KABANATA 13.
Steffi's POV
"Bakit Steffi? Bakit?! Paano mo ako nagawang lokohin? Pinagkatiwalaan kita... Shit!" frustrated na reaksyon ni Miyoko nang sabihin ko sa kanya ang totoo.
I told him everything at sinabi ko rin sa kanya na siya ang ama ng dinadala ni Laila.
"Kailangan kong puntahan si Laila." Aniya, ngunit bago pa siya makalabas pinigilan ko siya.
"What now Steffi? Hindi na ako papayag guluhin mo uli kami." Matigas na sabi niya.
"Jace patapusin mo muna ako. Please, I need your help. Wala akong malaking pera pang-opera kay Lola…” napalunok ako at nagpatuloy, “alam ko magagalit sa’kin si Mariano at ititigil na niya ang pagsuporta para sa Lola ko." Pagmamakaawa ko sa kanya.
"Sige, ako na bahala sa bayarin mo ngunit sa isang condition." Turan niya.
"Spill. Kahit ano, sabihin mo," agad kong sabi.
"Tulungan mo akong ‘wag matuloy ang kasal nila Laila at Mariano."
"O-oo gagawin ko pangako."
"Why are you doing this? Bakit sinuway mo si Mariano?"
"K-kasi… " I broke into tears, hindi ko kayang sabihin.
"Steffi, bakit?" malumanay na tanong ni Miyoko.
Isang katangian na nagpa-guilty sa’kin lalo, masyado siyang mabait para lokohin.
"Ma-mahal ko si Kent, Miyoko mahal na mahal ko siya." At humagulgol na talaga ako ng iyak.
Nakita kong nagulat si Miyoko sa sinabi ko.
"H’wag kang mag-alala, sabay tayong lalaban."
Tango lang ang tangi kong tugon.
Tama, lalaban ako. Ipaglalaban ko nararamdaman ko.
----
[A/N: babala! may pasabog sa chap nato. Enjoy!]
Laila's POV
"Ay bongga! Ang ganda mo talaga! Kaso may kulang ngumiti ka naman Ma’am! It’s your big day! Bakit ka nakabusangot?" talak ng baklang nag-aayos ng buhok ko.
Tama. Ikakasal na talaga ako ngayon, ayoko na rin patagalin pa ‘to. Minsan nangagarap pa rin ako na sana si Jace ang maghihintay sa’kin sa altar pero malabo na talagang mangyaring iyon.
Hay...
"You okay, anak?"
Napalingon ako.
"Dad." Matabang na turan ko. Ewan ko kung dapat pa ba akong magalit sa kanya kasi pagod na akong magalit.
"Hija, I'm sorry sa lahat ng ginawa ko. Na-realize ko, I was so selfish para isipin lang ang kumpanya at ang sarili ko nakalimutan ko na kaligayahan ng anak ko. I was so happy sa desisyon mong piliin at ituloy ang kasal kay Mariano. Pero hija, masaya ka ba?"
"Dad… tanggap niyo na po ba si Jace?" alangang tanong ko sa kanya.
"Anak, napa-background check ko na si Miyoko nagsinungaling siya hindi siya totoong mahirap and he had family---A wealthy family. Doon ko lang rin nalaman na anak pala siya ni Akiyo Vulneria isa sa may pinakamalaking shares ng ating kumpanya. Galit ako sa kanya dahil niloko niya rin tayo anak, gayo’n paman naki-usap sa akin ang Ama niya, na tanggapin at patawarin ko ang anak niya bago siya ma-comatose may dahilan daw kaya nya nagawa iyon at dahil ‘yon sayo anak. Noon paman mahal ka na niya." Mahabang lintanya ni Dad.
Hindi ako agad nakapagsalita tanging iyak lang ang itinugon ko kay Dad. Kung gano’n mas una pala niya akong minahal... bakit Jace? Ang selfish ko. Ni hindi ko alam tunay niyang pagkatao, comatose pa Daddy niya kung gano’n may pinagdadaanan rin pala siya.
"Huwag ka nang umiyak anak ko, tahan na Hija. Kung gusto mo mag-back out ‘di na kita pipigilan nais ko lang ang kaligayahan mo."
"No, Dad… itutuloy ko ang kasal."
Tumango lang si Daddy at inayos ko na sarili ko.
Agad naman akong lumabas upang sumakay na ng sasakyan papunta sa simbahan, alam kong hinihintay na ako ng lahat.
Diyos ko… tama ba ang naging desisyon ko?
----
Lahat ng babae pinapangarap ang ganitong eksena ang maglakad sa aisle habang hinahatid ng Daddy nila at nag-aantay ang groom na dapat ay ‘yong taong minamahal mo.
Dapat nga masaya ako dahil ito ang nangyayari ngayon... pero hindi ko magawang magsaya dahil litong-lito ang isip ko at hindi ko mahal ang taong naghihintay sa akin.
"Mariano hijo, alagaan mo ang anak ko." Bilin ni Daddy, hindi ko alam sa kakaisip ko nasa tapat ko na pala si Kent.
"Yes, Dad… I will." He said to my Dad sabay ngiti. Mabuti pa siya masaya.
"Ready ka na ba?" tanong sa’kin ni Kent.
Tumango lang ako at humarap na kami kay Father.
Nagpatuloy na ang seremonyas hanggang sa...
"Ikaw babae, tinatanggap mo ba si Mariano Kent Huston upang iyong maging asawa sa lungkot o ligaya, hirap o ginhawa… pang habang buhay?"
Sasagot na sana ako nang may biglang sumigaw...
"Itigil ang kasal!/Stop!" magkasabay na sigaw nito, boses babae at lalaki.
Pareho kaming napalingon ni Kent sa pinanggalingan ng boses.
Then I saw his face… ‘di siya nag-iisa dahil kasama niya ‘yong babaeng pinagpalit niya sa akin.
Letche! Imbes na magalit biglang bumilis ang tibok ng puso ko---Nagwawala.
Ganito ko na ba talaga siya ka-miss?
"Steffi what's this?" napalingon ako kay Kent dahil ‘di ko akalaing magkakilala sila ni Steffi.
"I'm sorry Kent, but Laila deserves to be happy, at hindi ko rin matatanggap na ikasal ka sa kanya...” turan nito na ikinakunot ng noo ko, anong ibig sabihin nito? “Laila let me explain, just to listen to me. " Baling naman ni Steffi sa gawi ko.
"Ano bang nangyayari?" tanong ko.
"Laila... ako ba ang ama ng dinadala mo?" tanong naman ni Jace na nagpabato sa’kin.
Lumakas ang bulong-bulungan sa simbahan.
"P-paano mo nalaman?" pabalik kong tanong.
"Ang tanong ko ang sagutin mo Laila?!" maawtoridad na sigaw ni Jace.
"Laila h’wag mo silang pakinggan, h’wag kang maniwala sa kanila." Natataranta namang saad ni Kent.
Biglang sumugod si Jace at agad na sinuntok si Kent.
"Hayop ka! Manggagamit! Manloloko! Pinaglaruan mo kami! Hindi ka talaga patas makipaglaro Mariano!" galit na sabi ni Jace at kinwelyuhan si Kent.
Agad namang inawat ni Steffi si Jace, "Miyoko ‘di ba sabi ko h’wag mong sasaktan si Kent… paki-usap pakawalan mo siya." Hikbing sabi ni Steffi.
Habang ako nakatulala at pilit na iniintindi ang mga nangyayari.
"Laila..." agad na lumuhod si Steffi sa harapan ko habang umiiyak.
"Patawarin mo ako Laila, ngunit inutusan lang ako ni Mariano na guluhin kayo ni Miyoko alang-alang sa Lola kong nag-aagaw buhay. Karapatan ni Jace malaman na anak niya ‘yang nasa sinapupunan mo. Alam kong mahal mo pa rin siya at napipilitan ka lang magpakasal kay Mariano, karapatan niyong lumigaya... patawarin mo sana ako please Laila h’wag siya ang piliin mo...h’wag si Mariano."
Isang malakas na sampal ang natamo ni Steffi galing sa’kin. Hindi ko alam kong saan ko naipon ang lakas ko, siguro dahil sa galit ko. All this time naging tanga na naman ako, nagpaloko na naman ako kay Kent.
"Laila..." umiiyak na sambit ni Kent habang may dugong naumaagos sa labi niya dahil sa suntok ni Jace. "I'm sorry..." binaling niya ang tingin kay Steffi na nakahawak sa kanyang pisngi habang umiiyak. "Huwag mo akong hawakan! Bakit mo ginawa sa’kin ‘to?!"
Tumawa ng mapait si Steffi at sinabing…
"Tanga ka na manhid ka pa! Ako palagi na nasa tabi mo pero si Laila palagi iniisip mo. Mahal kita Kent ‘di ba obvious ‘yon? O sadyang bulag ka lang dahil sa pagmamahal mo sa kanya?" sabay turo sa akin.
Nilapitan ako ni Jace tulala parin ako sa mga nagyayari ayaw mag-sink in sa utak ko ang mga sinabi nila. Pero isa lang ang alam ko…
Kailangan ko si Jace.
Agad niya akong niyakap at humagulgol ako sa dibdib niya.
"Sshh, princess... I'm sorry, sorry at nagpabulag ako. Patawarin mo ako, akala ko wala na akong pag-asa no’ng pinili mo si Mariano kaysa sa’kin… nagpakaduwag ako at piniling layuan ka. Patawad dahil tumigil akong ipaglaban ka. Galit na galit ako sa sarili ko no’ng malaman kong na-aksidente ka nang mag-away tayo, hindi ko mapapatawad sarili ko ‘pag may nangyaring masama sayo at sa anak ko. Patawarin mo ako Laila." This time siya naman ang umiyak habang yakap-yakap ako.
"Jace, patawad din dahil nagpaloko ulit ako... sorry din dahil---Ahh!" shit! sumasakit naman ulo ko! Agad akong napabitaw kay Jace at hinawakan ang ulo ko.
I saw their faces full of concern, lalong-lalo na si Jace.
"Princess, bakit?! Anong masakit?" tarantang tanong ni Jace. Ngunit ‘di ko siya magawang sagutin masyadong masakit ang ulo ko para magsalita.
"Laila! Shit! tumawag kayo ng ambulansya ngayon din!" sigaw ni Kent.
"Anak! tumawag kayo ng ambulansya!"
"Ahhh! Ang sakit! Hindi ko na kaya!" hinaing ko, hawak-hawak pa rin ako ni Jace.
Bago pa ulit ako makapagsalita nagdilim na ang paningin ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com