Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

04


Muling nadatnan ni Vincent si Lee na nagpipinta sa kanyang kwarto nang ito'y bisitahin niya. Hindi na rin nagtaka si Lee kung sino man ang nagbukas ng pinto at pumasok sa loob.

"Panibago ata 'yan? Ilan ba ang balak mong ipinta?" tanong ni Vincent sa dalaga.

Lee shrugged. "Hindi ko alam"

"Ayaw mo ba lumabas? Magpa-araw ka naman." pag-aya ni Vincent.

Dahil sa alok ni Vincent ay napatigil si Lee sa ginagawa niya. Tinitigan niya ang pinipinta bago ito lumingon sa direksiyon ng kanyang bintana. Halata sa mga mata ni Lee ang pag-aatubili.

"Sarah's home. She's asleep"

Nagtatakang tinignan ni Lee si Vincent sa kanyang sinabi. "Why are you saying that to me?"

Vincent gave a meaningful smile. "You're almost done, aren't you? Sarah's worried, you know."

Lee's eyes widened. "I'm not..."

"You're not?" Vincent tilted his head as if confirming what he have heard.

Alam ni Lee na walang katuturan kung magsisinungaling pa siya kay Vincent. Alam ni Vincent ang lahat. Mabilis lang din siya mabasa ng lalake.

"Hindi ako p'wedeng matapos, Vincent" kinakabahang sabi niya sa lalake na may halong pagmamakaawa sa tono ng boses niya.

Vincent frowned. "You're aware."

Mas lalong kinabahan si Lee. Halos matabig ng babae ang baso na naglalaman ng mga lapis at brush nang naglakad palapit si Vincent sa kanya.

Sinawsaw ni Vincent ang daliri niya sa red painting na nakapatong sa maliit na lalagyan kung saan malapit ito kay Lee. "Talagang mahilig ka sa kulay na pula, huh?"

Napabuntong hininga si Lee at nagpasalamat sa pag-iiba nito ng topic. "Gusto ko lang kung paano ito ka-bright. Sobrang attractive niya lang sa mata ko. Ikaw ba? Anong kulay ang gusto mo?"

"Black," mabilis na sagot ni Vincent bago niya dinilaan ang daliri nito para maalis ang pagkakulay red nito.

Napakunot ng noo si Lee. "Diba hindi naman kulay ang black?"

Nagkibit-balikat ito bago naglakad patungo sa kama ni Lee. "It is well known that black results from the ommission of light, however if it comes from an artist point of view, isn't black still considered as a color?"

Lee was left speechless. After a few seconds, she coughed. "Anyway, bukas na lang ako lalabas. Pagabi na rin, nakakatamad lumabas. Alam ko may bagong bukas na coffee shop malapit dito, doon na lang siguro ang mag-aalmusal bukas."

Tumango si Vincent sa sagot nito. "Oo nga pala, naalala mo ba 'yung nangyari noong nakaraang araw?"

"Nakaraang araw?"

Napaisip si Vincent sa naging reaksiyon ni Lee. "Iyong aksidente sa skating rink sa mall?" maingat na tanong ni Vincent habang mabuting pinagmamasdan ang babae.

"Huh? Kailan yan? Anong aksidente?" tanong ulit ni Lee na tila wala talaga itong ideya sa tinatanong ng lalake.

Sinuri ni Vincent ang mukha ng babae at sinigurado kung umaakto lang ba ito na walang alam o hindi. Ngunit mukhang totoong wala nga itong kaalam-alam. Nang mapatunayan ni Vincent ito ay ngumiti ito at umiling sa babae.

"Wala. Ipagpatuloy mo na lang 'yang ipinipinta mo." sabi nito bago tinignan ang bagong painting na ginagawa ni Lee.

Ang painting na iyon ay naglalaman ng isang batang babae kung saan bali ang mga paa ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com