Chapter 1
Tinignan ko ang aking repleksyon sa malaking salamin na nakalagay sa aking banyo. Basa nanaman ang gilid ng aking mga mata "Napanaginipan ko nanaman ang lalaking iyon. Nakakainis naman at wala akong matandaan pati na ang mukha niya" bulong ko sa aking sarili.
Parati nalang ganito sa tuwing gigising ako sa umaga, lagi nalang basa ang aking mga mata. Nakakaiyak ba ang aking panaginip kaya umiyak ako? Hays.
Ipiniling ko ang aking ulo. Hayaan ko nalang, isa lang naman itong panaginip.
Lumabas na ako sa aking banyo at kinuha ang aking cellphone. Makapaglaro nga muna ng Mobile Legends tutal ay maaga pa naman para sa unang klase ko.
"Azul!" rinig kong sigaw ni Mama mula sa baba.
"Kailangan nating umalis ng maaga anak. Mayroon akong importanteng meeting ngayong umaga!" napairap na lang ako, bad timing naman si Mama e!
"Azul, darling. Wag ka nang maglaro ng mga online games na iyan. Ang tanda mo na para diyan" pagbabawal sa akin ni Mama. Papunta na kami ngayon sa aking skwelahan.
"Mama, walang age limit pagdating sa paglalaro ng games." Sabi ko habang nakatingin sa screen ng cellphone ko.
"Ito ang dahilan kung bakit wala kang kaibigan e, mas nagfofocus ka pa diyan sa cellphone mo kesa sa nakikipagsocialize ka sa mga kamag aral mo." Napakamot nalang ako ng aking ulo.
"May kaibigan ako Mama, Si Sam" sabi ko, nakita ko namang umirap siya. Gosh really?
"Kaibigan mo na siya noon pa, ang gusto kong sabihin ay BAGONG kaibigan" sabi nito na pinakadiinan ang salitang bago.
Inoff ko na ang aking cellphone "Mama, hindi ko na po kailangan ng ibang kaibigan. Sam is enough. Atsaka mas gusto kong maglaro nalang ng mga onlines games sa cellphone kesa naman sa makihalibilo kung kani kano."
"Napakatigas talaga ng ulo mo Azul. Isang araw pagsisisihan mo din kung bakit hindi ka nakipagsalamuha sa ibang tao." Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Mama at binuksan ko nalang ulit ang aking cellphone.
-Xavier Academy
"Hindi ba't siya iyon?" tanong ng babae sa mga kasamahan nito. "Ang gamer ng Xavier Academy" tumango naman ang mga kasama niya.
"Sa pagkakaalam ko, wala pang nakakatalo sa kaniya sa kahit anong mobile games." Usisa ng isa.
"Eh ano naman ngayon? Mas gusto ko ng makihalubilo sa tao kesa naman sa gadget no?" natatawang sabi ng babae.
"Huwag ka ngang maingay baka marinig ka niya"
"Bulag kaba? Hindi mo ba nakikita na may suot siyang earphone?" sabi nito sabay irap sa kasama niya.
"Sa totoo lang wala namang may pakealam sa kaniya e. Para bang hindi siya nageexist sa skwelahang ito" natatawang sabi ng babae.
"Dapat nga ay pasalamat siya dahil pinaguusapan natin siya."
Ako ito, Si Nicollette Azul Adams, 18 years old. Nagaaral sa Xavier Academy. Mula pa noong bata ako ay hilig ko na talagang maglaro ng kahit anong mga games sa cellphone. Napapasaya kasi ako ng isang mobile games.
Mayroon akong isang kaibigan si Samantha Mendoza. Kaibigan ko siya since birth at siya rin ang head ng Cheerleading ng XA.
"Wala ba kayong ibang alam gawin kung hindi ang mangialam sa buhay ng may buhay?" bwiset na tanong ni Sam sa mga babaeng nagkukumpulan.
Well, Sam is always protective to me, pinagtatanggol niya ako lagi sa mga nambubully sa akin.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ang makihaluilo sa ibang tao. Ang weird diba? Pero yun na ang nakasanayan ko at yun ang ugali ko. Siguro nga ay ipinanganak na akong ganito.
Lumapit sa akin si Sam at mukhang irritable nanaman. Pinagpatuloy ko lang ang aking paglalaro sa aking cellphone "Hay nako, Azul, last year mo na sa Senior high school. Ganyan nalang ba lagi ang gagawin mo?" tanong nito.
Oo kahit nakalagay ang earphone sa aking tenga rinig ko pa rin siya dahil hindi naman ito gaanong malakas, Narinig ko din ang usapan ng mga babae tungkol sa akin pero pinili ko nalang na manahimik, wala naman akong mapapala kung papatulan ko sila besides totoo naman ang sinabi nila. Na parang hindi ako nageexist sa paaralang ito. I am just nobody.
"Sam, wag kang magulo malapit na akong manalo." Sabi ko habang nakatingin pa rin sa screen ng cellphone ko.
"Azul nagaalala na ako sayo. Hindi ka makakasurvive sa isang society kung hindi ka makikihalubilo sa iba at kung laging cellphone mo nalang ang hawak mo." Tumingin ako sa kaniya at tumawa ng mahina.
"Para ka talagang si Mama"
Naghiwalay nakami ni Sam pagkatapos non dahil mayroon pa siyang practice sa cheerleading.
Buti nalang at pinayagan ako ng aking teacher na pumunta sa clinic, sinabi ko na masakit ang aking ulo. Hindi ko talaga feel ang P.E class namin. Syempre kailangan kong makipagsocialize doon at ayaw ko naman iyon. Inilabas ko ang aking phone sa bulsa. Magseset nalang ako nang bagong record sa aking games.
"Bili nakayo ng mga antique! Bili nakayo ng mga antique!" sigaw ng babae, pero hindi ko na siya pinansin at patuloy lang ako sa aking paglalakad patungo sa clinic.
"Yung babaeng may hawak ng cellphone. Gusto mo bang tumingin tingin dito?" Ako ba ang tinutukoy niya? Huminto ako sa paglalakad at bumaling sa kaniya. Bakit ba kase mayroong nagtitinda ng ganiyan sa loob ng skwelahan, psh.
"Kung nakakaranas ka ng mga weird na panaginip, mayroon akong gamit na iyon para sa iyo" ano daw? Inoff ko na ang aking phone at lumapit sa kaniya.
"Hm tungkol sa panaginip.. hm anong ibig mong sabihin?" curious na tanong ko.
Ngumiti siya ng kaonti "So weird ba yung mga napapanaginipan mo?" tanong niya, tumango naman ako.
"Eto ang sayo" inabot niya sa akin ang isang necklace na may malaking hugis bilog na locket.
"Buksan mo iyan para malaman mo kung bakit nagkakaroon ka ng mga weird na panaginip"
"Okay, magkano ito?" tanong ko. Itinaas ko yung locket. Ang ganda ng disenyo nito. I love stars.
"Libre na lang sa iyo yan, total ikaw naman ang unang customer ko sa araw na ito." tumango ako sa kaniya at nagpasalamat.
Hindi ko maintindihan pero feeling ko may something sa locket na ito. Ewan ko ba
Habang naglalakad sa hallway hindi ko namalayan na may tumatakbo pala at nasagi ako dahilan para mapaupo ako sa sahig.
"I'm sorry, nasaktan ka ba? Nagmamadali kasi ako e" tinulungan naman akong tumayo nung lalaking nakasagi sa akin.
Yumuko ang lalaki at para bang may kinuha ito sa sahig "Sa iyo ata to" ipinakita niya sa akin ang locket at inabot ito sa akin.
Wait, familiar siya sa akin, nagkita na ba kami dati?
Flashback
"Napaka iyakin mo naman Azul! Wala ngayon rito si Samantha para tulungan ka!" Pangaasar nang tatlong bata sa kaniya. Patuloy lang siya sa pagiyak, natatakot siya sa mga oras na iyon.
"Bakit ba kasi nakipagkaibigan si Sam sa iyo, e ang pangit pangit mo naman" tukso ng isang bata.
"Leave her alone!" sigaw ng batang lalaki na kakadating lang, napatingin naman si Azul sa batang lalaki.
"At sino ka naman? Knight in Shining Armor?" tanong ng isang batang babae. Kumuha ng bato ang batang lalaki at itinaas ito na para bang ibabato ito sa kanila, agad namang nagsitakbuhan ang mga bata.
"Ayos ka lang ba?" tanong nito sa batang umiiyak. Tumango lang siya. "Ako pala si-"
End of Flashback
Omg! So siya yung batang lalaki na nagligtas sa akin sa mga batang bullies! Ang gwapo naman niya. Kailan pa siya nagenroll sa Academy? O baka naman matagal na siya dito hindi ko lang pansin dahil sobrang busy ko sa paglalaro sa aking cellphone?
"Familiar ka sa akin. Nagkita na ba tayo dati?" tanong niya sa akin. Gosh, natatandaan niya pa kaya ako? Natameme ako dun besh hindi ako makacompose ng salita, for sure nawiweirduhan na siya sa akin.
"So, see you around na lang. Late na talaga ako sa klase" pagkasabi niya non ay tumakbo na siya.
Sigurado naman ako na hindi mo na ako natatandaan, Zayn Martin. Tinignan ko ang locket na inabot sa akin ni Zayn, napansin ko na nakabukas na ito ng kaonti at mayroong nakaroll na maliit na papel sa loob nito.
"Ano ito?" kinuha ko ang papel saka binuksan ito. A Love Game App?
"DON'T LEAVE THIS GAME, IF YOU ALREADY START PLAYING IT"
Sa ilalim ng sulat na iyon ay may nakalagay na link. Link para sa game.
Mabilis kong tinype ang link na nakalagay sa maliit na papel at agad kong dinownload ang game na hindi iniisip ang nakasulat na 'Don't leave this game if you already start playing it'
WELCOME TO THE LOVE GAME
Read Instructions
Skip Instructions
Agad kong iniskip ang instructions na nakalagay dito, naeexcite ako sheeeet!
WELCOME TO XANDER HIGH
Click play to continue
Kinlick ko naman ang Continue button
Game is loading..
Please wait..................
-
Press the star icon down below 🤗
kbluescript
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com