HULING KABANATA
Miyoko Jace's POV
Five months later…
"Hijo, magpahinga ka muna. Kami nalang ang magbabantay sa kanya." Turan ng Daddy ni Laila sabay tapik sa aking balikat.
"Hindi na po Dad, gusto ko paggising niya nandito lang ako sa tabi niya," sagot ko.
“Sige, papapuntahin ko nalang muna ang sekretarya ko rito para ihatid mga gamit na kailangan mo. Aalis muna ako saglit para bumili ng makakain natin." Aniya, saka hinalikan sa noo si Laila.
"Okay po. Mag-iingat po kayo. Clary samahan mo muna si Daddy sa labas," saad ko sa kanya bago ko inutusan ang kapatid ko.
"Kuya, umiiyak na naman si baby Clent,” saad ng kapatid kong si Clary.
"Akin na muna siya para tumahan," singit naman no’ng nurse na naka-assign sa pagbabantay sa anak naming ni Laila.
Tumayo ako at agad na kinuha sa nurse ang anak ko. "Ako nalang muna kakarga sa kanya." Suhestiyon ko.
"Sige po Sir." Tugon naman ng nurse saka umalis. Sumunod na rin si Dad at ang kapatid ko.
Agad naman siyang tumahan, "baby… kailan kaya gigising si Mommy?" utal ko kay baby Clent at agad naman niya akong tinawanan. Sumilay ang gilagid niya kaya napangiti ako at hinalikan ko ang noo niya.
"Princess, gumising kavna paki-usap… Kailangan ka namin ng anak mo." Sabi ko, sabay haplos sa mukha niya. Namumutla man, lumilitaw pa rin ang kagandahan niya.
Limang buwan na ang lumipas magmula nung operation ni Laila. Ngunit, hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising, sabi ng doktor naghihilom na sugat niya sa ulo. Kaso, comatose pa rin siya hanggang ngayon.
Kahit papano nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos dahil naging malusog naman ang anak naming at ‘di pa niya kinuha sa’kin si Laila.
"Baby, bakit?" tanong ko sa anak ko panay kasi ang tawa niya habang nakatingin sa mama niya.
Nanlaki ang mata ko no’ng gumalaw ang hintuturo ni Laila.
Agad akong tumayo at papalabas na sana ako ng pinto ng magsalita siya,
"Jace..."
Agad akong napalingon sa kanya… boses na matagal ko nang gustong marinig, sa wakas at napakinggan ko na rin.
"Laila… Prinsesa ko!" halos patakbong nilakad ko ang kinaroroonan niya't ‘di na napiligang mapaluha.
"Salamat sa Diyos, gising ka na…" sambit ko.
Agad kong nilagay sa stroller si baby Clent.
"Jace, na-uuhaw ako." Malumanay na sabi ng prinsesa ko.
"Sandali, eto na Princess… " inalalayan ko siyang umupo, "dahan-dahan," sabi ko sabay ayos ng nagulo niyang buhok. Umiksi kasi ito, nang kinalbo siya ng mga Doktor upang operahan, buti nalang at tumubo ito ng mabilis.
"Jace… Anong nangyari? ‘Yong---‘yong baby ko! Nasaan na Jace?! " natatarantang saad ni Laila nang mapansing numipis na ang tyan niya.
Biglang umalingaw-ngaw ang iyak ni baby Clent.
Natigilan kami ni Laila sa narinig namin. Agad niya itong hinanap at napansin ang baby na umiiyak sa loob ng stroller.
"Jace, siya na ba baby natin?" Tanong niya.
Tumango lang ako at ngumiti.
"P-panong?" Tanong niya ulit, bakas sa mukha niya ang pagkalito.
Tinawan ko lang siya at sinabing, "ikaw kasi ang tagal mong natulog. Hindi mo tuloy nakita ang paglabas ni baby."
"Jace… ba't ka umiiyak?" Tanong niya. ‘Di ko namalayang umiiyak na pala ako kaya agad ko namang pinunasan ito.
"Hinimatay ka no’ng araw ng kasal nati at isinugod ka namin rito… takot na takot ako no’ng sinabi ng doktor na kailangan mong ma-operahan sa lalong madaling panahon kaya napagdesisyonan kong pumayag sa sinabi nila, kahit ‘di mo pa kabuwanan, kinuha na nila yung baby sa tiyan mo, cesarian ka. Pagkatapos no’n agad kang inoperahan... Natakot ako, akala ko kukunin ka niya sa’kin, lalo na no’ng nagflat line na ang heart rate mo mabuti’t naghimala at bumalik ang tibok ng puso mo dahil umiiyak si baby Clent, akala ko magigising ka na no’n. Pero na-comatose ka pa. At sa awa ng Diyos gising ka na… h’wag mo na uulitin uli ‘yon ha… halos mamatay na ako sa pag-alala." Paliwanag ko sabay yakap sa kanya.
Yumakap naman siya sa’kin at sinabing, "hindi ko kayo kayang iwan Jace, patawarin mo ko kong pinag-alala kita... " sabi niya sa’kin. "Gusto ko siyang makarga Jace." Aniya at agad ko namang kinuha si baby Clent at binigay sa kanya.
Masayang-masaya si baby habang binubuhat siya ni Laila, umiiyak rin sa saya si Laila.
"Jace ang cute-cute niya!" nakangiting sabi ni Laila.
"Oo nga eh, kasi nakuha niya lahat sayo. Nakakatampo." Saad ko, kunwaring nagtatampo.
"Eto naman, siyempre paglaki niya alam kong manang-mana siya sa’yong kagwapohan!" sabi niya kaya napatawa ako.
Natigilan kami ni Laila nang makarinig na parang nabuhos na tubig,
Napalingon agad kami sa ingay na ‘yon si Daddy pala at si Clary parehong tulala… teka sino naman kasama nila?
"Anak! Salamat sa Diyos! Gising ka na..." saad ni Dad sabay takbo at yakap kay Laila, "akala ko kukunin ka na niya samin," umiiyak nitong sabi.
"Daddy naman eh, katatapos lang naming mag-drama ni Jace pinapaiiyak mo na naman ako." Biro ni Laila.
"Kuya, tatawagin ko na muna yung doktor." Tawag ni Clary sa’kin.
"Sandali! ‘di mo man ba ako ipapakilala sa kasama mo?" panunuya ko.
"Ay oo nga pala! Kuya si Blake… bestfriend ko." Aniya sa’kin.
"Tol, kuya ko nga pala si Miyoko." Saad naman ni Clary sa kasama niya.
"Magandang hapon po. Kinagagalak ko po kayong makilala," bati niya sa’kin sabay lahad ng kaliwang kamay nito.
Mukha siyang playboy sa itsura niya pero kampante na rin ako no’ng sinabi ng kapatid kong magkaibigan lang sila.
"Magandang hapon rin sa’yo… pwede mo ba munang samahan ni Clary?" tanong ko sa kanya.
"Opo! wala pong problema," tugon naman niya at lumabas na sila ng silid.
----
Lailanie's POV
Lumipas ang dalawang araw, napagpasyahan na naming umuwi at dinischarge na rin ako nang doktor, nasa bahay muna kaming lahat ‘di muna kami bumukod ni Jace kasi ayoko pang iwan mag-isa si Daddy.
Sa ngayon magaling na talaga ako sa sakit ko nagpapasalamat rin ako, dahil binigyan NIYA pa ako ng pangalawang buhay para makapiling ang asawa't anak ko ng matagal.
Sasusunod na buwan bibinyagan na namin si baby Clent… Pinangalanan na nila ito habang nakaratay pa ako noon sa hospital, kampante naman ako dahil maganda naman ang buong pangalan ng baby namin at iyon ay Yoko Clent Vulneria.
"Princess! bilisan mo na diyan nag-aantay na mga bisita," tawag sa’kin ni Jace.
Binilisan ko na ang pag-aayos at agad na bumaba.
Nagsi-celebrate kami ngayon ng isang welcoming party tsaka continuation ng naudlot naming reception no’ng kasal, dito sa garden ng bahay namin… gabi na, pero ginawa nilang maaliwalas ang paligid... andito ang lahat lalo na ang isang taong naging bahagi ng buhay ko.
"Bestiee!" malamikroponong sigaw ni Thea.
Kahit kailan ang ingay talaga ng isang ‘to. Kailan rin kaya ikakasal ang isang ‘to? ‘di na rin ako makapaghintay, maging maligaya ang bestfriend ko. Kaya naman may regalo ako para sa kanya.
"I hate you! You almost killed me sa pag-alala nung na-comatose at na-operahan ka… huhu best ‘wag na ‘wag mo kong iiwan ha!" conyong sabi niya sabay yakap ng mahigpit sa’kin.
"Sorry best kung pinag-alala kita. Siyempre ‘di kita iiwan no! ‘di ba walang iwanan? Ay oo nga pala, may regalo ako sayo… ay mali! May ipapakilala ako sa’yo!"
'"Echos best sino ba yan? siguraduhin mong fafabels yan ah!" excited niyang turan.
Ngumisi lang ako sa kanya at agad na hinila patungo sa lalaking nakatalikod sa’min. Kinilabit ko ang lalaki at humarap siya sa’min sabay ngiti... ang gaga naman natulala!
"M-Mariano? Si Kent nga!" halos sigaw ni Thea na ‘di makapaniwala. Nakita niya lang kasi ito sa litrato noon bago ako ikinasal kaya tiyak hindi niya kinalimutan ang mukha nito.
"Hi girls!" bati ni Kent sa’min.
Siniko ko si Thea na nakatulala at namumula ang mukha.
"Kent, si Thea nga pala," sabi ko kay Kent, "Thea this is Kent." Baling ko naman kay Thea.
Nag-hand shake sila at binati ang isa't-isa.
"Salamat Kent at nakapunta ka," sabi ko sa kanya.
"Of course! I can’t say no to my ex-fiancee," aniya sabay kindat.
"E-ehem" interrupt ni Jace habang karga-karga si baby Clent. "Hihiramin ko muna ang asawa ko," Anito kina Kent at Thea.
Nakita ko nag-smirk si Kent bago sinabing, “sure."
Binulungan ko si Thea, "gaga, chance mo na ‘to, h’wag mo sayangin ah!"
She giggle bago rumesponse "Ako pa! No one resist my charms! Lumayas ka na nang makapag-moment na kami rito!"
I pout at her at ngumisi ta’s sumama na kay Jace.
Biglang tumugtog ng slow rock binigay ni Jace si baby Clent kay Nana, na pinakamamahal ko at tinuring na pangalawang ina.
"Princess... may I?" tanong niya sabay lahad ng kamay.
I respond, "ayoko nga butler, Jace! " sabay ngisi ng pilya.
"Ah! Ayaw mo ha!" sabi niya tsaka hinigit ang bewang ko at tumungo sa gitna. Nabigla naman ako sa ginawa niya kaya napasubsob ang mukha ko sa dibdib niya... ang bango talaga ng asawa ko!
"Napapasarap ah?" nakangising tanong ni Jace
Ngumiti lang ako and I rest my head on his chest saka sumayaw kami sa saliw ng musika.
Nakita ko sina Kent at Thea na sumasayaw din at masayang nag-uusap. Tumingin si Thea sa’kin at kinindatan ko siya.
Nakiliti ako sa biglaang paglapat ng labi ni Jace sa tenga ko saka bumulong… "Ano Princess? Dating gawi?"
Nakaramdam ako ng excitement at sinabing,
"Dating gawi!" at hinila niya ako papalabas sa maraming tao.
*WAKAS*
Singkit's note_ Maraming salamat sa walang sawang suporta sa storya kong ito. I highly appreciate kahit silent reader kaman.
Subaybayan niyo rin po ang bagong storya ng Vulneria Series, this time kapatid na naman ni Miyoko Jace ang makikipagsapalaran sa THROWBACK LOVERS.
HANGGANG SA MULI! ^^
VOTE AND COMMENT ❤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com