Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ms. Clumsy meets Mr. Perfect [9]

Benz

I hope Tina will look my way just like how she looks at Raye. Bakit ba kasi ang hilig ng tao eh magmahal ng taong may mahal naman ng iba? Yung as in ang obvious na ng signs and still you end up falling day by day still. Matagal ko ng gusto si Tina, bata pa lang kami I know she's the girl I wanted to spend my whole life with, pero mapaglaro ang tadhana at nilayo ako sa kanya, I needed to go to states for my therapy. I am weak as a child that's why my parents decided to go to states for my medication. But now I finally convinced them na okay nako that's why bumalik ako dito sa pilipinas.

*Cellphone ringing

"hello ma?" tumatawag saken lagi si mama para masigurado na okay lang ako dito

"anak are you sure you're okay there?" tanong neto saken, lagi niya talaga kong inaalala.

"opo ma, I'm okay here kamusta naman kayo ni papa?" tanong ko sa kanya

"your daddy and I are doing fine here my dear, please pag may problema tawagan moa gad ako ah, as soon as your dad finishes his business here, uuwi kami agad diyan anak ha." Pagsasabi nito sa anak

"naku si mama talaga, take your time po ah , I' ll always give you an update, sige na ma I know it's late there matulog na po kayo ah magpapahinga na rin po ako" sabi ko sa kanya

"sige anak ha, always take care of yourself darling okay don't forget your." Di ko na pinatapos si mama sa sasabihin niya at hahaba na naman ang usapan namin, she needs to rest

"opo ma okay bye goodnight I love you ma" matapos ay binaba ko na ang tawag

"mabibigay din kita." Matapos ay tinago ko na sa drawer ko ang isang maliit na kahon at humiga na sa kama para magpahinga.

Kinabukasan

"papa raye!" sigaw ni Jake kay Raye sa loob ng classroom kaya naman napalingon sa kanila halos lahat ng studyante

"oh?" maiksing sagot neto

"bakit di ka nakaattend kahapon?" usisa nito

"ah sorry may emergency kasi." Pagpapalusot nito, ayaw niya lang sabihin na medyo naligaw siya

"naku sana nagtext ka man lang, sobrang lungkot tuloy ng lola mo." Pagpapaalam ni Jake

"lola?" tanong ni Raye

"I mean ni Tina." Sabi nito bigla naming sumingit sa usapan si Benz

"by the way asan nga pala si Tina?" takang tanong ni Benz kasi magsisimula na ang klase ay wala pa rin ito sa room nila

"ayun nasa bahay nila, nagcollapse kasi siya kahapon overthinking daw sabi ni tito." Pagbabalita ni Jake kay Benz

"ha overthinking? Ba't di mo ko sinabihan?" pag aalalang sabi ni Benz, halata mo sa mukha niya na sobrang nag aalala siya para kay Tina

"hala siya oh, di naman ako nainform na kailangan ko palang sabihin sayo lahat ng nagyayari kay Tina, hmm I smell something in here." Nang uusisang sabi ni Jake

"ah hindi naman nag- aalala lang ako sa kanya." Pagbanggit ni Benz, si Raye naman ay umupo nalang.

"well there's something missing here? Asan yung kaibigan mong lampa?" tanong ni Tiffy kay Jake

"obvious ba? Malamang wala? Palaka ka na nga low on common sense ka pa, super gifted " pang aasar nito kay Tiffy

"oh well gifted talaga ko, wag mo ko masyadong purihin baka main love ka saken sige ka." Nakangising sabi ni Tiffy matapos ay umalis na

Dumating na ang teacher nila na Mr. Makatakot at nagdiscuss

"goodmorning class." Panimulang bati niya

"so how was your project going? Ayaw ko ng pabara bara ah " pagbabanta nito

"okay naman sir you don't have to worry" pagtugon ni Leonardo

"good to hear that, so okay let's start our discussion." Matapos ay nagsimula na siyang magdiscuss, Si Raye ay tulala sa labas ng bintana na para bang ang lalim ng iniisip, habang si Benz naman ay nakatingin sa Upuan ni Tina bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala. Matapos ang klase ay niyaya ni Jake si Benz pumunta kila Tina

"gusto mo sumama? Pupuntahan ko si Tina" pagsasabi nito, tila hinuhuli ni Jake kung ano ba talaga ang meron kay Benz at ganun nalang siya mag-alala sa kaibigan.

"pero bago tayo pumunta sa kanila pwede bang daan muna tayo sa flowershop?" tanong ni Benz

"ay wow may pa flower si mayor, sureness" matapos ay umalis na ang dalawa.

*Montenegro's Residence

*DING DONG*

"manang pakicheck naman po mukhang may tao ata sa labas." Pagsasabi ni Tina sa kanilang kasambahay

"yis ati" tugon naman nito, matapos ay agad siyang tumungo sa pinto para malaman kung sino ang nagdoor bell. Pero huli na kasi wala na siyang taong naabutan papasok na sana siya ng mapansin niya ang sulat sa ibaba ng pinto na may kasamang larawan at bulaklak.

"ati may Plowers kayu" nanlaki ang mata ni Tina , bukod kasi sa kuya niyang namayapa na ay wala naming ibang tao ang mahilig magpadala sa kanya ng bulaklak

"di kaya minumulto nako ni Kuya?" pananakot ni Tina sa sarili

"naku ati di naman siguru, Mr.Dimunamagpapakilala nakalagay eh, grabi ati, haba naman ng neym niya." Sabi ng kasambahay nila matapos iniabot ang sulat at bulaklak kay Tina

"PAGALING KA – MR.DIMUNAMAGPAPAKILALA" yan lang ang nakalagay sa sulat at may kalakip na larawan ng isang paa, paa ng isang tuta. Napangiti naman si Tina sa larawan dahil mahilig din talaga siya sa mga hayop lalo na sa aso. Kahit nanghihina ay agad siyang humanap ng vase na mapaglalagyan ng mga bulaklak na natanggap niya.

Maya maya pa ay dumating naman si Jake at si Benz sa bahay nila Tina

"bessss!" sigaw ni Jake sa kaibigan

"ang o.a naman neto akala mo tagal mo kong di nakita haha" natatawang sabi ni Tina sa kaibigan

"flowers para sayo Tina " sabay bigay ni Benz sa bulaklak na hawak hawak niya

"naku salamat Benz ah" masayang sabi ni Tina, napatingin naman si Jake sa vase na nasa mesa ng sala nila Tina

"himala di ata red rose yan?" tanong ni Jake, lahat kasi ng bulaklak na décor sa bahay nila Tina ay pawing red rose lang dahil yun ang paborito ng kanyang ina.

"ah yan ba , nakita ni yaya sa labas ng pinto, may nagpadala" sabi naman ni Tina sa kaibigan

"naku sis ikaw ah may secret admirer ka ah " kantyaw ng kaibigan sa dalaga

"naku hindi ah" pagtanggi naman ni Tina

"oh Benz tahimik mo ata?" pang aalaskang tanong ni Jake kay Benz

"ah hindi ah, kamusta ka naman Tina? Di na ba masama ang pakiramdam mo?" tanong neto

"ah hindi na salamat sa pagpunta ah teka kukuha ko lang kayo ng maiinom " matapos ay naglakad si Tina palayo nakita ni Benz na may talsik ng tubig sa sahig na siyang di naman ni Tina kaya nadulas siya, pero bago pa siya masalo ng sahig eh nasalo na siya ni Benz, tila nag slow motion ang lahat

"naku pasensya na, salamat ah" sabi ni Tina

"sa susunod mag ingat ka ah " nakangiting pag papaalala ni Benz sa dalaga matapos ay dumiretso na ito sa kusina para ikuha sila ng makakain at maiinom.

"confirm." Bulong ni Jake sa sarili

"anong confirm?" nagulat naman si Jake sa biglaang pagsulpot ni Danny sa gilid niya

"Tito nandito pala kayo hahaa ginugulat niyo ko eh" napakamot na sabi ni Jake

"sakto nandito kayo,I bought something to eat, dito na kayo kumain ah " pagsasabi ni Danny hindi naman na makatanggi ang dalawa

"ah sure tito" masayang sabi ni Benz

"ay oh ngiting wagi" natatawang sabi ni Jake.

"Manang pakihanda naman neto sa mesa oh." matapos ay tumungo na sila sa hapagkainan upang kumain ng dinner.

"by the way kailan ba uuwi dito parents mo Benz?" tanong ni Danny habang sila ay kumakain

"after daw po matapos ni papa ang deal nila dun sa states Tito " tugon ng binate

"ah ganun ba, basta ah feel free ka lang ditto sa bahay alam mo naman di ka na iba samen " pagsasabi ni Danny

"one point." Bulong ni Jake

"naman tito salamat po " masayang sabi ni Benz

"nga pala Jake kamusta ang klase kanina? May mga assignments ba?" tanong ni Tina sa kaibigan

"yung klase ba o si Raye?" nangangantyaw na tanong ni Jake

"Jake kaw talaga" asar na sabi ni Tina

"Raye?" napatanong naman si Danny

"ah wala yun Tito kaklase lang namin yun." Nakangising sabi ni Jake

"nanliligaw ka ba sa anak ko?" nagulat ang lahat sa tanong ni Danny, muntik ng mabuga ni Tina yung tubig na iniinom niya

"HUWAT?! Tito we're just friends" pagtanggi ni Jake

"hindi ikaw si Benz." Sabay tingin sa binata

"bakit tito pwede po ba?" mas lalong napanganga naman si Jake sa sagot ng binata kesa sa sagot ng ama, di niya mapigilang kiligin para sa dalawa.

"oo naman, dalaga na ang anak ko, I want her to be happy in life. Pero binabalaan kita pag sinaktan mo ajnak ko huhuntingin kita kahit sa kadulu duluhan pa ng mundo." Pagbabanta nito pero nakangiti naman siya

"dad talaga, Benz di mo kailangang sakyan ang joke ni papa ah " nahihiyang sabi ni Tina sa binata

"naku okay lang Tina noh" masayang tugon ni Benz

"ehem baka mapunit labi mo niyan" pang aalaska ulit ni Jake, matapos silang kumain ay agad na rin silang nagpaalam para makapagpahinga ulit si Tina.

"tito salamat po sa dinner" sabay na sabi ng dalawa

"hahaha at sabay talaga ah parang nagrehearse pa kayo ah. Walang anuman ah, salamat sa pagdalaw sa anak ko mag iingat kayo sa pagmamaneho at madilim na okay" pagpaalala ni Danny sa dalawang binata

"salamat sa pagdalaw ah " masayang sabi ni Tina

"di ka naman ganyan pag ako lang ah" at nagsimula na namang mang Alaska si Jake

"ikaw talaga kahit kelan ka sige na at baka gabihin pa kayo lalo "bago pa kung ano na naman ang masabi ni Jake ay inihatid na sila ni Tina sa labas ng bahay.

"mukhang kailangan ko ng ihanda ang sarili ko ah" bulong ni Danny sa sarili.

____________________________________________________________

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com