05
Hinayaang bukas ni Lee ang bintana ng kwarto niya. Mula sa higaan niya ay tanaw na tanaw ang maliwanag na buwan. Kaya naman kahit patay na ang mga ilaw ay kapansin-pansin pa rin ang pagyakap ng lalake sa babae habang natutulog itong dalawa.
Maya-maya lang ay dinilat ng lalake ang mga mata niya. Sinilip niya kung mahimbing na natutulog na ba ang kayakap nitong babae. Napangisi ito bago hinawi ang iilang buhok na tumatakip sa mukha ng babae.
Pinagmasdan niya ito ng mabuti bago dumapo ang mga mata niya sa leeg nito na tila nang-aakit. Nilapit ni Vincent ang mga labi niya sa leeg ng babae atsaka itong dinilaan.
Sa ibang bahay naman kung saan nakatira ang pamilya nina Lee, mapapansin ang paghingal ng isang batang babae na tila kakagising lang mula sa bangungot. Matatanaw din mula mga bintana nito ang nagliliwanag na buwan, kung saan patunay na gabi pa.
Napahawak si Sarah sa kanyang mga dibdib upang pakalmahin ang sarili niya. Inikot niya ang mga mata sa buong kwarto at sinigurong walang tao.
"What was that...?" nagtataka at kinakabahang tanong ni Sarah. Hindi siya makasigurado kung bakit na lang ito biglang napabangon. Binangungot ba siya? Bakit sobrang bilis ng tibok ng puso niya? Bakit siya pinagpapawisan?
Sinubukang matulog ulit ni Sarah ngunit kahit anong gawin niyang pagpikit ay hindi ito makatulog. Wala itong nagawa kung hindi bumangon na lang at kumuha ng inumin sa kusina.
Halos mapatalon at mapasigaw ito nang makakita siya ng tao sa kusina. "Kuya!" tawag niya sa lalake nang makilala kung sino ito.
"Uh.. Hi?" nag-aalanganing bati ng lalake.
"Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah!"
Mahinang tumawa ang lalake. "Ikaw? Bakit gising ka?"
Ngumuso ito at nagdahilan, "Kukuha lang ako ng tubig. Tinakot mo ako! Kala ko walang tao dito sa kusina. Hindi mo ba kasama si ate Lee?"
Ngumiti ang lalake bago painosenteng tinanong pabalik ang bata, "Anong ibig mong sabihin?"
"A-ah..." nagdalawang isip si Sarah sa gusto niyang sabihin nang makita ang mga ngiti nito.
Lumapit si Vincent sa bata atsaka ginulo ang buhok nito. "Napadaan lang ako dito para sana bisitahin kayo ng pamilya niyo. Hindi ba masakit paa mo?"
Napayuko si Sarah sa mga paa nito nang tanungin siya ni Vincent. "Hindi naman?"
Tumango si Vincent. "Mabuti kung ganoon. Gusto ko lang din ipaalam na lalabas kami ng ate mo mamaya. Gusto mo ba sumama?"
Napakurap si Sarah. Gusto niya sanang tumango kaso napansin niyang kasama pala ang ate nito. Mapaglarong ngumisi si Sarah. "Enjoyin niyo na date niyo, kuya! Okay lang ako dito"
Napakunot ng noo si Vincent sa sinabi nito, pero hindi na niya pinilit pa ang bata. "O sige na, matulog ka pa pagbalik mo ng kwarto. 3 AM pa lang."
"Dito ka ba matutulog?" paninigurado ni Sarah.
"Oo. Doon siguro muna ako sa kwarto ng ate mo. Kukuha lang din ako ng mga gamit na kakailanganin niya," sagot ni Vincent.
Tumango si Sarah atsaka kumuha na ng maiinom. Pagkatapos nito ay dumiretso na ito sa kwarto niya pabalik. Bago niya ipikit ang mga mata nito ay napabangon ito muli. Lumabas ito ng kwarto at nadatnan niya ang lalake na nasa labas ng kwarto niya.
Napahawak sa dibdib si Sarah sa pagkagulat. "Anong ginagawa mo dito?"
"Papunta ako sa kwarto ng ate mo?"
Bumuga ng hangin si Sarah bago tumango. Nang kumalma na siya ay nginitian niya ang lalake. "Ipangkain niyo ako ah! Take out niyo ko ng masarap na pagkain!" paalala nito bago isara ulit ang pinto. Matapos niyang maghabilin sa lalake ay mahimbing na itong nakatulog ulit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com