka pa." ani ko at tumango siya bago nagpatuloy sa pagkain.
Bago siya umalis ng bahay ay hinalikan muna ako nito sa pisnge at binati ng happy birthday at saka umalis. Agad ko naman na inasikaso ang aming pinagkainan at naghugas. Naisipan ko rin na magpaikot muna ng aming mga lalabhan sa washing machine habang naliligo naman ako.
Pagkalabas ko ng banyo na bagong ligo ay hindi ko na alam ang kasunod ko na gagawin, ayaw ko naman na maglinis ng bahay dahil tinatamad ako pero may gusto akong gawin. Na-alala ko na hindi ko pa nasasabihan si Addi na hindi ako makakapasok ngayon.
To Add:
Mare, di ako makakapasok ngayon, pagod ako, alam mo na.
Wala yatang trabaho si gaga at ang bilis nag seen.
from Add:
Ay wow! Congrats! Sige lang, alam ko na kung anong meron, happy birthday nalang mare.
Napatawa ako nang mabasa ang reply ni Addi, inilapag ko na ang cellphone ko at natulala, hidni ko pa rin alam ang gagawin ko.
Kaya namna nanonood nalang ako ng TV at maya-maya lang din ay tumunog na ang washing machine at isinabit ko na ang mga ito sa terrace. At matapos iyon ay bumalik ako sa panonood ng TV at ngayon ay kumakain na.
Nang malapit nang mag-lunch ay umorder na ako ng mga ipapadala ko sa mga kaibigan ko. Sa pangalan ni Addi ko ito ipinadala at sinabi ko nalang sa mag de-deliver na sabihin na galing ito sa akin. Pagkatapos kong maka-order ay nagluto na ako ng tanghalian ni Tera at Bright.
Nagluto ako ng Chicken Curry at nagprito na rin ng hash browns. Ipinagbalot ko rin silang dalawa ng fruits for dessert. Matapos kong ma-haggard sa kusina ay nagpalit na ako ng damit at bago pa man ako makaalis ng bahay ay nag message sa akin si Addi na nakarating an daw yung pagkain sa ospital.
Inihanda ko na ang lunchbox ng dalawa at umalis na ng bahay.
"Hey, Happy birthday!" bati sa akin ni Tera nang makarating ako sa kumpanya nila.
"Salamat talaga, as much as nahihiya ako pero gustong-gusto ko talaga na dinadalhan mo si Bright ng pagkain dahil pati ako nakakatikim ng luto mo." ani nito at pareha skaming napatawa.
"Ano ba, wala 'yon, huwag kang mahiya. Lagi mo rin kaming ipinagluluto nooon ng pagkain sa dorm 'no." ani ko at tumango siya.
"Asan nga pala si Bright?" tanong ko habang naglilibot ng tingin. Kakaunti nalang kasi sila dit dahil nagtatanghalian na rin ang iba pero hindi ko nakita si Bright sa cubicle niya.
"Ahm..." nagbalik ako kay Tera ng tingin nang magsasalita na ito.
"Well... Xav ipinatawag kasi siya noong Ianna na yun, andon sila sa isang office na yun, hindi ko alam kung bakit siya ipinatawag." ani nito at napakunot ang noo ko bago tumango.
Inilapag ko muna ang lunchbox ni Bright sa cubicle niya bago akmang maglalakad papunta sa offce na itinuro ni Tera nang pigilan niya ako.
"Xav, may masamang kutob ako, hinatayin nalang kaya natin si Bright?" tanong nito nang hawakan ako sa braso, napangiti ako at umiling.
"No, let's prove na mali yang masamang kutob mo." ani ko bago inalis ang kaniyang kamay sa aking braso.
Hindi niya ako sinundan papunta ng office na iyon, mula sa labas ay hindi ko kita ang nasa loob, pero nang hawakan ko anng doorknob ay mabilis iyong bumukas at bumulaga sa akin ang saktong pagtulak ni Bright kay Ianna na nakapaibabaw sa kaniya.
Nanatili ako doon an nakatayo at walang ekspresyon sa mukha, si Bright ay hindi pa rin ako napapansin ay masama ang tingin kay Ianna.
"Ianna what are you doing! I have a fucking girlfriend! Nasisiraan kana ba ng ulo! Ano ba baliw ka ba?! Mayaman ka naman, magpa check-up ka nga!" Sigaw nito bago punasan ang kaniyang labi na napansin ko na may lipstick ni Ianna. Muli niya itong sinamaan ng tingin bago humarap sa gawi ng pinto kung nasaan ako.
At nang magtagpo ang aming paningin ay agad nanlaki ang mata nito at napatakbo papunta sa akin.
"X-Xav I can explain-"
"No need, tara na, andon na yung lunch mo." Putol ko sa kaniya bago siya hinawakan sa kaniyang kamay at hinatak paalis ng silid na iyon.
"Xav, wala akong kasalanan doon, please, pinilit niya ako-"
"I know, alam ko Bright, don't worry, I brought you lunch, kain kana." Putol ko sa kaniya pagsasalita habang naglalakd kami pabalik ng kaniyang cubicle.
"Xav, please, listen to me." ani nito nang makarating kami sa cubicle niya.
"Siraulo ka Bright, anong ginawa mo-"
"Tera, kalma, wala, walang nangyari. Sige na, kain na kayo." Nakangiti kong turan, napakunot ang noo ni Bright at Tera at takang tinningnan ang isa't isa bago nagbalik ng tingin sa akin.
"Dali na, wala 'yon Bright, I know you won't kiss her, kain na kayo, sige na, aalis na ako. I'm not mad, promise." ani ko bago sila nginitian.
"Xav..."mahinang tawag sa akin ni Bright, ngumiti ako bago siya nilapitan at hinalikan sa pisnge.
"Date tayo after ng work mo ha?" ani ko dito at muli siyang nginitian bago siya tinalikuran at dali-daling umalis ng kanilang lugar.
Yung luha kong ppinipigilan kanina na bumagsak ay saka ko pinakawalan nang makasakay ako ng taxi pauwi. Parang napapansin pa ako ng driver na umiiyak dahil patingin-tingin ito sa rear- mirror niya.
Nakaramdam din yata si kuya at mabilis akong nakarating sa tapat ng building. Agad akong nagbayad at lumabas ng taxi at pumasok sa loob.
Pagpasok ko ng bahay ay sa sofa agad ang aking tungo at doon ay tahimik na umiyak.
Hindi ko maipaliwanag yung sakit, siguro nag o-overreact lang ako. Nakita ko naman na hindi niya ginusto, nakita ko rin na itinulak niya papalayo. Kaya... kasalanan ni Ianna. Tsaka alam niya na may girlfriend na si Bright, ang kati talgaa ng babae na 'yan!
Huminga ako ng malalim bago naisip kung ano ang kailangan ko.
Kailangan ko munang makapag relax.
Una akong tumawag kay Addi na agad din niyang sinagot.
[Uy! Happy birthday! Sarap naman ng-]
"Addi..." tawag ko dito sa mahinang boses.
[Xavi umiiyak ka ba?] tanong nito at bakas sa boses niya ang pag-aalala.
"Mag l-leave muna ako ng mga... ano... two weeks, uuwi lang ako, masama kasi pakiramdam ko. Paki-asikaso naman ha?" ani ko dito,
[Sige sige, magpahinga ka, magpagaling ka, ako na bahala.] ani niya at tumango ako.
"Sige sige, thank you." ani ko bago pinatay ang tawag, nasa isip ko na agad ang kasunod na number kong tatawagan. Mabuti nalang ay agad siyang sumagot.
[Hello?]
"Jake, nasaan ka?" tanong ko dito, sinusbukan na hindi manginig ang boseS.
[I'm in my house, I'm about to go home sa Tagkawayan, why?] tanong nito at napapahid ako ng luha.
Sakto, "Ahm... magkita tayo sa McDo malapit sa pinagtatrabahhuhan ko." ani ko at hindi agad ito sumagot.
"Jake-"
[Yes, sure sure, I'll be there, see you.]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com