Miss You
"Ahhhhhhhh," wika ko habang hinihintay ko ang kutsara na hawak ni Vienvi na isusubo sa akin, kung saan nakalagay ang paborito naming dalawa na cookies and cream flavor nang ice cream.
Sabi kasi sa naka display sa store na ito, mas sasarap daw ang tinda nilang ice cream kapag daw ang nagsubo sayo ay ang taong mahal mo.
At lagi namin iyong ginagawa, actually suki kami ni Vienvi dito. Kilala na nga din kami dito at kilala na din namin ang manager and even the staff and crew here.
Kaya di ko napigil ang sarili na mahampas ko siya sa balikat sa malambing na paraan, pa'no kasi kumalat na naman ang ice cream sa pisngi ko. "Vienvi, ang daya-daya mo ayos naman ako kung magsubo sayo eh" naka-pout pa ako niyan, ganyan ako maglambing sa kaniya.
"Sorry na cookies ko, aayusin ko na binibiro lang naman kita eh," suyo niya sa akin. Habang ako naka TAMPO-EFFECT lang ang peg.
Syempre niloloko ko lang din naman siya haha. Anyway Cookies tawag niya sa akin tas tawag ko sa kaniya ay Creamy, alam niyo na kung saan namin iyon kinuha walang iba kundi sa paborito naming ice cream.
Tinignan ko yung wall clock sa store na iyon, 9pm na pala. We have to go kahit ayaw ko pa magsasara na din kasi ang store na ito, actually nag-aayos na sila para magsara.
Tumayo na ako at hinanap si Darwin- yung manager ng store na ito, kaibigan din kase siya ni ate Paula kaya medyo close ako sa kaniya. Pagkakita ko sa kaniya ay agad akong nagpaalam.
"Darwin, mauna na kami," tas nginitian ko siya, ganun din siya sa akin. Napatingin naman sa amin yung mga staff niya na para bang may ginawa akong mali pero hindi ko sila pinansin, sino ba sila . At hawak-kamay kaming umalis ng store na iyon.
"Alam mo Vienvi, ang saya-saya ko. Alam mo bang ikaw ang pinaka magandang pangyare na naganap sa buhay ko," ningitian ko ulit siya at mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa braso niya.
"Ganun din naman ako cookies, ikaw ang magandang regalo na ibinigay sa akin ng Diyos" pagkasabi nun hinahawakan niya kamay ko ng mahigpit. At hawak kamay ulit kaming naglakad, di alintana ang tingin ng mga tao sa amin.
Teka sa totoo lang naasar na ako, nakakairita na ang mga tingin ng tao sa amin para bang nanghuhusga, nangmamata. Ano ba problema nila, may mali ba silang nakikita sa amin?
Kasi bawat nakakasalubong namin ni Vienvi ay obviously sinusundan kami nang tingin, though nakalagpas na sila tas may ibinubulong sila sa kasama nila and I'm sure naman it's about us ni Vienvi, obvious naman kasi.
"Ano bang problema?," inis kong tanong sa sarili ko.
"Wag mo na silang pansinin cookies, basta ikaw dapat maging masaya ka palagi ha. Ayokong nalulungkot ka at tandaan mo lagi kahit anong mangyare, palagi lamang akong narito sa tabi mo."
Naku narinig ko na naman ang pangako niyang iyon at talaga namang halos magpakilig sa puso't isipan ko. Sa ngayon wala na akong pakealam sa lahat, ang alam ko lang masaya ako lalo na' pinanghahawakan ko ang pangako niyang di ako iiwan.
____________________________________________________
Kinabukasan...
Himala ang maagap kong paggising. Ay! Oo nga pala napag usapan namin ni Vienvi na magkikita ulit ngayon. Eh-kase-nga-may-date-po ulit-kami, hayaan niyo na akong kiligin, boyfriend ko naman siya eh hahaha.
Pagkatapos kong magpaganda ay nagmabilis na akong lumabas ng kwarto, bumaba nang hagdan at doon ko nakita sina Mommy, daddy, ate at kuya sa may sala. Aba kumpleto sila anong meron?
"Aba ang anak ko, natutuwa ako at inaayos mo na ulit ang sarili mo," bungad sa akin ni Daddy. By the way, Daddy's girl nga pala ako, nakakahiya man sabihin hehehe.
"Naku salamat sa Diyos at bumalik na sa dating sigla ang prinsesa ko," maluha-luha naman na sabi ni Mommy. Teka ang weird huh, Anyare sa mga ito. Pagkayakap ko kay mommy, nagmano naman ako kay Daddy then beso na lang kina ate at kuya.
"Teka mukhang may lakad si bunso ah." Si ate Paula yung nagtanong.
"Oo ate, may date po ulit kasi kami," pagkasabi ko nun ay sabay-sabay silang nagkatinginan na lalong nag pa weird sa mga nangyayare.
"Date?"
Take note, sabay-sabay pa silang nagtanong niyan. Para namang hindi na sila sanay sa date namin ni Vienvi duh! Eh halos trice a week kaming mag date ni Vienvi at saka apat na taon ng nagpapabalik-balik dito sa bahay boyfriend ko, kaya kilalang-kilala nila yun- impossibleng hindi.
Tinignan ko yung wrist watch ko, naku mag na-nine na. Male-late ako sa usapan namin.
"Mommy, ate Paula mamaya niyo na ako tanungin about sa date namin. I have to go male-late na kasi ako sa usapan namin." Humalik na ako sa mga pisngi nina ate. Tas natatarantang lumabas ng pinto.
"Teka lang anak!," pigil nila sa akin, pero syempre hindi ako nagpapigil hahaha masyado akong excited.
________________________________
Tinungo ko ang paborito naming lugar, dun sa may park. Medyo forest style ang dating ng park, malayo-layo din sa main road kaya walang polusyon plus pa yung mga puno na nagbibigay ng sariwang hangin. Nakita ko siya nakaupo doon sa ilalim ng puno, kung saan madalas kaming tumambay.
"Creamy pasensiya na nalate ako, sina Mommy kasi eh." Humarap siya sa akin at ninginitian ako. Oh no ang gwapo niya talaga bumagay pa sa kaniya yung white polo niya, naks! ang swerte ko at naging kami nang isa sa mga heart rob ng school namin noon. Correct! Noong nasa kolehiyo pa kase kami, habulin na talaga itong boyfriend ko nang mga babae. Hindi ko nga alam kung bakit ako minahal nito eh, gayung inis na inis ako sa kaniya noon.
"Okay lang yun, halika nga dito. Hinatak niya kamay ko at pinapaupo niya ako sa tabi niya, syempre umupo agad ako. Ayoko kasi sa lahat pakipot eh hahaha at alam niya yun.
"Siya nga pala nagdala ako ng makakain natin." Sinimulan ko ng ilabas isa-isa ang pagkain na nakaimbak sa malaki kong bag. Dinala ko lahat ng paborito naming dalawa plus pa yung ice cream na binili ko kanina bago pumunta dito.
"Gumawa ako ng yema, don't worry milo flavor nito yung paborito natin pareho. At saka dinala ko na din yung salad na natira kagabi, dagdag sa pagkain natin. Then may C2 para sa akin at syempre ang favorite drinks mo Sprite. Ay! May junk food din ako hihihi, don't worry dinala ko ang paborito mo at nakabukod na yung sa akin." Inabot ko sa kaniya yung piattos na green, yun kasi paborito niya tas ako Choco nots, hahaha Obviously mahilig ako sa chocolate habang siya sa maalat. Hehe parehas naming ayaw sa cheese flavor eh.
"Ang dami-dami nito dapat di kana nag-abala."
"Ano ka ba date natin ito, dapat kahit simple lang kailangan espesyal pa din." Naka-pout pa ako niyan kaya muli niyang ginulo buhok ko. Haha madalas niyang gawin iyan sa akin eh, mahilig siyang manggulo ng buhok feeling ko naiinggit siya sa buhok ko bwahaha joke lang.
"Kesyo may pagkain man o wala basta kasama kita, para sa akin espesyal pa din ang lahat." OMG! Pinapakilig na naman niya ako kyaaah. Yung feeling na araw-araw in love ka sa kaniya, kahit ang tagal niyo nang magkasama.
Lumipas man ang mga oras pakiramdam ko parang hindi, sana mabagal na lang lagi ang oras sa tuwing kasama ko siya. Ang saya ko kasi kasama ko na naman siya. Ang ipinagtataka ko lang, sa tuwing may dadaan sa harapan namin ay grabeh na lang kami kung titigan plus may bulong pang kasama. Minsan napikon ako at sinigawan yung couple na dumaan sa harapan namin, pero pinigilan ako ni Vienvi hayaan ko na daw.
"Hayaan mo na Cookies" tas ningitian niya ako at pinisil ang kanang kamay ko. Grabeh lang nakakatunaw ang mga ngiti niyang iyon.
Pagkatapos nun nakarinig ako ng sigaw at tinatawag ang pangalan ko.
"Jejairah!!." (pronounced as Jhe-Hai-Rah) Napalingon ako at napag alaman kong sina ate Paula pala iyon, teka ano naman ang ginagawa nila dito duh? Date kaya namin ni Vienvi, magiging awkward kung makiki-join sila di ba? Nasilayan ko na din sina Mommy, Daddy, kuya at si Darwin?
Teka ano bang nangyayare? Baka may masamang nangyare, nakaramdam tuloy ako ng kaba. Agad akong nilapitan nina ate.
"Oh ate anong nangyare sa inyo? May problema ba?" Nagtataka talaga ako, nagkatinginan pa sila bago niya ako sagutin.
"Nagpunta si Darwin sa bahay kanina at sinabi kung ano ang nakita niya kagabi sayo. Kinabahan kami, natatakot, Jejairah sigurado ka bang ayos ka lang?" Napakunot naman ang noo ko, ano bang pinagsasabi ng mga ito?
"Oo naman ate,may date kami ngayon and actually medyo nasira siya dahil sa inyo." Muli silang nagkatinginan.
"Date? Kanino?," sabay-sabay nilang tanong.
"Ate ano bang tanong iyan, syempre kay Vienvi kaya, sige na ate umalis na kayo nina Mommy." Pero sa halip na makinig sa akin ay niyakap ako nang mahigpit ni Ate. Pakiramdam ko may problema siya, then muli niyang hinawakan ang mga pisngi ko.
"Jejairah... makinig ka, patay na si Vienvi, matagal na siyang patay!" Hindi ko nagustuhan ang sinabi ni ate, kaya inalis ko ang mga kamay niya sa mukha ko.
"Ate ano ba yang pinagsasabi mo? Eh kagabi lang magkasama kami ni Vienvi, sinubuan pa nga niya ako ng ice cream eh. Tas hinatid pauwi, di na nga lang siya nakapag paalam sa inyo kasi tulog na kayo. At saka ate bumalik siya after niyang nawala. Sabi ko naman sa inyo babalikan niya ako eh."
"Anak, Jejairah... please tama na iyan. Tanggapin mo na wala na si Vienvi please anak." Nakita kong lumuluha si Mommy, then umupo siya sa harapan ko.
"Mommy, kasama ko nga siya ngayon eh. May date kami! Di ba Vienvi?" Ngunit nang lingunin ko ang kinauupuan niya kanina ay bigla siyang nawala doon. "Teka Vienvi? Creamy? Nasaan ka ba?" Nagpalinga-linga pa ako baka sakaling umalis lang o di kaya bumili lang, pero wala akong natatanaw na lalaking nakasuot ng white polo sa paligid.
Mas nagulat ako ng yakapin ako nina Mommy at ate nang sabay. Umiiyak sila pero di ko alam kung bakit?
"Anak si Vienvi, isang buwan na siyang patay. Na aksidente siya bago pa man ninyo i-celebrate ang 5th anniversary niyo. Anak please! Bumalik ka na sa dating ikaw, miss na miss ko na ang masayahing anak kong si Jejairah."
"Hindi! May binili lang siguro siya kaya wala siya dito." Ewan ko, para akong sira na pilit nagpapakatatag at naniniwala sa sinasabi ko. Subalit nararamdaman ko, may luhang namimintana na sa mga mata ko na para bang dahilan para may manumbalik na kirot sa puso ko. Isang katotohanan na ayaw kong tanggapin at paniwalaan.
"Jai! Please tanggapin mong wala na si Vienvi," pangungumbinsi pa ni Ate.
"Hindi!! Nagsisinungaling kayo!" Nagiiba na din ang tono ng boses ko.
"Anak! Makinig ka sa Mommy mo! WALA NA SI VIENVI, PATAY NA SIYA! PATAY NA SIYA!!" Ang mga salitang iyon ay tila paulit-ulit nagpupumintig sa aking mga tenga. Kaya naman pilit ko itong tinatakpan, ayoko nang marinig ang mga salitang iyon, please ayoko!
"Hindi! Hindi! Hindi totoo iyan! Nagsisinungaling kayo!" bulyaw ko sa kanilang lahat. Hanggang sa nagsimula na akong humagulgol, ewan, parang ang sakit na naramdaman ko noon ay tila nanumbalik at mas triple na ang epekto nitong sakit sa akin ngayon.
Unti-unti ng lumilinaw ang katotohanan na nakalatag sa harapan ko. Ang hapdi na dulot ng katotohanang Oo wala na nga si Vienvi sa buhay ko. Naalala ko na ang lahat, ang sakit! Ang sakit-sakit, para na naman akong timang na nagwawala dahil sa di ko matanggap na wala na si Vienvi sa buhay ko. WALA NA SIYA!
Ngayon tanda ko na ang pait ng nakaraan.
Araw nang ikalimang taon ng pagsasama namin, second year colleges pa lang kami ay mag boyfriend-girlfriend na kami. Idagdag pa ang samahan namin na magkaibigan na kami since 2nd yr high school, mula nang mag transfer siya sa school. Habang nakikilala namin ang isa't isa ay kasabay nito na kapwa na na din naming natututunang mahalin ang bawat isa. Dahilan para mas tumatag ang samahan namin na halos umabot na nga ng limang taon.
Kapwa na kaming nangangarap na bumuo ng masayang pamilya, palibhasa parehas na kaming graduated ng colleges, kaya hinahayaan na kami ng magulang namin na tumayo sa sarili naming mga paa.
Hanggang sa dumating ang di inaasahang pangyayare, nabalitaan namin na na aksidente si Vienvi sakay ng motor niya habang patungo na siya sa tagpuan namin. Nagalit pa nga ako sa kaniya kasi late na siya nang araw na iyon, subalit huli na ng malaman kong na sa punenarya na siya ng mga oras na iyon.
Halos gumuho ang mga pangarap ko, ang taong pinaka mamahal ko ay bigla na lang binawian ng buhay. Para na din inalisan ako ng dahilan para magpatuloy, hindi ko matanggap na wala na siya sa buhay ko. Kaya halos nawalan ako ng gana sa lahat.
Pinag leave muna ako sa office dahil sa depression ko ng mga panahon na iyon. Hindi na ako lumalabas ng bahay, hindi na ako nagsasayang nang oras para mag ayos sa sarili ko. Halos isang buwan akong naging pabaya sa lahat, sa trabaho ko, sa pamilya ko at sa sarili ko.
Hanggang isang araw, nagulat ako nang bumalik si Vienvi sa buhay ko, nagkaroon ako ng buhay subalit ang lahat ng iyon pala ay isang malaking ilusyon lamang. LAHAT ay likha ng pangungulila ko sa kaniya.
_____________________________
Flash back/// Sa tindahan
"Darwin, mauna na kami," paalam ni Jejairah kay Darwin at lumabas na ito ng tindahan nang nakangiti, malayong-malayo sa mga nakaraang araw.
"Teka Boss Darwin? Tama ba yung narinig namin, KAMI?," tanong ni Kat- isang staff sa store. Habang hawak ang basahan na ipinampupunas niya sa mga baso at kutsara sa may counter.
Napatingin naman si Darwin kay Kat, kasi akala niya nagkamali lang siya ng dinig sa sinabi ni Jejairah pero pati din pala ito narinig ang salitang "KAMI", which is nakakapagtaka dahil mag isa lang naman siya. Simula pa kanina nang pumasok siya sa tindahang iyon. Napansin din nila na para bang may kausap ito, kaya medyo nangamba sila lalo na nung umalis ito sa tindahan. Dahil kumikilos ito na para bang may kasama talaga siya, pero sa totoo sa paningin nila ay wala naman.
______________________________________________________________
Flash back/// Sa kalsada
"Alam mo Vienvi, ang saya-saya ko. Alam mo bang ikaw ang pinaka magandang pangyare na naganap sa buhay ko," sambit ni Jejairah kay Vienvi
"Ganun din naman ako cookies, ikaw ang magandang regalo na ibinigay sa akin ng Diyos," sagot ng binata sa kaniya.
"Babe, tignan mo yung babae oh, naguusap nang mag isa," bulong ng babae na nakasalubong nina Jejairah.
"Shhhh wag mong pansinin baka pag initan ka niya. Mukhang nasiraan na ng bait," pabulong din na sagot nito habang nalagpasan na nila si Jejairah na ngayon ay nakatingin na nga ng masama sa kanila.
"Ano bang problema?" tanong tuloy ni Jejairah sa sarili.
"Wag mo na silang pansinin cookies, basta ikaw dapat maging masaya ka palagi, ayokong nalulungkot ka at tandaan mo lagi lang akong narito sa tabi mo," sagot ni Vienvi sa kaniya.
___________________________________
Flash back/// Sa may park...
"Look oh, nakakatakot naman yan. Baliw ba ang babae na iyan at nagsasalita ng kaniya?" bulong ng babae sa kaniyang boyfriend pagkadaan nila kay Jejairah na kasalukuyang inilalabas ang mga junkfood at tila may kausap.
"Kawawa naman yung babae, sayang maganda pa naman" komento naman ng lalaking kasama nito.
"Hay naku hon, sinong pipiliin mo ako o ang baliw na iyan?" ani ng babae.
"Syempre ikaw!" tas nagyakapan sila
"Hoy kayo anong tinitingin-tingin niyo dyan huh!" singhal ni Jejairah ng mapansin ang dalawa, Kaya naman namimilis ang mga ito na lumayo sa kaniya.
"Hayaan mo na Cookies!" saway sa kaniya ni Vienvi na tangi si Jejairah lang ang nakakakita sa kaniya.
End of flash back////
__________________________________
"Hindi! Hindi! Cream! Vienvi mahal na mahal kit, bakit mo ako iniwan. Bakit!!!?"
Malakas na hagulgol ni Jejairah, nagwawala siya sa kalagitnaan ng lahat. Damang-dama na naman niya ang sakit na akala niya ay okay na pero hindi pa pala. Akala niya tanggap na niya nawala na sa kaniyang buhay ang lalaking pinaka mamahal niya, pero parang umulit lang sa simula ang lahat, ang sakit, ang kirot ang pag dadalamhati.
Lahat-lahat ay tila nanumbalik sa kaniyang puso't isipan. Ang mawalan ng taong minamahal ang isang bagay na ayaw maramdaman ninuman na ngayon nga ay kaniyang pinagdadaanan at nahihirapan siya na iyon ay mapagtagumpayan lalo na't hindi niya pa talaga tanggap ang mga nangyare sa kanila ni Vienvi.
...The end...
Jejairah and Vienvi love story :D
pagmamay ari ni Yhinyhin :D
Queen of Tragedy Story
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com