KABANATA 1.
Lailanie's POV
"Señorita tawag ka na po ng daddy mo." Tawag sa'kin ni yaya Tes sa labas ng kwarto ko.
"Pasok po nana," walang gana kong sagot ta's pumasok na siya.
"Nakung bata ka! Bakit 'di ka pa nagbibihis? Kanina pa naghihintay mga bisita mo sa baba," tarantang sabi niya saka kinuha ang gown ko at sinimulan na akong suotan.
"Nana ayoko pong bumaba."
"Nako! Hindi pwede magagalit ang Daddy mo niyan."
"Pero nana... it's suppose to be my birthday at hindi engagement party." sabi ko sabay higa ulit sa kama bahala nang makusot ang damit ko.
"Anak hindi pwedeng magmukmok ka na lang rito, engagement palang yan anak—pwede ka pang umurong kung 'di mo talaga gusto. Halika nga rito," si nana na ang tumayong second mother ko, baby palang kasi ako siya na nag-aroga sa'kin kaya anak na ang tawag niya sakin .
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.
"Malaki na talaga ang alaga ko. Hindi pa rin ako handang makitang ikakasal ka na," saad niya habang nakayakap sa'kin at hinahalikan ang noo ko.
"Nana naman eh, syempre 'di na ako baby. Pero ayoko pa talagang makasal."
"'Wag mo nalang isiping engagement mo ngayon i-enjoy mo na lang 'yong birthday mo. Sige na, bababa na tayo inaantay ka na nila."
Tama si Nana, it's my debut at kailangang i-enjoy ko na lang.
So, I decided to move.
Lumabas na ako sa kwarto at bumaba.
Habang nasa hagdan ako lahat sila kumakanta ng happy birthday...
The heck? Ano ako? Bata?
Kaya binilisan ko nalang ang pagbaba 'di naman mahaba ang gown ko eh.
I prefer cocktail dress kesa long gown para madali akong makatakas tuwing may nangyayaring 'di ko gusto; tulad ngayon.
Agad akong pinapunta ni daddy sa puwesto nya.
"So, this must be Lailanie. Franco?" tanong nung babaeng kausap ni daddy.
"Yeah its her, Hija anak say hi to your tita Beatrice."
Heto na nga yung pinaka-ayaw ko.
"Hi." Tipid kong bati sa ginang na Beatrice daw pangalan.
"Happy birthday hija," sabi niya sabay beso sa'kin. Tch, kaartehan ng mga sosyal.
"Thanks tita."
"Nako, 'wag mo na akong tawaging tita. Besides, magiging manugang na kita. You can call me mom. You should meet my son Mariano talagang bagay na bagay kayo!" masayang sabi nya.
What the hell? Sagad na talaga 'to! Pwede birthday ko muna unahin nila? Nakakainis na a!
"Okay po tita este Mom pala. Excuse lang po sandali puntahan ko muna mga friends ko."
Nagmamadali akong umalis saka nag-usap ulit sila ni daddy.
"Hoy, bruha happy birthday!" bati sa'kin ni Thea sabay yakap. "What's with that face?"
"It's my birthday slash engagement party," walang gana kong tugon.
"What?! Oh my gosh girl! Who's the lucky guy? Gwapo ba? Macho ba? An—"
"Hindi ko pa siya nakikilala Thea," putol ko.
"Eh? Halika hanapin natin." sabi nya sabay hila sakin.
"Magtigil ka ngang bruha ka, it's my birthday 'wag mo nang sirain masyado, dahil sirang-sira nang araw ko." Inis na sabi ko.
"Whoa... sorry okay? Infairness best ang dami ng bisita mo ha puro bigatin. Nandito pa talaga ang campus teachers including principal. Ang mga naggagwapuhang varsities andito rin. Buong campus na yata ang attended sa mansyon niyo! Grabe talaga yaman niyo best!" she said giggling.
I rolled my eyes heavenwards.
"Gaga, kaya nga sa'min 'yong school diba? Nagtaka ka pa!"
"Ay oo nga no? Best lalafang muna ako ha enjoy your night!" hinalikan muna niya ako sa pisngi bago kumaripas ng takbo papuntang kusina.
Kahit kailan talaga napakatakaw ng babaeng iyon. 'Di bale na mawalan ng boyfriend 'wag lang pagkain ang alam na motto 'non.
Nagdecide muna akong pumunta sa terrace para magpahangin.
Hindi ko nirequest ni papa na mag-eighteen roses, eighteen candles, etc. Ang O.A na kaya no'n gusto simple lang iyong normal hindi ganito. Hay...
"Ang lalim 'non ah."
Napadilat ako at napatingin sa nagsalita.
He stood beside me.
"Sino ka? Kaklase ba kita? Schoolmate?" tanong ko. Hindi kasi siya pamilyar sakin.
He smiled before saying...
"I'm Mariano Kent Huston. Your husband-to-be," then he took my hand and kissed it!
Well, he has the looks. No I think he's really perfect! But...
I'm not yet ready. And I'm inlove with somebody!
"O—oh so you're my fiancee." Wala sa sarili kong sabi.
"Yeah, sa wakas napansin mo na rin ako. Masyado ka kasing sikat sa school kaya ni paglingon sa'kin 'di mo magawa."
Huh? Iisa lang kami ng school? Kung ganun...
"Schoolmates tayo?" tanong ko.
"Yes, and soulmates also," nakangiting sabi nya.
"How come I didn't know you? Bakit ngayon lang kita nakita?"
"Well actually, bahay at school lang ang routine ko, home and classroom to be exact. Madalas kitang makita at marinig ang tungkol sayo. Sapat siguro 'yon para makilala ko ang fiancee ko."
"Ang boring pala ng buhay mo."
"Look who's talking." Pasaring niya sabay tanaw sa mga tao sa ibaba.
I smirk before saying,
"For your information, my life's not boring. Adventure pa nga eh."
"How can you say so? Being rich really sucks you know."
"Yeah I knew that, pero tinatakasan ko ang mga bodyguards ko to do whatever I want at kapag nagsumbong sila—they're fired."
"That's rude. Hindi ko alam na brat ka rin pala"
"Yeah, kaya nga Brat surname ko diba?"
"It suits you well." Turan niya sabay tango-tango.
Inirapan ko siya sa sinabi nya.
Pasalamat ka gwapo ka! Tss..
"Laila! Happy birthday cousin. Nandito ka pala kanina ka pa namin hinahanap—Who is he?" sabi ng pinsan kong si Gale.
"Thanks by the way this is Mariano, Mariano si Gale at Riza mga pinsan ko." Pakilala ko.
"Hi there young ladies nice to meet you." Sabi ni Mariano habang nakangiti.
"Hello, it's a pleasure to meet you too." Halos sabay sabi ng mga pinsan ko. Nagpacute pa!
"By the way I have to go. Baka hinahanap na ako ni mama. Nice meeting you both." He smiles at Gale and Riza, then he turn his gaze to me, "see you later my love." Sabay kindat sa'kin.
Ano daw love?
"Aww... Ang sweet!" Riza said gigling.
"Sino 'yon? Boyfriend mo?" nakangising tanong naman ni Gale.
"Hindi no!" protesta ko.
"Ba't tawag sayo my love?" panunukso ni Gale.
"Akin nalang 'yon pinsan. Super gwapo e!" dreamy pa na pagkasabi ni Riza, kaya napa-iling nalang ako.
"He's my Fiancee." Saad ko na ikanagulat nila.
"Oo nga no, you're eighteen na pala! Kaya dapat ipakasal kana." Turan ni Gale.
"Swerte mo girl. Ang hot ng mapapagasawa mo! Si Rodrick hindi kasi hot e. Gwapo lang." Ani ni Riza. She's referring to her husband.
Ganito kasi lahi namin, kaya ubod ng yaman kasi dapat ipakasal sa mga mayayaman rin. Kahit di namin mahal ipinipilit na ipakasal, and if you oppose—itatakwil ka. Saklap!
"Yeah I might like him. But actually his boring," at may nagmamay-ari na ng puso ko.
Gusto kong idugtong 'yan kaso malalagot si Jace 'pag nalaman nila.
"Kala mo ikaw hindi, boring naman talaga buhay mayaman eh! Kaya 'wag ka na pumalag sayang ang grasya pinsan!" turan ni Riza sabay taas baba ng kilay.
"Hay ewan... Sige na aalis na muna ako mag-enjoy na muna kayo sa birthday ko." Saad ko. Ta's umalis na yung dalawa.
It's showtime! Ako nalang mag-isa makakatakas na ako sa gaganaping engagement party.
Agad akong pumuslit sa likod bahay...
"Where do you think you're going princess?" bungad ng butler ko.
Kaya napahinto ako sa pag-akyat ng kahoy para makatakas sa bahay.
"Great! I'm caught! Maglalayas duh!" I said and rolled my eyes.
"Kung gano'n sasama ako." Aniya saka inabot ang mga kamay ko.
Si Jace ang butler ko when I was in highschool. Second year college na kasi ako ngayon. Ang alam ko mayaman sina Jace 'cause I investigated his background, hindi ko lang alam kung bakit niya gustong magtrabaho sa'kin at bakit niya tinatago pagkatao niya. Ang dami na rin naming napagdaanan, siya ang katulong ko sa lahat ng bagay. Ahead lang siya sa'kin ng two years.
Sobrang mahal ko ang butler ko! I really love him. Pero, 'di pwede kasi nga amo niya ako. At isa pa, he treats me like her younger sister. Oo may kapatid siyang babae I met her sa school. Gusto ko talaga si Jace mapangasawa ko, no matter what happen.
"Jace..."
"Bumaba ka nga diyan, baka mapano ka mapapagalitan na naman ako ng daddy mo." He hissed.
"Aye! Aye!" nagsalute sign ako at tumalon pababa. "Dating gawi?" nakangiting tanong ko.
He pokes my head!
"Aray! Bakit?"
"Hindi ba sabi ko mag-ingat ka? E, kung masama ang landing ng pagtalon mo? Baka mamaya mapano ka pa."
Hay... Pinapagalitan na naman ako ng mahal ko.
"Oo na. Pero hindi na ako bata. Don't worry too much okay?"
"'Di porket dise-otso ka na pwede kanang magpariwara." He said.
"Opo. Behave na po."
"Good, I'm just concern. Sorry kung nasigawan kita."
"I deserved it. Thanks and I love you! Tara na!" I smiled and grab his hand.
"Princess." He utter and shook his head.
Bago pa kami makalabas ng gate hinarang na kami ng mga bodyguards.
"Boss, sa'n kayo pupunta? Sabi ni master bawal palabasin ang young lady." Sabi no'ng asungot kong bodyguard.
"Kargado ko si Laila kaya tumabi ka." Saad ni Jace sabay tabig sa guard at sumakay na kami sa kotse saka pinaharurot niya ng takbo.
Nakita ko sa side mirror na sinusundan kami no'ng mga guards ko!
"Jace sumusunod sila sa'tin." Ani ko.
"Don't worry princess... Dating gawi?" he smirk. Oh that smirk he's so gwapo talaga!
I nod before saying...
"Dating gawi!" sabay thumbs up.
——
Singkit's note:
Thanks for reading! Hope you enjoy the revised and edited version of this story.
Anyways thanks for supporting and please continue reading.
Pa-plug lang ng ibang VULNERIA SERIES story ko entitled. HINDI AKO TANGA DAHIL MINAHAL KITA,SADYANG MANHID KA LANG DAHIL DI MO NADAMA AT MY THROWBACK LOVERS.
Showering you my love ❤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com