Ms. Clumsy meets Mr. Perfect [3]
nasa bahay na si Tina ng maabutan ang ama nito sa sala sabay kinamusta na rin siya sa unang araw ng pagpasok niya.
" oh maganda kong anak musta first day of school mo?" panimula ng kanyang ama
"ok lang naman po." pagsagot naman ni Tina
"mabuti naman kung ganun by the way your tita Karen called me this morning at nakauwi na daw si Alex nagkita na rin kami kanina sa School bukas papakilala ko siya sayo :) " pagbabalita neto sa anak.
"dad! no need kilala ko na yun remember? kababata ko siya diba" natatawang sabi ni Tina sa ama
" pero di mo na siya makikilala sa sobrang dami ng pinagbago niya anak pramis pati ako nagulat as in napa Woah ako kanina" natatawang sabi ni Danny
"sus makikilala ko pa rin yun pa" pag insist neto , si Alex ang kababata ni Tina 7 years ago. umalis sila papuntang states for their business abroad and kagustuhan na rin ng parents niya na dun na muna tumira kaya naman nahiwalay ito sa matalik niyang kaibigan.
Tina's POV:
"YYYYIIIIIIIIPPPPPPPPPEEEEEE WUT WUT!!!!! makikita ko na rin si Alex ang adik na yun! Ano naman kayang pinagbago niya na sinasabi ni papa? tsaka nasa same school kami at di ko man lang nalaman na nandun din siya? sabagay madami nga palang students sa School na yun how come makikita ko agad siya and are we in the same year kaya? wala nakong maalala din since 7 years ago na yun di naman ganun ka clear ang memorya ko maliban nalang kung momentum namin ni papa Raye yun diba yiiee enebe kenekeleg ne nemen eke"
KINABUKASAN
"Tina bilisan mo na diyan at sabay na tayong pupunta ng school" pag-uutos ni Danny sa anak.
"yes dad! ay teka po ngayong umaga ko po ba siya makikita?" excited na tanong ni Tina sa ama
" mamayang afternoon pa siguro after my meeting with the shareholders"
"ah ok po." pagkadating na pagkadating ni Tina sakto nandun rin si Jake kaya sabay na lang sila na pumasok sa paaralan
"goodmorning tito!" pagbati ni Jake kay Danny,
"goodmorning din Jake ijo oi ingatan mo tong princesa ko ah." pagbibilin ni Danny kay Jake
"opo tito don't worry alis na po kami.." sabay alis na nila Jake at Tina
"ok bye anak!~" sabay kaway neto sa anak.
"bye dad..." nang sa daanan may pinagkakaguluhan ang mga estudyante sino? ayun si Benz may nakaaway na basagulero sa school, nag amok ito ng away kaya naman pinatulan siya ni Benz, nilapitan to ni Tina para awatin ng di sinasadya pagkalapit niya kay Benz eh siya ang nakasalo ng suntok na dapat eh kay Benz kaya naman gumanti si Benz para kay Tina nanatili ang gulo at nakarating ang mga pangyayaring ito sa ama ni Tina , ang Dean. agad-agad namang pinatawag ni Danny ang mga taong nasasangkot sa gulong nangyari eh syempre nasali pati ang princesa niya, si Tina at kung merong Tina syempre may Jake din na kasama.
GUIDANCE OFFICE
"Alex tell me ano bang nasa isip niyo at dito pa kayo mismo sa school nag-away ah." gulat na pagtatanong ni Danny
"teka daddy anong Alex? eh si Benz yan eh yung bago ko pong kaklase" naguguuhang tanong ni Tina sa kanyang ama
"Christina? Taba? kaw 'ba yan?" sabay tingin at hawak sa dalawang balikat ni Tina
"hala! paano mo nalaman yan ah tawagan namin yan ni Alex yung kababata ko" gulat na tanong ni Tina
"ako to Tina! Alex Benz Lee! remember?" sinusubukang ipaalala ni Benz ang lahat kay Tina
"teka maya na nga yang usapan niyo ayusin muna nating tong gusot na pinasukan niyo" pagpapaalala ni Danny sa gulong kinasangkutan ng tatlo
"parusahan niyo na lang po ako Tito" pag-aako ni Benz sa kasalanan.
"teka asan ung nakasama mo sa gulo? alam ko madami kayo ah" nagulat naman si Danny kasi wala dun ang kasama ni Benz na nanguna naman sa away.
"baka po umuwi na Tito."pagcoconclude ni Jake
"GGGGGGGGGGRRRRRRRRRRRRRRRRRRR! mga kabataan talaga ngayon Jake? pati ba naman ikaw kasali dito?! I'm so dissapointed" nailing na sabi ni Danny sa tatlo.
"naku tito hindi po ah eh nandito po kasi si Tina eh sabi niyo diba wag ko pabayaan ayan pati sa gulo dinamayan ko na" pagpapaliwanag niya.
"dad siya ba talaga si Alex?" paulit-ulit na tanong yan ni Tina sa ama
"nak naman kailangan pa bang itanong yan eh sinabi niya na nga diba." Napapagod nap ag explain ng ama niya sa kanya
"ay oo nga pala." Tumatawang sabi ni Tina
"siya si Alex? yung kinikwento mo? eh diba mataba yun?" pag-uusisa ni Jake
"kaya nga di din ako makapaniwala eh, kaya siguro hindi ko rin talaga siya nakilala kahit nasa isang school lang kami " masayang masaya si Tina at nakita niya na rin ang matagal niya ng nawalay na kaibigan.
"syempre nagwork-out ako para pumayat para pagbalik ko dito masorpresa si Taba kaso pati siya pala pumayat na ni di ko nga nakilala eh." Natutuwang kwento ni Benz
" kaya pala magkasing-amoy yung pabango na gamit mo at gamit ng kababata ko kasi iisa lang pala talaga kayo." naalala niya yung pabangong nasa T-shirt na inoffer sa kanya ni Benz.
"kung ako sa inyo maya na kayo mag-chikahan kasi mala-late na kayo sa klase niyo at Tina hindi porket anak kita ah papalagpasin kita sa mga ginawa mo ." pagpapaalala sa oras kasi chikahan ng chikahan ang tatlo.
"naku nga pala sige dad maya nalang alis na kami " then agad-agad silang pumunta ng room kaso huli na kasi late na sila.
"ang aga niyo naman para bukas" mataray na pagsasabi ni Ms. Castro sa tatlo, ang atensyon ng buong klase ay nasa kanila.
"naku sorry po ma'am medyo sumabit lang po ako sa gulo" paghingi ng paumanhin ni Benz sa kanilang guro
"so kelangan kasama mo silang dalawa? Ano kailangan mo moral support?" galit na sabi ni Ms. Castro
"alam mo ma'am, una sa lahat ang paghingi ng pasensya ay isang paraan para malaman mon a humihingi ng paumanhin ang isang taong nagkamali, I'm sorry for I am telling you this kind of words but I think you need to understand that we are students and students are still learning even you, you do not have enough knowledge to teach us everything, but please can you give us a chance to prove ourselves." Pagsasabi ni Jake ditto
"okay then community service will be a very good idea." Sabi nito habang nakataas ang isang kilay
"sige po ma'am" sabay umalis ang tatlo at kumuha na ng mga gamit na kakailanganin nila para sa kanilang community service
"besss it's so hot in here" reklamo ni Jake kay Tina
"pero mas mainit ang ulo ni Ms. Castro saten hahaha!" natatawang sabi ni Tina
"TAAHHHHHOOOOOO~" narinig ni Benz ang isang sigaw ng taong magtataho na matagal niya na ring di natitikman.
"wait guys gusto niyo ng Taho?" alok ni Benz sa dalawa
"shoreness Bebe ko" pagtugon ni Jake ditto
"ikaw Tina?" tanong ni Benz
"sige Benz " matapos ay tumungo si Benz
"Pabili po manong" hingal na sabi ni Benz sa nagtitinda
"manang, haha magkano? Lima o sampu?" tanong ng magtataho
"sorry ho di ko namalayan dahil sa sombrero ,tatlong sampu ho." Sabi neto
"gaya ng hula ko galante ka, alam ko na mas Malaki pa ang kaya mong ibigay ijo, pero sana pag isipan mong mabuti ang mga gagawin mong desisyon." Nagtataka naman si Benz sa kung ano ang sinasabi ng babae
"po manang?" takang tanong ni Benz
"eto tatlong sampu, 30 lahat." Matapos ay iniabot nito ang kanyang kamay
"eto ho" hinawakan ng babae ang palad ni Benz napatingin naman sa banda nila si Jake
"gwapo mo papicture ;)" tapos iniangat nito ang kanyang iphone at pinicturan ang nagulat na Benz matapos ay umalis na habang si benz ay naiwang nagtataka hawak ang mga taho na nabili
"Sabi ko na ng aba may gusto sayo yung magtataho eh " asar na sabi ni Jake nagtawanan naman siang tatlo habang humihigop ng mainit na taho
_____________________________________________________________________________
TBC..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com