Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

07


Biglang tumaas ang mga balahibo ni Lee nang mapagtanto niya kung saan siya dinala ni Vincent.

"Bakit tayo nandito?"

"Rhea will be visiting someone here," sagot ni Vincent na tila kilalang-kilala niya ang babae.

Kumunot ang noo ni Lee sa kanyang narinig. Parang pamilyar sa kanyang pandinig ang pangalan na binanggit ni Vincent.

"Paano mo nalaman pangalan niya? Kilala mo nga siya?"

Vincent stopped pretending and told her the truth, "It's Sarah's friend."

Lee was left speechless. A moment later, they saw Rhea walking inside the cemetery. They secretly followed her. They watched how Rhea kneeled down as she cried on the ground.

Sinubukan silipin ni Lee kung sino ang namatay ngunit hindi niya ito matanaw. Ilang oras ito nagtagal bago ito dumiretso sa bahay nito.

Nakapikit ang mga mata ni Vincent na tila mapayapang nagpapahinga. Habang si Lee naman ay hindi mapakali at gusto nang lumabas ng sasakyan para bisitahin ang babaeng nangangalang Rhea.

"Hey. Aren't we gonna follow her?"

"Why? You don't know her, Lee. Atsaka sinundan na natin siya. Andito tayo sa labas ng bahay niya. Ano pang gusto mong gawin natin?" nakapikit na tanong ni Vincent.

Hindi sumagot si Lee at nag-aalalang tinignan ang pinto ng bahay nina Rhea.

"Wait till midnight. You'll see the scene you've been waiting for," bulong ni Vincent.

Pagsapit ng hating-gabi, katulad ng sinabi ni Vincent, mayroon ngang nangyari sa bahay na kanina pa pinagmamasdan ni Lee.

May ambulansya at pulis na dumating dito, dahilan para kabahan si Lee. Inalog ni Lee ang katabi niyang si Vincent.

"What's going on? Bakit may mga pulis at ambulansya?"

Idinilat ni Vincent ang mga mata niya. Sumilip siya sa bintana ng sasakyan para makita kung ano ang tinutukoy ni Lee.

"Rhea died" pag-anunsyo ni Vincent kay Lee.

"What?" napatakip ng bibig si Lee sa kanyang narinig.

"Do you want to go near the scene?"

Tumango si Lee. Lumabas ang dalawa sa sasakyan. Hindi na inintindi ni Lee kung paano napagsang-ayon ni Vincent ang mga pulis at may-ari ng bahay para papasukin sila doon.

Hindi nagtagal ay nakita nila ang nakahilatay na si Rhea sa lapag. Mayroong tali na nakasabit sa kisame. Mabilis na nagkaroon ng konklusyon si Lee na nagsuicide nga ang babae.

"Lee," tawag ni Vincent sa kanya. Sa tono ng boses nito ay alam na niya kung ano ang sasabihin ng lalake. "Isa ulit sa mga pininta mo ang nagkatotoo"

"I don't know her," Lee reasoned out.

Tumango si Vincent upang ipahayag na naiintindihan niya ito. "You don't." pagkukumpirma niya.

Pumikit si Lee atsaka huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili.

"Is this what you want?" bulong ni Vincent sa tainga niya. Kasabay ng tanong ng lalake ay ang pagtulo ng luha ni Lee.

Sinalo ni Vincent ang walang malay na si Lee bago ito iuwi sa kanyang tinutuluyan. Inayos ni Vincent si Lee sa kama atsaka hinalikan ito sa noo.

"Sweet dreams," mahinang sabi ng lalake kay Lee bago ito naglakad palabas ng kwarto.

Sa isang gilid ng kwarto ni Lee, doon makikita ang pamilyar na pinta kung saan kaparehong-pareho ito sa pagkamatay ni Rhea.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com