Chapter 13
-Day 6
Ngayong araw ay ang fieldtrip kuno namin sa Xavier's Supernatural Club.
*ring ring
Inabot ko ang phone ko na nakapatong sa aking kama. Unknown number?
Azul: [Hello. Sino to?] tanong ko.
Mica: [Nicollette Azul Adams. Alam kong ikaw ang may gawa sa pagdrawing sa mukha ko! At pinost mo pa talaga?!] galit na sabi ng nasa kabilang linya. Oh si Mica pala.
Umirap ako sa hangin bago magsalita. Azul: [You deserved it Mica, Hindi ba't ikaw ang may kagagawan ng insidente sa birthday ni Zayn? Makinig ka. Mayroon akong video sa ginawa mo. Kapag pinakita ko ito sa mga pulis, paniguradong kulong ka!] pagbabanta ko sakaniya.
Mica: [Hahaha, its just a warning dear. At gusto ko lang sabihin na lumayo layo ka kay Zayn, dahil sa akin siya. Patikim palang iyon dear kung hindi mo sinunod ang sinabi ko mas malala pa ang gagawin ko sayo] aba? At siya a ngayon ang matapang? Lols.
Azul: [Subukan mo lang Mica, wag mong kakalimutan na mayroon akong ebidensya sa ginawa mo sa akin! At ayaw mo naman sigurong malaman ng buong Academy ito hindi ba? Tignan lang natin kung kaya mong harapin lahat ng mga consequences pagkatapos!] pagkasabi ko non ay pinatay ko na ang tawag. Nakakaimbyerna ang babaeng iyon! At saan niya galing ang number ko?
Anyways, may ilang minuto pa ako bago ko mabuksan ang game. Sa loob ng limang araw sa paglalaro ko ng Love game may mga teorya na nabubuo sa isip ko kung paano ito gumagana.
Una, kung anong nangyayari sa game nangyayari din sa buhay ko. Sa madaling salita, hindi ko kayang baguhin ang hinaharap... O kung ano ang mangyayari.
Pangalawa, ang game ay may 85% na pagkakatulad sa buhay ko. Oo nga't napapakita sa game ang nangyari at mangyayari pa lang, pero hindi sa lahat ng oras ay katulad siya sa buhay ko, meron ding pagkakaiba minsan.
At pangatlo, napansin ko din na paikli ng paikli ang pinapakita sa game habang lumilipas ang mga araw. Hindi na siya masyadong nagpapakita ng mga pangyayari.
Apat na araw at matatapos na ang game. Apat na araw na lang ang hinihintay ko.
Nagkita kita kaming lima sa tapat ng Xavier's Academy. Sabay kaming dalawa ni Dash na pumunta. "Masaya ako at nakapunta ka Azul" masayang sabi ni Lilac.
Ngumiti nalang ako. As if may choice ako diba?
Ang sasakyan ni River ang gagamitin namin sa 'fieldtrip daw' na sinasabi ni Lilac.
"Tara na!" excited na sabi ni Lilac at pumasok na sa van.
Biglang nagvibrate ang cellphone ko kaya binuksan ko ito.
The game is now unlocked. Binuksan ko ito at nilaro. Nakita ko kung anong mangyayari sa fieldtrip ngayon. My eyes widen. Gosh, h-hindi to pwedeng mangyari.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Dash na ngayon ay nasa tabi ko. Nasa may bandang bintana ako dahil gustong gusto kong nakikita ang mga tanawin kapag nagbbyahe. At para narin mawala sa isip ko ang mangyayari ngayong araw na ito.
"You look worried. May problema ba?" tanong niya muli. Nakatitig lang ako sakaniya, sasabihin ko ba? "Coco, natatandaan mo ba yung sinabi ko sayo nung isang araw?" Tumango ako. Waaaait? Ayan nanaman siya sa pagtawag ng Coco sa akin.
Ibinaling ko sa bintana ang aking paningin. "Kapag ready ka nang magopen, nandito lang ako." kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ramdam ko ang sinseridad at pagaalala sa boses niya.
Hays hindi mo maiintindihan Dash, isa ka rin sa misteryo na dumating sa buhay ko.
Titig na titig ako sa cellphone ko. Ngayong araw, may pinakitang dalawang mangyayari ang game. Mawawala ako sa kakahuyan at ....
Katapos ng tatlong oras na byahe ay nakarating din kami. Dala dala ni Dash ngayon ang mga gamit ko. Kinukuha ko ito sakaniya pero ayaw niyang ibigay kaya hinayaan ko nalang siya kesa naman sa magtalo kami. "Sa wakas! Nakarating din tayo sa destinasyon ng ating field trip!!" masiglang sabi ni Lilac. Hindi ba siya nawawalan ng enerhiya? Natawa nalang ako. Ang cute niya mwehehe.
"Welcome sa kagubatan ng Cypress!" ani Lilac.
Cypress? Wow. Meron palang ganitong gubat sa lugar na ito. Katulad sa akin mukhang namangha din sina Dash, River at Winter.
"Fieldtrip ba to o camping?" nakangiting tanong ni ni River.
"Kahit ano sa dalawa hehe" sabi ni Lilac na nakapeace sign. "May idea ako! Para naman mas maging maganda ang samahan natin sa club."
Nakangiti ng nakakaloka si Lilac. Goodness, feeling ko masama ito. "Let's do the dare game!" anito.
"Hindi ako sasali sa game!" sigaw ko. Nope, I'm not playing this stupid game.
"Wag ka namang Kj Azul" sita sa akin ni Lilac. "Sa game na ito, may magsisilbing king, at may kaniya kaniyang number ang bawat isa." bumaling siya sa aming dalawa ni Dash. "Dash, ikaw ang number 3, at Azul ikaw ang numbe-" "Sabi ko hindi ko lalaruin ang game na iyan!" hindi ko na maiwasang hindi sumigaw.
"Number 4 ka Azul. Makicooperate ka naman." naiinis na sabi ni Lilac. "This is just a simple game. Hindi ko magets kung bakit ayaw mong sumali." napairap nalang ako.
"Sa game na ito, kahit sino sa atin pwedeng maging King at utusin ang member. So magsisimula na tayo at ako ang King" ani Lilac.
Hinawakan ni Dash ang braso ko at humarap naman ako sakniya "May dahilan ba kung bakit ayaw mong laruin ang game?" nagaalala niyang tanong.
"Ahm-" nakataas ang kilay ni Dash at mukhang nahihintay ng sagot. Kinagat ko ang aking pang ibabang labi upang hindi ko masabi sa kaniya ang dahilan. Huminga ako ng malalim at ibinaling ko nalang at tingin ko kay Lilac.
"Number 1, buhatin mo si number 2 na parang pangkasal." tumango si Winter. And she did it. Binuhat niya si River na para bang ito ang pinaka magaang bagay na nabuhat niya. Woaah, hindi ko inaasahan iyon!
Lahat kami ay nakatunganga lang kay Winter. "Ikaw na ang King ngayon Winter, at ako ang number 1."
"Number 2, videohan mo si Number 1 habang sumasayaw ng weird na sayaw." napahawak si Lilac sa kaniyang mukha. Natawa naman kaming dalawa ni Dash. I need to see this! Haha
Itinaas ni Lilac ang kaniyang dalawang kamay at ipinagaspas niya ito na para bang isa siyang ibon.
Halos lahat kami ay sumakit ang tiyan sa kakatawa. Lilac is a good dancer! Hahaha
Nang matapos siya ay lumukot ang kaniyang mukha. "Happy?" anito na medyo nahihiya pa. "River, ikaw na ang king. At si Winter ang number 2."
Bumaling ang tatlo sa aming dalawa ni Dash. N-no, eto ba yung part na- "Number 3, I order you to kiss Number 4... on the lips" parehas kaming dalawa ni Dash na laglag panga. Is he serious right now?
"S-seryoso ka?" gulat na tanong ko kay River.
"Azul, its just a kiss. Saka hello, ang gwapo kaya ni Dash!" kinikilig na sabi ni Winter. Diba may boyfriend siya? Kumunot ang noo ko.
"P-pero wala pa akong first kiss, at ayaw ko naman na ang first ko ay mawawala lang sa ganitong paraan"
"Alam mo, pwede namang ako nalang Azul. I don't mind, and willing ako." ani Lilac.
Kasabi ni Lilac non, parang gusto ko ng magbagong isip. At bago pa ako makapag react. Dash is pressing his lips against mine. Ngumiti sa akin si Dash. "Done" sabi niya habang nakatitig sa akin.
Hindi man tumagal ng ilang segundo ang halik na iyon.
Eto ang unang pinakita sa game na mangyayari, kaya ayaw kong sumali sa game. Pero bakit parang nagustuhan ko?
-
A/n: Hala, gusto pala niya haha.
Keep safe everyone, try ko mag update bukas kapag may time akis. So yeah, I hope nagustuhan niyo ang chapter na to.
Don't forget to leave a comment and kindly press the star icon down below. 😘
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com