Ms. Clumsy meets Mr. Perfect [14]
"Okay guys? Nandito na ba ang lahat?" tanong ng isang lalaki
"yes po okay na,." sagot naman ng isa
"may we all have a safe flight" sabi ni Mr. makatakot at nagsimula na sila pumasok sa boarding sa airport.
"Tina ditto ka?" tanong ni Benz
"ah oo , ikaw ba? " tanong naman ni Tina
"ah oo ako katabi mo" masayang sabi ni Benz, habang si Jake naman
"2-1" pang aalaska nito sa kaibigan , nasa likuran lang siya nila Tina
"Like wala na bang ia-ugly pa yung katabi ko?" pag iinarte naman ni tiffy
"ikaw na naman?" reklamo ni Jake
"karma has it's own ways." Bulong ni Benz
"woohhooo sana mag enjoy tayong lahat dito~!" energetic naman na sabi ni Ram
"like how can you be happy when she's the one beside me?" bulong ni Jake
"duhh , napakaswerte mo at madidikit yang madumi mong balat sa mala perlas na balat ko " sabay irap ni Tiffy
"perlas, mo mukha mo" pikon na sabi ni Jake
"guys wag na kayong mag away " napakamot nalang si Tina sa ulo niya
"Raye sandwich gusto mo?" alok ni Desiree kay Raye
"no thanks." Sabi nito matapos eh naglagay na ng taklob sa mukha niya para matulog.
At buong byahe eh nag aasaran lang si Tiffy at Jake, si Benz at Tina naman ay napakatihimik, ang iba naman ay halos mapunit na rin ang mga ngiti sa mukha tuwing iniisip na isang lingo ang bakasyon nila.
At dumating na nga ang araw na pinakahihintay nila, ang isang linggong bakasyon
"Welcome pos a Palawan " masayang salubong sa mga estudyante ng mga taga palawan.
"so okay na ba ang plano?" yan ang sabi ng nasa telepno na kausap ni Mr. Makatakot
"yes sir, handa na po ang lahat." Matapos ay ngumisi ito ng pagkalawak lawak.
"yes sa wakas nandito na rin tayo megad sakit ng pwet ko sa byahe masakit pa mata ko sa katabi ko ." Pagrereklamo ni Jake sa kanilang mahabang byahe
"nagsalita" bulong ni Tiffy
"tina dito tayo" matapos ay pinagbuksan ni Benz si Tina ng pintuan ng van na siyang maghahatid sa kanila papunta dun sa resort na pupuntahan nila.
"3-1" bulong ni Jake ditto
"baliw" yan nalang nasabi ni Benz
"Raye ditto ka rin ata" sigaw ni Tina kasi nasa loob na siya at ang iba eh nasa labas pa naghahanda na rin sumakaya sa kanya kanyang van na nakalaan para sa kanya kanyang grupo din nila
"ah oo " matapos ay sumakay na rin siya
"isasama ko bas a scoring tong si Tina?" bulong ulit ni Jake kay Benz
"gusto ko dito sa window side~!" reklamo ni Jake at nagsimula na naming magbangayan ang dalawa.
Oras din ang lumipas bago sila makarating dun sa resort, matapos ay tinipon na sila base sa kani kanilang grupo.
"okay guys Team Montenegrooooo~!" rinig ng magkakagrupo at sa di kalayuan eh nakita nila si Mr.Makatakot
"hoi ditto tayyooo~!!" pagtatawag ni Yen sa mga kasama at agad naman itong nagtipon
"so first things first, meron tayong 6 pero group ang isang kwarto syempre saken nay un ,ayaw ko ng kahati so I'm sorry, every room may 2 tao okay division guys basic . " pagpapaliwanag nito
"I volunteer na kami ni Papa Benz~" sigaw ni Jake
"kami nalang ni Raye~!" sigaw naman ni Desiree
"no uh uh, para fair ang labanan sa kung sino man ang makakasama niyo sa bawat kwarto , I'm ready." Matapos eh nilabas niya ang mga lubid na kanina pa pala nakatago sa bulsa niya.
"teneennngg~ ito na ang kasagutan sa mga katanungan niyo" at kita niya ang gulat sa mga mukha ng magkakagrupo
"so how will it work?" mataray na tanong ni Tiffy
"kung hindi ka nagmamadali , baka ito yung pumulupot sa leeg mo " pambabara naman ni Jake sa kanya
"so simple lang guys guguluhin ko siya at kung sino man ang nasa magkabilang dulo, sila na ang magkakasama for this 5 days sa kwarto so goodluck." Matapos ay nilapag niya na sa baba ang mga lubid at kanya kanya na silang kuha.
"so tingnan na natin kung sino ang magkakasama sa mga kwartooo~" excited na sabi ni Mr. Makatakot na parang alam niya na ang magiging Resulta.
"Benz and Desiree Room 1"
"uh uhhh minus points" bulong ni Jake kay Benz
"Ram and Yen Room 2"
"Jerry and Kent Room 3"
"lord sana po ako kasama ni papa Raye or si Tina okay na po ko sa kanila, promise po di muna ko bibili ng men's magazine next month." Bulong ni jakes a sarili hanggang sa sinambit na nga ni Mr. makatakot ang mga kinatatakutang linya ni Jake.
"Raye and Tina Room 4"
"Jake and Tiffy Room 5 okay so ayan na ang mga makakasama niyo sa kwarto, alam niyo naman ang mali sa tama diba nasa inyo na yan " matapos ay umalis na ng nakangisi si Mr, Makatakot.
"WWHYY?!!~~" sigaw ni Tiffy
"ganda ka ghurl?" asar na sabi ni Jake dito
"yes." Maiksing sagot ni Tiffy
"lord thank you po." Bulong ni Tina sa sarili, habang ang mukha naman ni Benz ay hindi maipinta.
"ba naman to, hanggang dito ba naman ikaw pa rin" napakamot nalang si Jerry sa ulo, marahil kasi lalaki pa rin ang kasama niya samantalang sila hindi.
"malas yata talaga siguro tayo bro." pag sang ayon nalang ni Kent sa kaibigan.
"bakit ganito parang sunod sunod yung pasakit saken " bulong ni Jake sa sarili
"trade tayo gusto niyo?" seryosong tanong ni Jake sa dalawa, napatingin naman sila sa kasama ni Jake, di naman lingid sa kaalaman ng lahat na ubod ng sungit, taray at arte talaga si Tiffy
"nope okay na kami sa isa't isa bro." bulong na sabi ni Jerry kay Jake.
"ahhm yung susi?" nilapitan naman ni Tina si Raye
"alam ko ibibigay ni sir yun mamaya after dinner."
"ah sige, okay lang sayo na ako kasama mo?" tanong ng dalaga dito, at unti unti ng lumalaban si Tina sa kapalaran
"ah oo naman " matapos eh ngumiti si Raye dito, na halos ikatunaw ng dalaga
"bes, easy ka lang " alaska ni Jake kay Tina
"la parang baliw." Yan lang ang nasabi ni Tina
"naku parang hindi naman kita kilala besss" matapos eh tumigin si Jake kay Benz
"2-4" habang humahagalpak kakatawa
"Kokak" yan nalang ang asar na reply ni Benz kay Jake , at alam na ni Jake ang ibig sabihin nun
"noooo! Eewwww!!" sigaw nito, matapos ay nagpunta na sila sa kani kanilang kwarto.
_________________________________________________________________
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com